Seminary
Doctrinal Mastery: Efeso 1:10


Doctrinal Mastery: Efeso 1:10

Ang Pagpapanumbalik ng Lahat ng Bagay

Painting of the first vision by Walter Rane. The Father and Son appear to Joseph Smith in the sacred grove.

Sa pag-aaral mo ng Efeso 1, natutuhan mo ang tungkol sa doktrina ng Pagpapanumbalik. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong dagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa mga turo sa Efeso 1:10 sa pamamagitan ng pagsasaulo ng reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan, pagpapaliwanag ng doktrina, at paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa totoong buhay.

Pag-alaala sa layunin ng doctrinal mastery. Ipinaliwanag ni Pangulong M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol na ang doctrinal mastery ay “magtutuon sa pagpapalago at pagpapalakas ng pananampalataya ng ating mga estudyante kay Jesucristo at pagpapaibayo ng kakayahan nilang mamuhay ayon sa ebanghelyo. Sa paghugot ng lakas mula sa mga banal na kasulatan at salita ng mga propeta, matututo silang kumilos nang may pananampalataya kay Cristo upang magtamo ng espirituwal na kaalaman at pang-unawa sa Kanyang ebanghelyo. At magkakaroon sila ng mga pagkakataong matuto kung paano iangkop ang doktrina ni Cristo at mga alituntunin ng ebanghelyo sa mga tanong at hamong naririnig at nakikita nila araw-araw sa mga kaedad nila at sa social media” (M. Russell Ballard, “Ang mga Oportunidad at Responsibilidad ng mga CES Teacher sa Ika-21 Siglo” [Mensahe sa mga CES Religious Educator, Peb. 26, 2016], broadcasts.ChurchofJesusChrist.org).

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng kahit dalawang katotohanan na sa palagay nila ay kailangang malaman at maunawaan ng lahat tungkol sa Pagpapanumbalik.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang doctrinal mastery passage lesson na ito ay ituturo pagkatapos ng lesson na “Efeso 1,” na siyang kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na Efeso 1:10 . Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery lesson na ito sa ibang linggo, tiyaking ituro din ang kaukulang kontekstuwal na lesson sa linggo ring iyon.

Ipaliwanag at isaulo

Ipagpalagay na hindi pumasok ang ilang kaklase sa araw na pinag-aralan ng klase mo sa seminary ang doktrina ng Pagpapanumbalik sa Efeso 1 . Hiniling sa iyo ng iyong seminary teacher na ibuod nang ilang minuto ang pinakamahahalagang turo na sa palagay mo ay kailangang malaman at matandaan ng lahat ng estudyante tungkol sa doktrina ng Pagpapanumbalik at sa mga turo mula sa Efeso 1:10 .

Upang makatugon, maaaring gamitin ng mga estudyante ang ginawa nila sa paghahanda para sa lesson na ito. Pakinggang mabuti ang mga sagot ng mga estudyante, at suriin ang pagkaunawa nila. Kung kinakailangan, rebyuhin ang mga banal na kasulatan at mga alituntunin mula sa nakaraang lesson.

  • Aling mahahalagang katotohanan tungkol sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ang ibabahagi mo? Bakit?

  • Paano mo ipaliliwanag ang mga turo sa Efeso 1:10 sa sarili mong mga salita?

  • Paano nakakaimpluwensya ang pag-unawa sa Pagpapanumbalik sa nauunawaan at nadarama ng isang tao sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong isaulo ang reperensya para sa doctrinal mastery passage na Efeso 1:10 at ang kasama nitong mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Ang sumusunod ay isang halimbawa kung paano ito gagawin.

Sa iyong study journal o sa iyong digital device, isulat ang mahalagang parirala at reperensya para sa doctrinal mastery passage na Efeso 1:10 sa pamamagitan ng paghahati nito sa apat na bahagi tulad ng makikita sa ibaba:

  • Sa dispensasyon ng kaganapan ng panahon

  • Maaari Niyang tipunin

  • Ang lahat ng mga bagay kay Cristo

  • Efeso 1:10

Takpan ang mga linya 2–4, at ulitin ang linya 1 sa iyong isipan hanggang sa maisaulo mo ito. Lumipat sa pangalawang linya, at ulitin ang proseso. Gawin din ito para sa mga linya 3 at 4. Kapag kumpiyansa ka na naisaulo mo na ang lahat ng apat na linya, isulat ang lahat ng ito sa iyong study journal nang hindi tumitingin. Ulitin ang proseso kung kinakailangan hanggang sa maisulat mo ang buong mahalagang parirala at reperensyang banal na kasulatan nang walang kopya.

