Seminary
I-assess ang Iyong Pagkatuto 9


I-assess ang Iyong Pagkatuto 9

1 Corinto 8–16 at 2 Corinto

Young man studying scriptures

Layunin ng lesson na ito na tulungan kang suriin ang mga mithiing itinakda mo at ang pag-unlad na naranasan mo sa iyong pag-aaral ng Bagong Tipan.

Pagtulong sa mga estudyante na i-assess ang kanilang pagkatuto. Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong i-assess ang kanilang pagkatuto. Ang isang paraan ay anyayahan silang pagnilayan ang mga mithiing itinakda nila upang ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo. Habang nagninilay ang mga estudyante, malalaman nila kung saan nila kailangang magpakahusay at kung saan sila humusay. Hikayatin ang mga estudyante na anyayahan ang tulong ng Espiritu upang makadama sila ng pag-asa at malaman nila kung paano sila patuloy na matututo.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga paraan kung paano nila sinubukang ipamuhay ang mga alituntuning natutuhan nila mula sa 1 Corinto 8–16 at 2 Corinto .

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na suriin ang mga mithiing itinakda nila, ang kanilang kakayahang ipaliwanag ang mga turo sa Bagong Tipan, o kung paano nagbabago ang kanilang saloobin, pagnanais, at kakayahang ipamuhay ang ebanghelyo. Ang pag-aaral ng klase sa 1 Corinto 8–16 at 2 Corinto ay maaaring nakapagbigay-diin sa mga katotohanang wala sa mga sumusunod na aktibidad. Kung gayon, maaaring iangkop ang mga aktibidad upang maisama ang mga katotohanang iyon.

Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong i-assess ang iyong pagkatuto at kung paano mo naipamuhay ang mga alituntuning itinuro sa 1 Corinto 8–16 at 2 Corinto . Ang pag-asses sa iyong pagkatuto ay makatutulong sa iyong suriin kung paano nakatutulong sa iyo ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan na maging higit na katulad ng Tagapagligtas.

Suriin ang iyong mga mithiin

Maaari mong simulan ang klase sa pagpapahula sa mga estudyante kung ilan ang pinagsamang bilang ng mga nakalimbag na pahina ng banal na kasulatan ang nasa Biblia, Aklat ni Mormon, Doktrina at mga Tipan, at Mahalagang Perlas. Pagkatapos humula ng mga estudyante, sabihin sa kanila na sumahin ang totoong bilang ng pahina upang malaman kung kaninong hula ang pinakamalapit.

Hulaan kung ilan ang kabuuang bilang ng mga nakalimbag na pahina ng banal na kasulatan ang nasa Biblia, Aklat ni Mormon, Doktrina at mga Tipan, at Mahalagang Perlas.

  • Sa inyong palagay, bakit tayo binigyan ng Panginoon ng napakaraming pahina ng banal na kasulatan?

  • Paano kayo magpapakita ng pasasalamat para sa Kanyang salita?

Ipinaliwanag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol kung bakit ibinigay ng Panginoon ang napakarami sa Kanyang mga salita sa mga banal na kasulatan.

3:3
Portrait of Elder D. Todd Christofferson. Photographed in March 2020.

Pag-isipan ang dami ng ating biyaya sa pagkakaroon ng … gayon karaming banal na kasulatan. At hindi lang iyan, bawat lalaki, babae, at bata ay maaaring magmay-ari at pag-aralan ang kanyang sariling kopya ng mga sagradong tekstong ito, karamihan sa sarili nilang wika. … Tiyak na kaakibat ng pagpapalang ito ay sinasabi sa atin ng Panginoon na ang palagiang pagbaling sa mga banal na kasulatan ay higit na kailangan ngayon. Nawa’y patuloy tayong magpakabusog sa mga salita ni Cristo na magsasabi sa atin ng lahat ng bagay na dapat nating gawin (tingnan sa 2 Nephi 32:3).

(D. Todd Christofferson, “Ang Biyaya ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Mayo 2010, 35)

  • Sa iyong palagay, bakit ang ating “pagbaling sa mga banal na kasulatan ay higit na kailangan ngayon [kaysa noon]”?

  • Anong mga personal na pangangailangan ang natutugunan ng mga banal na kasulatan sa iyong buhay, o anong mga pangangailangan ang matutugunan ng mga ito?

Pagnilayan sandali ang iyong personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Humingi ng payo sa Ama sa Langit tungkol sa kung paano natutugunan ng iyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan ang iyong mga pangangailangan at kung kailangan mong gumawa ng anumang pagbabago. Marahil ay kailangang tuloy-tuloy ang iyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan araw-araw o mas palalimin pa ang pag-unawang natatamo mo mula sa iyong pag-aaral. Isulat ang anumang pagbabago na sa palagay mo ay dapat mong gawin. Maaari mong hilingin sa iyong pamilya, sa iyong titser sa seminary, o sa isang lider ng Simbahan na tulungan ka sa iyong mga mithiin sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

Umasa sa Tagapagligtas at hingin ang Kanyang tulong

Jesus forgiving and healing a man.

