Seminary
1 Timoteo 3:1–7; Tito 1:6–9


1 Timoteo 3:1–7; Tito 1:6–9

Ang Bishop: Isang Taong may “Mabuting Patotoo”

A young man meets with his Bishop.

Alam mo bang naglingkod ang mga bishop sa Simbahan noong panahon ni Pablo? Paano mapagpapala ng mga bishop at branch president ang iyong buhay? Sa mga sulat ni Pablo kina Timoteo at Tito, inilahad niya ang mga kwalipikasyon para sa mga kalalakihang tinatawag bilang mga bishop. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mas maunawaan ang mga katangian ng mga bishop at branch president at kung paano makatutulong sa iyong buhay ang mga tagapaglingkod na ito ng Panginoon.

Pagbibigay-pansin. Pansinin ang mga estudyante at kung paano sila tutugon sa lesson. Kung mukhang naguguluhan ang mga estudyante, sabihin sa kanila na magtanong. Kung mukhang may maiaambag ang mga estudyante, sabihin sa kanila na magbahagi.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang sumusunod na tanong at pumasok sa klase na handang ibahagi ang kanilang mga ideya: Paano ka napagpala o paano napagpala ang iyong pamilya ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa pamamagitan ng isang bishop o branch president?

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Kanino ka lumalapit?

Ipagpalagay na nahihirapan ka sa isang mahalagang isyu sa iyong buhay. Marahil ito ay isang desisyon tungkol sa iyong kinabukasan, isang hamong kinakaharap mo, o masamang gawi na nahihirapan kang baguhin.

  • Saan ka humihingi ng payo kapag nahihirapan ka sa mahahalagang isyu?

  • Sino ang kinakausap mo at bakit?

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official portrait of Elder Quentin L. Cook. Called to the Quorum of the Twelve Apostles on 6 October 2007.

Mga mahal na kabataan … nasa harap ninyo ang pinakamahahalagang desisyong gagawin ninyo sa buhay. Humingi ng payo sa inyong mga magulang at bishop tungkol sa mahahalagang pagpili na gagawin ninyo. Gawing kaibigan at tagapayo ninyo ang bishop.

(Quentin L. Cook, “Mga Bishop—Mga Pastol sa Kawan ng Panginoon,” Liahona, Mayo 2021, 60)

Pag-isipan sandali ang mga sumusunod na tanong:

  • Itinuturing mo bang kaibigan at tagapayo ang iyong bishop o branch president?

  • Kapag nahaharap ka sa isang mahalagang desisyon, o kapag kailangan mo ng espirituwal na tulong, gaano kalaki ang posibilidad na hihingi ka ng payo sa iyong bishop? Bakit?

  • Paano makatutulong sa iyo ang paghingi ng payo sa iyong bishop o branch president?

Sa pag-aaral mo ng lesson na ito, alamin ang mga paraan na masusuportahan ka ng bishop o branch president sa iyong mga hamon, desisyon, at pananampalataya kay Jesucristo.

Sa buong lesson, kung may anumang pahiwatig ng mga negatibong damdamin o paghusga mula sa isang estudyante tungkol sa kanyang bishop, maaari mong ibahagi ang pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon”.

Nagturo si Pablo tungkol sa mga kwalipikasyon ng isang bishop o obispo

Ang mga sulat ni Pablo na kilala bilang 1 Timoteo, 2 Timoteo, at Tito ay kadalasang tinatawag na mga sulat sa mga pastor dahil naglalaman ang mga ito ng mga payo ni Pablo sa mga pastor o lider ng Simbahan (ang salitang pastor ay mula sa salitang Latin para sa pastol). Sina Timoteo at Tito ay mga pinagkakatiwalaang kasama ni Pablo na nakasama niyang naglingkod sa iba’t ibang pagkakataon sa kanyang mga paglalakbay bilang misyonero. Noong panahong iyon, naglilingkod si Timoteo bilang lider ng Simbahan sa Efeso, at si Tito ay nasa pulo ng Creta sa Gresiya.

Kabilang sa maraming katotohanang itinuro ni Pablo sa mga inspiradong sulat na ito, nagtala siya ng ilang kwalipikasyon para sa mga kalalakihang tinatawag bilang mga bishop. Ang bishop ay isang lalaking inorden at itinalaga bilang namumunong high priest sa ward, o kongregasyon. Mayroon siyang pangkalahatang responsibilidad sa pangangasiwa sa mga temporal at espirituwal na gawain ng kongregasyon. Gayundin ang tungkulin ng isang branch president. Pumipili ang Panginoon ng isang bishop sa pamamagitan ng stake presidency, na naghahangad ng paghahayag. Bago matawag, ang bishop ay aaprubahan ng Unang Panguluhan bilang karapat-dapat at may kakayahang maglingkod.

