1–2 Tesalonica
Buod
Sa kanyang mga sulat sa mga taga Tesalonica, pinuri ni Pablo ang mga Banal dahil sa kanilang katapatan at tagumpay sa pagtulong sa iba na lumapit kay Jesucristo sa pamamagitan ng kanilang mabubuting halimbawa. Tinalakay niya ang marami sa kanilang mga tanong tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo at nilinaw niya ang ilan sa kanilang maling pagkakaunawa. Ipinropesiya niya na hindi mangyayari ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo hanggang sa mangyari muna ang pagtalikod, o apostasiya.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson:
1 Tesalonica 1–3
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na pagpalain at impluwensyahan ang iba sa pagsisikap nilang maglingkod tulad ng ginawa ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon na nadama nila ang pagmamahal ng Tagapagligtas dahil may naglingkod sa kanila. Hikayatin silang maghandang ibahagi kung paano nakatulong sa kanila ang paglilingkod ng taong ito para naisin nilang sundin si Jesucristo.
-
Mga larawan: Magpakita ng ilang larawang nagpapakita ng paglilingkod ni Jesucristo sa iba.
-
Video: “Paglilingkod na Tulad ng Ginagawa ng Tagapagligtas” (13:04; panoorin mula sa time code na 0:45 hanggang 1:54)
1 Tesalonica 4–5
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga paraan na makapamumuhay sila na tutulong sa kanila na maging handa sa panahong babalik si Jesucristo sa lupa.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang mangyayari kapag muling pumarito ang Tagapagligtas. Ipasagot sa kanila ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal o sa isang papel: Ano ang nagpapasabik sa iyo tungkol sa Ikalawang Pagparito? Ano ang nagpapakaba sa iyo?
-
Larawan: Magpakita ng isang larawang nagpapakita ng Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.
-
Mga Handout: Maghanda ng mga kopya ng mga handout ng lesson upang magkaroon ang bawat estudyante ng kahit isa sa tatlong handout.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Ang isang paraan upang matalakay ang tatlong aktibidad ng estudyante sa pag-aaral ay gamitin ang video chat feature upang hatiin ang mga estudyante sa tatlong breakout room. Magtalaga ng isang lider ng grupo para sa bawat room, at ipadala sa mga lider ng grupo ang mga nilalaman ng handout. Sabihin sa bawat grupo na sundin ang mga tagubilin sa handout. Kapag tapos na sila, sabihin sa lider ng grupo na magtalaga ng tagapagsalita na magbabahagi sa klase kung ano ang tinalakay ng grupo.
2 Tesalonica 2
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang katotohanan ng Apostasiya ng Simbahan sa Bagong Tipan at ang kahalagahan ng pagpapanumbalik ng Simbahan ng Tagapagligtas sa mga huling araw.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang “Apostasiya” sa Mga Paksa ng Ebanghelyo sa SimbahanniJesucristo.org. Sabihin sa kanila na pumasok na handang ibahagi ang natutuhan nila o magtanong ng anumang tanong nila.
-
Handout: Maghanda ng kopya ng “Pag-unawa sa Apostasiya at sa Pangangailangan sa Pagpapanumbalik” para sa bawat estudyante, o maghanda ng paraan upang maipakita ang mga nilalaman ng handout.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong anyayahan ang isang tao na hindi kasama sa klase na dumalo at gumanap na isang investigator sa simula ng lesson. Hayaang ituro ng mga estudyante sa taong ito ang tungkol sa Malawakang Apostasiya at Pagpapanumbalik.
Doctrinal Mastery: 2 Tesalonica 2:1–3
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Tesalonica 2:1–3 , maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa tunay na buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang sumusunod na tanong at pumasok na handang ipaliwanag kung paano nila ito sasagutin: “Bakit kinailangang magpakita ang Diyos kay Joseph Smith upang ipanumbalik ang Kanyang Simbahan kung naitatag na ang Kristiyanismo at maraming tao ang naniniwala na sa Biblia?”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Para sa aktibidad sa pagsasanay para sa pagsasabuhay, maaari mong hatiin ang mga estudyante sa tatlong grupo at ilagay ang bawat grupo sa breakout room. Maaaring maghanda ang bawat grupo ng sagot sa isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, at pagkatapos ay maaaring bumalik ang tatlong grupo at magbahagi.
I-assess ang Iyong Pagkatuto 10
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan kang suriin ang mga mithiing itinakda mo at ang pansariling pag-unlad na naranasan mo sa iyong pag-aaral ng Bagong Tipan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga mithiing itinakda nila nang pag-aralan nila ang Galacia hanggang 2 Tesalonica. Sabihin sa kanila na pumasok na handang magbahagi ng progresong nagawa nila at ng mga balakid na naranasan nila habang nagsisikap silang makamit ang mga mithiing iyon.
-
Content na ipapakita: Larawan ng isang bagay na naluma at naibalik sa dati, tulad ng isang kotse. Isang larawan ng isang taong nakasuot ng baluti o kasuotang pandigma. Maaari din itong idrowing sa pisara.