Nang sumulat si Pablo sa mga Banal sa Corinto, pinagtuunan niya ang mga paraan kung paano tayo pinagpapala at tinutulungan ni Jesucristo. Kabilang sa ilang halimbawa ang pagtulong sa atin na makatakas sa tukso (tingnan sa 1 Corinto 10:13), pagtulong sa atin na magkaroon ng pag-ibig sa kapwa (tingnan sa 1 Corinto 13), pagpapabangon sa atin mula sa kamatayan sa Pagkabuhay na Mag-uli (tingnan sa 1 Corinto 15), pag-aanyaya sa atin na makipagkasundo sa Kanya (tingnan sa 2 Corinto 5:16–21 ; 7:1–10), at pagpapalakas sa atin upang matapat na matiis ang mga pagsubok (tingnan sa 2 Corinto 1112).

Maglaan ng ilang sandali upang rebyuhin ang mga scripture passage na minarkahan o isinulat mo sa 1 Corinto 8–16 at 2 Corinto na nakatulong sa iyong malaman ang tungkol sa Tagapagligtas o umasa sa Kanya.

Maghanda ng 3 hanggang 5 minutong mensahe tungkol sa kung paano ka tinutulungan ni Jesucristo. Isama ang sumusunod:

  • isa o mahigit pang scripture passage mula sa 1 Corinto 8–16 o 2 Corinto na makabuluhan sa iyo

  • isang paliwanag sa kung ano ang itinuturo ng mga scripture passage na iyon tungkol sa kung paano ka tinutulungan at pinalalakas ng Tagapagligtas

  • isang karanasan mula sa iyong buhay o isang halimbawa sa mga banal na kasulatan tungkol sa pagtulong ni Jesucristo sa paraang itinuro sa mga scripture passage na iyon

  • paano mo maaanyayahan ang iba na tanggapin ang tulong at lakas ng Tagapagligtas

Anyayahan ang ilang nagboluntaryo na ibahagi sa klase ang kanilang mensahe. Bilang alternatibo, maaaring magbahagi ang mga estudyante sa kapartner nila. Hikayatin ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mensahe sa tahanan o sa Simbahan.

Gawain sa family history at sa templo at ang Pagkabuhay na Mag-uli

Temple Family History

Aktibidad A: Makibahagi sa gawain sa family history at sa templo

Kung hindi itinuro ang lesson para sa 1 Corinto 15:29 o kung hindi inanyayahan ang mga estudyante na gumawa ng plano na mas makibahagi sa gawain sa family history at sa templo, maaari mong laktawan ang aktibidad A.

Kung tila hindi alam ng mga estudyante kung paano gamitin ang FamilySearch.org o ang FamilySearch app, maaari mo silang bigyan ng oras sa klase na pag-aralan ito. Maaari nilang hanapin ang isang yumaong ninuno na personal nilang kakilala o maaari nilang pag-usapan. Tulungan ang mga estudyante na pagnilayan kung ano ang maaaring ibig sabihin ng Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas sa mga ninunong mahahanap nila.

Maaaring napag-aralan mo na dati ang 1 Corinto 15:29 . Isipin kung paano nakakaapekto ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas sa iyong mga ninuno.

Temple Family History

Sa pag-aaral mo ng 1 Corinto 15:29 , maaaring naiplano mo na makibahagi sa gawain sa family history at sa templo. Kung ginawa mo ito, rebyuhin sandali ang iyong plano at pagnilayan ang mga ginawa mo upang maisagawa ang planong iyon. Kung hindi mo ito ginawa, maaari kang magplano ngayon tungkol sa kung paano mo matutulungan ang iyong mga ninuno na matamasa ang lahat ng pagpapala ng ebanghelyo ni Jesucristo.

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tagubilin upang makita ang mga ito ng mga estudyante habang nagninilay at nagsusulat sila. Pagkatapos ng sapat na oras, ipabahagi sa mga handang estudyante ang kanilang mga saloobin.

Iulat ang iyong plano.

Kung gumawa ka ng plano, ibahagi kung ano ang naging maganda at anong mga balakid ang kinaharap mo. Mayroon bang anumang pagbabago na sa palagay mo ay nais ng Ama sa Langit na gawin mo? Paano makatutulong sa iyo ang mga pagbabagong iyon?

Kung hindi ka gumawa ng plano, ibahagi kung ano ang gusto mong gawin at bakit. Sa iyong palagay, paano makakaapekto ang iyong plano sa sarili mo at sa ibang tao kapag isinagawa mo ito?

Sagutin ang isa sa mga sumusunod na tanong:

  • Paano naipapakita ng pakikibahagi mo sa gawain sa family history at sa templo ang iyong pag-asa para sa Pagkabuhay na Mag-uli?

  • Paano nakatulong sa iyo ang pakikibahagi sa gawain sa family history at sa templo upang mas mapalapit ka sa Ama sa Langit at maging higit na katulad ni Jesucristo?

Aktibidad B: Ipaliwanag ang doktrina ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas

Tulungan ang mga estudyante na i-assess ang kanilang kakayahang ipaliwanag ang doktrina ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagtalakay sa ilan sa mga sumusunod na tanong. Anyayahan ang Espiritu Santo na gabayan ang talakayang ito.

  • Bakit mahalagang bahagi ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli?

  • Ano ang napag-aralan mo sa 1 Corinto 8–16 o 2 Corinto tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli na nakatulong sa iyo?

  • Sa palagay mo, paano maiiba ang mga pinipili natin sa buhay kung hindi tayo naniniwala sa literal na Pagkabuhay na Mag-uli?

  • Bakit ka nagpapasalamat na binibigyan tayo ni Jesucristo ng kapangyarihan laban sa kamatayan? Paano mo maipapakita ang pasasalamat na iyon?