Seminary
Efeso 6:10–24


Efeso 6:10–24

“Isuot Ninyo ang Buong Kasuotang Pandigma ng Diyos”

A young man dressed in New Testament era armor with a sword and shield.

Tayo ay nasa digmaan para sa mga kaluluwa ng sangkatauhan. Binigyang-inspirasyon ng Ama sa Langit si Pablo na ituro kung paano natin madaraig ang mga pag-atake ni Satanas. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang maunawaan kung ano ang ibinigay ng Diyos upang protektahan ka laban sa mga kasamaan ng mundo, suriin ang iyong kasalukuyang espirituwal na paghahanda, at gumawa ng plano na palakasin ang iyong mga espirituwal na proteksyon.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin at gawin ang aktibidad na may pamagat na “Ang kasuotang pandigma ng Diyos ang magpoprotekta sa akin laban sa kasamaan” sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at pumasok na handang ibahagi ang natutuhan nila tungkol sa baluti o kasuotang pandigma ng Diyos (“Oktubre 2–8. Efeso: ‘Sa Ikasasakdal ng mga Banal,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2023).

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Si Satanas ay agresibo sa kanyang mga taktika

  • Ano sa palagay mo ang pinakamalaking pagkakaiba ng nararanasan mo bilang tinedyer at ng naranasan ng iyong mga magulang noong nasa edad mo sila?

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Robert D. Hales (1932–2017) ng Korum ng Labindalawang Apostol, at maghanap ng isang pagkakaibang binigyang-diin niya:

Official portrait of Elder Robert D. Hales of the Quorum of the Twelve Apostles, 2003

Hindi kailanman naranasan ng inyong mga ama at lolo na maharap sa mga tuksong karaniwang kinakaharap ninyo. Nabubuhay kayo sa mga huling araw. Kung nais ng mga tatay ninyo na matukso noon, kailangan pa niyang lumabas at hanapin iyon. Hindi na ngayon! Ang tukso na ngayon ang naghahanap sa inyo! Tandaan ninyo iyan! Gusto ni Satanas na maangkin kayo, at “nag-aabang ang kasalanan sa pintuan” [ Moises 5:23 ]. Paano ninyo malalabanan ang kanyang agresibong taktika?

(Robert D. Hales, “Tumayo nang Hindi Natitinag sa mga Banal na Lugar,” Liahona, Mayo 2013, 48–49)

  • Ano ang mga paraan na mahahanap tayo ng tukso ngayon sa halip na tayo ang naghahanap nito?

Maaari mong idispley ang mga sumusunod na tagubilin at tanong kung saan makikita ng mga estudyante ang mga ito. Sabihin sa mga estudyante na tahimik na pag-isipan ang kanilang mga sagot.

Isipin ang mga sumusunod na tanong, at isulat ang mga sagot mo sa iyong study journal.

  • Ano ang ilang paraan na personal kang sinusubukang tuksuhin ni Satanas?

  • Ano ang ginagawa mo upang humingi ng tulong sa Panginoon na mapaglabanan ang mga tukso ni Satanas? Ano ang nagawa mo nang mabuti? Ano ang kailangan mong gawin upang mas magpakabuti pa?

Sa pag-aaral mo ng lesson na ito, hingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang matulungan kang malaman kung paano mo mahahanap at mas lubos na matatanggap ang proteksyon ng Tagapagligtas sa iyong buhay laban sa mga pag-atake ni Satanas.

Ang proteksyon ng Panginoon

Basahin ang Efeso 6:10–13 , at alamin kung ano ang sinabi ni Pablo na nilalabanan ng mga Banal sa kanyang panahon.

  • Anong mga pagkakatulad ang nakikita mo sa nilalabanan ng mga Banal sa Efeso sa kanilang panahon at sa kung ano ang nilalabanan natin ngayon?

  • Bakit nais ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na maprotektahan tayo laban sa kasamaan? Ano ang itinuturo sa atin ng hangaring ito tungkol sa Kanila?

  • Ano ang ipinagawa ni Pablo sa Efeso upang mapaglabanan ang mga kasamaang ito?

Mula sa Efeso 6:10–13 , nalaman natin na kung isusuot natin ang buong baluti o kasuotang pandigma ng Diyos, mapaglalabanan natin ang kasamaan.

