2 Corinto 8–13
Buod
Inanyayahan ni Pablo ang mga Banal sa Corinto na tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng kanilang yaman upang pangalagaan ang mahihirap. Ibinahagi niya ang ilan sa mga pagdurusang tiniis niya at kung paano siya nakadama ng kagalakan sa mga karanasang iyon sa pamamagitan ng tulong ng Tagapagligtas. Nang binatikos siya ng ilan sa mga miyembro ng Simbahan sa Corinto, tumugon siya sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanilang suriin ang sarili nilang ugnayan kay Cristo.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
2 Corinto 8–9
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matularan ang halimbawa ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mga nangangailangan ng anumang mayroon sila.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na tingnan ang mga aytem na nakalista sa form ng Ikapu at Iba pang Handog at maghandang ibahagi kung ano ang kahulugan ng iba’t ibang aytem na iyon. Maaari din nilang itanong ang anumang tanong nila tungkol sa form na ito.
-
Content na ipapakita: Ang pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland na may nawawalang salita at form ng Ikapu at Iba pang Handog
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong anyayahan ang isang lokal na bishop o Relief Society president na ibahagi sa mga estudyante kung paano ginagamit ang pondo mula sa handog-ayuno upang pagpalain ang mga nangangailangan.
2 Corinto 11–12
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na umasa sa Panginoon habang nagsisikap silang tapat na tiisin ang mga pagsubok sa sarili nilang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang ibahagi kung bakit sa palagay nila ay hindi totoo ang sumusunod na pahayag: “Kung mananalangin tayo nang may sapat na pananampalataya kay Jesucristo, aalisin ng Ama sa Langit ang anumang pagsubok na pinagdaraanan natin.”
-
Bagay o larawang ipapakita: Tinik o larawan ng tinik
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Matapos pag-aralan ng mga estudyante ang 2 Corinto 12:8–10 , maaari mong gamitin ang ideyang “Pananampalatayang hindi gumaling” sa bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral.” Maaari mong hanapin ang artikulong “Pagtanggap sa Kalooban at Takdang Panahon ng Panginoon” (Liahona, Ago. 2016, 29–35) sa SimbahanniJesucristo.org at i-share ang screen upang magsalitan ang mga estudyante sa pagbabasa ng kuwento.
2 Corinto 13
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na suriin ang kanilang katapatan sa Panginoon at madaig ang tuksong batikusin ang Kanyang mga tagapaglingkod.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang nadarama nila kapag naririnig nila na hindi maganda ang sinasabi ng mga tao tungkol sa Simbahan ng Tagapagligtas o sa Kanyang mga tagapaglingkod.
-
Content na ipapakita: Ang pahayag ni Pangulong Henry B. Eyring na may mga tanong na pagninilayan ng mga estudyante
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Upang marami pang salaysay sa mga banal na kasulatan ang mapag-aralan ng mga estudyante, maaari mong hatiin ang klase sa maliliit na grupo at ilagay sila sa mga breakout room. Sabihin sa kanila na pag-aralan ang isa o mahigit pa sa mga salaysay na naglalarawan ng mga ibubunga ng pagbatikos sa mga tagapaglingkod ng Panginoon. Pagkatapos ay maaaring pumili ang bawat grupo ng tagapagsalita na magbabahagi sa klase ng isang bagay na natutuhan nila.
I-assess ang Iyong Pagkatuto 9
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na suriin ang mga mithiing itinakda nila at ang pansariling pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral ng Bagong Tipan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga paraan kung paano nila sinubukang ipamuhay ang mga alituntuning natutuhan nila mula sa 1 Corinto 8–16 at 2 Corinto.
-
Content na ipapakita: Mga tanong tungkol sa plano sa family history ng mga estudyante (para sa Aktibidad A)
-
Video: “#Aleluya—Isang Mensahe sa Pasko ng Pagkabuhay tungkol kay Jesucristo” (1:59)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kung tila hindi alam ng mga estudyante kung paano gamitin ang FamilySearch.org o FamilySearch app, maaari mo silang bigyan ng oras sa klase na pag-aralan ito. Maaaring ding makatulong na anyayahan ang isang estudyanteng nakakaalam kung paano gamitin ang app na maghandang magbahagi ng ilang tip na natutuhan niya. Maaari niyang i-share ang kanyang screen mula sa kanyang phone o computer upang makita ng iba pang estudyante sa klase ang ginagawa niya.
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 20
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong mapalalim ang kanilang pag-unawa at magsanay na ipaliwanag ang mga katotohanan mula sa iba’t ibang doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan at pumili ng isang doctrinal mastery passage na gusto nilang mas maunawaan.
-
Content na ipapakita: Apat na magkakaibang larawan ni Jesucristo
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sa pagtatapos ng lesson, maaaring anyayahan ang mga estudyante na maghanap ng mga karagdagang doctrinal mastery passage upang mas maunawaan nila ang napiling doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan. Maaari mong ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room na may tig-aapat na miyembro, kung saan sasaliksikin ng bawat grupo ang mga doctrinal mastery passage mula sa iba’t ibang scripture course. Kapag magkakasama na muli ang buong klase, anyayahan ang bawat grupo na ibahagi ang mga doctrinal mastery passage na nahanap nila sa aklat ng banal na kasulatan na nakatalaga sa kanila. Maaaring anyayahan ang mga estudyante na i-share ang kanilang screen upang makita ng kanilang mga kaklase kung paano nila ginamit ang mga tool sa Gospel Library app.