1–2 Timoteo; Tito; Filemon
Buod
Ang pag-aaral ng mga salita ni Pablo sa mga lesson sa linggong ito ay makatutulong sa pagsagot sa maraming tanong, tulad ng “Ano ang tungkulin ng isang bishop?” “Anong espesyal na kaloob ang ibinigay sa atin ng Diyos upang tulungan tayong madaig ang mga hamon sa mga huling araw?” “Paano tayo makapagtitiis hanggang wakas?” Napag-aralan mo noong nakaraan ang mga sulat ni Pablo sa mga miyembro ng Simbahan sa iba’t ibang lungsod. Ngayong linggo, pag-aaralan mo ang mga makatutulong na katotohanan na isinulat ni Pablo sa tatlong tao: sina Timoteo, Tito, at Filemon.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson:
1 Timoteo 3:1–7; Tito 1:6–9
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang mga katangian ng mga bishop at branch president at kung paano sila matutulungan ng mga tagapaglingkod na ito ng Panginoon sa kanilang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang sumusunod na tanong at pumasok sa klase na handang ibahagi ang kanilang mga ideya. Paano ka napagpala o paano napagpala ang iyong pamilya ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa pamamagitan ng isang bishop o branch president?
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Mga materyal upang sumulat nang maikli o lumiham sa kanilang bishop
-
Bagay: Isang bola
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kung posible, maaari mong anyayahan ang isang kasalukuyan o dating bishop na dumalo sa klase at magpatotoo tungkol sa mahalagang tungkulin ng mga bishop sa ipinanumbalik na Simbahan. Tandaan na humingi ng pahintulot mula sa iyong coordinator o program administrator bago mag-anyaya ng mga panauhing tagapagsalita sa klase. Kung mag-aanyaya ka ng dating bishop sa halip na kasalukuyang bishop, tiyaking humingi ng pahintulot mula sa kanyang lokal na lider ng priesthood.
1 Timoteo 4:12–16
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na magsikap na maging halimbawa ng isang disipulo ni Jesucristo sa kanilang kabataan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang sumusunod na tanong at maghandang ibahagi ang kanilang mga saloobin: Kung may magmamasid sa iyo sa loob ng isang linggo, anong katibayan ang makikita niya na sinisikap mong sundin si Jesucristo?
-
 
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kapag iniisip ng mga estudyante ang mga taong naging halimbawa sa kanila sa iba’t ibang paraang inilarawan ni Pablo, sabihin sa mga estudyante na isulat sa chat feature ang mga pangalan ng isa o dalawang taong naisip nila. Maaaring kabilang sa mga pangalang ito ang iba pang estudyante sa klase. Pagkatapos ay tumawag ng ilang estudyante upang magpaliwanag kung bakit nila isinulat ang isa sa mga pangalan at ibahagi kung paano naging halimbawa sa kanila ang taong iyon. Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga taong kilala nila ngayon at mga tao mula sa nakaraan, lalo na ang Tagapagligtas.
2 Timoteo 3
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng hangaring pag-aralan ang mga banal na kasulatan, na makatutulong na protektahan sila mula sa mga kasamaan sa ating panahon.
-
Paghahanda ng estudyante: Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018) sa mga estudyante: “Ang paggugol ng oras sa bawat araw sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay hindi mapag-aalinlangang nagpapatibay ng ating mga saligan ng pananampalataya at ng mga patotoo natin tungkol sa katotohanan” (“Saligang Kaytibay,” Liahona, Nob. 2006, 67–68). Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang pahayag na ito at mag-isip ng mga personal na karanasang nagpapakita na totoo ito.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Upang simulan ang lesson, maaari mong sabihin sa mga estudyante na mag-post ng ilang emoji sa chat feature na kumakatawan sa nadarama nila tungkol sa pagiging buhay sa mga huling araw. (Halimbawa, maaari silang makadama ng pasasalamat, kaba, o pareho.)
Doctrinal Mastery: 2 Timoteo 3:15–17
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Timoteo 3:15–17 , maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang anumang hamong humahadlang sa kanila sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan araw-araw. Hikayatin silang mag-isip ng mga paraan na makatutulong sa kanila ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman para madaig ang kanilang mga balakid.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sa halip na anyayahan ang mga estudyante na isulat ang doctrinal mastery scripture reference at ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa isang idinrowing na aklat, sabihin sa mga estudyante na i-type ang reperensya at mahahalagang parirala nang tatlo o apat na beses sa chat feature. Tiyaking sabihin sa kanila na i-type ang bawat salita at huwag i-cut at i-paste ang mga ito. Maaaring epektibong alamin kung ilang beses kayang i-type ng mga estudyante ang reperensya at mahalagang parirala sa loob ng takdang oras (halimbawa, 90 segundo).
2 Timoteo 4
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na maging tapat o manatiling tapat na disipulo ni Jesucristo sa habang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng scripture passage na maaari nilang ibahagi sa isang taong pinanghihinaan ng loob na magsikap na sundin si Jesucristo.
-
Mga larawang ipapakita: Isang larawan ng isang labanan at larawan ng isang karera o paligsahan sa pagtakbo
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Isang papel para sa bawat estudyante
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kung mayroon, maaari kang gumamit ng anonymous na survey tool upang mabigyang-daan ang mga estudyante na magbahagi ng sitwasyon kung saan maaaring matukso ang isang tao na tumigil na magsikap na sundin si Jesucristo. Sabihin sa mga estudyante na maaari din nilang piliing ibahagi ang tunay na dahilan kung bakit nagpasiya ang isang mahal sa buhay na tumigil sa pagsunod kay Jesucristo.