Ang nakaraang aktibidad ay maaaring iangkop sa pamamagitan ng pagpapakita ng apat na hinating bahagi at pagtatalaga ng iba’t ibang grupo ng mga estudyante sa bawat bahagi. Pagkatapos ay ituro ang isang grupo, at ipaulit nang malakas sa mga estudyante sa grupong iyon ang kanilang bahagi. Ulitin ito para sa lahat ng grupo. Ituro ang iba’t ibang grupo nang ilang beses upang matulungan ang mga estudyante na magsanay na sabihin at marinig ang mga pariralang ito. Pagkatapos ay sabihin sa klase na magsanay na ulitin ang buong parirala at reperensya nang sabay-sabay. Gawin ito nang maraming beses hangga’t maaari upang maisaulo ng mga estudyante ang doctrinal mastery passage na ito at ang mahalagang parirala nito.

Pagsasanay para sa pagsasabuhay

Maaari mong rebyuhin ang mga talata 5–12 sa Doctrinal Mastery Core Document (2022). Pumili ng isa sa tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, at gumawa ng isang icon o simpleng visual representation upang maalala mo ang alituntuning ito at ang konsepto nito. Halimbawa, para sa alituntuning “suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw,” maaari kang gumawa ng visual na tulad ng mga sumusunod:

Glasses with a set of binoculars and a telescope.

Upang matiyak na sapat ang oras para sa sumusunod na pagsasanay para sa pagsasabuhay, maaari mong bigyan ang mga estudyante ng takdang oras na dalawa hanggang apat na minuto upang gumawa ng isang simpleng visual representation ng isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Kapag natapos na ang mga estudyante, anyayahan ang ilan na ibahagi ang kanilang mga visual at ipaliwanag kung paano kinakatawan ng ginawa nilang visual ang alituntuning pinili nila.

Basahin ang sumusunod na sitwasyon upang matulungan kang magsanay na ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrinang itinuro sa Efeso 1:10 na sa dispensasyon ng kaganapan ng panahon, titipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo. Pagkatapos ay gamitin ang sitwasyong ito, o gumawa ng sarili mong sitwasyon, para masagot ang mga kasunod na tanong.

Isang kaibigan mo kasama ang kanyang pamilya ang nabinyagan at nakatitiyak siya sa oras na iyon na tinutularan niya ang halimbawa ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagsapi sa Kanyang Simbahan. Ngunit sa nakalipas na taon mula nang mabinyagan siya, madalas siyang udyukan ng iba pang mga kaibigan na labagin ang mga kautusan. Nagsimula na siyang mag-isip kung ito ba talaga ang Simbahan ni Cristo at kung mahalaga bang manatiling tapat sa ebanghelyo.

Bagama’t may ilang katotohanan na makatutulong sa iyong kaibigan, isipin kung paano siya mapalalakas at mahihikayat ng mga doktrina ng Pagpapanumbalik at ng dispensasyon ng kaganapan ng panahon.

Sa halip na sabihin sa mga estudyante na sagutin ang lahat ng sumusunod na tanong, maaari kang gumawa ng iba’t ibang paraan upang matulungan ang mga estudyante na magkaroon ng hindi malilimutang karanasan. Halimbawa, maaaring anyayahan ang mga estudyante na talakayin ang mga tanong nang magkakapartner o sa maliliit na grupo. Maaari din nilang isadula ang sitwasyon gamit ang kanilang mga sagot sa ilan sa mga sumusunod na tanong. Bilang isa pang opsiyon, maaaring magtalaga sa magkakapartner o maliliit na grupo ng isa lamang sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman na gagamitin sa pagtugon nila at pagkatapos ay ibabahagi sa klase ang mga ideya nila.

Kumilos nang may pananampalataya

  • Anong mga hakbang ang hihikayatin mong gawin ng kaibigan mo para kumilos siya nang may pananampalataya?

  • Paano makatutulong ang pagkilos nang may pananampalataya sa mga tanong at alalahanin ng iyong kaibigan?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Ano ang nalalaman mo tungkol sa mga turo ng Tagapagligtas tungkol sa Pagpapanumbalik?

  • Paano makatutulong sa iyo at sa iyong kaibigan sa sitwasyong ito ang pagkakaroon ng walang-hanggang pananaw?

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Paano makatutulong ang mga katotohanang matatagpuan sa Efeso 1:10 sa sitwasyong ito?

  • Kung mayroon kang karagdagang oras bago tumugon sa iyong kaibigan, ano ang maaari mong rebyuhin o pag-aralan? Anong sources ang maaari mong sabihin sa iyong kaibigan na pag-aralan nang mag-isa? Bakit?

Pagkatapos magkaroon ng oras ang mga estudyante na pag-isipan at sagutin ang mga tanong sa itaas, anyayahan sila na ibahagi ang sitwasyong ginamit nila at talakayin ang kanilang mga sagot.

Pagrerebyu ng doctrinal mastery

Upang matulungan ang mga estudyante na marebyu ang doctrinal mastery passage at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Efeso 1:10 sa isang lesson sa hinaharap, maaari mong gamitin ang aktibidad sa pagbigkas na may apat na bahagi na inilahad sa simula ng lesson na ito.