“2. Organisasyon at mga Aktibidad ng mga Service Missionary,” Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo—Mga Service Mission (2021)
“2. Organisasyon at mga Aktibidad ng mga Service Missionary,” Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo—Mga Service Mission
2
Organisasyon at mga Aktibidad ng mga Service Missionary
2.0
Pambungad
Sinabi ng Panginoon, “Isaayos ang inyong sarili at italaga sa bawat [lalaki at babae] ang kanyang pangangasiwaan” (Doktrina at mga Tipan 104:11). Ang bahaging ito ng mga pamantayan ng missionary ay naglalarawan sa organisasyon ng service mission. Ipinaliliwanag din nito kung paano mo pinakamainam na mapaglilingkuran ang ibang tao nang may dalisay na pag-ibig ni Cristo habang nakikibahagi ka sa mga gawain at aktibidad ng service mission (tingnan sa Moroni 7:44–47).
Ang katagang mga missionary leader ay tumutukoy sa mga missionary na may mga tungkulin sa pamumuno, tulad ng mga district leader at sister leader. Ang katagang mga service mission leader ay tumutukoy sa mga lider na may responsibilidad sa araw-araw para sa iyo at sa iba pang mga missionary sa inyong area (tingnan sa 2.1.1).
Sa hanbuk na ito, ang mga katagang stake president, bishop, stake, at ward ay angkop din sa mga district president, branch president, district, at branch.
2.1
Pamunuan ng Service Mission
Ang iyong pinakamahalagang responsibilidad, anuman ang iyong tungkulin sa pamumuno, ay maging tapat at masigasig na missionary. Pagpapalain ka kapag sinunod mo ang payo ng iyong mga lider at kapag bumuo ka ng ugnayan sa kanila nang may pagmamahal.
2.1.1
Mga Service Mission Leader
Pinagpapala ng Panginoon ang Kanyang mga missionary sa pamamagitan ng pagtawag ng isang service mission couple para pamunuan sila. Ang iyong mga service mission leader ay magkasamang naglilingkod bilang mga lider sa ilalim ng pamamahala ng mga lokal na priesthood leader. Sila ay tinawag ng Diyos at sine-set apart upang pamunuan ang mga service missionary sa inyong area. Mahal ka nila, naglilingkod sila sa iyo, at tutulungan ka nila na matupad ang iyong layunin bilang missionary. Sa pakikipagtulungan sa iyong stake president, tumutulong sila sa pagtukoy ng mga oportunidad sa paglilingkod para sa iyo. Tumutulong sila sa pagbuo ng customized missionary schedule at mga assignment para sa iyo. Sila rin ay:
-
Regular na nakikipag-ugnayan at nag-iinterbyu sa iyo.
-
Inaalam at sinusuportahan ang iyong progreso.
-
Nagbibigay ng suporta at panghihikayat sa iyo.
-
Nakikinig sa iyong mga alalahanin, sumasagot sa iyong mga katanungan, at nagbibigay ng payo.
-
Gumagamit ng inspirasyon at paghahayag upang matulungan kang magtagumpay bilang missionary.
Sa kabuuan, sila ay may responsibilidad sa pang-araw-araw na pakikipagtulungan sa iyo upang magkaroon ka ng karanasan sa misyon na magpapabago sa buhay mo.
Kapag iinterbyuhin ka ng mga service mission leader, maaari mong anyayahan ang iyong mga magulang o isang on-site support missionary na samahan ka. Ang iyong desisyong anyayahan ang iba na samahan ka ay hindi nakababawas sa pagmamahal, malasakit, o paghanga sa iyo ng mga service mission leader.
2.1.2
Stake President
Dahil ikaw ay miyembro ng isang stake, ang iyong stake president ang may responsibilidad sa priesthood para sa iyo. Sa pakikipagtulungan sa mga service mission leader, itinatakda niya kung anu-ano ang aasahan sa iyong espirituwalidad at pag-uugali habang ikaw ay nasa misyon at siya ang nag-aapruba ng isang customized na karanasan sa misyon para sa iyong paglilingkod.
Ang iyong stake president ang may responsibilidad para sa mga interbyu sa pagiging karapat-dapat. Tinitiyak niya na sinusunod mo ang mga pamantayan ng service mission. Sa pagsangguni sa mga service mission leader, nirerebyu niya ang iyong iskedyul at mga assignment. Pagkatapos ng iyong misyon, ire-release ka niya at pasasalamatan ka sa iyong paglilingkod bilang missionary.
