Seminary
1 Tesalonica 4–5


1 Tesalonica 4–5

Ang Panahon na Si Cristo ay Babalik sa Lupa

“He Comes Again to Rule and Reign” by Mary R. Sauer. Jesus Christ is descending to Earth at his Second Coming. There are men, women, and children surrounding him. He is wearing a red robe and is looking down at those who are gathering.

Ano ang mga tanong o saloobin mo kapag iniisip mo ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo? Sa kanyang unang sulat sa mga taga Tesalonica, kabanata 4–5, itinuro ni Apostol Pablo ang mahahalagang detalye tungkol sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas at kung paano tayo magiging handa para rito. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang maunawaan kung ano ang mangyayari at kung paano mo paghahandaan ang panahon na babalik si Jesucristo sa lupa.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano kaya ang mangyayari kapag muling pumarito ang Tagapagligtas. Ipasagot sa kanila ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal o sa isang papel: Ano ang nagpapasabik sa iyo tungkol sa Ikalawang Pagparito? Ano ang nagpapakaba sa iyo?

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga Tanong tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

Magpakita ng isang larawan na nagpapakita ng Ikalawang Pagparito ni Jesucristo, tulad ng nasa simula ng lesson. Maaaring ipaalala sa mga estudyante ang aktibidad sa paghahanda ng estudyante habang tinatalakay ang mga sumusunod na tanong.

  • Ano ang ilang bagay na alam mo tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?

  • Ano ang ilang bagay na hindi mo alam?

Ang bahaging ito ng lesson ay hindi ginawa upang talakayin ang lahat ng alam ng mga estudyante o sagutin ang lahat ng tanong nila tungkol sa Ikalawang Pagparito. Sa halip, ito ay upang tulungan sila na makaugnay sa mga Banal sa Tesalonica, na nakaunawa ng ilang bagay ngunit may mga tanong tungkol sa iba pang mga bagay.

May mga tanong din ang mga Banal sa Tesalonica tungkol sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Batay sa mga turo ni Pablo sa mga kabanatang ito, maaaring nagtanong sila ng mga tanong tulad ng, “Kailan mabubuhay na mag-uli ang ating mga mahal sa buhay na namatay na?,” “Kailan magaganap ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?,” o “Paano natin maihahanda ang ating sarili para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?” Siguro ay nagkaroon ka rin ng mga ganitong tanong. Ang mga sumusunod na aktibidad sa pag-aaral ay sasagot sa mga tanong na ito.

Layunin ng mga sumusunod na aktibidad sa pag-aaral na tulungan ang mga estudyante na pag-aralan at ipaliwanag ang mga turo ni Pablo sa mga taga Tesalonica tungkol sa Ikalawang Pagparito.

Color Handouts Icon

Ang isang paraan upang magawa ito ay pagpartner-partnerin ang mga estudyante o hatiin sa maliliit na grupo at bigyan ang bawat grupo ng isa sa mga sumusunod na handout na sama-samang pag-aaralan at tatalakayin. Pagkatapos ay maaaring hilingin sa isang indibiduwal mula sa bawat grupo na ibahagi sa klase ang maikling buod ng natutuhan ng grupo mula sa kanilang pag-aaral.

Bilang alternatibo, maaaring igrupo ang mga estudyante nang tigtatatlo, kung saan itatalaga sa bawat estudyante ang ibang handout na gagawin nang mag-isa. Pagkatapos ay maaaring ibuod ng bawat estudyante sa grupo ang natutuhan nila para sa iba pang miyembro ng kanilang grupo.

Maaaring gamitin ng mga estudyante ang likod ng papel upang isulat ang kanilang mga sagot.

Aktibidad sa Pag-aaral 1: Ano ang mangyayari sa mga buhay at sa mga patay sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?

Basahin ang 1 Tesalonica 4:13–18 , at maghanap ng mga impormasyon tungkol sa kung ano ang mangyayari sa mabubuti kapag muling pumarito si Jesus. Tandaan ang pagkakaiba ng mangyayari sa mga namatay na at sa mga nabubuhay pa sa Ikalawang Pagparito. (Ang salitang “natutulog” sa mga talatang ito ay tumutukoy sa mga patay.)

  • Ano ang mahalaga para sa iyo sa mga talatang ito?

Pagkatapos, basahin ang Doktrina at mga Tipan 88:96–98 , at maghanap ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga pangyayaring ito. (Maaari mo ring basahin ang talata 99–101 upang malaman kung ano ang mangyayari sa mga taong hindi tumanggap kay Jesucristo sa buhay na ito.)

  • Anong mga karagdagang impormasyon ang nalaman mo?

Ang isang katotohanan na maaaring natukoy mo ay ang matatapat na Banal na namatay bago ang Ikalawang Pagparito ay mabubuhay na mag-uli kapag muling pumarito si Cristo.

