Doctrinal Mastery: 1 Corinto 15:40–42
Sa Pagkabuhay na Mag-uli, May Tatlong Antas ng Kaluwalhatian
Sa nakaraang lesson na “1 Corinto 15:32–54,” nalaman mo ang tatlong antas ng kaluwalhatian sa Pagkabuhay na Mag-uli. Nalaman mo rin na ibibigay ng ating Ama sa Langit sa matatapat ang kaluwalhatiang selestiyal sa pamamagitan ni Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyong maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Corinto 15:40-42, maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Isaulo at ipaliwanag
-
Isulat ang “1 Corinto 15:40–42: Sa Pagkabuhay na Mag-uli, May Tatlong Antas ng Kaluwalhatian” sa itaas ng isang papel.
-
Gumuhit ng araw sa ilalim ng parirala, isang buwan sa ilalim ng araw, at isang bituin sa ilalim ng buwan.
-
Basahin ang 1 Corinto 15:40–42 , at lagyan ng label ang bawat isa sa mga iginuhit mo gamit ang pangalan ng kaluwalhatiang kinakatawan nito. (Pansinin na nagdagdag ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng 1 Corinto 15:40 ng reperensya sa kaluwalhatiang telestiyal [sa PJS, 1 Corinto 15:40 ].)
-
Tingnan ang idinrowing mo habang inuulit ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa iyong isipan hanggang sa magkaroon ka ng kumpiyansa na alam na alam mo na ang mga ito.
-
Paano mo ipaliliwanag ang mga katotohanang itinuro sa scripture passage na ito sa isang taong hindi nauunawaan ang mangyayari pagkatapos ng kamatayan sa plano ng Ama sa Langit? Isulat ang iyong paliwanag sa sarili mong mga salita.
Pagsasanay para sa pagsasabuhay
Ang pagsasabuhay ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ay makatutulong sa atin sa mga sitwasyon sa tunay na buhay at sa mahahalagang tanong natin.
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon, at pumili ng isang sitwasyon na gusto mong pagtuunan para sa susunod na aktibidad.
-
Taos-pusong sinusubukan ni Julia na gawin ang tama, ngunit madalas siyang husgahan dahil sa kanyang mga kahinaan. Naniniwala siyang pupunta ang ibang tao sa kahariang selestiyal ngunit hindi siya sigurado kung makakapunta siya rito.
-
Katatapos lang marinig ni Maria ang isang magandang mensahe tungkol sa kaloob na pagkabuhay na mag-uli na ibibigay ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa lahat. Naisip niya, “Bakit dapat akong magsisi o sumunod sa mga utos kung mabubuhay na mag-uli lang din naman ang lahat sa perpektong imortal na katawan?”
Sa nakaraang lesson, napag-aralan mo ang sumusunod na katotohanang itinuro sa 1 Corinto 15:40–42 : sa plano ng Ama sa Langit, may iba’t ibang antas ng kaluwalhatian para sa mga nabuhay na mag-uling katawan. Gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang katotohanang itinuro sa 1 Corinto 15:40–42 upang matulungan si Julia o si Maria sa kanyang mga alalahanin o tanong.
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
Basahin ang talata 8 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2022). Maaari mong markahan ang dalawang tanong sa dulo ng talatang iyon.
-
Paano maiaangkop ang mga sagot sa dalawang tanong na iyon sa sitwasyon ni Julia o ni Maria.
Isinasaad rin sa talata 8 na, “Hinahangad natin ang tulong ng Espiritu Santo para makita ang mga bagay-bagay ayon sa pagtingin dito ng Panginoon.”
-
Ano ang maaaring maunawaan ng Panginoon sa sitwasyong ito na makatutulong kay Julia o Maria? Bakit?
Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos
Basahin ang mga talata 11–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document.
-
Ano ang ipapayo mo kay Julia o Maria kung saan hahanapin ang mga katotohanang kailangan nila sa kanilang buhay?
-
Anong mga karanasan mo ang nagpapakita ng kahalagahan ng maingat na pagpili kung saan mo hahanapin ang espirituwal na katotohanan?
Maglaan ng ilang minuto upang maghanap ng mga partikular na banal na kasulatan o mga pahayag ng mga propeta na sa palagay mo ay naaangkop sa sitwasyon ni Julia o ni Maria. (Kabilang sa ilang scripture passage mula sa mga lesson kamakailan na maaaring makatulong ay ang 1 Corinto 15:40–42 ; Doktrina at mga Tipan 76:50–52, 62–64, 69–70, 71–76, 81–85 ; 88:21–24 .)
-
Ano ang nalaman mo na maibabahagi mo? Paano nakagawa ng pagkakaiba sa iyong buhay ang mga katotohanang nalaman mo?
Kumilos nang may pananampalataya
Rebyuhin ang talata 5–6 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document. Maaari mong markahan ang kahit tatlong iba’t ibang parirala o ideya na sa palagay mo ay makatutulong kay Julia o Maria.
-
Anong mga parirala ang pinili mo? Paano makatutulong ang bawat isa sa mga pariralang ito kay Julia o Maria?
-
Kung nagkaroon ka ng mga saloobing katulad ng kay Julia o kay Maria, ano ang ginawa mo upang matapat na tumugon sa mga saloobing iyon?
-
Bakit kailangang ituon ng bawat isa sa mga dalagitang ito ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo habang hinaharap nila ang kanilang sitwasyon? Bakit hindi na lang nila gawin ang lahat ng makakaya nila nang hindi nakatuon sa Kanya?