Seminary
I-assess ang Iyong Pagkatuto 10


I-assess ang Iyong Pagkatuto 10

Galacia–2 Tesalonica

A young man dressed in New Testament era armor with a sword and shield.

Layunin ng lesson na ito na tulungan kang suriin ang mga mithiing itinakda mo at ang pansariling pag-unlad na naranasan mo sa iyong pag-aaral ng Bagong Tipan. 

Pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng mga estudyante. Ang bawat estudyante ay may kakayahang mag-ambag sa ikatututo ng iba. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na kapag nakikibahagi sila sa klase, maaari silang magkaroon ng positibong epekto sa iba. Hikayatin ang mga estudyante na makinig nang mabuti kapag nagsasalita ang mga kaklase nila at tumugon sa mga komento ng isa’t isa. Ang bawat estudyante ay nakapagbibigay ng natatanging pananaw sa klase na maaaring magpala sa iba pang estudyante.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga mithiing itinakda nila nang pag-aralan nila ang Galacia hanggang 2 Tesalonica. Sabihin sa kanila na pumasok na handang magbahagi ng pag-unlad nila at mga balakid na naranasan nila habang nagsisikap silang makamit ang mga mithiing iyon.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang iyong espirituwal na pag-unlad

Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na i-assess ang mga mithiing itinakda nila, ang kanilang kakayahang ipaliwanag ang mga turo sa Bagong Tipan, o kung paano nagbabago ang kanilang mga pag-uugali, hangarin, at kakayahang ipamuhay ang ebanghelyo. Ang pag-aaral ng klase ng Galacia–2 Tesalonica ay maaaring nagbigay-diin sa mga katotohanan bukod pa sa mga nasa mga sumusunod na aktibidad. Kung gayon, maaaring iangkop ang mga aktibidad upang maisama ang mga katotohanang iyon.

Mag-isip ng isang kakayahan, talento, o katangian na pinagbubuti mo na nangangailangan ng regular at tuloy-tuloy na pagsisikap.

  • Ano ang naghihikayat sa iyo na maglaan ng oras at pagsisikap na kinakailangan upang humusay?

  • Habang nagsusumikap kang umunlad, ano ang inaasahan mong mangyayari na tutulong sa iyo na malaman na makabuluhan ang iyong mga pagsisikap?

Marami tayong pagkakataon sa ating panahon sa mundo na magsikap na maging higit na katulad ng Tagapagligtas, na naghahanda sa atin na makabalik sa piling Niya at ng ating Ama sa Langit. Makatutulong na suriin paminsan-minsan ang ating pag-unlad at gawin ang anumang kinakailangang pagbabago.

Layunin ng lesson na ito na bigyan ka ng mga pagkakataong suriin ang iyong espirituwal na pag-unlad. Magkakaroon ka ng pagkakataong i-assess ang natutuhan mo sa ngayon mula sa Bagong Tipan at i-assess ang iyong pag-unlad na nauugnay sa mga mithiing maaaring itinakda mo dahil sa natutuhan mo.

Pag-isipan sandali ang pag-aaral mo kamakailan ng Bagong Tipan at ang mga ginawa mo dahil sa mga natutuhan mo. Maaari mong rebyuhin ang isinulat mo sa iyong journal o ang minarkahan mo kamakailan sa iyong mga banal na kasulatan upang matukoy ang mga mithiing itinakda mo at ang mga impresyong natanggap mo.

Maaaring isulat ng mga estudyante sa kanilang journal ang kanilang mga saloobin. Kapag nagkaroon na ng sapat na oras ang mga estudyante, ipabahagi sa kanila ang isinulat nila. Ang mga sumusunod na tanong ay maaaring makatulong sa mga estudyante na malaman kung ano ang ibabahagi.

  • Ano ang natutuhan mo mula sa Bagong Tipan na nakatulong sa iyo na mas mapalapit kay Jesucristo?

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa Kanya mula sa Bagong Tipan na pinakamahalaga para sa iyo?

Kung magbabahagi ang mga estudyante ng mahahalagang karanasan sa pag-aaral na naiiba sa mga nakalista sa ibaba, maglaan ng oras upang tulungan silang ma-assess ang natutuhan nila at kung paano sila umunlad dahil sa kanilang mga karanasan. Kung hindi, gamitin ang isa o ang lahat ng sumusunod na aktibidad.

Aktibidad A: Pagpapaliwanag ng Malawakang Apostasiya at ng Pagpapanumbalik

An old 1946 Chevy

Tingnan ang dalawang larawang ito, at pag-isipan kung ano ang ibig sabihin ng ipanumbalik ang isang bagay.

  • Bakit kailangang ipanumbalik ang isang bagay?