Ang katagang “aagawin” ( 1 Tesalonica 4:17) ay tumutukoy sa mabubuti na nagsama-sama upang salubungin ang Tagapagligtas sa Kanyang pagparito.

Ibinahagi ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga sumusunod tungkol sa sagradong pangyayaring ito:

15:1
Official portrait of Elder Neil L. Andersen of the Quorum of the Twelve Apostles, 2010, August.

Walang nagpapasigla sa hangarin kong mas banggitin si Cristo kaysa sa isaisip ang Kanyang pagbabalik. Bagama’t hindi natin alam kung kailan Siya paparito, magiging kamangha-mangha ang mga kaganapan ng Kanyang pagbabalik! Darating Siya sa mga ulap ng langit na may kamahalan at kaluwalhatian kasama ang lahat ng Kanyang banal na mga anghel. Hindi lamang ilang anghel kundi lahat ng Kanyang banal na mga anghel. Hindi ito ang mga querubin na mamula-mula ang pisngi na ipininta ni Raphael, na matatagpuan sa ating mga Valentine card. Ito ang mga anghel ng maraming siglo, mga anghel na isinugo upang isara ang bibig ng mga leon, buksan ang pintuan ng mga bilangguan, ibalita ang pinakahihintay na Kanyang pagsilang, aliwin Siya sa Getsemani, bigyang-katiyakan ang Kanyang mga disipulo sa Kanyang Pag-akyat sa Langit, at buksan ang maluwalhating Pagpapanumbalik ng ebanghelyo.

Naiisip ba ninyong umakyat [sa langit] upang salubungin Siya, sa buhay na ito o sa kabilang buhay? Iyan ang pangako Niya sa mga matwid. Magiging malaking impluwensya ang karanasang ito sa ating kaluluwa magpakailanman.

(Neil L. Andersen, “Nangungusap Tayo tungkol kay Cristo,” Liahona, Nob. 2020, 91)

Maglaan ng kaunting oras upang isipin kung ano kaya ang pakiramdam ng mapabilang sa mabubuti sa pagparito ng Tagapagligtas.

  • Ano ang maiisip o madarama mo sa araw na iyon? Ano ang pakiramdam na alam mong nais ng Tagapagligtas na sumama ka sa Kanya sa Kanyang pagparito? Paano nakaiimpluwensya sa iyo ngayon ang pag-iisip sa mga mangyayari sa araw na iyon sa hinaharap?

Sa 1 Tesalonica 4:18 , hinikayat ni Pablo ang mga Banal na “mag-aliwan kayo sa isa’t isa ng mga salitang ito.”

  • Paano ka napapanatag ng mga turo ni Pablo? Paano makapagbibigay ang mga ito ng kapanatagan sa mga sitwasyon sa hinaharap na maaari mong kaharapin?

New Testament Seminary Teacher Manaul - 2023

Aktibidad sa Pag-aaral 2: Kailan magaganap ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?

Naisip mo na ba kung kailan magaganap ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo o kung magiging handa ka? Malamang na gayon din ang mga tanong ng mga Banal sa Tesalonica.

Basahin ang 1 Tesalonica 5:1–3 at hanapin ang mga metaporang ginamit ni Pablo upang ilarawan ang panahon na babalik si Jesus sa lupa.

  • Ano ang nahanap mo?

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng mga metapora ni Pablo tungkol sa magnanakaw sa gabi at sa babaeng nanganganak tungkol sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas?

Basahin ang 1 Tesalonica 5:4–6 at alamin ang mga katotohanang itinuro ni Pablo tungkol sa pagiging handa sa Ikalawang Pagparito. Ikumpara ang mga turong ito sa Doktrina at mga Tipan 106:4–5 .

  • Anong mga impormasyon ang nalaman mo?

Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa mga turo ni Pablo ay kung sisikapin nating maging “mga anak ng liwanag” sa pamamagitan ng pagsunod kay Jesucristo, magiging handa tayo sa Kanyang muling pagparito.

Upang malaman pa ang tungkol sa iba’t ibang paraan na inaanyayahan tayo ng Panginoon na maging mga anak ng liwanag, basahin ang 3 Nephi 18:24 ; Doktrina at mga Tipan 50:23–25 ; 88:67–68 . Ilista sa iyong study journal ang malalaman mo na makatutulong sa iyo na maunawaan kung paano maging anak ng liwanag.

  • Paano mo inaanyayahan ang liwanag ng Panginoon sa iyong buhay? Paano mo maaanyayahan ang higit pang liwanag Niya sa iyong buhay?

New Testament Seminary Teacher Manaul - 2023

Aktibidad sa Pag-aaral 3: Paano natin maihahanda ang ating sarili para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?

