Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Pamilya ni Joseph Smith


“Ang Pamilya ni Joseph Smith,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Ang Pamilya ni Joseph Smith,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

1805–1817

3:22

Ang Pamilya ni Joseph Smith

Isang pamilyang may pananampalataya

Si Joseph Smith at ang kanyang pamilya na tulung-tulong na nagtatrabaho sa kanilang bukid.

Si Joseph Smith ay isinilang noong Disyembre 23, 1805, sa hilagang-silangang Estados Unidos. Ang kanyang ama ay Joseph din ang pangalan. Lucy ang pangalan ng kanyang ina. Marami siyang mga kapatid. Mga magsasaka ang pamilya ni Joseph. Naniniwala sila sa Diyos at nagmamahalan.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:3–4

Si Joseph Smith noong siya ay isang binatilyo. Ang kaliwang binti niya ay nakabenda. Nag-aalala sa kanya ang kanyang ina.

Noong bata pa si Joseph, nagkaroon siya ng sakit na naging dahilan ng problema sa kanyang binti. Napakasakit nito. Sinubukan ng pamilya ni Joseph na tulungan siyang gumaling, ngunit labis pa rin ang pagsakit ng kanyang binti. Sinubukan ng mga doktor na pagalingin ang kanyang binti, ngunit hindi nila ito nagawa.

Mga Banal, 1:8

Si Joseph Smith na nasa kama. Nakaluhod ang kapatid niya sa gilid ng kama. Ang kanyang ina na nakikipag-usap sa kanyang doktor sa gawing likuran.

Sinabi ng mga doktor na kailangan nilang putulin ang binti ni Joseph para mailigtas ang kanyang buhay. Pero hindi sila pinayagan ng kanyang ina. Tinanong niya kung may iba pang paraan para matulungan si Joseph. Nagpasya ang mga doktor na putulin na lamang ang isang bahagi ng buto sa kanyang binti. Alam ni Joseph na magiging masakit ito, ngunit naniniwala siya na tutulungan siya ng Diyos.

Mga Banal, 1:8

Ang doktor ni Joseph Smith na nag-aalok sa kanya ng alak para sa kanyang operasyon sa binti. Si Joseph na tumatanggi. Hinahawakan siya ng kanyang ama.

Gustong bigyan ng mga doktor si Joseph ng alak na maiinom para maging manhid siya sa sakit. Pero tumanggi si Joseph. Gusto lang niyang hawakan siya ng kanyang ama.

Mga Banal, 1:8

Ang ina ni Joseph Smith na lumalabas ng kwarto habang ang doktor ay naghahanda sa operasyon.

Pinalabas ni Joseph ang kanyang ina. Ayaw niyang makita siya nito na labis na nasasaktan habang hinihiwa ng mga doktor ang kanyang binti.

Isang doktor na nag-oopera sa binti ni Joseph Smith. Hinahawakan siya ng kanyang ama para magbigay ng suporta.

Hinawakan si Joseph ng kanyang ama habang pinuputol ng mga doktor ang masasamang bahagi ng buto sa kanyang binti. Sobrang sakit nito, ngunit tinulungan ng Diyos si Joseph na maging matapang. Makalipas ang ilang taon, gumaling ang binti ni Joseph, pero masakit pa rin itong ilakad.

Mga Banal, 1:7–8

Si Joseph Smith at ang kanyang pamilya sa New York. Ang kanilang trabaho ay pagkuha ng dagta sa mga puno ng maple.

Nang lumaki na si Joseph, lumipat ang kanyang pamilya sa estado ng New York. Mahirap ang pamilya ni Joseph. Nagsikap sila para magkaroon ng sapat na pagkain para sa kanilang pamilya. Mabait na bata si Joseph. Masaya siya at mahilig tumawa at magsaya.

Mga Banal, 1:7–10, 12

Ang pamilya ni Joseph Smith na mapayapang nakaupo nang sama-sama sa hapag-kainan.

Mahal ng pamilya ni Joseph si Jesucristo. Magkakasama silang nananalangin at nagbabasa ng Biblia. Ngunit hindi sigurado ang mga magulang ni Joseph kung saang simbahan sila dapat mapabilang. Isang gabi, nanalangin ang ina ni Joseph na si Lucy at sinabi sa Diyos na gusto niyang mahanap ang tunay na Simbahan ni Jesucristo. Sinagot ng Diyos ang kanyang panalangin at nangako na mahahanap niya ito.

Mga Banal, 1:11–12