“Ipinanumbalik ng mga Anghel ang Priesthood,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)
“Ipinanumbalik ng mga Anghel ang Priesthood,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan
1829
Ipinanumbalik ng mga Anghel ang Priesthood
Kapangyarihang gawin ang gawain ng Diyos
Habang isinasalin nina Joseph at Oliver ang mga laminang ginto, nalaman nila na nais ni Jesus na mabinyagan ang lahat. Pinagkalooban din Niya ng kapangyarihan ang mga tao na binyagan ang iba. Hindi pa nabibinyagan si Joseph. Ninais niyang maragdagan ang kaalaman tungkol sa binyag.
Joseph Smith—Kasaysayan 1:68; Mga Banal, 1:74–75
Napaisip sina Joseph at Oliver kung sino ang may kapangyarihang magbinyag ng mga tao ngayon. Nagpasya silang magtanong sa Diyos. Nagpunta sila sa kakahuyan at lumuhod para manalangin.
Joseph Smith—Kasaysayan 1:68; Mga Banal, 1:75–76
Habang sila ay nananalangin, isang anghel ang nagpakita. Sinabi niya na siya si Juan Bautista, na nagbinyag kay Jesucristo noong unang panahon. Ibinigay niya kina Joseph at Oliver ang Aaronic Priesthood. Ang priesthood ay kapangyarihan ng Diyos. Ginagamit ito upang pagpalain ang mga anak ng Diyos.
Doktrina at mga Tipan 13; Joseph Smith—Kasaysayan 1:69, 72; Mga Banal, 1:76–77
Sinabi ni Juan Bautista na ang isang taong may Aaronic Priesthood ay maaaring magturo sa mga tao na magsisi at magbinyag sa kanila. Sinabi ni Juan kina Joseph at Oliver na magpabinyag. Nagpunta sila sa isang ilog at bininyagan ang isa’t isa. Nang sila ay umahon mula sa tubig, sila ay napuspos ng Espiritu Santo. Masayang-masaya sila!
Joseph Smith—Kasaysayan 1:70–73
Kalaunan, dumating ang iba pang mga anghel. Tatlo sa mga Apostol ni Jesus—sina Pedro, Santiago, at Juan—ang nagbigay kina Joseph at Oliver ng Melchizedek Priesthood. Ngayon ay maibibigay na nina Joseph at Oliver ang kaloob na Espiritu Santo. Sina Joseph at Oliver ay naging mga Apostol din. Maaari nilang pamunuan ang Simbahan at maging espesyal na mga saksi ni Jesucristo.
Doktrina at mga Tipan 27:12; Mga Banal, 1:96