Seminary
1 Tesalonica 1–3


1 Tesalonica 1–3

Pagsunod kay Jesucristo sa pamamagitan ng Ministering o Paglilingkod nang May Pagmamahal

Young woman socializing with other youth

Kailan naipaalala sa iyo si Jesucristo dahil sa paglilingkod ng isang tao? Si Pablo at ang kanyang mga kasama ay naglingkod sa mga paraang katulad ng kay Cristo sa mga Banal sa Tesalonica, na nagbigay-inspirasyon sa kanila na patuloy na ipamuhay ang ebanghelyo sa kabila ng pag-uusig. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na pagpalain at impluwensyahan ang iba habang nagsisikap kang gawin ang ministering o maglingkod tulad ng ginawa ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo.

Pagtulong sa mga estudyante na magawa ang kanilang responsibilidad sa pag-aaral. Kinakailangan sa espirituwal na pagkatuto ang pagsusumikap at paggamit ng kalayaang pumili ng mga estudyante. Kapag aktibong nakikibahagi ang mga estudyante sa mga aktibidad sa klase, tinatanggap nila ang impluwensya ng Espiritu Santo. Maghanap ng mga paraan na maanyayahan ang lahat ng estudyante na makilahok ayon sa kanilang mga pangangailangan at kakayahan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon na nadama nila ang pagmamahal ng Tagapagligtas dahil may naglingkod sa kanila. Hikayatin sila na maghandang ibahagi kung paano nakatulong sa kanila ang paglilingkod ng taong ito na naising sundin si Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Halimbawa ni Jesucristo

Magpakita ng ilang larawan tungkol sa pagmiministeryo o paglilingkod ni Jesucristo sa iba, o sabihin sa mga estudyante na magbigay ng mga halimbawang naaalala nila mula sa mga banal na kasulatan. Kung idinispley ang mga larawan sa pisara, maaari mong sabihin sa mga estudyante na isulat ang mga salitang naisip nila sa tabi ng bawat larawan.

Tingnan ang mga larawang ito ni Jesucristo o isipin ang iba pang salaysay sa banal na kasulatan tungkol sa Kanyang pakikipag-ugnayan sa iba. Sa iyong study journal, ilista ang mga salita at parirala na naglalarawan ng ginagawa ng Tagapagligtas para sa mga indibiduwal na nakakaugnayan Niya.

Jesus is sitting with a young boy on his lap. Outtakes include people inside the house at Capernaum, Philip, Jesus, John, Peter, Matthew, Jesus sitting at a table with some of the disciples shown and Mary Magdalene.
Blind man gains sight. Outtakes include Jesus anointing his eyes, and going to the pool of Siloam.
Jesus Christ is teaching in the temple and being approached by the chief priests, elders and scribes who ask Him the source of his authority. Christ questions them whether the baptism of John the Baptist was of heaven or of man. Outtakes include closeups of people in the crowd and of Caiaphas.
Depiction of Jesus and the woman taken in adultery. They are both kneeling and she is holding his hand. Outtakes include angry men bringing the woman and throwing her to the ground, the woman huddled on the ground, the savior kneeling beside her, Jesus lifting her up to her feet, and the savior standing with her.
  • Kung isa ka sa mga indibiduwal na kasama ng Tagapagligtas, ano kaya ang madarama mo dahil sa mga ginagawa ng Tagapagligtas? Bakit?

  • Kung titingnan mo ang listahang ginawa mo, aling mga salita o parirala ang gusto mong gamitin kapag naglilingkod sa iba? (Maaari mong markahan o i-highlight ang mga salitang pinakamahalaga sa iyo.)

Sa Simbahan, madalas nating tukuyin ang mga gawaing tulad nito bilang ministering.

Maaari mong isulat sa pisara ang salitang ministering. Maaaring makatulong na ipakita ang mga sumusunod na pahayag para sa mga estudyante.

