2 Corinto 1–7
Buod
Nang dumanas ng paghihirap ang mga tao sa Corinto, sumulat si Pablo sa mga miyembro ng Simbahan doon upang magbigay ng patuloy na suporta at payo. Inanyayahan niya sila na patawarin ang isa’t isa, para sa ikabubuti ng taong patatawarin at para na rin sa sarili nilang kapakanan. Itinuro niya na sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Cristo, sila ay matutubos mula sa kasalanan at muling magkakaroon ng magandang ugnayan sa Diyos. Kalaunan, natanggap niya ang balita na naranasan ng mga Banal sa Corinto ang tunay na pagsisisi, na siya naman niyang ikinatuwa at ikinasaya.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
2 Corinto 1; 4
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang ilan sa mga paraan kung paano nagbibigay ng kapanatagan ang Diyos sa Kanyang mga anak, at matukoy ang mga paraan kung paano mo maibabahagi ang Kanyang kapanatagan sa iba.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng iba’t ibang paraan kung paano sila napapanatag kapag nagkakaproblema sila sa kanilang buhay. Kung maaari, hikayatin silang magdala ng isang larawan o bagay na kumakatawan sa nakakapagpanatag sa kanila.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kapag hiniling sa mga estudyante na mag-isip ng mga bagay na nakakapagpanatag sa kanila, maaari kang magpakita ng ilang personal na bagay o larawan na nakakapagpanatag mula sa iyong tahanan. Ang pagpapakita ng mga bagay na ito sa screen at pagpapaliwanag ng kahalagahan ng mga ito ay makatutulong na magawang mas personal at komportable ang kapaligiran sa pag-aaral.
2 Corinto 2
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na lalo pang maunawaan ang kahalagahan ng pagpapatawad at maragdagan ang hangarin nilang patawarin ang iba.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang magbahagi ng halimbawa ng isang taong kakilala nila na nagpatawad sa ibang tao tulad ng pagpapatawad ni Cristo.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Para sa 2 Corinto 2:5–11 , gamitin ang whiteboard function para makagawa ng dalawang column. Lagyan ang isang column ng label na “Paano natin dapat pakitunguhan ang isang taong nagdulot sa atin ng pighati?” at ang isa pang column ng label na “Bakit natin dapat pakitunguhan ang mga tao sa ganitong paraan?” Pagkatapos ay maaaring anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga saloobin na ita-type mo, o maaaring sila mismo ang mag-type ng kanilang mga sagot gamit ang annotation tool.
2 Corinto 5
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas mapalapit sa Diyos at maging ang ninanais Niya na maging sila.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga pagkakataon na nadama nilang malapit sila sa Diyos at ang mga pagkakataon na nadama nilang malayo sila sa Kanya at pumasok sa klase na handang magbahagi batay sa mga karanasang ito.
-
Content na ipapakita: Ang tatlong tanong na pag-iisipan ng mga estudyante sa pag-aaral nila ng 2 Corinto 5:17–21 , pati na rin ang apat na ideyang pagninilayan nila kalaunan sa lesson (simula sa “Ano kaya ang mangyayari at pakiramdam kapag nakipagkasundo sa Diyos magpakailanman?”)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sa simula ng lesson, sabihin sa mga estudyante na magbahagi sa chat ng ilang sitwasyon sa tunay na buhay na maaaring katulad ng mga sitwasyong nasa lesson. Maaari silang anyayahang pag-isipan kung paano makatutulong sa mga sitwasyong iyon ang mga katotohanan sa lesson na ito.
2 Corinto 7
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang isang mahalagang bahagi ng tunay na pagsisisi at mas mapalapit kay Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nila malalaman kung nakaranas na sila ng tunay na pagsisisi. Maaari din silang anyayahang pag-aralan ang bahaging “Ang kalungkutang naaayon sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi” mula sa outline ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin (“Setyembre 11–17. 2 Corinto 1–7: ‘Kayo’y Makipagkasundo sa Diyos,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2023).
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang gumawa ng isang chart na may isang column na may label na “Kalungkutang Naaayon sa Diyos” at isang column na may label na “Makasanlibutang Kalungkutan.” Pagkatapos ay i-share ang iyong screen at punan ang mga column ng mga ideya ng mga estudyante tungkol sa dalawang uring iyon ng kalungkutan. Bilang alternatibo, maaaring saliksikin ng mga estudyante ang ChurchofJesusChrist.org para sa mga larawang naglalarawan ng kalungkutang naaayon sa Diyos o makasanlibutang kalungkutan. Pagkatapos ay maaaring idagdag ng mga estudyante ang mga ito sa isang naka-share na chart na nakikita nilang lahat. Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag kung paano inilalarawan ng mga larawang ibinahagi nila ang kalungkutang naaayon sa Diyos o makasanlibutang kalungkutan.
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 19
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang ilan sa mga doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng Bagong Tipan.
-
Paghahanda ng estudyante: Bigyan ang mga estudyante ng kopya ng chart ng reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan, at sabihin sa kanila na magsaulo ng kahit ilan sa limang doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Maaari ding gamitin ng mga estudyante ang Doctrinal Mastery app. Bilang alternatibo, maaaring sikapin ng mga estudyante na magsaulo ng buong doctrinal mastery passage.
-
Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Gamit ang limang doctrinal mastery passage mula sa lesson o anumang limang passage na kailangang rebyuhin ng mga estudyante, maaari mong ipasulat sa mga estudyante ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa limang magkakahiwalay na piraso ng papel. Ipakita ang isa sa mga doctrinal mastery passage sa screen, at pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na sabay-sabay na ipakita ang tamang mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa pagbilang mo ng tatlo. Ipagpatuloy ang aktibidad na ito hanggang sa marebyu ang lahat ng doctrinal mastery passage at magkaroon ng kumpiyansa ang mga estudyante na maitutugma nila nang tama ang mga doctrinal mastery passage.