Sa ilang pagkakataon, magiging mahirap para sa stake president na makipagkita sa iyo nang regular dahil sa distansya. Kung ganito ang sitwasyon, maaari niyang atasan ang isang stake specialist o isang priesthood leader na makipagtulungan sa mga service mission leader para suportahan ka at tumulong sa pagtiyak na magkakaroon ka ng karanasan sa misyon na magpapabago sa buhay mo.
2.1.3
Organisasyon ng Pamunuan ng Service Mission
Ang inyong mga service mission leader ay tumatanggap ng inspirasyon at paghahayag sa pag-oorganisa ng gawain. Maaari nilang atasan ang ilang missionary na maging mga lider sa service missionary area (tulad ng mga district leader o sister leader). Maaari ka ring atasang mamuno o magbigay ng training sa iyong assignment sa mga operasyon ng Simbahan o sa komunidad.
2.1.4
Mga Responsibilidad ng mga Missionary Leader
Ang mga missionary leader, tulad ng lahat ng missionary, ay sumusunod sa tagubilin ni Jesucristo na “[pag]lingkuran [ang Diyos] nang buong puso, kakayahan, pag-iisip at lakas,” at “[inaalala] ang pananampalataya, karangalan, kaalaman, kahinahunan, tiyaga, kabaitang pangkapatid, kabanalan, pag-ibig sa kapwa-tao, kababaang-loob, sigasig” (Doktrina at mga Tipan 4:2, 6). Ang mga tungkulin sa pamumuno ay hindi nagpapahiwatig ng espesyal na pagkilala o promosyon, at hindi rin ito nagpapakita ng kahalagahan ng isang missionary.
Ang mga missionary leader ay may responsibilidad na:
-
Magpakita ng halimbawa ayon sa mga pamantayan ng pag-uugali ng missionary (tingnan sa kabanata 3).
-
Sa tagubilin ng mga service mission leader, tumulong sa pagsasanay ng iba pang mga missionary.
-
Mahalin at kaibiganin ang iba pang mga missionary.
-
Tulungan ang ibang missionary na maunawaan ang kahalagahan ng kanilang mga pagsisikap.
-
Pakinggan ang mga alalahanin ng ibang mga missionary at ibahagi ang mga pangangailangan sa mga service mission leader.
-
Mag-report sa mga service mission leader tungkol sa kanilang mga tungkulin sa pamumuno.
-
Sa ilalim ng pamamahala ng mga service mission leader, tumulong sa pag-oorganisa at pangangasiwa sa mga kumperensya, miting, at aktibidad.
Tulad ng lahat ng missionary, dapat mamuno nang katulad ni Cristo ang mga elder at sister na may mga tungkulin sa pamumuno. Kung ang ugali ng sinumang missionary, kabilang ang mga missionary leader, ay tila hindi naaayon sa mga kautusan at pamantayan ng missionary, sabihin ito sa iyong mga service mission leader lamang, at hindi sa ibang mga missionary, magulang, o kaibigan.
2.1.5
Personal na mga Responsibilidad
“[Tuparin ang iyong] mga tungkulin sa Panginoon,” (Jacob 1:19), maging self-reliant sa espirituwal, at “kumilos para sa [iyong] sarili” (2 Nephi 2:16) sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Panginoon at pagsunod sa Espiritu.
Kapag may mga tanong o problema ka:
-
Sundin ang turo na “pag-aralan ito sa iyong isipan; pagkatapos … itanong mo sa akin kung ito ay tama” (Doktrina at mga Tipan 9:8).
-
Humingi ng patnubay sa pamamagitan ng personal na paghahayag; panalangin; at pag-aaral ng mga banal na kasulatan (lalo na ang Aklat ni Mormon), mga turo ng mga buhay na propeta, at mga pamantayan ng service missionary.
Kausapin ang iyong bishop o stake president para sa mga isyung tungkol sa pagiging karapat-dapat. Kausapin ang iyong mga service mission leader tungkol sa mga problemang kailangan ng agarang pansin, tulad ng pananakit, pang-aabuso, o iba pang mga problema.
Maaaring may mga pagkakataon sa iyong misyon na nahihirapan kang magtuon sa iyong service assignment dahil sa mga kasalukuyang problema, mga problemang personal o sa pamilya, o maging sa mga karanasan mo noon. Huwag mag-atubiling ibahagi ang iyong mga alalahanin sa iyong mga service mission leader.
