Seminary
Doctrinal Mastery: 1 Corinto 15:20–22


Doctrinal Mastery: 1 Corinto 15:20–22

“Kay Cristo ang Lahat ay Bubuhayin”

One oil painting of Mary seeing the resurrected Christ. The tomb is in the background, Mary is seen dressed in brown, her back to the viewer. Christ is seen with marks on his hands, dressed in a white robe.

Sa nakaraang lesson, nalaman mo na dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas, mabubuhay na mag-uli ang lahat ng anak ng Ama sa Langit (tingnan sa 1 Corinto 15:20–22). Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyong maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Corinto 15:20–22, maipaliwanag ang doktrina ng Pagkabuhay na Mag-uli, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa tunay na buhay.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga karanasang alam nila kapag pumanaw ang mahal sa buhay ng isang tao. Sabihin sa kanila na maghandang talakayin ang mga hamon sa mga karanasang ito at kung paano makatutulong ang pananampalataya kay Jesucristo sa mga taong dumaranas ng mga hamong ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang doctrinal mastery passage lesson na ito ay ituturo pagkatapos ng lesson na “1 Corinto 15:13–28,” na siyang kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na 1 Corinto 15:20–22 . Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery passage lesson na ito sa ibang linggo, tiyaking ituro din ang kaukulang kontekstuwal na lesson sa linggo ring iyon.

Isaulo at ipaliwanag

Itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) na “sa lahat ng pangyayari sa kasaysayan ng sangkatauhan, walang mas mahalaga kaysa sa pagkabuhay na mag-uli ng Anak ng Diyos” (“The Empty Tomb Bore Testimony,” Ensign, Mayo 1988, 65).

Gamitin ang mga katotohanan mula sa 1 Corinto 15:20–22 , tulad ng dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, lahat ay mabubuhay na mag-uli, upang ipaliwanag kung bakit ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ipaliwanag kung bakit ito personal na mahalaga para sa iyo.

Ipabahagi sa ilang estudyante ang kanilang mga paliwanag sa klase. Alamin kung kailangan ng mga estudyante ng karagdagang tagubilin tungkol sa doktrina ng Pagkabuhay na Mag-uli bago magpatuloy sa lesson.

Maglaan ng ilang sandali upang isaulo ang reperensyang banal na kasulatan at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Corinto 15:20–22 . Nakasaad sa mga sumusunod na hakbang ang paraan upang magawa ito.

Sabihin sa mga estudyante na itabi ang papel na gagamitin nila sa aktibidad na ito upang magamit bilang sanggunian sa isang lesson sa hinaharap.

  1. Sa itaas ng isang papel, isulat ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan na 1 Corinto 15:20–22 : “Kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.”

  2. Itupi ang itaas na bahagi ng iyong papel upang hindi mo makita ang isinulat mo. Pagkatapos ay isulat ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatang ito hangga’t kaya mo nang walang kopya.

  3. Buklatin ang itaas na bahagi ng papel upang makita kung tama ka at iwasto ang anumang mali.

  4. Ulitin ang prosesong ito hanggang sa maisulat mo nang kumpleto ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan nang walang kopya.

Pagsasanay para sa pagsasabuhay

Dahil sa Pagkahulog nina Adan at Eva, mamamatay ang bawat isa sa mga anak ng Ama sa Langit na nakaranas ng mortalidad sa mundo (tingnan sa 1 Corinto 15:21–22). Kapag naranasan natin ang pagkamatay ng isang taong malapit sa atin, talaga namang magdadalamhati tayo. Bagama’t ang mga karanasang ito ay iba-iba para sa lahat, ang pag-unawa at pagsasabuhay sa mga katotohanan ng ebanghelyo ni Jesucristo ay makatutulong para maibsan ang pagdadalamhating iyon.

Ang sumusunod na sitwasyon ay isang halimbawa na magagamit para sa aktibidad sa pagsasanay para sa pagsasabuhay. Bilang alternatibo, maaaring gumamit ng ibang sitwasyon, tulad ng isang personal na karanasan, karanasan ng isang estudyante mula sa kanilang paghahanda para sa klase, o ng karanasang ibinahagi ni Sister Reyna I. Aburto ng Relief Society General Presidency sa kanyang mensahe na pinamagatang “Hindi Nagtagumpay ang Libingan” (manood mula sa time code na 4:22 hanggang 4:49). Ang video na ito ay mapapanood sa SimbahanniJesucristo.org.

Inilarawan ni Elder S. Mark Palmer ng Pitumpu ang karanasan ng kanyang mga magulang sa pagkamatay ng kanilang anak bago nila nalaman ang tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo.

Panoorin ang “Ang Ating Kalungkutan ay Magiging Kagalakan,” na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, mula sa time code na 3:27 hanggang 4:26, o basahin ang pahayag sa ibaba.

8:51
Former Official portrait of Elder S. Mark Palmer. Replaced March 2017.

Ang aking ama at ina ay mga tagapastol ng tupa sa New Zealand. Masaya sila sa buhay nila. Sa bagong buhay bilang mag-asawa, biniyayaan sila ng tatlong maliliit na anak na babae. Ang pinakabata sa kanila ay nagngangalang Ann. Isang araw, habang sama-sama silang naglilibang sa isang lawa, naglakad-lakad ang 17 buwang gulang na si Ann. Matapos ang ilang minuto nang desperadong paghahanap, nakita siyang walang buhay sa tubig.

