Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Binisita ng Anghel na si Moroni si Joseph Smith


“Binisita ng Anghel na si Moroni si Joseph Smith,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Binisita ng Anghel na si Moroni si Joseph Smith,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

1823

2:29

Binisita ng Anghel na si Moroni si Joseph Smith

Nalaman ang tungkol sa isang sagradong aklat

Si Joseph Smith na nakadungaw sa bintana ng kanyang tahanan.

Lumipas ang tatlong taon magmula noong Unang Pangitain ni Joseph Smith. Masama ang pakiramdam ni Joseph sa ilang pagkakamaling nagawa niya mula noon. Inisip niya kung ano ang iniisip ng Diyos tungkol sa kanya.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:28–29; Mga Banal, 1:23–24

Si Joseph Smith na nananalangin sa tabi ng kanyang higaan.

Isang gabi, nang tulog na ang lahat, nagpasiya si Joseph na manalangin. Sinagot ng Diyos ang kanyang mga panalangin noon, at alam ni Joseph na sasagutin Niya siyang muli.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:29; Mga Banal, 1:24–25

Nagpakita si Moroni kay Joseph Smith.

Habang nagdarasal si Joseph, napuno ng liwanag ang silid. Nakita ni Joseph ang isang anghel na nakatayo sa hangin sa tabi ng kanyang higaan. Sinabi ng anghel na ang pangalan niya ay Moroni. Isinugo siya ng Diyos. Sinabi niya na pinatawad na ng Diyos si Joseph at may gawain ang Diyos para sa kanya. Malalaman ng mga tao sa buong mundo ang tungkol kay Joseph at sa gawaing ibinigay sa kanya ng Diyos.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:30–33

Sinasabi ni Moroni kay Joseph Smith ang tungkol sa isang aklat na gawa sa mga laminang ginto.

Sinabi ni Moroni na may aklat na gawa sa mga pahinang ginto, o mga lamina. Ibinaon ito sa isang burol malapit sa tahanan ni Joseph. Ang aklat ay tungkol sa mga taong nanirahan sa Amerika noong unang panahon. Alam nila ang tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Sinabi ni Moroni na tutulungan ng Diyos si Joseph na isalin ang aklat para mabasa ito ng mga tao.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:34, 46

Kinakausap ni Joseph Smith ang kanyang ama tungkol sa pagbisita ni Moroni.

Tatlong beses bumisita si Moroni noong gabing iyon at muli kinabukasan. Sinabi ni Joseph sa kanyang ama ang kanyang nakita. Masaya ang ama ni Joseph. “Ito ay pangitain mula sa Diyos,” sabi niya kay Joseph.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:35–50; Mga Banal, 1:25–28

Nakita ni Joseph Smith ang mga laminang ginto sa ilalim ng isang bato.

Pumunta si Joseph sa burol at natagpuan ang mga laminang ginto sa ilalim ng isang mabigat na bato. Habang inaabot niya ang mga ito, naisip niya kung magkano ang halaga nito. Dumating si Moroni at sinabi kay Joseph na hindi pa siya handang kunin ang mga lamina. Sinabi niya kay Joseph na bumalik sa lugar na ito taun-taon hanggang sa handa na siya.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:51–54; Mga Banal, 1:28–31