Ang baluti ng Diyos ay isang metapora o simbolo para sa proteksyong ibinibigay sa atin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Sa digmaang kinakaharap natin, ang baluti ng Diyos ay espesyal na ginawa para sa iyo at sa mga panganib sa iyong buhay. Upang matulungan kang maunawaan ang banal na proteksyong ito, maaari mong kopyahin ang sumusunod na larawan sa iyong study journal o i-print ito. Isulat sa diagram ang iyong mga sagot sa sumusunod na aktibidad:

Color Handouts Icon

Ibigay ang sumusunod na handout sa mga estudyante. O maaaring kopyahin ng mga estudyante ang handout sa kanilang study journal. Ipakita ang mga tanong na sasagutin ng mga estudyante para sa bawat piraso ng baluti.

New Testament Seminary Teacher Manaul - 2023

Basahin ang Efeso 6:14–18 upang matukoy ang bawat bahagi ng baluti ng Diyos. Isulat sa iyong diagram ang kinakatawan ng bawat piraso ng baluti. Maaaring makatulong na malaman na ang “nakasuot sa inyong mga paa” ( Efeso 6:15) ay tumutukoy sa pagsusuot ng pamprotektang pantakip sa mga paa.

2:1

Maaari mong ipanood ang video ng mensahe ni Elder Hales na “Tumayo nang Hindi Natitinag sa mga Banal na Lugar” mula sa time code na 0:40 hanggang 2:37, na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org.

16:12

Maaari mong hatiin ang klase sa mga grupo. Magtalaga sa bawat grupo ng piraso ng baluti. Kung maliit ang klase, maaaring kailanganing matalaga sa mga grupo ng mahigit sa isang piraso ng baluti.

  1. Anong espirituwal na konteksto ang iniugnay ni Pablo sa pirasong ito ng baluti?

  2. Ano ang maaaring espirituwal na sinasagisag ng parte ng katawan na pinoprotektahan ng baluti?

  3. Paano natin isusuot ang pirasong ito ng baluti ng Panginoon upang matanggap ang Kanyang proteksyon laban sa kasamaan?

Upang maipakita sa mga estudyante kung paano kukumpletuhin ang handout, maaari mong gawin ang mga hakbang gamit ang sumusunod na halimbawa ng piraso ng baluti. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Efeso 6:14 . Talakayin sa klase ang mga posibleng sagot sa bawat tanong. Maaaring sagutin ng mga estudyante ang mga tanong 2 at 3 sa iba’t ibang paraan.

Para sa “mga baywang [na] nabibigkisan ng katotohanan” ( Efeso 6:14), ang sumusunod ay maaaring mga sagot sa mga tanong sa itaas: (1) katotohanan; (2) kumakatawan ito sa ating kalinisang-puri o kadalisayang moral; at (3) malalaman natin ang mga katotohanan tungkol sa Ama sa Langit at sa Kanyang plano ng kaligtasan na makapaghihikayat sa atin na manatiling dalisay ang moralidad.

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa kinatawan ng bawat grupo na mag-ulat sa klase tungkol sa itinalagang piraso ng baluti sa kanila. Habang nag-uulat ang bawat grupo, ipasulat sa mga estudyante ang mga natuklasan ng mga grupo sa sarili nilang handout. Maaari mong itanong sa mga estudyante kung ano ang mga tanong nila o kung ano ang natutuhan nila sa mga turo ni Pablo tungkol sa baluti ng Diyos.

Pagsusuot ng buong baluti ng Tagapagligtas

Binigyang-diin ni Pablo at ng Tagapagligtas ang pagsusuot ng buong baluti o kasuotang pandigma ng Diyos (tingnan sa Efeso 6:11, 13 ; Doktrina at mga Tipan 27:15).

  • Anong mga panganib ang nakikita mo sa pagsusuot ng isang piraso lang ng baluti ng Panginoon? Sa palagay mo, bakit nais ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na ganap kang maprotektahan?

  • Ano ang gagawin mo bawat araw upang mas ganap na maisuot ang buong baluti ng Diyos para maprotektahan ka laban sa mga tuksong kinakaharap mo?

  • Paano naging pagpapakita ng iyong pagmamahal at tiwala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ang pagbaling sa kanila para humingi ng tulong sa ganitong paraan?

Patotohanan na nais ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na protektahan tayo laban sa tukso at magpahayag ng tiwala na matatanggap ng mga estudyante ang lakas at proteksyong ito mula sa Kanila kapag sinunod nila ang mga pahiwatig na natanggap nila.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Ano ang kahalagahan ng mga bahagi ng katawan na pinoprotektahan ng baluti ng Tagapagligtas?

