Seminary
1 Corinto 15:29


1 Corinto 15:29

“Bakit pa Sila Binabautismuhan para sa [mga Patay]?”

Baptismal font in the Ogden Utah Temple.

Marami sa mga Banal sa Corinto ang nakibahagi sa mga pagbibinyag para sa kanilang mga yumaong ninuno, subalit ang ilan ay hindi naniwala sa Pagkabuhay na Mag-uli ng mga patay. Tinulungan sila ni Pablo na maunawaan na nagsasagawa tayo ng mga ordenansa para sa mga patay nang may pananampalataya na bubuhayin tayong lahat ni Cristo upang muling mabuhay sa Pagkabuhay na Mag-uli. Ang lesson na ito ay ginawa upang tulungan kang magkaroon ng hangarin at magplano na makibahagi nang mas makabuluhan sa gawain sa family history at sa templo.

Pagbibigay ng mga pagkakataon para sa pagsasabuhay. Ang layunin ng pagtuturo ng ebanghelyo ay tulungan ang mga estudyante na pag-isipan at madama ang hangaring ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo at pagkatapos ay isagawa ang kanilang mga hangarin. Bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataon sa klase na magplanong ipamuhay ang mga katotohanang natutuhan nila. Kapag nagpaplano silang ipamuhay ang natutuhan nila, nadaragdagan ng mga estudyante ang kanilang kakayahang ipamuhay ang mga katotohanang itinuro sa lesson.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang ibahagi ang kanilang family tree o magkuwento tungkol sa isang ninuno na walang ebanghelyo o hindi nakatanggap ng mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang kahalagahan ng mga saksi

Ang sumusunod na aktibidad ay nakatutuwa at masayang paraan upang matulungan ang mga estudyante na mapag-isipan ang pagkakaugnay ng pagkabuhay na mag-uli at mga gawain sa templo para sa mga pumanaw na. Kung kinakailangan, iakma ang unang dalawang hanay ng magkapares na larawan upang magkaroon ang mga ito ng kaugnayan sa kultura at pagtuunan ng pansin ng mga estudyante.

Suriin ang mga sumusunod na tatlong hanay ng magkakapares na larawan. Isipin ang pagkakaugnay ng dalawang larawan sa bawat hanay.

Unang hanay

The Orchestra at Temple Square, May 2007. They are participating in the performance of the oratorio “Elijah” that took place in the Tabernacle on Temple Square.

Konsiyerto ng Tabernacle Choir, “Elijah,” Mayo 2007

Portland, OR Six Stakes Dance Festival

Pangalawang hanay

Vegetables, tomatoes, broccoli an carrots
Young men running.

Pangatlong hanay

Jesus Christ’s empty tomb - set at Goshen, Utah
Daytime photo of the Guadalajara Mexico Temple.
  • Paano mo ipaliliwanag sa isang tao ang pagkakaugnay ng walang laman na puntod ng Tagapagligtas at ng mga templo sa makabagong panahon?

Nang malaman ni Apostol Pablo na may ilang tao sa Corinto na nagtuturo na walang pagkabuhay na mag-uli, ipinaliwanag niya na may ginagawa na ang mga Banal na nagpapatotoo sa katotohanan ng pagkabuhay na mag-uli.

Basahin ang 1 Corinto 15:29 , at alamin ang gawaing tinukoy ni Pablo.

  • Paano mo ipapahayag muli ang itinuro ni Pablo sa talata 29 sa sarili mong mga salita?

  • Paano naging patotoo tungkol sa Tagapagligtas, sa Kanyang Pagbabayad-sala, at sa Pagkabuhay na Mag-uli ang mga binyag para sa mga patay?

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa pagsagot sa naunang tanong, maaari mo silang bigyan ng impormasyon mula sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” sa katapusan ng lesson na ito.

Mga binyag para sa mga patay

Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa 1 Corinto 15:29 ay maaari pa ring matanggap ng mga namatay na hindi nabinyagan ang mahalagang ordenansang ito sa pamamagitan ng mga gawain sa mga templo.

