Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Sina Joseph at Emma


“Sina Joseph at Emma,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Sina Joseph at Emma,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

1825–1828

3:45

Sina Joseph at Emma

Nagtutulungan upang madala sa mundo ang Aklat ni Mormon

Si Emma Hale na nakaupo sa tabi ng ilog malapit sa kanyang tahanan.

Lumaki si Emma Hale sa isang malaking pamilya sa Pennsylvania, hindi kalayuan sa New York, kung saan nakatira si Joseph Smith. Si Emma at ang kanyang pamilya ay naniniwala sa Diyos. Si Emma ay mahilig magbasa, kumanta, sumakay ng kabayo, at magsagwan ng bangka sa ilog sa tabi ng kanyang tahanan.

Mga Banal, 1:36–38

Si Joseph Smith at ang kanyang ama na naglalakad malapit sa tahanan ni Emma Hale. Si Emma na nakadungaw sa bintana at napansin si Joseph.

Noong 21 taong gulang si Emma, nagtrabaho si Joseph Smith at ang kanyang ama sa isa sa mga kapitbahay ni Emma. Inanyayahan sila ng ama ni Emma na manuluyan sa kanyang tahanan.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:56–57; Mga Banal, 1:36–37

Sina Joseph at Emma na nag-uusap sa labas ng tahanan nina Emma. Nasa pintuan ang mga magulang ni Emma.

Nakilala nina Joseph at Emma ang isa’t isa. Gusto nilang magkasama. Ngunit ayaw ng mga magulang ni Emma kay Joseph. Hindi sila naniwala na may nakita siyang anghel.

Mga Banal, 1:37–38

Sina Emma at Joseph Smith na magkasamang nakasakay sa isang paragos na hila ng isang kabayo.

Pagkaraan ng mga isang taon, niyaya ni Joseph si Emma na pakasalan siya. Mahal nina Emma at Joseph ang bawat isa. Nagpakasal sila at tumira sa mga magulang ni Joseph sa New York.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:57–58; Mga Banal, 1:40–41

Sina Emma at Joseph Smith na nakasakay sa karwaheng hila ng isang kabayo papunta sa kakahuyan.

Apat na taon na ang lumipas mula nang sabihin ni Moroni kay Joseph ang tungkol sa mga laminang ginto. Nang dumating na ang tamang panahon, nagpunta sina Emma at Joseph sa burol kung saan nakatago ang mga lamina.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:59; Mga Banal, 1:43–44

Si Moroni na ibinibigay ang mga laminang ginto kay Joseph Smith.

Nakipagkita ang anghel na si Moroni kay Joseph sa burol at ibinigay sa kanya ang mga lamina. Sinabi niya kay Joseph na kung gagawin niya ang lahat para pangalagaan ang mga lamina, magiging ligtas ang mga ito.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:59; Mga Banal, 1:43

Si Joseph Smith na dala-dala ang mga laminang ginto. Isang lalaki ang humahabol sa kanya upang agawin ang mga lamina.

Nabalitaan ng mga taong na kay Joseph na ang mga laminang ginto, at sinubukan ng ilan sa kanila na nakawin ang mga lamina sa kanya. Kinailangan ni Joseph na maghanap ng mga lugar na pagtataguan ng mga ito. Habang bitbit ni Joseph ang mga lamina mula sa isang taguan sa kakahuyan, sinalakay siya ng ilang lalaki. Pinabagsak niya ang mga ito at tumakbo papunta sa tahanan ng kanyang mga magulang.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:60; Mga Banal, 1:43, 46–47

Si Joseph Smith na inuuwi ang mga laminang ginto at hinahayaang hawakan ng kanyang pamilya ang mga lamina.

Nang iniuwi ni Joseph ang mga lamina, tinulungan siya ng kanyang kapatid na babae na ilapag ang mga ito sa mesa. Sinabihan ni Moroni si Joseph na huwag hayaang makita ng sinuman ang mga lamina, ngunit maaaring salatin ng kanyang pamilya ang mga lamina habang nakabalot ang mga ito sa tela.

Mga Banal, 1:47–48

Sina Emma at Joseph na lumilipat sa bagong tahanan.

Gusto ng Diyos na isalin ni Joseph ang mga laminang ginto upang mabasa ito ng mga tao. Ngunit ang mga tao sa New York ay patuloy na nagsisikap na nakawin ang mga lamina. Kinailangan ni Joseph na patuloy na itago ang mga lamina upang mapanatiling ligtas ang mga ito. Kaya lumipat sina Joseph at Emma sa isang tahanang malapit sa mga magulang ni Emma. Umasa silang maisasasalin nila ang mga lamina nang payapa.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:61–62; Mga Banal, 1:49, 51–52

Si Joseph Smith na hinahalikan si Emma sa noo. Tinutulungan siya ni Emma na magsalin mula sa mga laminang ginto.

Sinimulan ni Joseph na isalin ang mga lamina. Gumamit siya ng mga espesyal na kasangkapan na inihanda ng Diyos para matulungan siya. Habang nagsasalin si Joseph, isinusulat ni Emma ang sinasabi niya. Maraming oras silang nagtulungan. Namangha si Emma. Alam niyang nagsasalin ang kanyang asawa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:35; Mga Banal, 1:56