Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 21


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 21

Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage

Young adults looking at the scriptures.

Ang isang layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang mas maunawaan ang mga turo ng Tagapagligtas, maipaliwanag ang mga ito sa sarili mong mga salita, at maipamuhay ang mga ito. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong magsanay na ipamuhay ang mga doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan sa iba’t ibang sitwasyon.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isang partikular na doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan na nakatulong sa kanila at maghandang ibahagi sa klase kung paano ito nakatulong sa kanila.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage

Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na subukan ang nalalaman ng isa’t isa o gumamit ng isa pang paraan para marebyu ang mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Maaaring gamitin ng mga estudyante ang Doctrinal Mastery Core Document (2022) o ang Doctrinal Mastery app upang marebyu ang mga scripture passage. Maaaring gamitin ang iba’t ibang doctrinal mastery passage kapalit ng mga sumusunod na scripture passage.

Rebyuhin ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa mga sumusunod na doctrinal mastery passage. Isipin kung paano maiaangkop sa iyong buhay ang doktrina sa bawat scripture passage.

Mga Hebreo 12:9 : Ang Ama sa Langit ang “Ama ng mga espiritu.”

Santiago 1:5–6 : “Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos.”

Santiago 2:17–18 : “Ang pananampalataya, kung ito ay walang mga gawa ay patay.”

1 Pedro 4:6 : “Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay.”

Apocalipsis 20:12 : “At ang mga patay ay hinatulan … ayon sa kanilang mga gawa.”

Ipamuhay ang doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage

Ang buklet na Para sa Lakas ng mga Kabataan ay nagbibigay ng sumusunod na payo: “Pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw at ipamuhay ang mga nababasa ninyo. Ang mga banal na kasulatan ay napakalakas na pinagmumulan ng personal na paghahayag at patnubay at palaging magpapalakas ng inyong patotoo” ([2011], 42).

  • Anong uri ng mga bagay ang ginagawa mo na makatutulong sa iyo na maipamuhay ang natututuhan mo sa mga banal na kasulatan?

Maaaring umasa ang mga estudyante sa kanilang paghahanda para sa klase habang sinasagot nila ang mga sumusunod na tanong.

  • Ano ang doctrinal mastery passage na nakatulong sa iyo sa buhay mo? Paano ito nakatulong sa iyo?

Ang sumusunod na aktibidad ay tutulong sa iyo na magsanay na ipamuhay ang ilang partikular na doctrinal mastery passage. Kapag natapos mo na ang aktibidad, maging handa sa personal na paghahayag. Maaaring bigyan ka ng Banal na Espiritu ng mga kaalaman o ideya kung paano mo ipamumuhay ang mga banal na kasulatan. Maghandang isulat ang anumang pahiwatig na matatanggap mo.

Bigyan ang bawat estudyante ng isang papel, at sabihin sa kanila na gawin ang unang hakbang sa ibaba. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na ipasa ang kanilang papel sa ibang miyembro ng klase, na gagawa ng ikalawang hakbang. Patuloy na ipasa ang papel sa iba’t ibang estudyante para sa mga ikatlo at ikaapat na hakbang. Maaari ding gawin ng mga estudyante ang aktibidad na ito sa isang digital device na may messaging app.

Bago magsimula ang mga estudyante, maaaring makatulong sa kanila ang isang halimbawa tulad ng sumusunod: 1. Iniisip ng isang estudyante kung kilala siya ng Ama sa Langit. 2. Ang Mga Hebreo 12:9 ay makatutulong dahil itinuturo nito na ang Diyos ang Ama ng ating mga espiritu. 3. Maaaring magbahagi ang isang estudyante ng isang karanasan kung saan nadama niya na kilala siya ng Diyos. 4. Kapag pinanghihinaan ako ng loob, naaalala ko na ako ay anak ng Diyos.

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa pag-iisip ng makatotohanang sitwasyon, maaari kang magbigay ng ilang halimbawa na magagamit ng mga estudyante.

  1. Maglarawan ng isang makatotohanang sitwasyon o magtanong ng isang bagay na nauugnay sa isa o mahigit pa sa mga doctrinal mastery scripture passage sa lesson na ito ( Mga Hebreo 12:9 ; Santiago 1:5–6 ; Santiago 2:17–18 ; 1 Pedro 4:6 ; Apocalipsis 20:12).

  2. Tukuyin ang doctrinal mastery scripture passage sa Bagong Tipan, at ipaliwanag kung paano ito makatutulong sa iyo na tumugon sa sitwasyon o tanong.

  3. Magbahagi ng isang karanasan na nauugnay sa doktrinang itinuro sa scripture passage. Maaaring ito ay isang personal na karanasan, karanasan ng isang taong kakilala mo, o karanasang nakatala sa mga banal na kasulatan.

  4. Ibahagi kung paano mo maipamumuhay ang doktrina o kung ano ang ipinauunawa nito sa iyo tungkol sa Ama sa Langit o kay Jesucristo.

Kapag tapos na ang mga estudyante, anyayahan sila na basahin sa klase ang mga sagot sa kanilang papel. Pagkatapos ay maaaring ibahagi ng mga estudyante ang natutuhan nila sa mga pananaw na narinig nila mula sa iba pang estudyante. Kung may oras pa, maaaring ulitin ng mga estudyante ang aktibidad gamit ang iba’t ibang doctrinal mastery passage.

  • Ano ang magagawa mo sa linggong ito na tutulong sa iyo na maipamuhay ang mga banal na kasulatan?

  • Paano makatutulong sa iyo ang paggawa nito para mas mapalapit ka sa Tagapagligtas?

Hikayatin ang mga estudyante na basahin ang mga banal na kasulatan araw-araw at ipamuhay ang natututuhan nila. Magpatotoo tungkol sa mga pagpapala ng araw-araw na pag-aaral ng banal na kasulatan.