“Bakit patuloy itong nangyayari?” Tulong para sa Akin (2021)
“Bakit patuloy itong nangyayari?” Tulong para sa Akin
Bakit patuloy itong nangyayari?
Maaaring masumpungan mo ang iyong sarili na hindi makaahon at hindi maipaliwanag kung bakit ka paulit-ulit na bumabalik sa pornogrpiya. Marahil ay sinubukan mo na ang iba’t ibang solusyon. Maaari pa ngang nakasulong ka na nang kaunti nang ilang panahon, ngunit nasusumpungan mo pa rin ang iyong sarili na bumabalik sa pornograpiya.
Ang pagiging tapat sa iyong sarili at sa iba tungkol sa paggamit mo ng pornograpiya ay tutulong sa iyo na sumulong sa iyong paglalakbay tungo sa pagbabago. Ang isang paraan para magawa ito ay ang pag-isipang mabuti ang mga trigger o mga sitwasyong nag-uudyok sa iyo. Ang trigger ay isang bagay o sitwasyong lumilikha ng pangangailangan o pagnanasa na gumamit ng pornograpiya. Halimbawa, may mga taong nagnanasang manood ng pornograpiya matapos nilang maramdamang sila ay binalewala, hindi mahalaga, o hindi minamahal.
Mag-ukol ng ilang minuto para pag-isipan at isulat ang mga trigger na maaaring naging dahilan para gumamit ka ng pornograpiya noon. Maaari mong idagdag sa iyong listahan ang iba pang mga ideyang maiisip mo. Kabilang sa ilang halimbawa ng mga trigger ay:
Mga internal trigger:
-
Galit
-
Dalamhati o depresyon
-
Pakiramdam na hindi minamahal
-
Stress
-
Pagkabagot
-
Sobrang pagkabalisa
-
Kalungkutan
-
Mababang pagpapahalaga sa sarili o pakiramdam na hindi konektado sa Diyos
-
Post-traumatic stress o pag-alaala sa mga pang-aabusong nangyari noon
Mga external trigger:
-
Problema sa ugnayan
-
Problema sa pera
-
Mga problema sa pamilya
-
Partikular na oras ng araw o gabi
-
Mga pagbabago sa buhay na hindi inaasahan
-
Paggamit ng ipinagbabawal na sangkap
-
Di-inaasahang pagkalantad sa sexual stimulus
-
Mga kaibigan o kultural na kapaligiran
Kapag handa ka na, rebyuhin ang bawat trigger na isinulat. Makokonekta mo ba ang trigger na ito sa isang partikular na pagkakataon noon kung saan bumaling ka sa pornograpiya para mapanatag o malibang? Makatutukoy ka ba ng anumang pattern sa pag-uugali mo noon? Kung ikaw ay nalagay muli sa gayon ding sitwasyon, ano ang bagay na babaguhin mo? Halimbawa, sa halip na bumaling sa pornograpiya, may mapagkakatiwalaan ka bang kaibigan, kapamilya, o counselor na maaari mong kontakin? Maaari mo siyang kausapin tungkol sa nadarama mo, o magkuwento ka lang. Kabilang sa iba pang mga ideya ang pisikal na aktibidad, pakikinig sa musika, pagsusulat sa journal o pagbabasa ng aklat, o paglilingkod sa iba.
Ang prosesong ito ay maaaring maging hakbang tungo sa pagpapalaya sa iyong sarili mula sa mga pag-uugaling nasa iyo noon. Maaaring noon ay hindi mo naisip kung kailan at bakit ka bumaling sa pornograpiya. Maaaring nabigyang-katwiran mo ang iyong pag-uugali o sinisi ang ibang tao, lugar, o bagay. Ngunit ngayon ay maaari ka nang maging responsable sa iyong mga kilos, bagama’t kailangan mong aminin ang masasakit, nakahihiya, o mahihirap na pangyayari. Ang pagiging tapat sa iyong sarili at sa iba tungkol sa paggamit mo ng pornograpiya ay magbubukas din sa iyong puso sa pagtanggap ng tulong mula sa iyong Ama sa Langit at sa Tagapagligtas at ihahanda kang tuklasin ang mga kabatirang hahantong sa pagsisisi at paggaling.
Kumilos
-
Suriin ang ilan sa mga naiisip mo tungkol sa iyong sarili. Alin sa mga naiisip mong ito ang nakaayon sa mga katotohanan ng ebanghelyo? Alin sa mga naiisip mong ito ang maaaring hindi totoo?
-
Talakayin ang mabuting seksuwal na pag-uugali sa iyong asawa, mga magulang, o sa tamang tao na sumusuporta sa iyo. Maaari ding makatulong na kausapin ang isang mental health o medical professional na kapareho mo ng mga pinahahalagahan.
-
Kung may asawa ka, kausapin ang iyong asawa tungkol sa nararanasan niya dahil sa paggamit mo ng pornograpiya. Maaaring mahalaga at kapaki-pakinabang sa iyo at sa iyong asawa na ibahagi sa isa’t isa ang nadarama ninyo.