Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 19
Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
Ang pagsasaulo ng mga scripture passage at ng itinuturo ng mga ito ay makatutulong sa iyo sa maraming paraan. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang maisaulo ang ilan sa mga doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng Bagong Tipan.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Magsaulo ng mahahalagang parirala ng banal na kasulatan
-
Ano ang ilang paraan kung paano ginamit ng Tagapagligtas ang mga banal na kasulatan sa Kanyang buhay sa lupa?
Nang tuksuhin ni Satanas ang Tagapagligtas, gumamit Siya ng mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan upang matulungan Siyang madaig ang mga tuksong iyon (tingnan sa Mateo 4:1–11). Madalas din Siyang gumamit ng banal na kasulatan sa Kanyang pagtuturo (tingnan sa Lucas 4:17–27 ; Mateo 19:4–5 ; Mateo 24:37–40 ; Marcos 12:26). Habang isinasaulo mo ang mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa lesson na ito, isipin kung paano makatutulong sa iyo at sa iba ang mga scripture passage na ito. Kung hindi mo pa namarkahan ang mga scripture passage na ito at ang mahahalagang parirala sa iyong mga banal na kasulatan, maaari mo itong gawin.
Reperensyang Banal na Kasulatan |
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan |
Ang Diyos ang “Ama ng mga espiritu.” | |
“Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos.” | |
“Ang pananampalataya na nag-iisa, kung ito ay walang mga gawa ay patay.” | |
“Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay.” | |
“At ang mga patay ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.” |
Sa inyong study journal, kopyahin ang naunang chart. Maaaring makatulong na sabihin nang malakas ang mga salita habang isinusulat ninyo ang mga ito para maalala ninyo ang mga ito. Ulitin nang malakas ang mga reperensya at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan matapos ninyong isulat ang mga ito.
Gawin ang kahit dalawa sa mga sumusunod na aktibidad:
a. Maglaan ng ilang minuto para mapagsikapang maisaulo ang mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Pagkatapos ay takpan ang mga reperensyang banal na kasulatan at subukang sabihin ang mga reperensya habang nakatingin lamang sa mahahalagang parirala. Pagkatapos ay takpan ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan at subukang sabihin ang mga ito habang nakatingin lamang sa mga reperensyang banal na kasulatan.
b. Habang nakikipagtulungan sa isang kapartner, sasabihin nang malakas ng isa sa inyo ang reperensyang banal na kasulatan at sasabihin ng isa pa ang katugmang mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Ulitin ito nang ilang beses para sa bawat doctrinal mastery reference at mahalagang parirala, at subukang isaulo ang mga reperensya at parirala. Pagkatapos ay subukang gawin ito nang hindi tumitingin sa chart. Pagkatapos ay magpalitan ng gagawin.
c. Pagkatapos maglaan ng ilang minuto sa pagsasaulo ng mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan, subukang punan ang mga nawawalang salita sa mga sumusunod na hindi kumpletong reperensya at mahahalagang parirala. Maaari mo ring gamitin ang Doctrinal Mastery app upang magsanay na punan ang mga patlang.
-
Mga Hebreo ___:9. Ang Diyos ___ ___ ng __________.
-
__________ 1:5–6. Kung ang _______ sa ____ ay nagkukulang ng ___________, humingi ____ __ Diyos.
-
Santiago 2:___–____. Ang pananampalataya ___________, ____ ito ay walang ________ ay _____.
-
1 Pedro ___:6. Ang __________ ay ___________ maging sa mga _____.
-
________________ 20:12. At ___ mga patay __ hinatulan ____ sa ________ mga gawa.
d. Pumili ng isa sa mga doctrinal mastery passage at sikaping isaulo ang buong talata o mga talata.
e. Magsulat ng kahit ilan sa limang doctrinal mastery passage reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan hangga’t kaya mo nang walang kopya.
Magnilay
Pumili ng isa o dalawa sa mga doctrinal mastery passage na pinag-aralan mo ngayon at basahin ang buong passage. Pag-isipan kung bakit mahalagang tandaan ang doctrinal mastery passage na ito.
-
Sa mga katotohanang itinuro sa limang doctrinal mastery passage na ito, aling katotohanan ang pinakamakabuluhan sa iyo? Bakit?
-
Paano makatutulong sa iyo ang kaalaman mo sa mga katotohanang ito upang matulungan ang iba?
-
Ano ang magagawa mo upang mas maalala at maipamuhay ang mga doctrinal mastery passage?