“Paano ako makapagpaplano na tumigil sa panonood ng pornograpiya?” Tulong para sa Akin (2021)
“Paano ako makapagpaplano na tumigil sa panonood ng pornograpiya?” Tulong para sa Akin
Paano ako makapagpaplano na tumigil sa panonood ng pornograpiya?
Itinuro ni Pangulong M. Russell Ballard, “Ang ilan ay nahihirapang makita ang pagkakaiba ng mithiin at ng plano hanggang sa matutuhan nila na ang mithiin ay isang destinasyon o patutunguhan, samantalang ang plano ay ang ruta kung paano kayo makakarating doon.”1 Ang pagtatakda ng mithiin na tumigil sa panonood ng pornograpiya at magsisi ay nangangailangan ng maingat na pagpaplano.
Pagtugon sa mga Kabiguan at Paghihirap
Sa pagsisimula mo sa landas tungo sa pagbabago ng iyong pag-uugali, malamang na makaranas ka ng mga kabiguan at paghihirap. Ngunit habang nakararanas ka ng mga kabiguan, maaari kang matuto at maging mas malakas. Ang susi ay huwag sumuko at huwag itigil ang iyong mga plano dahil lamang sa nagkakamali ka o hindi nangyayari ang mga inaasahan mo.
Kung hindi ka sigurado kung paano gagawa ng plano na epektibo sa iyo, maaari kang humingi ng tulong sa Panginoon, at gagabayan ka Niya sa mga taong makatutulong sa iyo na magplano at gumawa ng mga pagbabago.
Kumilos
-
Isiping humingi ng payo sa pamilya, mga kaibigan, support group, mental health professional, medical professional, at sa iba pa na maaaring makatulong.
-
Maghanap ng mga aklat o artikulo tungkol sa mga paksang maaaring nakaaapekto sa iyo.
-
Pag-aralan ang mga halimbawa ng mga tao sa mga banal na kasulatan na nalagpasan ang mga pagsubok. Ano ang matututuhan mo sa kanila?
-
Isipin kung ano ang magagawa mo para maayos ang nasirang ugnayan. Sa magandang ugnayan, ang magpartner ay inaasahang hindi manonood ng pornograpiya. Ano ang maaari mong gawin para maibalik ang tiwalang nawala?