Itinuro ni Brother David L. Beck, dating Young Men General President:

Final official portrait of David L. Beck, general president of the Young Men, April 2009. Released at the April 2015 general conference.

Ang ibig sabihin ng maglingkod ay magmahal at magmalasakit sa iba. Ibig sabihin ay tugunan ang kanilang pisikal at espirituwal na mga pangangailangan. Sa madaling salita, ibig sabihin ay gawin ang gagawin ng Tagapagligtas kung Siya ay narito.

(David L. Beck, “Ang Inyong Sagradong Tungkuling Maglingkod,” Liahona, Mayo 2013, 56)

  • Ano ang mahalaga para sa iyo sa pahayag ni Brother Beck?

  • Kung isasaalang-alang ang pahayag ni Brother Beck at ang mga salitang minarkahan mo sa iyong listahan, gaano kahusay mong ginagawa ang pagmiministering sa iba?

Maaaring may mga tanong o alalahanin ka tungkol sa pagmiministering sa iba. Maaari mong isulat ang mga ito sa iyong study journal at hanapin ang mga sagot habang pinag-aaralan mo ang 1 Tesalonica 1–3 ngayon. Maaari mo ring anyayahan ang Espiritu na tulungan kang maghanap ng mga paraan na mapagpapala at maiimpluwensyahan mo ang iba habang nagsisikap kang maglingkod tulad ng ginawa ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Isulat ang iyong mga naisip at impresyon upang mapanalangin mong masunod ang mga ito.

Naglingkod si Pablo sa mga taga Tesalonica

Sa kanyang pangalawang paglalakbay bilang misyonero, nagtagumpay si Apostol Pablo at ang kanyang mga kasama sa pangangaral sa mga tao sa Tesalonica, ngunit ipinagtabuyan sila sa lungsod ng mga pinunong Judio (tingnan sa Mga Gawa 17:1–9). Kalaunan ay nalaman ni Pablo na ang mga Banal sa Tesalonica ay nanatiling tapat at nagbabahagi ng mensahe ng ebanghelyo, kahit na nakaranas sila ng pag-uusig dahil sa paggawa nito (tingnan sa 1 Tesalonica 1:6–8). Lakip ang pasasalamat para sa kanilang pananampalataya at pag-asa kay Jesucristo, isinulat ni Pablo ang kanyang unang liham sa mga taga Tesalonica (tingnan sa 1 Tesalonica 1:2–3).

Basahing mabuti ang 1 Tesalonica 2:7–14 ; 3:9–13 . Maaari mong markahan ang mga salita at parirala na nakita mo na nagpapaalala sa iyo ng pagmamahal at pagmamalasakit na ibibigay ng Tagapagligtas. Maaari mong idagdag ang mga naisip mo sa iyong listahan.

Habang tinatalakay ng mga estudyante ang mga sumusunod na tanong, pakinggang mabuti ang kanilang mga sagot. Makatutulong na mag-rephrase o magtanong ng mga follow-up na tanong upang matiyak na nauunawaan nila ang binasa nila.

  • Paano naglingkod si Pablo at ang iba pa tulad ng ginawa ng Tagapagligtas?

  • Paano mapagpapala ang iyong buhay sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba tulad ng ginawa ni Jesucristo? Paano nito mapagpapala ang buhay ng mga pinaglilingkuran mo?

Mga pagpapala ng ministering

Ang isang katotohanan na matututuhan natin tungkol sa ministering o paglilingkod mula sa mga talatang ito ay kapag naglilingkod tayo sa iba nang may pagmamahal, matutulungan natin sila na maging mas mabubuting tagasunod ni Jesucristo (tingnan sa 1 Tesalonica 2:10–14).

Photograph of actor portraying Jesus Christ in the Bible Videos.

Ang sumusunod na aktibidad ay gumagamit ng aktibidad sa paghahanda ng estudyante. Ang mga estudyante ay maaaring magbahagi sa isang kapartner, o ang isa o dalawang handang estudyante ay maaaring maikling magbahagi sa klase ng kanilang mga karanasan. Kung kinakailangan, gamitin ang mga sumusunod na tanong upang matulungan ang mga estudyante na mapag-isipan ang kanilang mga karanasan.

