Pornograpiya
Buod para sa mga Indibiduwal


“Buod para sa mga Indibiduwal,” Tulong para sa Akin (2021)

“Buod para sa mga Indibiduwal,” Tulong para sa Akin

Larawan
mga magulang kasama ang dalawang anak

Buod para sa mga Indibiduwal

Normal at nakatutulong ang magkaroon ng seksuwal na kaisipan at damdamin. Kapag ang mga kaisipan at damdaming ito ay naipahahayag nang angkop sa pagmamahalan ng mag-asawa, ang pag-iisa ng mag-asawa ay nagiging “kabuuan at pag-iisang inorden at inilarawan ng Diyos.”1 Ang pornograpiya ay malakas at mapangwasak na kasangkapan na makapagpapahina at makapipinsala sa pag-iisang ito at nagpapadama ng kawalang-pag-asa, pagtataksil, at trauma.2

Ngunit hindi mo kailangang harapin nang mag-isa ang problemang ito. Maaari kang humingi ng tulong at payo mula sa mga propesyonal at mga taong malapit sa iyo. Makahahanap ka rin ng pag-asa at lakas sa ebanghelyo ni Jesucristo. Tulad ng itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson, tutulungan ka ni Jesucristo kapag bumaling ka sa Kanya.3

Print