Seminary
Filipos; Colosas


Filipos; Colosas

Buod

Sa kanyang pagkabilanggo sa Roma, sumulat si Pablo ng mga sulat sa mga Banal sa Filipos at Colosas at itinuro niya sa kanila na humingi ng lakas kay Jesucristo. Itinuro niya na si Cristo ang pinagmumulan ng kapayapaan at kagalakan, at binigyang-diin niya ang magagawa ng mga Banal upang makadama ng kagalakan at “kapayapaan ng Diyos” (Filipos 4:7). Ipinaalala rin niya sa kanila na “[magpatuloy] na matatag at matibay sa pananampalataya” (Colosas 1:23) at “nakaugat at nakatayo” (Colosas 2:7) kay Cristo.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Filipos at Colosas

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan na sa pamamagitan ni Jesucristo, makahahanap sila ng lakas upang harapin ang kanilang mga hamon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isaulo ang Filipos 4:13 .

  • Content na ipapakita: Ang mga tagubilin para sa mga estudyante na tapusin ang kanilang limang minutong lesson (kabilang ang mga halimbawa)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sabihin sa mga estudyante na i-off ang kanilang sound at video habang inihahanda nila ang kanilang mga lesson. Pagkatapos ng itinakdang oras, muling ipa-on sa kanila ang kanilang video at sound, at ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room. Sabihin sa isa o dalawang handang estudyante na ituro ang kanilang lesson sa mas maliliit na grupo.

Filipos 3

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng pagsasakripisyo upang makilala si Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Kung maaari, sabihin sa mga estudyante na magtipon ng mga kuwento mula sa mga kapamilya o ninuno na nagsakripisyo upang sundin si Jesucristo. Hikayatin sila na pumasok sa klase na handang ibahagi sa klase ang mga karanasang ito.

Filipos 4

Layunin ng lesson: Hahangarin ng mga estudyante na matukoy ang mga paraan na makatatanggap sila ng dagdag na kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ni Jesucristo sa sarili nilang buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na itanong sa ilang kaibigan o kapamilya kung paano sila binibigyan ni Jesucristo ng kapayapaan at kagalakan sa kanilang buhay.

  • Content na ipapakita: Ang larawan ni Pablo at ang maaaring mga balakid at hadlang sa kanyang kapayapaan at kaligayahan

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong hayaan ang mga estudyante na gamitin ang whiteboard function upang idagdag ang mga ideya nila sa screen habang inililista nila ang mga paraan upang magkaroon ng dagdag na kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ni Cristo.

Colosas 1–2

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy ang mga puwersang nagbabanta sa kanilang pananampalataya at ang mga paraan na maaari silang maging mas matatag kay Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na magdrowing o kumuha ng larawan ng kanilang paboritong uri ng punong namumunga at dalhin ang larawan sa klase. Sabihin sa kanila na mag-isip ng mga espirituwal na aral na matututuhan natin mula sa mga puno.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang gumamit ng drawing o whiteboard function at magpatulong sa mga estudyante na magdrowing ng matibay na puno na nakaugat kay Cristo at lagyan ito ng label sa buong lesson.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 21

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong magsanay na ipamuhay ang mga doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan sa iba’t ibang sitwasyon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isang partikular na doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan na nakatulong sa kanila at maghandang ibahagi sa klase kung paano ito nakatulong sa kanila.

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Isang papel at panulat para sa bawat estudyante

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaaring ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room upang talakayin ang hakbang 1 hanggang 4 sa aktibidad sa pagsusulat ng doctrinal mastery. Upang mabigyan ang mga estudyante ng pagkakataong makipagtulungan sa iba’t ibang kaklase, maaari mo silang ilagay sa iba’t ibang breakout room para sa bawat tanong.