Seminary
1 Corinto 15:13–28


1 Corinto 15:13–28

“Subalit Ngayon, si Cristo ay Binuhay mula sa mga Patay”

Painting of Jesus Christ looking up to heaven with His arms raised up. He is by the tomb where He was laid.

Ipagpalagay sandali na hindi kailanman nabuhay na mag-uli si Jesucristo. Ano ang magiging kahulugan nito para sa mundo? para sa iyo mismo? Bakit napakahalaga ng Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo? Nang pag-alinlanganan ng mga Banal sa Corinto ang mga katotohanan tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli, sumulat si Pablo sa kanila tungkol sa kung ano ang maaaring maging kahulugan para sa kanila ng Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na madama ang higit na pagmamahal at pagpapahalaga kay Jesucristo dahil sa Kanyang tagumpay laban sa kamatayan.

Pagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga estudyante habang nagtuturo. Ang pagbabago ng mga pamamaraan sa pagtuturo ay makatutulong sa mga estudyante na magawa nila nang mabuti ang kanilang responsibilidad bilang mga estudyante. Halimbawa, kung parang hindi aktibo ang mga estudyante, maaari silang pagpartner-partnerin para matulungan pa rin silang patuloy na makibahagi sa klase at matuto. Kung lubos na masigasig ang mga estudyante, maaari mong sabihin sa kanila na mag-aral nang mag-isa upang matulungan sila na manatiling nakatuon sa gawain.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang sumusunod na tanong sa mga kapamilya o kaibigan at maghandang magbahagi ng mga posibleng sagot: Anong araw ang lubhang nagpabago sa takbo ng kasaysayan? Bakit?”

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang araw na nagpabago sa kasaysayan

Nagbahagi si Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol ng isang tanong na sinaliksik niya noon. Panoorin ang “Narito, ang Tao!” mula sa time code na 1:37 hanggang 2:31, na mapapanood sa SimbahanniJesucristo.org, o basahin ang sumusunod na pahayag.

2:3
Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Kamakailan ay nagtanong ako sa internet, “Anong araw ang lubhang nagpabago sa takbo ng kasaysayan?”

Ang mga sagot ay nakakagulat at kakatwa at mayroon ding malalim at nakapagpapaisip. Kabilang dito ang araw na tumama ang isang sinaunang asteroid sa Yucatán Peninsula; o noong 1440, kung kailan natapos ni Johannes Gutenberg ang kanyang palimbagan; at siyempre pa ang araw noong 1903 nang ipakita ng Wright brothers sa buong mundo na talagang makalilipad ang tao.

Kung itatanong sa inyo ito, ano ang isasagot ninyo?

(Dieter F. Uchtdorf, “Narito, ang Tao!,” Liahona, Mayo 2018, 107–8)

  • Anong araw ang masasabi mong lubhang nagpabago sa takbo ng kasaysayan? Bakit?

Ibinahagi ni Elder Uchtdorf ang kaganapan na sa palagay niya ay lubhang nagpabago sa takbo ng kasaysayan. Panoorin ang “Narito, ang Tao!” mula sa time code na 4:20 hanggang 4:55, o basahin ang sumusunod na pahayag.

2:3
Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Maraming kaganapan sa kasaysayan ang lubhang nakaapekto sa tadhana ng mga bansa at mga tao. Ngunit kahit pagsamahin pa ang lahat ng ito, ay hindi pa rin maikukumpara sa kahalagahan ng naganap sa umagang iyon ng unang Pasko ng Pagkabuhay.

Bakit ang sakripisyo at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan—na higit pa ang impluwensyang idinulot kaysa mga digmaan, mapaminsalang kalamidad, at mga tuklas ng siyensya na nagpapabago ng buhay?

(Dieter F. Uchtdorf, “Narito, ang Tao!,” Liahona, Mayo 2018, 108)

  • Sa palagay mo, bakit ang Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas ang pinakamahalagang kaganapan sa kasaysayan?

  • Bakit mahalaga sa iyo ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo?

Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo

Sumulat si Pablo sa mga Banal sa Corinto upang iwasto ang kumalat na maling paniniwala na walang Pagkabuhay na Mag-uli. Habang pinag-aaralan mo ang kanyang mga salita, gumawa ng chart na katulad ng sumusunod para maisulat ang mga detalye at katotohanan mula sa mga banal na kasulatan, pati na rin ang mga pahiwatig na natanggap mo mula sa Espiritu Santo. Ang paggawa nito ay makatutulong sa iyo na mas maunawaan ang mga banal na kasulatan, magkaroon ng mas makabuluhang karanasan sa pag-aaral, at mas mapalalim ang iyong pagmamahal at kaalaman sa Tagapagligtas at sa Kanyang tagumpay laban sa kamatayan.

Maaari mong idrowing ang chart sa pisara at punan ito bilang isang klase. Sabihin sa mga estudyante na idrowing din ang chart sa kanilang study journal.

Kung hindi nabuhay na mag-uli si Jesucristo …

Dahil si Jesucristo ay nabuhay na mag-uli …

Maaari mong anyayahang gumawa ang mga estudyante nang magkakapartner o sa maliliit na grupo habang ginagawa nila ang sumusunod.

Basahin ang 1 Corinto 15:13–19 . Magdagdag ng dalawa o tatlong pahayag sa kaliwang bahagi ng iyong chart batay sa natutuhan mo mula sa mga talatang ito.

  • Paano ka maaapektuhan o paano maaapektuhan ang iba kung hindi nabuhay na mag-uli si Jesus?

Ngayon, basahin ang 1 Corinto 15:20–22 . Alamin kung ano ang mangyayari dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo. Idagdag ito sa kanang column ng iyong chart. Pansinin na tumutukoy ang “unang bunga” sa talata 20 kay Jesucristo bilang unang taong nabuhay na mag-uli.

  • Ano ang binibigyang-diin ni Pablo na mangyayari dahil nabuhay na mag-uli si Jesus?

Ang scripture passage na ito ay tumutulong sa atin na maunawaan na dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, ang lahat ay mabubuhay na mag-uli. Mararanasan ng lahat ang pisikal na kamatayan bilang bunga ng Pagkahulog nina Adan at Eva. Dinaig ni Jesucristo ang ibinungang ito para sa lahat bilang kaloob.

Huminto sandali at pag-isipan kung ano ang maituturo sa iyo ng kaloob na ito ng pagkabuhay na mag-uli ng lahat ng tao tungkol kay Jesucristo.

  • Sa pagdaig ng Tagapagligtas sa pisikal na kamatayan para sa lahat ng tao, ano ang itinuturo nito sa iyo tungkol sa Kanya?

Kung maaari, panoorin ang “#Aleluya—Isang Mensahe sa Pasko ng Pagkabuhay tungkol kay Jesucristo” (2:12), https://www.churchofjesuschrist.org/study/video/holiday-videos/2016-02-1000-hallelujah-an-easter-message-about-jesus-christ?lang=tgl. Hanapin at ilista sa kanang column ng iyong chart kung paano ka mapagpapala dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas. Ang “Aleluya” ay isang pahayag na nangangahulugang “purihin ninyo ang Panginoon” (tingnan sa Bible Dictionary, “ Hallelujah ”).

2:3
  • Ano ang natutuhan mo mula sa video kaya nanaisin mong purihin ang Panginoon?

Maging sensitibo habang itinatanong ang mga sumusunod na katanungan. Maaari kang magbahagi ng personal na karanasan upang matulungan ang mga estudyante na mahikayat na sumagot. Kung hindi sila handang magbahagi sa klase, maaari silang sumagot sa kanilang study journal.

Balikan ang tanong mula sa unang bahagi ng lesson: “Bakit mahalaga sa iyo ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo?”

  • Paano nakaapekto ang pinag-aralan mo ngayon sa iyong sagot sa tanong na iyon?

  • Ano kaya ang madarama mo tungkol kay Jesucristo kapag nagbigay Siya ng bagong buhay sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay?

Ano ang kahulugan ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli para sa atin

Nagpatotoo ang mga sinauna at makabagong lider ng Simbahan tungkol sa kung ano ang kahulugan para sa atin ng tagumpay ng Tagapagligtas sa kamatayan.

