Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Tinulungan ni Martin Harris si Joseph


“Tinulungan ni Martin Harris si Joseph,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Tinulungan ni Martin Harris si Joseph,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

1828–1829

4:39

Tinulungan ni Martin Harris si Joseph

Matutong magtiwala sa Panginoon

Binabati nina Martin Harris at ng kanyang asawa sina Joseph at Emma Smith.

Isang araw, habang nakatira sina Joseph at Emma sa Pennsylvania, bumisita sa kanila ang isang kaibigang nagngangalang Martin Harris. Si Martin ay may-ari ng isang malaking bukirin sa New York. Alam niya ang tungkol sa gawain ni Joseph sa mga laminang ginto. Natulungan na niya si Joseph noon, at ngayon ay gusto niyang malaman kung may magagawa pa siya para makatulong.

Mga Banal, 1:56

Isang close-up na larawan ni Martin Harris. Nakatayo siya sa kusina ng tahanan nina Joseph at Emma Smith.

Labis ang pasasalamat nina Joseph at Emma. Inakala ng marami na nagsisinungaling si Joseph. Mabuti na may kaibigang tulad ni Martin na naniniwalang totoo ang mga laminang ginto.

Mga Banal, 1:56

Sina Joseph at Emma Smith na nakatayo sa loob ng kanilang tahanan kasama si Martin Harris. Sina Joseph at Martin na hawak ang mga pahina ng isang manuskrito.

Habang isinasalin ni Joseph ang mga lamina, isinusulat ni Martin ang sinasabi niya. Tuwang-tuwa si Martin na tulungan ang Panginoon sa dakilang gawaing ito.

Mga Banal, 1:57–58

Nagtatalo sina Martin at Lucy Harris sa harap ng kanilang karwahe na hila ng kabayo.

Hindi natuwa ang asawa ni Martin na si Lucy. Hindi siya naniwala na talagang may mga laminang ginto si Joseph. Inakala niyang niloloko ni Joseph si Martin. Gusto niyang bumalik si Martin sa New York at itigil ang pagtulong kay Joseph.

Mga Banal, 1:56–58

Si Joseph Smith na may hawak na pahina ng manuskrito. Si Martin Harris na hinihiling kay Joseph na ipahiram ang manuskrito para ipakita sa kanyang asawa.

Pero patuloy pa rin si Martin sa pagtatrabaho kasama ni Joseph. Naisip niya na kung mababasa ni Lucy ang ginagawa nila, maniniwala rin siya. Tinanong niya si Joseph kung maaari niyang dalhin ang mga pahinang isinalin nila sa New York upang ipakita sa kanyang asawa. Sinabi ni Joseph na ipagdarasal niya at itatanong ito sa Diyos.

Mga Banal, 1:57–58

Si Joseph Smith na nagdarasal para magtanong sa Diyos kung maaaring ipahiram kay Martin Harris ang manuskrito.

Sinabi ng Panginoon kay Joseph na huwag payagang dalhin ni Martin ang mga pahina. Hiniling ni Martin kay Joseph na magdasal muli. Nanalangin si Joseph at gayon din ang sagot. Pero gusto talagang ipakita ni Martin sa asawa niya ang mga pahina, at gustong tulungan ni Joseph ang kaibigan niya. Nanalangin si Joseph sa ikatlong pagkakataon. Sa pagkakataong ito sinabi ng Diyos kay Joseph na maaari niyang pagpasiyahan kung ano ang gagawin niya.

Mga Banal, 1:58–59

Si Martin Harris na hawak ang mga pahina ng manuskrito. Si Joseph Smith sa background na mukhang nag-aalala.

Sinabi ni Joseph kay Martin na maaari niyang dalhin ang mga pahina sa New York, ngunit maaari lamang niyang ipakita ang mga ito sa ilang miyembro ng pamilya. At kailangan niyang ibalik ang mga pahina sa loob ng dalawang linggo. Pumayag naman si Martin at umalis na dala ang mga pahina.

Mga Banal, 1:59

Nakaluhod si Joseph Smith sa puntod ng kanyang yumaong sanggol.

Habang wala si Martin, isinilang ang sanggol nina Joseph at Emma. Pero namatay ang sanggol, at nagkasakit si Emma. Masyadong nalungkot sina Emma at Joseph.

Mga Banal, 1:59

Yakap-yakap ni Joseph Smith si Emma.

Nag-alala si Joseph kay Emma. Nag-alala rin siya kay Martin. Lumipas na ang dalawang linggo, at hindi pa bumabalik si Martin. Nag-alala rin si Emma.

Mga Banal, 1:59–60

Si Martin Harris na nakaupo sa isang mesa, at nakikipag-usap kay Joseph Smith at sa kanyang mga magulang.

Sinabi ni Emma kay Joseph na pumunta sa New York para hanapin si Martin. Natagpuan ni Joseph si Martin sa tahanan ng kanyang mga magulang. Nang tanungin ni Joseph si Martin tungkol sa mga pahina, nalungkot nang husto si Martin. Sinabi niya na nawala ang mga pahina. Naghanap siya kung saan-saan ngunit hindi niya makita ang mga ito.

Mga Banal, 1:60–61

Yakap-yakap ni Emma Smith si Joseph Smith.

Labis na nalungkot at natakot si Joseph. Alam niyang mali siya sa pagpayag na dalhin ni Martin ang mga pahina. Bumalik siya sa tahanan at sinabi kay Emma ang nangyari. Dumating ang anghel na si Moroni at binawi ang mga laminang ginto. Sinabi niya na kung magpapakumbaba si Joseph at magsisisi, makukuha niya ang mga lamina at muling makapagsasalin.

Doktrina at mga Tipan 3:5–11; 10:1–3; Mga Banal, 1:61–62

Si Joseph Smith na nakaluhod sa tabi ng kanyang kama, humihingi ng tawad sa Diyos.

Sa loob ng maraming linggo, inisip ni Joseph ang kamaliang nagawa niya. Nagdasal at humingi siya ng kapatawaran. Pinatawad siya ng Diyos. Sinabi Niya kay Joseph na ang mga pahina ay ninakaw ng mga taong nagsisikap na pigilan ang gawain ng Diyos. Ngunit walang sinuman ang makapipigil sa gawain ng Diyos. May plano ang Diyos para magpatuloy ang Kanyang gawain.

Doktrina at mga Tipan 3:1–10; Mga Banal, 1:62–63

Sina Joseph at Emma Smith na nakikipag-usap kay Martin Harris. Si Joseph na nakikipag-kamay kay Martin Harris.

Muling ibinigay ni Moroni ang mga lamina kay Joseph. Sinabi ng Diyos kina Joseph at Martin na kung sila ay magpapakumbaba at magtitiwala sa Kanya, maaari silang patuloy na tumulong sa Kanyang gawain sa maraming paraan. Makatutulong sila na madala ang Aklat ni Mormon sa mundo. Ang aklat na ito ay tutulong sa mga tao sa lahat ng dako na magsisi at maniwala kay Jesucristo.

Doktrina at mga Tipan 3:16–20; 5:21–35; Mga Banal, 1:65–66