Mag-isip ng isang pagkakataon na magiliw kang pinaglingkuran ng isang tao.

  • Sa anong mga paraan tinularan ng taong ito ang halimbawa ni Jesucristo nang maglingkod siya sa iyo?

  • Paano nakatulong sa iyo ang mga pagsisikap ng taong ito na maging mas mabuting tagasunod ni Jesucristo?

Maglingkod nang may pananampalataya at pagmamahal

Kung minsan ang mga tungkulin sa Simbahan ay magbibigay sa iyo ng mga pormal na oportunidad na makapaglingkod. Mas madalas, magkakaroon ka ng mga pagkakataong maglingkod sa mga pakikipag-ugnayan mo sa araw-araw sa mga kapamilya, kaibigan, at iba pa.

Nagbahagi si Pangulong Jean B. Bingham, Relief Society General President, ng ilang ideya kung paano maglingkod tulad ng ginawa ni Jesucristo. Panoorin ang video na “Paglilingkod na Tulad ng Ginagawa ng Tagapagligtas” mula sa time code na 0:45 hanggang 1:54, o basahin ang mga salita ni Pangulong Bingham. Maaari mong idagdag ang ilan sa kanyang mga mungkahi sa iyong listahan ng ministering.

2:3
Official Portrait of Sister Jean B. Bingham. Photographed in 2017.

Kung minsan iniisip natin na kailangang dakila at magiting ang bagay na ating gagawin upang “matanggap” ito na paglilingkod sa ating kapwa. Gayunman, ang mga simpleng paglilingkod ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa iba—pati na rin sa ating sarili. Ano ang ginawa ng Tagapagligtas? Sa pamamagitan ng dakilang kaloob ng Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli … “walang sinuman ang nakapagbigay ng gayong makahulugang impluwensiya sa lahat ng nabuhay na at sa lahat ng mabubuhay pa sa mundo” [“ Ang Buhay na Cristo ,” SimbahanniJesucristo.org]. Pero siya rin ay ngumiti, nakipag-usap, naglakad kasama, nakinig, nag-ukol ng oras, naghikayat, nagturo, nagpakain at nagpatawad. Naglingkod siya sa pamilya at mga kaibigan, kapitbahay at mga dayuhan, at inanyayahan ang mga kakilala niya at mga mahal sa buhay upang tamasahin ang saganang mga pagpapala ng Kanyang ebanghelyo. Ang mga “simpleng” paglilingkod at pagmamahal na iyon ay huwaran para sa ating ministering ngayon.

(Jean B. Bingham, “Paglilingkod na Tulad ng Ginagawa ng Tagapagligtas,” Liahona, Mayo 2018, 104)

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng mga salita ni Sister Bingham tungkol sa paglilingkod na tulad ng ginawa ni Jesucristo?

  • Bakit kaya mahalagang tandaan na maisasakatuparan ang ministering sa pamamagitan ng mga simpleng paglilingkod?

Maaaring gamitin ng mga estudyante ang listahan ng ministering sa pisara o ang kanilang mga personal na listahan upang gawin ang sumusunod na aktibidad.

Rebyuhin ang iyong listahan tungkol sa ibig sabihin ng magminister o maglingkod, at magdagdag ng anumang karagdagang ideya mula sa natutuhan mo ngayon. Tukuyin ang dalawa o tatlong salita na makatutulong sa iyo na maging higit na katulad ni Jesucristo habang naglilingkod ka.

Mapanalanging hingin ang tulong ng Ama sa Langit upang malaman kung sino ang nais Niyang paglingkuran mo ngayon at kung paano mo ito magagawa. Maaaring nakatanggap ka na ng mga pahiwatig mula sa Espiritu na maisasagawa mo na ngayon.

