1 Corinto 14–16
Buod
Bilang bahagi ng kanyang mensahe sa pagtatapos ng kanyang unang sulat sa mga taga-Corinto, nagturo si Pablo ng maraming katotohanan tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli. Nagpatotoo siya tungkol sa tagumpay ng Tagapagligtas laban sa kamatayan, sa katotohanan ng Pagkabuhay na Mag-uli para sa lahat ng anak ng Ama sa Langit, at sa mga antas ng kaluwalhatiang matatamo ng mga katawang nabuhay na mag-uli. Itinuro din niya ang tungkol sa ordenansa ng mga binyag para sa mga patay.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
1 Corinto 15:13–28
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang higit na pagmamahal at pagpapahalaga kay Jesucristo dahil sa Kanyang tagumpay laban sa kamatayan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang sumusunod na tanong sa mga kapamilya o kaibigan at maghandang magbahagi ng mga posibleng sagot: “Anong araw ang nakagawa ng pinakamalaking pagbabago sa takbo ng kasaysayan? Bakit?”
-
Mga Video: “Narito, ang Tao!” (17:31; panoorin mula sa time code na 1:37 hanggang 2:31 at 4:20 hanggang 4:55)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sabihin sa mga estudyante na magdala ng larawan ng isang taong inaasam nilang makita sa Pagkabuhay na Mag-uli. Kung ang mga larawan ay digital, maaaring magsalitan ang mga estudyante sa pagbabahagi ng kanilang mga screen at paglalarawan sa mga tao sa kanilang mga larawan sa klase.
Doctrinal Mastery: 1 Corinto 15:20–22
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Corinto 15:20–22 , maipaliwanag ang doktrina ng Pagkabuhay na Mag-uli, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa tunay na buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga karanasang alam nila kapag pumanaw ang mahal sa buhay ng isang tao. Sabihin sa kanila na maghandang talakayin ang mga hamon sa mga karanasang ito at kung paano makatutulong ang pananampalataya kay Jesucristo sa mga taong dumaranas ng mga hamong ito.
-
Video: “Ang Ating Kalungkutan ay Magiging Kagalakan” (8:51; manood mula sa time code na 3:27 hanggang 4:25)
1 Corinto 15:29
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng hangarin at magplano na makibahagi nang mas makabuluhan sa gawain sa family history at sa templo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang ibahagi ang kanilang family tree o magkuwento tungkol sa isang ninuno na walang ebanghelyo o hindi nakatanggap ng mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan.
-
Mga larawan: Maaari kang maghanda ng iba’t ibang hanay ng mga larawan upang gamitin sa simula ng lesson.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Matapos pag-aralan ng mga estudyante ang tungkol sa mga binyag para sa mga patay, maaari mo silang pagpartner-partnerin o hatiin sa maliliit na grupo sa mga breakout room upang makapagpraktis sila sa pagbabahagi (o pagsasadula) kung paano nila ipaliliwanag ang doktrinang ito sa isang taong hindi pamilyar dito.
1 Corinto 15:32–54
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na sikaping maging karapat-dapat sa selestiyal na pagkabuhay na mag-uli sa pamamagitan ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Ipabasa sa mga estudyante ang Alma 40:23 upang malaman kung ano ang pagkakatulad ng lahat ng katawang nabuhay na mag-uli, pagkatapos ay basahin ang 1 Corinto 15:40–42 upang malaman ang mga pagkakaiba na makikita sa mga nilalang na nabuhay na mag-uli.
-
Regalo: Magdala ng munting regalo para sa bawat estudyante na magsusuot ng isang partikular na kulay ng damit sa klase.
-
Video: “Kasama Natin ang Diyos” (15:45; panoorin mula sa time code na 5:01 hanggang 6:58)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong anyayahan ang ilang estudyante na ipakita sa camera ang larawan ng kanilang idinrowing na plano ng kaligtasan habang ipinaliliwanag nila ang plano sa klase.
Doctrinal Mastery: 1 Corinto 15:40–42
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Corinto 15:40–42 , maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang 1 Corinto 15:40–42 at pumasok sa klase na handang magbahagi ng isang sitwasyon sa tunay na buhay kung saan makatutulong ang doktrinang itinuro sa scripture passage na ito.