Pornograpiya
Mahal pa rin ba ako ng Diyos?


“Mahal pa rin ba ako ng Diyos?” Tulong para sa Akin (2021)

“Mahal pa rin ba ako ng Diyos?” Tulong para sa Akin

Larawan
lalaking nakaupo na nag-iisip

Mahal pa rin ba ako ng Diyos?

Ang pagmamahal ng Diyos sa iyo ay walang hanggan. Mamahalin ka Niya magpakailanman.1 Marahil ay umabot ka na sa puntong nararamdaman mo na tila wala talagang magmamahal sa iyo kung kilala nila ang “totoong” ikaw. Marahil pakiramdam mo ay hindi ka karapat-dapat sa tulong ng sinuman at sa awa ng Diyos. Marami pang tao ang nakadarama nang ganito. Ang kanilang mensahe: hindi ka nag-iisa, at posibleng mabago mo ang paraan ng pagtingin mo sa iyong sarili.

Maaaring madaling mabitag sa paulit-ulit na paggamit ng pornograpiya at pagpapahiya sa iyong sarili. Gayunman, ikaw ay anak ng Diyos, at walang hanggan ang kahalagahan mo. Matutulungan ka ni Jesucristo at ng Kanyang Pagbabayad-sala. Kapag nagkakamali ka, hindi ibig sabihin nito na masama kang tao. Tulad ng itinuro ni Elder Dale G. Renlund, mas mahalaga sa Diyos kung ano ang magiging kahihinatnan natin kaysa sa mga pagkakamaling nagawa natin noon.2

Print