Hikayatin ang mga estudyante na kumilos ayon sa mga pahiwatig na natanggap nila habang nasa klase, kung naaangkop. Maaari silang sumulat ng text message, email, o liham. Hikayatin ang mga estudyante na kausapin ang mga lider ng kanilang ward o branch kung hindi pa sila nakatanggap ng assignment na maglingkod kasama ang isang kompanyon bilang ministering brother o sister.

Kung walang maisip na pangalan ng isang partikular na tao, maaari kang manalangin sa Ama sa Langit na tulungan ka na matukoy ang isang pagkakataong maglingkod at gawin ito. Magtiwala na gagabayan ka Niya habang nagsisikap kang maglingkod tulad ng ginawa ng Tagapagligtas.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano kung hindi ako sigurado kung paano maglingkod sa iba?

Ipinaliwanag ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official portrait of Elder Neil L. Andersen of the Quorum of the Twelve Apostles, 2010, August.

Ang isang taong may mabuting puso ay tutulong sa isang tao na mag-ayos ng gulong, sasamahan ang isang roommate sa pagpunta sa doktor, kakain ng tanghalian kasama ang isang taong nalulungkot, o ngingiti at mangungumusta upang mapasaya ang araw ng iba.

Ngunit ang sumusunod sa unang utos [na mahalin ang Diyos nang buong puso] ay natural na magdaragdag sa mahahalagang gawain na ito ng paglilingkod, na naghihikayat sa tao na patuloy na sumunod sa mga kautusan at nagbibigay ng mabuting payo sa isang pinanghihinaan ng pananampalataya o sa isang nangangailangan ng tulong upang makabalik muli sa matwid na pamumuhay.

(Neil L. Andersen, “A Holier Approach to Ministering” [Brigham Young University devotional, Abr. 10, 2018], 3, speeches.byu.edu)

Sinabi ni Bishop W. Christopher Waddell ng Presiding Bishopric:

Bishop W. Christopher Waddell, second counselor in the Presiding Bishopric, official portrait 2017

Iniisip siguro natin kung paano tayo higit na makapaglilingkod, ngunit alam ng Panginoon, at sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu ay papatnubayan tayo sa ating mga pagsisikap … sa pagsusumikap nating maging mga kasangkapan sa mga kamay ng Panginoon upang pagpalain ang Kanyang mga anak. Kapag humihingi tayo ng patnubay ng Espiritu at nagtitiwala sa Panginoon, ilulugar tayo sa mga sitwasyon at kalagayan kung saan maaari tayong kumilos at magpala—sa madaling salita, magministeryo.

(W. Christopher Waddell. “Tulad ng Ginawa Niya,” Liahona, Mayo 2019, 21)

Ipinaalala sa atin ni Brother David L. Beck, dating Young Men General President:

Final official portrait of David L. Beck, general president of the Young Men, April 2009. Released at the April 2015 general conference.

Ang paglilingkod ay hindi lamang isang bagay na ginagawa natin—inilalarawan nito kung sino tayo.

Maglingkod araw-araw. Nasa buong paligid ninyo ang mga pagkakataon. Hanapin ang mga ito. Magpatulong sa Panginoon na makita ang mga ito. Malalaman ninyo na karamihan ay maliliit at tapat na mga gawain ang tumutulong sa iba na maging mga tagasunod ni Jesucristo.

(David L. Beck, “Ang Inyong Sagradong Tungkuling Maglingkod,” Liahona, Mayo 2013, 57)

Para sa mas marami pang ideya o halimbawa tungkol sa ministering, tingnan ang dalawang artikulong ito mula sa mga magasin ng Simbahan:

Maaari mo ring tingnan ang page na “Ito ang Ministering” sa SimbahanniJesucristo.org.

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Mga halimbawa ng ministering

Maaari mong gamitin ang isa sa mga sumusunod na resource upang magbigay ng mga karagdagang halimbawa ng ministering.

5:6
13:2