Seminary
Doctrinal Mastery: 2 Timoteo 3:15–17


Doctrinal Mastery: 2 Timoteo 3:15–17

“Ang mga Banal na Kasulatan … ay Makakapagturo sa Iyo Tungo sa Kaligtasan”

A young man sits on his bed and reads the scriptures. He is dressed in a blue suit and reading in Spanish.

Ang regular na pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay makapagpapala sa iyong buhay sa maraming paraan, kabilang na ang pagtulong sa iyong harapin ang maraming hamon sa mga huling araw. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyong maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Timoteo 3:15–17 , maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa tunay na buhay.

Pagsasadula. Ang pagsasadula ay makatutulong sa mga estudyante na magkaroon ng mahahalagang karanasan sa pagpapaliwanag ng mga katotohanan ng ebanghelyo, at mas maunawaan kung paano sila makakakilos sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang anumang hamong nakahahadlang sa kanila na pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw. Hikayatin sila na mag-isip ng mga paraan na makatutulong sa kanila ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman para madaig ang kanilang mga balakid.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang doctrinal mastery passage lesson na ito ay ituturo pagkatapos ng lesson na “2 Timoteo 3,” na siyang kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na 2 Timoteo 3:15–17. Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery passage lesson na ito sa ibang linggo, tiyaking ituro din ang kaukulang kontekstuwal na lesson sa linggo ring iyon.

Isaulo at ipaliwanag

Magdrowing ng larawan ng isang bukas na aklat ng mga banal na kasulatan na sumasakop sa halos buong papel o sa buong papel. Sa itaas ng iyong drowing, isulat ang 2 Timoteo 3:15–17. Sa loob ng iyong drowing, isulat ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan na Ang mga banal na kasulatan … ay makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan. Takpan ang parirala at isulat itong muli nang walang kopya. Tingnan kung tumpak ito at ulitin ang aktibidad nang ilang beses hanggang sa mapuno mo ang iyong drowing.

Matapos idrowing ng mga estudyante ang kanilang mga larawan, maaari mong pagpartnerin ang mga estudyante at sabihin sa kanila na magsalitan sa pagsusulat ng mahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Sa nakaraang lesson natutuhan mo na kapag pinag-aralan natin ang mga banal na kasulatan, magkakaroon tayo ng karunungan na aakay sa atin tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo. Basahing muli ang 2 Timoteo 3:15–17 , at hanapin ang katibayan ng alituntuning ito, pati na rin ang iba pang pagpapalang matatanggap natin mula sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo upang maisadula nila ang sumusunod na sitwasyon. Subukang lumibot sa buong silid upang marinig kung paano tinuturuan ng “mga missionary” ang “investigator.” Maaari mong itanong pagkatapos ang nadama ng mga estudyante na naging madali o mahirap tungkol sa karanasan.

Ipagpalagay na isa kang missionary na nagtuturo sa isang dalagang nagngangalang Suravi. Tinatanggap ni Suravi ang mensahe ng Pagpapanumbalik ngunit nag-aalangan siyang basahin ang mga scripture passage na iminungkahi mo at ng iyong kompanyon. Sa isang pagbisita, tinanong mo si Suravi kung ano ang humahadlang sa kanya na basahin ang mga banal na kasulatan. Sumagot siya na hindi siya nasisiyahan sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan at nakakainip sa kanya ang mga ito.

Gamit ang 2 Timoteo 3:15–17 , sumulat ng sagot na nagpapaliwanag ng mga pagpapala at kapakinabangan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa paraang makahihikayat kay Suravi. Kung posible, maaari kang magdagdag ng mga personal na karanasan at patotoo bilang bahagi ng iyong sagot.

Pagsasanay para sa pagsasabuhay

  • Kung kailangan mong ibuod ang tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa tig-iisang pangungusap, ano ang sasabihin mo?

Kung kinakailangan, maglaan ng ilang minuto sa pagrerebyu ng mga talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022).

Maaari mong anyayahan ang isang estudyante na pumili ng kahit ano at basahin nang malakas ang isa sa mga buod na pangungusap mula sa alinman sa tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Sabihin sa klase na tukuyin kung aling alituntunin ang nauugnay sa pangungusap. Ulitin ang aktibidad na ito nang ilang beses. 

Kahit alam at nauunawaan natin ang mga pagpapala ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan, kung minsan ay mahirap itong gawin nang regular at epektibo.

  • Ano ang ilang hamon na maaaring magpahirap na regular at epektibong pag-aralan ang mga banal na kasulatan?

Maaari mong isulat sa pisara ang mga sagot ng mga estudyante.

Sa sumusunod na aktibidad, maaari kang tahimik na manalangin para sa iyong mga estudyante na maging handa sila na pakinggan ang mga pahiwatig ng Espiritu upang magamit nila ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman para sa kanilang sarili.

Hingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang matulungan kang matukoy ang isa o dalawang balakid na humahadlang sa iyo na regular at epektibong pag-aralan ang mga banal na kasulatan. (Kung wala kang kinakaharap na anumang balakid, mag-isip ng mga balakid na maaaring kaharapin ng isang kaibigan o kapamilya.)

Magsulat ng kahit tatlong paraan na magagamit mo ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang matulungan kang madaig ang mga balakid na ito. Maaaring makatulong ang mga sumusunod na tanong at ideya.

Maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod na tatlong tanong.