Basahin ang 1 Timoteo 3:1–7 at Tito 1:6–9 , at alamin ang mga kwalipikasyon para sa mga bishop. Hanapin ang tatlo sa mga katangiang ito na tutulong sa isang bishop o branch president na gabayan at pagpalain ang iyong buhay.

Matapos matukoy ng mga estudyante ang mga katangian ng isang bishop, maaari mong gawin ang sumusunod na aktibidad. Gamit ang isang soft ball na madaling masasalo ng mga estudyante, mag-anyaya ng boluntaryo at pagkatapos ay ihagis ang bola sa kanya. Kapag nasalo na ng estudyante ang bola, magagawa niyang pumili ng isa sa mga katangian ng isang bishop at ipaliwanag kung paano makatutulong sa bishop ang pagkakaroon ng katangiang iyon para magabayan at mapagpala ang mga taong pinaglilingkuran niya. Pagkatapos magpaliwanag ng estudyante, maaari niyang ihagis nang marahan ang bola sa isa pang estudyante, na uulitin ang proseso. Ipagpatuloy ang aktibidad hanggang sa magkaroon ng pagkakataon ang maraming estudyante na saluhin ang bola at matalakay ang maraming iba’t ibang katangian.

  • Paano ipinapakita ni Jesucristo ang mga katangiang ito? (Maaari mong i-cross-referense ang mga talatang ito sa 1 Pedro 2:25 , kung saan tinukoy ni Pedro ang Tagapagligtas bilang “ang Pastol at Tagapag-alaga ng [ating] mga kaluluwa.”)

  • Paano makatutulong sa bishop o branch president ang pagkakaroon ng mga katangiang ito para matulungan ka tulad ng gagawin ng Tagapagligtas?

  • Paano mo ibubuod ang natutuhan mo tungkol sa mga bishop at branch president?

  • Anong mga katangian na katulad ng kay Cristo ang naobserbahan mo sa iyong bishop o branch president? Paano nagbigay ng kakayahan sa kanya ang mga katangiang ito na maging kasangkapan sa mga kamay ng Panginoon?

  • Paano ka natulungan o paano ka matutulungan ng bishop na mas mapalapit kay Jesucristo at mapalakas ang iyong pananampalataya sa Kanya?

Isang pastol sa kawan ng Panginoon

Maaari mong markahan ang anumang salita o parirala sa 1 Timoteo 3:2 o Tito 1:7–9 na nagsasaad ng responsibilidad ng bishop na magturo.

Ang bishop o branch president ay maaaring magturo sa iba’t ibang paraan, kabilang sa mga pulong, klase, at personal na interbyu, at sa pamamagitan ng kanyang halimbawa.

  • Paano naging pagpapala sa iyo o sa isang kakilala mo ang payo o tagubilin ng isang bishop o branch president?

  • Sa ano pang paraan tayo pinangangalagaan at tinutulungan ng Panginoon sa pamamagitan ng mga bishop at branch president?

Matutulungan tayo ng bishop na magsisi

Tumawag din ang Panginoon ng mga bishop at branch president upang tulungan at gabayan tayo sa proseso ng pagsisisi, lalo na kung nakagawa tayo ng mabibigat na kasalanan.

Itinuro ni Elder C. Scott Grow ng Pitumpu:

Official Portrait of Elder C. Scott Grow. Photographed March 2017.

Sa pamamagitan ng ordinasyon at matwid na pamumuhay, ang bishop ay may karapatan sa paghahayag mula sa Espiritu Santo tungkol sa mga miyembro ng kanyang ward, pati na sa iyo.

Matutulungan ka ng bishop na magsisi sa paraang hindi kayang ibigay ng iyong mga magulang o iba pang mga lider. …

… Bilang lingkod ng Panginoon, magiging mabait siya at maunawain habang nakikinig sa iyo. Pagkatapos ay tutulungan ka niya sa proseso ng pagsisisi. Siya ang sugo ng awa ng Panginoon para tulungan kang maging malinis sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

(C. Scott Grow, “Bakit Ko Kailangang Magtapat at Ano ang Kailangan Kong Ipagtapat sa Bishop Ko?Liahona, Okt. 2013, 28–29)

Maglaan ng oras upang sumulat ng maikling liham, email, o text sa iyong bishop o branch president. Maaari mo siyang pasalamatan sa kanyang serbisyo, pagtuturo, at halimbawa. Magsama ng anumang partikular na mga paraan na natulungan ka niya. Maaari mong banggitin ang alinman sa kanyang mga halimbawa na katulad ng kay Cristo na napansin at pinahalagahan mo. Kung naaangkop, maaari mo ring hilingin na kausapin siya para mapayuhan ka tungkol sa isang mahirap na desisyon, isang alalahanin na maaaring mayroon ka, o para sa tulong sa proseso ng pagsisisi.