Ang bangungot na ito ay nagdulot ng hindi mailarawang kalungkutan. Ilang taon kalaunan, isinulat ni Tatay na tuluyang nawala ang ilang kaligayahan sa kanilang buhay magpakailanman. Nagdulot din ito ng paghahangad ng mga kasagutan sa mga pinakamahahalagang katanungan sa buhay: Ano ang mangyayari sa aming pinakamamahal na si Ann? Makikita ba namin siyang muli? Paano magiging masayang muli ang aming pamilya?

(S. Mark Palmer, “Ang Ating Kalungkutan ay Magiging Kagalakan,” Liahona, Mayo 2021, 88–89)

  • Kailan ka nakadama o kailan nakadama ang isang kakilala mo ng mga damdaming katulad sa mga magulang ni Elder Palmer matapos mawalan ng mahal sa buhay?

  • Paano magiging mas mahirap ang mga sitwasyong ito kapag hindi nalalaman ang tungkol sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit?

Ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ay makatutulong sa atin na tapat na matiis ang mahihirap na sitwasyon tulad ng naranasan ng pamilya Palmer.Ipagpalagay na kaibigan mo ang isa sa mga ate ni Ann, na nahihirapan ngayon sa mga tanong at hamon matapos mawala si Ann. Nadama mong dapat kang sumulat sa kanya ng isang liham ng paghihikayat at suporta. Bilang alternatibo, sumulat ng liham at ibigay ito sa isang taong kakilala mo na makikinabang dito.

Bago bigyan ng oras ang mga estudyante na isulat nang mag-isa ang kanilang mga liham, maaari mo silang pagpartner-partnerin o hatiin sa maliliit na grupo at sabihang talakayin ang mga tanong na nakalista sa ibaba na nauugnay sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Maaaring igrupo ang mga estudyante nang may tigta-tatlong miyembro, kung saan magtatalaga sa bawat tao sa grupo ng isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman na pag-aaralan at ituturo nila sa kanilang mga kagrupo.

Sabihin sa kanila na gumamit ng mga natutuhan nila mula sa kanilang paghahanda para sa klase habang ginagawa nila ang sumusunod na aktibidad.

Upang maghandang isulat ang liham na ito, basahin ang talata 5–8, 11 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2022). Hanapin at markahan ang mga salita, parirala, banal na kasulatan, o mga katotohanan na sa palagay mo ay makatutulong sa taong sinusulatan mo.

  • Kapag sinubukan mong tingnan ang taong sinusulatan mo sa kung paano siya nakikita ng Ama sa Langit, paano nito mababago kung ano ang isusulat mo sa kanya?

Sumulat ng liham sa kapatid ni Ann o sa ibang taong pipiliin mo. Magsama ng mga natutuhan mo mula sa tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Isaalang-alang ang ilan sa mga sumusunod na ideya habang nagsusulat ka.

Ipakita ang mga sumusunod na ideya upang makita ng mga estudyante habang nagsusulat sila.

Kumilos nang may pananampalataya

  • Ano kaya ang mangyayari sa kanilang sitwasyon kapag kumilos sila nang may pananampalataya kay Jesucristo?

  • Paano makatutulong sa atin ang pagkilos nang may pananampalataya kay Cristo para makayanan natin ang pagkawala ng mahal sa buhay?

  • Ano ang isang karanasan mo o ng isang taong kakilala mo kung saan nakatulong ang pagkilos nang may pananampalataya kay Jesucristo para makayanan ang hamon ding iyon?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Anong mga katotohanan tungkol sa Ama sa Langit at sa Kanyang plano ang maaaring makapagpanatag sa sitwasyon ng taong sinusulatan mo? Bakit?

  • Paano makatutulong sa kanya ang pagkakaroon ng walang-hanggang pananaw upang malaman kung paano tutugon sa kanyang sitwasyon?

Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Anong mga parirala mula sa 1 Corinto 15:20–22 ang makatutulong sa kanya? Bakit?

  • Ano pang sources na itinalaga ng Diyos ang makatutulong sa kanyang magkaroon ng pananampalataya kay Jesucristo?

Maaari mong wakasan ang iyong liham sa pagbabahagi ng iyong patotoo.

Ipabahagi sa mga handang estudyante ang kanilang mga liham sa klase. Hikayatin silang gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang magabayan sila sa mga hamon o tanong sa sarili nilang buhay.

Pagrerebyu ng doctrinal mastery

Sa simula o huling bahagi ng susunod na lesson, maglaan ng hindi hihigit sa tatlo hanggang limang minuto sa pagrerebyu ng reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa doctrinal mastery passage na ito. Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang nakatuping papel na ginamit nila sa pagsasaulo ng 1 Corinto 15:20–22 . Habang nakatupi ang papel para hindi nila makita ang isinulat nila dati, ipasubok sa mga estudyante na isulat ang reperensya at parirala nang walang kopya. Kung hindi nila ito magagawa nang walang tulong, sabihin sa kanila na buklatin ang papel at rebyuhin ito kung kinakailangan. Maaari nilang ipagpatuloy ang pagtutupi at pagsusulat hanggang sa maisulat nila ang reperensya at parirala nang walang kopya.

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

4:45