Maaari mo ring sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano nakakaapekto sa kanilang walang-hanggang pag-unlad ang madalas at taos-pusong pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Maaari nilang isaalang-alang ang anumang magagandang karanasan na mayroon na sila at kung anong mga walang-hanggang katotohanan ang natutuhan nila mula sa mga karanasang iyon.

  • Paano mo masusuri ang mga balakid sa iyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan nang may walang-hanggang pananaw?

  • Paano makatutulong sa iyo ang mga katotohanan sa 2 Timoteo 3:15–17 na magkaroon ng walang-hanggang pananaw kapag nahihirapan kang pag-aralan ang mga banal na kasulatan?

  • Paano ka mas makakaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos?

Ang mga sumusunod ay ilang ideya:

  1. Maghanap ng mga scripture passage tungkol sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan na makukuha sa SimbahanniJesucristo.org, at maghanap ng mga pagpapala at pangako na maaaring makatulong sa iyo sa pagdaig sa balakid. Maaaring makatulong ang mga banal na kasulatan na tulad ng Josue 1:8 ; 2 Nephi 32:3 ; at Doktrina at mga Tipan 1:37 .

  2. Itanong sa isang taong pinagkakatiwalaan mo kung bakit niya pinag-aaralan ang mga banal na kasulatan araw-araw at kung ano ang maimumungkahi niya para madaig mo ang iyong balakid.

  3. Maghanap ng mga pahayag ng mga General Authority o artikulo sa mga magasin ng Simbahan na maaaring makatulong. Halimbawa, ang sumusunod na pahayag ay maaaring makatulong sa isang tao na nahihirapang maglaan ng oras sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

Itinuro ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Final official portrait of Elder Richard G. Scott of the Quorum of the Twelve Apostles, 2004. Passed away 22 September 2015.

Ang pagpapakabusog sa salita ng Diyos bawat araw ay mas mahalaga kaysa pagtulog, pag-aaral, pagtatrabaho, mga palabas sa telebisyon, video games, o social media. Maaari ninyong kailanganin na muling ayusin ang inyong mga prayoridad para makapaglaan ng oras sa pag-aaral ng salita ng Diyos. Kung gayon, gawin ito!

(Richard G. Scott, “Unahin Ninyong Manampalataya,” Liahona, Nob. 2014, 93)

Maglaan ng ilang minuto upang simulan ang isa sa iyong mga ideya.

  • Paano ka kikilos nang may pananampalataya para madaig ang mga balakid upang epektibo mong mapag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw? Maglista ng ilang ideya sa iyong study journal.

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na magbahagi ng pinakamagandang naranasan nila sa lesson na ito. Ipaalala sa kanila na ang karamihan, kung hindi man lahat, ay nakakaranas din ng mga balakid sa epektibong pag-aaral ng mga banal na kasulatan araw-araw, at maaaring makatulong sa ibang estudyante sa klase ang pagbabahagi ng kanilang mga saloobin, ideya, at karanasan. Magbahagi rin ng mga personal na pananaw at patotoo.

Pagrerebyu ng doctrinal mastery 

Sa susunod na lesson, maglaan ng ilang minuto sa pagrerebyu ng reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa doctrinal mastery passage na ito gamit ang aktibidad sa pagsasaulo ring iyon mula sa unang bahagi ng lesson na ito.

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Sources na itinalaga ng Diyos

Habang pinag-iisipan ng mga estudyante kung paano humingi ng tulong sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos, maaari mong anyayahan ang isang estudyante na saliksikin ang internet upang makita kung ilang “self-help” na aklat ang kasalukuyang mabibili. Malamang na makakakita siya ng napakaraming opsiyon. Pag-isipang itanong ang tulad ng mga sumusunod:

  • Sa inyong palagay, bakit napakaraming self-help na aklat sa mundo?

  • Paano magiging makapangyarihang source ng tulong at patnubay ang mga banal na kasulatan para sa ating buhay?

Sabihin sa mga estudyante na i-cross-reference ang 2 Timoteo 3:15–17 sa Doktrina at mga Tipan 88:118 , at itanong sa mga estudyante kung ano sa palagay nila ang ibig sabihin ng Panginoon sa “mga pinakamabubuting aklat.” Maaari mong ipaalala sa mga estudyante na maraming mahahalagang resource sa mundo na tutulong sa ating magkaroon ng karunungan at madaig ang mga hamon. Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document at tukuyin ang mga salita o pariralang nagbibigay-diin sa mga banal na kasulatan bilang mahalagang mapagkukunan ng karunungan at kaalaman para sa kanilang buhay.

Isang halimbawa ng pagkilos nang may pananampalataya

Maaari mong itanong sa mga estudyante kung ano ang magagawa nila upang kumilos nang may pananampalataya kung nahihirapan silang unawain ang mga banal na kasulatan. Matapos ibahagi ng mga estudyante ang kanilang mga naisip, maaari mong idagdag ang ilan o ang lahat ng sumusunod na halimbawa.

  • Manalangin na makaunawa bago mag-aral.

  • Basahin ang mga heading ng kabanata upang makakuha ng buod.

  • Sikaping maunawaan ang mga banal na kasulatan sa simbahan at sa seminary sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga titser.

  • Paminsan-minsan ay magbasa kasama ng isang taong pinagkakatiwalaan mo, tulad ng isang magulang, na maaaring makatulong sa pagpapaliwanag ng mga banal na kasulatan sa iyo.

  • Gamitin ang mga manwal na makukuha sa Gospel Library app o sa SimbahanniJesucristo.org, tulad ng Manwal para sa Estudyante sa Seminary.