Ipinahayag ni Pangulong Harold B. Lee (1899–1973):

Head and shoulders portrait of LDS Church President Harold B. Lee.

Mayroon tayong apat na bahagi ng katawan na sinabi ni Apostol Pablo na pinakamadaling punteryahin ng mga kapangyarihan ng kadiliman. Ang balakang, na sumisimbolo sa karangalan, kalinisang-puri. Ang puso na sumisimbolo sa ating pag-uugali. Ang ating mga paa, ang ating mga mithiin o layunin sa buhay at sa huli ay ang ating ulo, ang ating mga pag-iisip.

(Harold B. Lee, Feet Shod with the Preparation of the Gospel of Peace, Brigham Young University Speeches of the Year [Nob. 9, 1955], 2)

Ano ang magagawa ko upang maisuot ang buong baluti ng Diyos?

Itinuro ni Elder Neal A. Maxwell (1926–2004) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Last official portrait of Elder Neal A. Maxwell, 1992.

Sa paghuhubad ng likas na tao maisusuot na ang buong baluti ng Diyos, na hindi magkakasya noon! (tingnan sa Efeso 6:11, 13).

(Neal A. Maxwell, “Plow in Hope,” Ensign, Mayo 2001, 60)

Itinuro ni Pangulong M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official portrait of President M. Russell Ballard of the Quorum of the Twelve Apostles, 2004.

Gusto kong isipin na ang espirituwal na baluting ito ay hindi isang buong piraso ng bakal na ginawa para magkasya sa katawan, kundi isang pinagdugtung-dugtong na mga kadena. Ang kadenang ito ay binubuo ng dose-dosenang maliliit na piraso ng bakal na magkakabit-kabit upang mas makagalaw ang nagsusuot nang hindi nababawasan ang proteksyon. Sinasabi ko ito dahil sa aking karanasan ay walang iisang dakila at malaking bagay na maaari nating gawin upang maprotektahan ang ating mga sarili sa espirituwal na paraan. Ang tunay na espirituwal na kapangyarihan ay nasa maraming maliliit na gawain na pinagsama-sama upang maging espirituwal na muog na nagpoprotekta at sumasangga laban sa lahat ng kasamaan.

(M. Russell Ballard, “Be Strong in the Lord,” Ensign, Hulyo 2004, 8)

Paano nauugnay ang mga temple garment sa baluti ng Diyos?

Ipinaliwanag ni Elder Carlos E. Asay (1926–99) ng Panguluhan ng Pitumpu:

Portrait of Carlos E. Asay

Gayunman, may isa pang bahagi ng baluti na karapat-dapat nating isaalang-alang. Ito ang espesyal na kasuotang panloob na kilala bilang temple garment, o garment ng banal na priesthood, na isinusuot ng mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw na tumanggap ng kanilang endowment sa templo. Ang garment na ito, na isinusuot sa araw at gabi, ay may tatlong mahahalagang layunin: ito ay paalala sa mga sagradong tipang ginawa sa Panginoon sa Kanyang banal na bahay, isang nagpoprotektang pantakip sa katawan, at isang simbolo ng pagkadisente ng pananamit at pamumuhay na dapat maglarawan sa buhay ng lahat ng mapagpakumbabang tagasunod ni Cristo.

(Carlos E. Asay, “The Temple Garment: ‘An Outward Expression of an Inward Commitment,’” Ensign, Ago. 1997, 20)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Mga object lesson

Nakalista sa ibaba ang iba pang paraan na masisimulan ang lesson:

  1. Maaari kang magdala ng ilang pamprotektang kagamitan na ginagamit sa mga sporting event o iba pang aktibidad at talakayin kung paano pinoprotektahan ng mga ito ang mga kalahok.

  2. Magpakita ng mga larawan ng ilang halaman (tulad ng halamang may tinik) o hayop (tulad ng mga hayop na may mga sungay, sipit, ngipin, o baluti), at talakayin kung paano nila pinoprotektahan ang kanilang sarili.

Si Jesucristo bilang baluti

Maaaring anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang mga sumusunod na talata upang matuto pa tungkol sa mga piraso ng baluti na matatagpuan sa Efeso 6:14–17 at kung paano kumakatawan ang bawat bahagi kay Jesucristo:

Kapag tapos na ang mga estudyante, sabihin sa kanila na magbahagi ng anumang natutuhan nila tungkol sa kung paano sila mapoprotektahan ni Jesucristo laban sa mga espirituwal na panganib na kinakaharap nila.