Maaari mong ipabahagi sa mga estudyanteng gumawa ng aktibidad sa paghahanda ng estudyante ang tungkol sa kanilang mga mahal sa buhay na namatay na hindi nabinyagan. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano naapektuhan o maaaring maapektuhan ang mga taong ito ng mga binyag para sa mga patay.

Itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) kung paano tayo maiuugnay ng pakikibahagi sa gawain sa templo kay Jesucristo:

Frontal half-length portrait of President Gordon B. Hinckley. President Hinckley’s hands are resting on the back of a chair. The image is the official Church portrait of President Hinckley as of 1995. This was President Hinckley’s last official portrait. President Hinckley died 27 January 2008.

Sa palagay ko, ang paggawa ng gawain para sa mga patay ang pinakamalapit sa ginawang sakripisyo ng Tagapagligtas para sa atin kaysa anumang gawain. Ibinigay ito nang may pagmamahal, nang hindi naghihintay ng kabayaran, o kapalit o anumang uri nito. Napakagandang alituntunin [fireside sa Birmingham, England, 29 Ago. 1995].

(Gordon B. Hinckley, “Excerpts from Recent Addresses of President Gordon B. Hinckley,” Ensign, Ene. 1998, 73)

  • Paano nakatutulong sa atin ang pakikibahagi sa mga binyag at iba pang gawain sa templo para sa mga patay upang higit tayong maging katulad ng Tagapagligtas?

Palalimin ang iyong pag-unawa

Ipagpalagay na isang araw sa paaralan, pinag-uusapan ninyo ng iyong mga kaibigan ang inyong mga plano para sa katapusan ng linggo. Sinabi ng isang kaibigan na nasasabik siyang pumunta sa templo upang magsagawa ng mga binyag para sa mga patay kasama ang iba pang kabataan sa kanyang ward. Ang isa pang kaibigan na si Kaya ay mukhang nalito at nagtanong, “Mga binyag para sa mga patay? Ano ang mga iyon?”

  • Gaano kalaki ang kumpiyansa mo na masasagot mo ang tanong na ito sa paraang mauunawaan ni Kaya?

Maglaan ng oras upang palalimin ang iyong pag-unawa sa ordenansa ng binyag para sa mga patay sa pamamagitan ng pagpili ng isa o mahigit pa sa mga sumusunod na resource na pag-aaralan o sa pamamagitan ng paghahanap ng sarili mong mga resource. Sa iyong pag-aaral, maghanap ng ilang bagay na maaari mong ibahagi sa isang taong tulad ni Kaya na gustong mas maunawaan ang gawaing ito.

Alamin ang mga pangangailangan ng mga estudyante. Sa halip na ibigay ang mga sumusunod na resource upang pag-aralan ng mga estudyante, maaaring makatulong na hayaan silang maghanap at tumuklas ng mga resource nang mag-isa, na makatutulong sa kanilang magsanay sa paghahanap ng mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon.

Maaari ding makinabang ang mga estudyante sa pag-aaral ng mga karagdagang resource sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” sa katapusan ng lesson na ito.

Bukod pa sa pagpapabahagi sa mga estudyante ng natutuhan nila mula sa kanilang pag-aaral, maaari mo rin silang bigyan ng mga pagkakataong magsanay na ipaliwanag ang doktrina ng binyag para sa mga patay sa isang taong katulad ni Kaya na hindi pamilyar sa ordenansang ito. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagsasadula o pagsasabi sa mga estudyante na isulat ang kanilang mga paliwanag at ibahagi ang isinulat nila. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na gawin ito nang magkakapartner o sa maliliit na grupo upang magkaroon ng pagkakataon ang marami na magpaliwanag, magbahagi, at magpatotoo. Maaaring gamitin ang mga sumusunod na paksa sa kanilang mga paliwanag:

  • Ang ipinapakita ng ordenansa ng binyag para sa mga patay tungkol sa nadarama ng ating Ama sa Langit at ng Kanyang Anak na si Jesucristo tungkol sa bawat isa sa atin.

  • Ang sarili mong mga karanasan sa pakikibahagi sa ordenansang ito.