Alalahanin ang paanyaya ng Tagapagligtas: “Isaalang-alang ako sa bawat pag-iisip; huwag mag-alinlangan, huwag matakot. Masdan ang sugat na tumagos sa aking tagiliran, at gayon din ang bakas ng mga pako sa aking mga kamay at paa; maging matapat, sundin ang aking mga kautusan, at inyong mamamana ang kaharian ng langit. Amen” (Doktrina at mga Tipan 6:36–37).
2.2
Paglilingkod nang Magkakasama
Paminsan-minsan, maaari kang atasang maglingkod kasama ng ibang service missionary sa iisang lugar. Bilang mga missionary na magkakasamang naglilingkod, kayo ay dapat:
-
Magkaisa sa gawain at maglingkod na tulad ng gagawin ng Tagapagligtas.
-
Suportahan ang espirituwal, emosyonal, at pisikal na kapakanan ng isa’t isa.
-
Alalahanin ang kaligtasan ng isa’t isa habang naglilingkod nang magkakasama.
-
Managot sa bawat isa sa pagsunod sa mga pamantayan ng service missionary.
2.2.1
Mga Magkompanyon
Ang mga service mission leader ay maaaring bigyan ng kompanyon ang mga missionary upang mapagbuti ang planado at organisadong pag-aaral ng ebanghelyo at pakikipag-ugnayan sa ibang tao habang ikaw ay nasa misyon. Maaaring magtalaga ng mga magkompanyon mula sa magkaibang service missionary area, sa mga service location, o para sa mga espesyal na service activity.
Palaging tandaan ang mga sumusunod habang nakikipag-ugnayan ka sa ibang mga service missionary:
-
Mahalin, igalang, at palakasin ang ibang mga missionary.
-
Maging mapagkumbaba at tukuyin ang mga kakayahan ng bawat isa.
-
Pakitunguhan ang iba na tulad ng nais mong maging pakikitungo sa iyo.
-
Iwasan ang pamimintas at pakikipagtalo, at hanapin ang kabutihan sa ibang mga missionary.
-
Iwasang magsalita nang hindi maganda tungkol sa isa’t isa sa ibang mga service missionary, mga miyembro ng Simbahan, o sa iyong pamilya at mga kaibigan.
Kung may napansin kang anumang di-angkop na mga sitwasyon o ugali, sabihin ito sa iyong mga service mission leader.
2.3
Mga Meeting, Kumperensya, at Council
Bilang mga missionary, nagsasanggunian kayo kapag nagbibigay at tumatanggap kayo ng training at kapag nagpaplano at nagko-coordinate ng inyong paglilingkod. Ang mga miting, kumperensya, at council ay dapat nag-aanyaya ng Espiritu ng Panginoon at dapat maging isang pagkakataon para makatanggap ng paghahayag (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 6:32). Ang pagtitipon ng mga missionary ay magbibigay sa inyo ng pagkakataon na suportahan ang isa’t isa at magkakasamang magsaya (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 43:8; 50:22).
Ang mga miting na inoorganisa ng mga missionary leader, sa ilalim ng pamamahala ng mga service mission leader, ay kinabibilangan ng:
-
Regular na mga district meeting
-
Lingguhan o buwanang mga miting
-
Mga kumperensya
-
Mga leadership council
2.4
Mga Assignment at Iskedyul
Maging tapat at masigasig sa pagsunod sa iyong mga assignment at iskedyul bilang missionary.
2.4.1
Mga Customized Assignment
Ikaw ay tinawag ng Panginoon na maging missionary. Ikaw ay inatasang maglingkod sa isang customized na misyon na sadyang pinili para sa iyong mga talento, kasanayan, at mga kaloob. Sa panahon ng iyong misyon, ikaw ay maaaring maglingkod sa iba’t ibang assignment, kabilang na ang inaprubahang mga organisasyong pangkawanggawa, mga operasyon ng Simbahan, mga templo, at mga paglilingkod na itinalaga ng stake.
Maaari kang maglingkod sa mahigit sa isang lugar sa loob ng isang linggo. Sa bawat lugar, ikaw ay marereport sa isang supervisor na siyang magbibigay sayo ng training, mga kagamitan, at suporta na kailangan mo para magampanan mo ang iyong mga responsibilidad. Pumunta sa lugar ng assignment mo sa takdang oras at maghandang maglingkod nang mabuti. Maging mapagkakatiwalaan at maaasahan. Maingat at lubos na sundin ang mga tagubilin mula sa iyong mga supervisor. Gawin ang lahat ng makakaya mo para makatulong sa gawain sa makabuluhang mga paraan. Maging maganda at nakasisiglang impluwensya sa mga pinaglilingkuran at nakakasama mo. Maging maingat sa pagtatrabaho, at palaging maghanap ng mga paraan para mas bumuti pa.