  • Paano maihahambing ang mga larawang ito sa Apostasiya at pagpapanumbalik?

Upang marebyu ang pagkakaugnay ng Apostasiya at ng Pagpapanumbalik, gawin ang sumusunod na aktibidad:

Ipagpalagay na tinuturuan ng mga missionary ang isa sa iyong mga kaibigan sa iyong tahanan. Hiniling nila sa iyo na ituro mo ang bahagi ng susunod na lesson tungkol sa Apostasiya at Pagpapanumbalik. Alam mong pamilyar ang kaibigan mo sa Biblia, kaya tila magandang ideya na gumamit ng ilang talata mula sa Bagong Tipan sa oras ng lesson.

Gamit ang Mga Gawa 3:21 ; Efeso 1:10 ; Efeso 2:19–22 ; at 2 Tesalonica 2:1–3 (o iba pang talatang pipiliin mo), isulat kung ano ang maaari mong sabihin sa lesson upang matulungan ang kaibigan mo na maunawaan kung bakit kakailanganing ipanumbalik ng Tagapagligtas ang Kanyang ebanghelyo sa mundo.

Maaaring ipabahagi sa mga estudyante ang kanilang mga sagot nang magkakapartner, sa maliliit na grupo, o bilang isang klase.

Aktibidad B: Pagpapaibayo ng iyong pagmamahal kay Jesucristo at ng hangarin mong maglingkod sa Kanya

Kung sumulat ang mga estudyante ng liham para sa kanilang sarili sa hinaharap sa lesson na “Filipos 3,” maaari mong gamitin ang sumusunod na aktibidad upang matulungan silang masuri ang kanilang pagmamahal sa Diyos.

Sa lesson na “Filipos 3,” binigyan ka ng pagkakataong sumulat ng liham para sa iyong sarili sa hinaharap kung saan tinukoy mo ang mga sakripisyong magagawa mo na makatutulong sa iyo na mas makilala si Jesucristo at makapaghanda para sa buhay na walang hanggan.

Kung ginamit mo ang pagkakataong ito, basahin ang liham na isinulat mo. Ihambing ang nadarama mo ngayon tungkol kay Jesucristo o ang iyong mga hangaring paglingkuran Siya sa damdamin at hangarin mo noong isinulat mo ang liham na iyon. Kung may anumang bagay na gusto mong idagdag sa liham batay sa iyong mga karanasan kamakailan, huwag mag-atubiling gawin ito ngayon.

Maaari kang mag-anyaya ng mga boluntaryo para magbahagi ng anumang naisip o saloobin nila nang rebyuhin nila ang kanilang mga liham. Ang mga sumusunod na tanong ay maaaring makatulong sa mga estudyante na pagnilayan at ibahagi ang kanilang mga saloobin.

  • Habang nirerebyu mo ang iyong liham, may napansin ka bang pagbabago sa iyong pagmamahal kay Jesucristo? Kung gayon, bakit nagbago ito sa palagay mo?

  • Anong mga karanasan kamakailan ang nagdagdag sa iyong pagmamahal sa Diyos at sa kahandaan mong maglingkod sa Kanya?

  • Ano sa palagay mo ang ilan sa mga susunod na hakbang na magagawa mo upang matulungan kang madagdagan ang iyong pagmamahal sa Diyos?

Aktibidad C: Pagsusuot ng buong baluti o kasuotang pandigma ng Diyos

Page from the New Testament Seminary Teacher Manual. Put on the Whole Armor of God.
  • Ano ang naaalala mo tungkol sa kasuotang pandigma [baluti] ng Diyos? Ano ang naaalala mo tungkol sa kahulugan ng bawat piraso nito? Kung kailangan mo ng tulong, sumangguni sa Efeso 6:14–18 para sa mga sagot.

Maaari mong idrowing ang larawang ito sa pisara at anyayahan ang mga estudyante na lumapit at idagdag ang espirituwal na kahulugan ng bawat piraso ng baluti o kasuotang pandigma.

  • Paano mo ibubuod ang ibig sabihin ng “isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma ng Diyos”? ( Efeso 6:11).

Magdrowing ng stick figure sa iyong journal.

  • Anong mga pagsisikap ang ginagawa mo upang maisuot ang baluti o kasuotang pandigma ng Diyos?

Magdrowing ng piraso o mga piraso ng baluti na kumakatawan sa mga pagsisikap na iyon.

  • May naranasan ka na bang resulta mula sa iyong mga pagsisikap? Kung oo, ano ang naranasan mo? Kung wala, ano sa palagay mo ang mga resultang darating kapag ipinagpatuloy mo ang iyong mga pagsisikap?