Isagawa ang natutuhan mo

Pag-isipan ang iyong mga personal na karanasan sa gawain sa family history at sa templo. Isipin kung paano naging makabuluhan ang mga karanasang ito at ang anumang balakid na naranasan mo. Pagkatapos ay gumawa ng simple at personal na plano tungkol sa kung paano mo ipamumuhay ang natutuhan at nadama mo ngayon. Halimbawa, maaari kang magplano ng mga bagay na may kaugnayan sa pagdalo sa templo, pagkuha ng temple recommend, paggamit ng FamilySearch upang maghanap ng mga pangalan ng iyong mga ninuno na kailangang tumanggap ng ordenansa ng binyag, paggawa ng isang bagay upang maging mas makabuluhan ang iyong karanasan sa templo, o pag-iisip ng isa sa sarili mong mga inspiradong ideya. Sundin ang mga pahiwatig ng Espiritu Santo upang makagawa ng plano na akma para sa iyo. Isulat ang mga plano mo sa iyong study journal.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano nauugnay kay Jesucristo at sa Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli ang binyag para sa mga patay?

Itinuro ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Portrait of Elder D. Todd Christofferson. Photographed in March 2020.

Ang kagustuhan nating tubusin ang mga patay at ang oras at resources na ginugugol natin sa gawaing iyon ay, higit sa lahat, pagpapahiwatig ng ating patotoo kay Jesucristo. Taglay nito ang makapangyarihang pahayag na maaari nating magawa hinggil sa Kanyang banal na pagkatao at misyon. Nagpapatotoo ito, una, tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo; [at] pangalawa, tungkol sa walang hanggang saklaw ng Kanyang Pagbabayad-sala. …

Nagbibinyag tayo para sa mga patay dahil alam natin na babangon sila.

(D. Todd Christofferson, “The Redemption of the Dead and the Testimony of Jesus,” Ensign, Nob. 2000, 10)

Nagsagawa ba ng mga binyag para sa mga patay ang mga miyembro ng Simbahan ni Cristo noong panahon ng Bagong Tipan?

Ang mga binyag para sa mga patay ay ginawa lamang matapos mabuhay na mag-uli si Jesus. Ang tanging talata sa Biblia na nagbabanggit sa binyag para sa mga patay ay ang 1 Corinto 15:29 , bagama’t pinatunayan ng iba pang sinaunang teksto na ginagawa na ng mga Kristiyano noon ang binyag para sa mga patay.

“Itinuro ni Jesucristo na kailangan ang binyag upang magtamo ng buhay na walang hanggan (tingnan sa Juan 3:5). Si Pablo mismo ay bininyagan at tinuruan na sa pamamagitan ng mahalagang ordenansang ito, tayo ay “makakalakad sa panibagong buhay” ( Roma 6:4 ; tingnan din sa Mga Gawa 9:18). Subalit milyun-milyon sa mga anak ng Ama sa Langit ang namatay nang hindi nagkaroon ng kaalaman tungkol kay Jesucristo o nakatanggap ng mahalagang ordenansa ng binyag. Ang pagbanggit ni Pablo sa pagbibinyag para sa mga patay ay nagpapahiwatig na alam ng mga miyembro ng Simbahan noon ang plano ng Diyos na tubusin ang mga patay (tingnan din sa Juan 5:25, 28 ; 1 Pedro 3:18–19 ; 4:6)” (New Testament Student Manual [2014], 385).

Kailan sinimulan ng mga miyembro ng Simbahan ni Cristo sa mga huling araw ang pagsasagawa ng mga binyag para sa mga patay?

2:3

Saan ko matututuhan pa ang tungkol sa mga binyag para sa mga patay?

1:22
11:31

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Pakikibahagi sa gawain sa templo at family history

Upang mahikayat ang mga estudyante na makibahagi sa gawain sa templo at family history, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang mensaheng “Ang mga Puso ng mga Anak ay Magbabalik-loob” (Liahona, Nob. 2011, 24–27) ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol. Ano ang ilan sa mga paanyaya ni Elder Bednar sa mga kabataan? Bakit niya ibinigay ang mga paanyayang iyon? Anong mga pagpapala ang nagmumula sa pakikibahagi sa gawain sa templo at family history?