2.4.2
Mga Assignment Transfer
Sa pagsangguni ng iyong stake president at mga service mission leader sa isa’t isa, maaari nilang baguhin ang iyong mga service assignment sa panahon ng iyong paglilingkod bilang missionary.
2.4.3
Pang-araw-araw na Iskedyul
Sa pagsangguni ng iyong stake president at mga service mission leader sa isa’t isa, at pagsangguni sa iyo, sila ay lilikha ng isang pang-araw-araw na iskedyul mo bilang missionary. Ang iyong stake president ang mag-aapruba sa iskedyul. Maaaring kasama sa iskedyul na ito ang mga gawain at aktibidad para sa iyong pag-unlad sa sumusunod na mga aspeto:
-
Espirituwal
-
Pakikipagkapwa
-
Pisikal
-
Intelektuwal
Maging tapat sa pagsunod sa iyong pang-araw-araw na iskedyul bilang missionary. Ito ay maghahatid sa iyo ng higit na pag-unlad, kagalakan, at mga espirituwal na pagpapala habang ikaw ay naglilingkod bilang missionary.
Maaaring kabilang sa iyong pang-araw-araw na iskedyul ang:
-
Pagtatakda at pagrerebyu ng iyong mga mithiin bilang service missionary.
-
Paghahanda para sa at pagkumpleto ng iyong mga assignment sa bawat araw.
-
Pag-aaral ng mga banal na kasulatan (lalo na ang Aklat ni Mormon), mga turo ng mga buhay na propeta at apostol, Pag-adjust sa Buhay-Missionary, mga bahagi ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo na may kinalaman sa iyo, at iba pang inaprubahang mga sanggunian. (Tingnan sa 2.4.5.)
2.4.4
Halimbawa ng Iskedyul sa Araw-araw
Kasama ang iyong mga lider at magulang o tagapag-alaga, gumawa ng nakasulat na pangkalahatang iskedyul. Isama ang iyong oras sa mga assignment at ang mga oras kung saan gagamitin mo ang iyong kalayaang pumili para tukuyin kung paano ka maglilingkod, magsisikap na mas bumuti, at kikilos para umunlad (tinatawag na “agency hours”). Rebyuhin at sundin ang iyong plano araw-araw.
Ang iskedyul sa araw-araw para sa iyong misyon ay maaaring katulad ng sumusunod na halimbawa.
Umaga: | |
[oras ng simula] |
Gumising at manalangin. |
[oras ng simula] |
Mag-ehersisyo sa loob ng 30 minuto. (Sumangguni sa iyong health care professional kung ano ang pinakamainam para sa iyong pisikal na kalusugan at kalagayan.) |
[oras ng simula] |
Maligo, mag-almusal, at kumpletuhin ang paghahanda para sa buong araw. |
[oras ng simula] |
Makibahagi sa isang debosyonal o pag-aaral ng ebanghelyo. |
[oras ng simula] |
Pumunta sa iyong assignment sa takdang oras. (Kung mayroon, dumalo sa isang prayer meeting o debosyonal bago ang iyong paglilingkod.) |
Tanghali: | |
[oras ng simula] |
Kumain ng tanghalian. |
[oras ng simula] |
Maglingkod sa iyong assignment hanggang sa matapos ang nakatakdang oras. |
Gabi: | |
[oras ng simula] |
Kumain ng hapunan. |
[oras ng simula] |
Sundin ang iyong plano para sa mga personal na aktibidad na nasa iyong pang-araw-araw na iskedyul. Dapat kabilang dito ang isang oras na personal na pag-aaral ng ebanghelyo. Maaaring kabilang dito ang pagdalo sa templo, mga klase sa institute, mga YSA activity, at mga gawain sa pamilya. |
[oras ng simula] |
Itala sa iyong journal ang iyong mga nadarama at mga espesyal na karanasan. |
[oras ng simula] |
Maghandang matulog. Manalangin at matulog. |
Kahit na hindi ka naglilingkod sa iyong service assignment, ikaw ay missionary pa rin. Ang iyong pag-uugali, isipan, at kilos ay dapat ipakita ang iyong katayuan bilang missionary.
