Seminary
Doctrinal Mastery: Efeso 2:19–20


Doctrinal Mastery: Efeso 2:19–20

Ang Simbahan ay Itinayo kay Jesucristo at sa Kanyang mga Apostol at Propeta

All the members of the First Presidency and the Quorum of the Twelve Apostles are seated or standing with the Christus Statue and statues of the Original Twelve at the Visitors’ Center in Rome, Italy. Front Left to Right: Dieter F. Uchtdorf, Jeffrey R. Holland, M. Russell Ballard, Dallin H. Oaks, Russell M. Nelson, Henry B. Eyring, David A. Bednar, Quentin L. Cook, D. Todd Christofferson, Gary E. Stevenson, Ronald A. Rasband, Neil L. Andersen, Dale G. Renlund, Gerrit W. Gong, Ulisses Soares

Sa iyong pag-aaral ng Efeso 2, natutuhan mo na ang Simbahan ni Jesucristo ay itinayo sa saligan ng mga apostol at propeta at si Jesucristo ang pangulong batong panulok. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa mga turong ito habang isinasaulo mo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Efeso 2:19–20, ipinapaliwanag ang doktrina, at ipinamumuhay ang doktrina at mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa sitwasyon sa tunay na buhay.

Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante ang sitwasyon sa pagsasanay para sa pagsasabuhay mula sa lesson na ito at sabihin sa kanila na pag-isipan kung paano nila magagamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang tulungan ang kanilang kaibigan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang doctrinal mastery passage lesson na ito ay ituturo pagkatapos ng lesson na “Efeso 2,” na siyang kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na Efeso 2:19–20 . Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery passage lesson na ito sa ibang linggo, tiyaking ituro din ang kaukulang kontekstuwal na lesson sa linggo ring iyon.

Isaulo at ipaliwanag

Line drawing of a meetinghouse.

Upang tulungan kang maisaulo ang doctrinal mastery reference na ito at ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan, isulat ang sumusunod nang kahit tatlong beses sa iyong study journal: “Efeso 2:19–20. Ang Simbahan ay ‘itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.’”

Maaari mong isulat ang parirala sa paraang naglalarawan din ng katotohanang ito. Halimbawa, maaari kang magdrowing ng parihaba sa paligid ng parirala upang sumimbulo sa saligan at magdrowing ng isang simbahan sa itaas nito. O, kung nagdrowing ka ng halimbawa ng pundasyong ito para sa nakaraang lesson, maaari mong isulat ang mahalagang parirala sa o malapit sa drowing na iyon.

Maaaring epektibong ipakita ang simbolo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at itanong sa mga estudyante kung paano ito nauugnay sa Efeso 2:19–20 . Maaari mong ipanood ang video na “Pagbubukas ng mga Kalangitan para sa Tulong” mula sa time code na 4:09 hanggang 5:08, kung saan inilarawan ni Pangulong Russell M. Nelson ang simbolo. Ang video na ito ay mapapanood sa SimbahanniJesucristo.org.

Global Visual Library Low-Fidelity Symbol Knockout
11:27

Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong ipaliwanag ang sumusunod na doktrina na itinuro sa Efeso 2:19–20 : Ang Simbahan ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.” Ang sumusunod na aktibidad ay isang ideya. Maaaring gawin ng mga estudyante ang tatlong step o hakbang na ito nang mag-isa o nang magkakapartner.

A. Basahin ang Efeso 2:19–20 , at pagnilayan ang mensaheng nilalaman nito.

B. Mag-isip ng isang tanong na maaaring mayroon ang isang tao tungkol sa mga propeta at apostol na maaaring makatulong ang Efeso 2:19–20 sa pagsagot. Ang ilang halimbawa ay maaaring “Bakit may mga propeta at apostol ang simbahan ninyo?” “Ano ang itinuturo ng mga banal na kasulatan tungkol sa mga propeta at apostol?” o “Ano ang kaugnayan ng Tagapagligtas at ng mga propeta at apostol?” Isulat ang tanong mo.

C. Gamit ang Efeso 2:19–20 , isulat ang sasabihin mo upang sagutin ang tanong.

Sa halip na anyayahan ang mga estudyante na isulat ang kanilang mga sagot para sa step C, maaari mong sabihin sa kanila na gumawa nang magkakapartner at sagutin ang mga tanong ng isa’t isa. Pakinggan ang kanilang mga sagot at suriin kung gaano nakakaunawa nang husto ang mga estudyante. Kung kinakailangan, rebyuhin ang Efeso 2:19–20 kasama ng mga estudyante at ang anumang kinakailangang materyal mula sa lesson na “Efeso 2.”

Pagsasanay para sa pagsasabuhay

Sa sumusunod na aktibidad, suriin ang kaalaman ng mga estudyante tungkol sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, at tulungan sila kung kinakailangan.

Matutulungan ka ng sumusunod na sitwasyon na rebyuhin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Itugma ang bawat pahayag sa naaangkop na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Kung kinakailangan, rebyuhin sandali ang talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022) upang matulungan ka.  

1. Ang matatapat na naghahanap ng katotohanan ay dapat mag-ingat sa di-mapagkakatiwalaang sources ng impormasyon. 

2. Kapag tayo ay tapat sa katotohanan at liwanag na natanggap na natin, mas marami pa tayong matatanggap.

3. Kapag nananatiling matibay ang ating tiwala sa ating Ama sa Langit at sa Kanyang plano ng kaligtasan, nakikita natin ang mga problema nang mas malinaw. 

a. Kumilos nang may pananampalataya.

b. Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw.

c. Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos.

Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang isa sa mga pares na itinugma nila at ipaliwanag kung bakit makatutulong sa kanila ang partikular na pahayag na pinili nila para magtamo sila ng espirituwal na kaalaman.

Ipagpalagay na nalilito ang matalik mong kaibigang si Estelle. May patotoo siya tungkol sa mga propeta at apostol, ngunit sinasalungat niya ang isang kasalukuyang itinuturo ng Simbahan. Sa katunayan, matindi niyang sinasalungat ito. Humingi siya ng tulong sa iyo upang malaman kung ano ang gagawin. Sa sandaling iyon hindi mo alam kung ano ang sasabihin, ngunit nagpasya kang sundin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman na ginamit mo sa seminary upang maghandang tulungan ang iyong kaibigan.

Gamitin ang sumusunod na chart upang pagnilayan ang sarili mong mga pananaw at nadarama tungkol sa mga propeta at apostol at kung paano mo matutulungan si Estelle.

Maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod na impormasyon o ihanda ang mga tanong sa isang papel na gagamitin ng mga estudyante.

Paano ako natutong magtiwala at sumunod sa mga apostol at propeta?

Paano ko matutulungan ang kaibigan ko?

Ano ang mga naranasan ko nang kumilos ako nang may pananampalataya kay Jesucristo upang sundin ang Kanyang mga apostol at propeta? Aling karanasan ang maaaring makatulong na ibahagi kay Estelle?

Ano ang mga itatanong ko kay Estelle upang tulungan siyang pag-isipan kung paano nais ng Panginoon na kumilos siya nang may pananampalataya?

Ano ang nalalaman ko na tungkol sa Ama sa Langit, sa Kanyang plano, at kung paano Siya nakikitungo sa Kanyang mga anak na makakatulong kay Estelle sa sitwasyong ito?

Ano ang maaari kong itanong kay Estelle upang matulungan siyang makita ang kanyang alalahanin nang may walang-hanggang pananaw?

Anong sources na itinalaga ng Diyos ang nakatulong sa akin na magtiwala sa mga apostol at propeta? Paano nakatulong sa akin ang mga ito?

Anong sources na itinalaga ng Diyos ang irerekomenda kong basahin at pag-aralan ni Estelle?

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa mga tanong upang matulungan si Estelle na makita ang kanyang alalahanin nang may walang-hanggang pananaw, maaari mong gamitin ang mga sumusunod na halimbawa:

  • Ano ang nalalaman mo na tungkol sa tungkulin ng mga propeta at apostol sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit?

  • Ano ang iyong mga alalahanin tungkol sa partikular na turong ito? Anong mga alituntunin sa ebanghelyo ni Jesucristo ang makatutulong sa iyo na mas maunawaan ito?

  • Paano makakaapekto sa iyo ang desisyong sundin ang mga propeta at apostol, o huwag silang sundin, sa paglipas ng panahon? Paano ito makakaapekto sa ugnayan mo sa iyong Ama sa Langit?

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa pagrerekomenda ng sources na itinalaga ng Diyos na pag-aaralan ni Estelle, maaari mo silang anyayahang basahin ang Doktrina at mga Tipan 21:4–6 at 1 Nephi 2:11, 16, 19 .

Sabihin sa mga estudyante na isadula kung ano ang maaari nilang sabihin kay Estelle kasama ang isang kapartner o sa isang maliit na grupo. Maaari ding gumuhit ang mga estudyante ng isang comic strip na may mga stick figure at speech bubble.

Maaari kang magtanong ng mga follow-up na katanungan na tulad ng “Sa anong mga paraan ninyo nadaramang may kumpiyansa kayo sa paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng kaalaman upang tulungan ang iba? Bakit?” “Sa anong mga aspeto gusto ninyong tulungan pa kayo o magsanay pa?”

Purihin ang mga estudyante sa mga paraan na mahusay nilang nagagamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at sa mga paraan na humuhusay sila.

Maaari kang magbahagi ng personal na karanasan o patotoo upang mahikayat ang mga estudyante.

Pagrerebyu ng doctrinal mastery

Gumamit ng aktibidad tulad ng sumusunod upang rebyuhin ang doctrinal mastery passage na ito sa susunod na lesson.

Sa pisara, magdrowing ng simpleng outline ng isang gusali ng simbahan na may parihaba sa ilalim nito upang kumatawan sa saligan. Sa loob ng parihabang ito, isulat ang sumusunod: Efeso _:19–20, Ang Simbahan ay “itinayo sa __________________ ng _____________ at ____________, na si Cristo Jesus ang ___________ ________.” Sabihin sa klase na punan ang mga patlang. Tapusin ang pagrerebyung ito sa pamamagitan ng pagsasabi sa mga estudyante na bigkasin ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan nang ilang beses at pagbubura ng ilang salita sa bawat pagkakataon.

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Alternatibong sitwasyon

Maaari mong gamitin ang sumusunod na sitwasyon bilang kapalit sa sitwasyong nasa lesson:

Ipagpalagay na naniniwala pa rin ang matalik mong kaibigang si Estelle at ang kanyang pamilya kay Jesucristo at sa Biblia, ngunit iniisip nilang umalis sa Simbahan dahil hindi sila sumasang-ayon sa ilang bagay na kasalukuyang itinuturo ng propeta at mga apostol. Humingi siya ng tulong sa iyo upang malaman kung ano ang gagawin.