Tinapos ni Pablo ang kanyang unang sulat sa mga taga Tesalonica sa pamamagitan ng pagbibigay ng payo tungkol sa kung paano magiging mas handa ang mga Banal na humarap sa Tagapagligtas sa Kanyang Ikalawang Pagparito.

Basahin ang 1 Tesalonica 5:14–22 at tingnan kung anong mga kaalaman ang matatamo mo tungkol sa pagiging handa. Maging bukas sa mga ideya tungkol sa kung aling mga turo ang maaaring makatulong sa iyo.

  • Alin sa mga turong ito ang pinakamakabuluhan sa iyo? Bakit?

Maghanap ng isa o dalawang banal na kasulatan na tumutulong na palalimin ang iyong pag-unawa sa turong pinili mo. (Maaari mong hanapin ang isang paksa sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan upang matulungan kang makahanap ng nauugnay na banal na kasulatan.)

  • Paano ka tinulungan o tutulungan ni Jesucristo na maging handa sa Kanyang Ikalawang Pagparito? Ano ang matututuhan mo tungkol sa Kanya mula rito?

New Testament Seminary Teacher Manaul - 2023

Pag-isipan ang mga katotohanang natutuhan mo ngayon at ang nadama mo na mga dapat mong gawin na makatutulong sa iyo na maging mas handa at sabik na makaharap muli ang Tagapagligtas. Isulat ang mga maiisip mo sa iyong study journal.

Magpatotoo tungkol sa mga pagpapalang dumarating kapag gumagawa tayo ng mga simple ngunit makabuluhang hakbang patungo sa pagiging handa sa muling pagparito ni Cristo sa lupa.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

1 Tesalonica 5:2 . Paano maihahambing ang panahon ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas sa magnanakaw sa gabi?

Ipinaliwanag ni Elder Bruce R. McConkie (1915–85) ng Korum ng Labindalawang Apostol na ang magnanakaw sa gabi ay karaniwang dumarating “nang hindi inaasahan at walang babala” (Doctrinal New Testament Commentary [1973], 3:54). Ipinahihiwatig ng analohiyang ito na darating ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas bilang sorpresa sa ilan.

1 Tesalonica 5:21 . Ano ang ibig sabihin ni Pablo sa “subukin ninyo ang lahat ng mga bagay; panghawakan ninyo ang mabuti”?

Inanyayahan ni Pablo ang mga Banal sa Tesalonica na “subukin ninyo ang lahat ng mga bagay”—na nangangahulugang suriin o subukin ang mga ito upang maunawaan kung mabuti o masama ang mga ito—at “panghawakan ninyo ang mabuti.” Bilang mga miyembro ng Simbahan, tinuturuan tayo hindi lang upang matutuhan ang ebanghelyo, kundi upang pagnilayan ito, magdasal tungkol dito, at sa huli ay maunawaan ito (tingnan sa 3 Nephi 17:1–3 ; Doktrina at mga Tipan 68:25–26). Pagkatapos ay kailangan nating manangan nang matatag at tapat sa kabutihang nauunawaan natin.

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

1 Tesalonica 4:11–12 ; 2 Tesalonica 3:10–11 . Ang kahalagahan ng pagtatrabaho

Kung makatutulong sa mga estudyante ang pagtalakay sa kahalagahan ng pagtatrabaho, maaari mong gamitin ang mga sumusunod:

Sabihin sa mga estudyante na ilarawan ang pinakamahirap na trabahong nagawa nila. Bakit ito mahirap? Anong halaga ang naging resulta ng paggawa nito?

Sabihin sa mga estudyante na basahin ang 1 Tesalonica 4:11–12 at 2 Tesalonica 3:10–11 , at alamin ang itinuro ni Pablo tungkol sa pagtatrabaho. Hayaang ibahagi ng mga estudyante ang kanilang mga nalaman. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung paano nila napahalagahan ang kahalagahan ng pagtatrabaho.

Maaari ding sabihin sa mga estudyante na basahin at talakayin ang bahaging “Pagtatrabaho at Pag-asa sa Sariling Kakayahan” ng buklet na Para sa Lakas ng mga Kabataan ([2011], 40–41).

Itanong sa mga estudyante kung paano makatutulong sa kanila ang pagiging masipag na manggagawa na maging katulad ng Tagapagligtas.

1 Tesalonica 5:11–22 . Alternatibong ideya sa pagtuturo

Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isang parirala mula sa mga talatang ito (halimbawa, “Magalak kayong lagi” [ talata 16 ]) at magsulat ng isang post sa social media o gumawa ng isang meme na may ganitong pamagat. Maaaring isama ng mga estudyante ang kanilang mga saloobin kung bakit mahalaga para sa kanila ang pariralang ito at kung paano ito makatutulong sa isang tao na mas mapalapit kay Jesucristo at maging mas handa sa Kanyang pagparito.