2.4.5
Pag-aaral Kasama ang Iba Pang mga Service Missionary
Kung maaari, mag-aral kasama ang isa pang service missionary. Maaaring italaga sa iyo ang isang tao ng iyong mga service mission leader. Ang pag-aaral na ito kasama ang isang partner ay maaaring gawin nang personal o online.
Magtuon sa mga banal na kasulatan (lalo na sa Aklat ni Mormon), mga turo ng mga buhay na propeta, Pag-adjust sa Buhay-Missionary mga bahagi ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo na may kinalaman sa iyo, at ang mga pamantayan ng service mission. Ang inaprubahang mga sanggunian o resource na ito ay magpapatibay sa iyong kaalaman at patotoo tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo at tutulong sa iyo na maghanda sa pagtugon sa mga pangangailangan ng iyong mga pinaglilingkuran.
2.5
Mga Kaganapan, Aktibidad, at Paghahanda sa Labas ng mga Service Assignment
Maaaring kabilang sa iskedyul mo bilang missionary ang oras sa isang linggo para matugunan ang iyong mga personal na pangangailangan at paghahanda, tulad ng mga gawaing bahay, pagpunta sa doktor, oras para sa pamilya, at paglilibang. Maaaring itong tumagal nang isang buong araw, o bahagi ng isang araw. “Isaayos ang inyong sarili; ihanda ang lahat ng kinakailangang bagay, at magtayo ng isang bahay, maging … isang bahay ng kaayusan” (Doktrina at mga Tipan 109:8).
Mangyaring tandaan ang napapanahong babala ng Panginoon: “huwag kang tumakbo nang mas mabilis o gumawa nang labis kaysa sa iyong lakas” (Doktrina at mga Tipan 10:4), at “magpahinga sa inyong higaan nang maaga, upang kayo ay hindi mapagal; gumising nang maaga, upang ang inyong mga katawan at inyong mga isip ay mabigyang-lakas” (Doktrina at mga Tipan 88:124). Ang paglalaan ng oras para magpahinga at maihanda ang iyong sarili ay tutulong sa iyo na mapanatili ang iyong kakayahang paglingkuran ang ibang tao.
2.6
Mga Aktibidad sa Araw ng Sabbath
Magplano ng mga aktibidad as araw ng Sabbath na tutulong sa iyo na matupad ang iyong layunin bilang missionary na tulungan ang iba na lumapit kay Cristo sa pamamagitan ng paglilingkod sa kanila na tulad ng gagawin ng Tagapagligtas. Tandaan ang mga turo ng Panginoon tungkol sa araw ng Sabbath sa Doktrina at mga Tipan 59:13–19.
Sa pakikipagtulungan sa iyong mga service mission leader, ang iyong mga lokal na priesthood leader ay maaaring magbigay sa iyo ng calling sa ward o stake na hindi nakasasagabal sa iyong iskedyul o mga mission assignment. Maaari ka ring maglingkod bilang ministering brother o ministering sister.
2.7
Paglilingkod sa Komunidad
Ang isang paraan para matuto kang maging disipulo ni Jesucristo ay sa pamamagitan ng paglilingkod tulad ng ginawa Niya. Ang iyong mga service mission leader ay tutulong sa pagtukoy ng mga oportunidad para makapaglingkod ka sa ibang tao sa komunidad, “upang inyong malaman na kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos” (Mosias 2:17).
Dapat kang maglingkod nang may tapat na hangaring tulungan ang iba nang walang inaasahang kapalit. Tandaan na hindi ka tinawag upang ituro ang ebanghelyo gamit ang iyong mga salita. Sa pamamagitan ng iyong halimbawa ng paglilingkod na tulad ng kay Cristo, ipinapakita mo ang iyong pagmamahal sa Diyos. Huwag magbahagi ng mensahe ng ebanghelyo habang ikaw ay naglilingkod sa mga organisasyong pangkawanggawa.
Ang ilang mga assignment ay nangangailangan ng karagdagang training o pangangasiwa. Maliban kung ang organisasyong pangkawanggawa kung saan ka naglilingkod ay nagsumite ng partikular na training plan sa iyong mga service mission leader, hindi ka dapat makibahagi sa alinman sa sumusunod na mga ipinagbabawal na aktibidad:
-
Pakikisalamuha sa mga bata o mga vulnerable adult
-
Pagpapaandar ng mga makina, kagamitan, o sasakyan
-
Paghawak ng pera o mamahaling gamit
-
Pagbibigay ng propesyonal na opinyon