Maaari kang magpatotoo tungkol sa pagpapalang maaaring maibigay ng isang bishop o branch president sa buhay ng mga estudyante.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

1 Timoteo 3:1. Saan nagmumula ang titulong obispo [bishop] sa Bagong Tipan?

Ang titulong bishop ay nagmula sa salitang Griyego na episcopos—epi, na ibig sabihin ay “sa ibabaw,” at scopos, ibig sabihin ay “tumingin” o “magmasid.” Dahil dito, ang episcopos, o bishop, ay isang taong nangangasiwa sa kawan bilang tagapatnubay o tagapangalaga sa kawan.

Bakit kailangan kong pumunta sa bishop ko upang magtapat ng mga kasalanan?

Itinuro ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Final official portrait of Elder Richard G. Scott of the Quorum of the Twelve Apostles, 2004. Passed away 22 September 2015.

Ang mabibigat na kasalanan tulad ng imoralidad ay nangangailangan ng tulong ng isang taong mayhawak ng mga susi, tulad ng bishop o stake president, upang tahimik na makatulong sa proseso ng pagsisisi para matiyak na ito ay nagawa nang lubos at nang tama.

(Richard G. Scott, “The Power of Righteousness,” Ensign, Nob. 1998, 69–70)

1 Timoteo 3:1. Ano ang “mabuting gawain” ng isang bishop?

Itinuro ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol ang tungkol sa mga pangunahing responsibilidad ng isang bishop:

Official portrait of Elder Quentin L. Cook. Called to the Quorum of the Twelve Apostles on 6 October 2007.

Ang bishop ay may limang pangunahing responsibilidad sa pamumuno sa ward:

1. Siya ang namumunong high priest sa ward.2. Siya ang pangulo ng Aaronic Priesthood.3. Siya ay isang pangkalahatang hukom.4. Pinangangasiwaan niya ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan, kabilang ang pangangalaga sa mga nangangailangan.5. Siya ang namamahala sa mga talaan, pananalapi, at sa paggamit ng meetinghouse.

Sa kanyang ginagampanan bilang namumunong high priest, ang bishop ang “espirituwal na lider” ng ward. Siya ay “matapat na disipulo ni Jesucristo.” …

Ang bishop ay may napakahalagang gawain sa paglilingkod bilang pastol upang magabayan ang bagong henerasyon, kabilang ang mga young single adult, patungo kay Jesucristo.

(Quentin L. Cook, “Mga Bishop—Mga Pastol sa Kawan ng Panginoon,” Liahona, Mayo 2021, 58)

Tito 1:7. Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang sabihin niya na “ang obispo ay dapat na walang kapintasan”?

Ang bishop ay pinili ng Panginoon at dapat maging isang taong may napakabuting pagkatao at karapat-dapat. Gayunpaman, hindi perpekto ang lahat ng bishop at kung minsan ay nagkakamali sila sa kanilang paglilingkod.

Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang umusunod:

14:43
Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland. Photographed January 2018.

Maging mapagpaumanhin sa kahinaan—sa inyong kahinaan gayundin sa mga [kahinaan ng mga] kasama ninyong naglilingkod sa Simbahan na pinamumunuan ng boluntaryo at mortal na kalalakihan at kababaihan. Maliban sa Kanyang perpektong Bugtong na Anak, mga taong di-perpekto ang tanging katulong ng Diyos sa gawain noon pa man. [Nakalulungkot] siguro iyon sa Kanya, pero napagpapasensyahan Niya iyon. Dapat, tayo rin. At kapag may nakikita kayong pagkakamali, alalahanin na ang limitasyon ay hindi sa kabanalan ng gawain. … Kaya maging mapagpasensya at mapagpatawad.

(Jeffrey R. Holland, “Panginoon, Nananampalataya Ako,” Liahona, Mayo 2013, 94)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Ano ang isang bishop?

Maaari mong simulan ang klase sa sumusunod na sitwasyon: Ipagpalagay na noong lumabas ka kasama ng ilang kaibigan, nakita mo ang iyong bishop o branch president at binati mo siya. Ang kaibigan mo, na hindi miyembro ng Simbahan, ay nagtanong ng tulad ng, “Sino iyon? Ano ang isang bishop [o branch president]? Ano ang ginagawa niya?” Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano sila sasagot sa paraang makatutulong sa kanilang kaibigan na maunawaan kung ano ang bishop at magtiwala sa isang bishop.

Mga Halimbawa ng Tagapagligtas

Matapos matukoy ng mga estudyante ang mga katangian ng bishop sa 1 Timoteo 3:1–7 at Tito 1:6–9 , maaari kang pumili ng apat o limang katangian at anyayahan ang mga estudyante na maghanap ng mga halimbawa sa mga banal na kasulatan kung saan ipinakita ng Tagapagligtas ang mga katangiang iyon. Halimbawa, ang salaysay tungkol sa paggawa ni Jesus ng alak mula sa tubig para sa Kanyang ina sa kasalan (tingnan sa Juan 2:1–11) ay maaaring maging halimbawa ng Kanyang pagiging “mapagpatuloy ng panauhin” ( 1 Timoteo 3:2).