Efeso
Buod
Sa kanyang sulat sa mga taga Efeso, pinatungkulan ni Pablo ang mga Gentil na miyembro ng Simbahan (tingnan sa Efeso 2:11) na marahil ay mga bagong miyembro (tingnan sa Efeso 1:15). Siya ay nagturo ng iba’t ibang nakapagliligtas na alituntunin, kabilang ang paraan kung paano tayo pinagkakaisa ng Tagapagligtas, ang kahalagahan ng mga propeta at apostol, pagtulad sa Tagapagligtas sa mga pakikipag-ugnayan natin, at pagdaig sa mga impluwensya ng kasamaan.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson:
Efeso 2–5
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na matutuhan kung paano maghahanap ng mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan na tutulong sa kanilang buhay at mas magpapalapit sa kanila sa Tagapagligtas.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga banal na kasulatan mula ngayon hanggang sa susunod na klase, at alamin ang mga katotohanang itinuturo ng mga banal na kasulatan. Sabihin sa kanila na isipin ang iba’t ibang paraan na matutukoy nila ang mga katotohanang ito.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Matapos magawa ng mga estudyante ang kanilang poster, sabihin sa kanila na piliin ang gallery view upang makita nila ang lahat ng kaklase nila. Sabihin sa lahat ng estudyante na ipakita ang kanilang mga poster upang makita ng buong klase ang mga ito. Sabihin sa isang estudyante na pumili ng isang poster na nagustuhan niya, at pagkatapos ay sabihin sa estudyanteng gumawa ng poster na ipaliwanag ito. Habang nagpapaliwanag ang estudyante, maaaring makatulong sa iba pang estudyante na piliin ang speaker view upang makita nila nang malinaw ang poster. Pagkatapos ay sabihin sa estudyanteng kakatapos lang magpaliwanag na pumili ng isa pang poster na nagustuhan niya at pagkatapos ay sabihin sa estudyanteng gumawa ng poster na ipaliwanag ito. Ulitin ito kung gusto mo.
Efeso 2
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na tumukoy at maghangad ng mga pagpapalang matatamo dahil pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan ngayon sa pamamagitan ng mga propeta at apostol.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang tanong na “Ano kaya ang magiging buhay ko kung wala ang mga propeta at apostol na tinawag ni Jesucristo upang mamuno sa Kanyang Simbahan?”
-
Mga materyal para sa klase: Para sa aktibidad D, maglaan ng ilang kopya ng buklet na Para sa Lakas ng mga Kabataan (2011) para sa mga estudyanteng hindi maka-access sa digital na bersiyon sa Gospel Library.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaaring gumamit ang mga estudyante ng app o program na mayroon na sa kanilang phone o computer upang digital na gumawa ng representasyon ng Efeso 2:19–21 . Pagkatapos ay maaari nilang i-share ang kanilang screen upang ipakita at ipaliwanag kung ano ang ginawa nila at ibahagi kung ano ang ipinapaunawa sa kanila ng kanilang representasyon tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Simbahan.
Doctrinal Mastery: Efeso 2:19–20
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na dagdagan ang kaalaman ng mga estudyante sa mga turo sa Efeso 2 habang isinasaulo nila ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Efeso 2:19–20 , ipinapaliwanag ang doktrina, at ipinamumuhay ang doktrina at mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa sitwasyon sa tunay na buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante ang sitwasyon sa pagsasanay para sa pagsasabuhay mula sa lesson na ito at sabihin sa kanila na pag-isipan kung paano nila magagamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang tulungan ang kanilang kaibigan.
-
Content na ipapakita: Ang chart sa pagsasanay para sa pagsasabuhay, o magbigay ng papel para sa mga estudyante na may mga nakasulat ditong tanong mula sa chart.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Upang matulungan ang mga estudyante na maipaliwanag ang Efeso 2:19–20 , sundin ang step A at B mula sa lesson. Sa halip na isulat ng mga estudyante ang mga sagot sa step C, maaari mong hatiin ang klase sa maliliit na breakout group at magtalaga sa bawat grupo ng partikular na tanong mula sa step C. Sabihin sa bawat grupo na talakayin kung paano nila sasagutin ang tanong at maghanda ng pagsasadula ng sitwasyon na itatanghal sa buong klase. Hikayatin ang mga grupo na isama ang bawat estudyante sa pagsasadula.
Efeso 5:21–33; 6:1–4
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas upang mapatatag ang mga ugnayan nila sa iba.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga miyembro ng kanilang pamilya at tumukoy ng isang bagay na gusto nila tungkol sa bawat isa sa kanila.
-
Content na ipapakita: Mga larawan ng Tagapagligtas na nagpapakita na pinakikitunguhan Niya ang mga miyembro ng Kanyang pamilya nang may pagmamahal at paggalang.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Upang matulungan ang mga estudyante na makumpleto ang aktibidad sa paghahanda ng estudyante, maaari silang anyayahang magsama ng isang miyembro ng kanilang pamilya sa videoconference call o magpakita ng larawan ng kanilang kapamilya sa videoconference call at magbahagi ng isang bagay na gusto nila tungkol sa kapamilyang iyon.
Efeso 6:10–24
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung ano ang ibinigay ng Diyos upang protektahan sila laban sa mga kasamaan ng mundo, suriin ang kanilang kasalukuyang espirituwal na paghahanda, at gumawa ng plano na palakasin ang kanilang mga espirituwal na proteksyon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin at gawin ang aktibidad na may pamagat na “Ang kasuotang pandigma ng Diyos ang magpoprotekta sa akin laban sa kasamaan” sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at pumasok na handang ibahagi ang natutuhan nila tungkol sa baluti o kasuotang pandigma ng Diyos (tingnan sa “Oktubre 2–8. Efeso: ‘Sa Ikasasakdal ng mga Banal,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2023).
-
Handout: Larawan ng lalaking nakasuot ng baluti o kasuotang pandigma
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang magpadala o mag-email ng kopya ng handout sa mga estudyante nang maaga. Kung alam mong mahilig magdrowing ang isang estudyante sa klase, maaari mong hilingin sa kanya na idrowing ang baluti o kasuotang pandigma bago magklase. Pagkatapos ay gawing handout ang kanyang idinrowing at ibigay sa klase. Bilang alternatibo, maaari mong ipakita ang handout sa screen. Pagkatapos basahin ng mga estudyante ang Efeso 6:14–18 , sabihin sa kanila na gamitin ang annotate feature para tukuyin ang iba’t ibang piraso ng baluti o kasuotang pandigma.