Basahin ang 1 Corinto 15:51–58 , Alma 11:42–44 , at ang sumusunod na pahayag ni Elder Paul V. Johnson ng Pitumpu, na namatayan ng anak na babae dahil sa kanser. Magdagdag sa iyong chart ng mahahalagang detalye na makikita mo. Tandaan na ang ibig sabihin ng “walang pagkasira” ( 1 Corinto 15:52) ay mabubuhay magpakailanman at walang pagkabulok.

Elder Paul V. Johnson of the Quorum of the Seventy takes an official portrait, 2021.

Bawat isa sa atin ay may mga pisikal, mental, at emosyonal na limitasyon at kahinaan. Ang mga problemang ito … ay malulutas kalaunan. Wala ni isa sa mga problemang ito ang makakaapekto sa atin pagkatapos nating mabuhay na mag-uli. …

… Alam natin na mapapagaling tayo [ni Cristo] anuman ang nasira sa atin. Alam natin na “papahirin Niya ang bawa’t luha sa [ating] mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan, hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man” [Apocalipsis 21:4].

(Paul V. Johnson, “At Hindi na Magkakaroon ng Kamatayan,” Liahona, Mayo 2016, 122–23)

Ipabahagi sa mga estudyante ang idinagdag nila sa kanilang chart mula sa pahayag ni Elder Johnson.

Rebyuhin ang iyong chart. Pagnilayan kung paano naiimpluwensyahan ng iyong isinulat ang nadarama mo kay Jesucristo.

  • Paano nakatulong sa iyong pag-aaral ang paggamit ng chart na ito?

  • Paano naiimpluwensyahan ng isinulat mo ang pagmamahal na nadarama mo para sa at mula sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Para tapusin ang iyong pag-aaral, basahin ang mga titik sa “Alam Kong Buhay ang Aking Manunubos” (Mga Himno, blg. 78), na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org.

2:3

Sa ibaba ng iyong chart, isulat ang natutuhan o nadama mo ngayon na pinakamakabuluhan sa iyo at kung bakit ito ang pinakamakabuluhan sa iyo.

Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante na makapagsulat. Pagkatapos ay maaari kang magpatotoo tungkol sa Tagapagligtas at kung ano ang kahulugan para sa iyo ng Kanyang kapangyarihan laban sa kamatayan.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano makaiimpluwensya sa akin ang kaalaman tungkol sa kapangyarihan ng Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo?

Ipinaliwanag ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Official Portrait of President Dallin H. Oaks taken March 2018.

Ang katiyakan na ang pagkabuhay na mag-uli ay kabibilangan ng pagkakataon na makapiling ang ating mga kapamilya—asawa, maybahay, mga magulang, kapatid, anak, at apo—ay isang malakas na panghimok sa atin upang gampanan ang ating mga tungkulin sa pamilya sa buhay na ito. [Tinutulungan tayo nitong] sama-samang mamuhay nang may pagmamahal habang inaasam ang masayang muling pagkikita at pakikisalamuha sa [kabilang] buhay.

(Dallin H. Oaks, “Pagkabuhay na Mag-uli,” Liahona, Hulyo 2000, 16)

2:3

Paano nakatutulong ang Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas sa mga kawalan na nararanasan natin sa mortalidad?

2:3

Itinuro ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Portrait of Elder D. Todd Christofferson. Photographed in March 2020.

Itinatama ng Tagapagligtas ang lahat. Ang kawalang-katarungan sa mortalidad ay pansamantala lamang, maging ang kamatayan, dahil muli Niyang ipinanunumbalik ang buhay. Walang pinsala, kapansanan, pagkakanulo, o pag-abusong hindi pinagbabayaran sa huli dahil sa Kanyang lubos na katarungan at awa.

(D. Todd Christofferson, “Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo,” Liahona, Mayo 2014, 112)

Sabay-sabay bang mabubuhay na mag-uli ang lahat?

“Ipinaliwanag ni Pablo na ang Pagkabuhay na Mag-uli ay may sinusunod na pagkakaayos o pagkakasunud-sunod (tingnan sa 1 Corinto 15:23). …

“Si Jesucristo ang unang taong nabuhay na mag-uli. Kasunod kaagad ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, may mga matwid na Banal ang nagbangon mula sa libingan (tingnan sa Mateo 27:52–53). Sa Ikalawang Pagparito, ang Pagkabuhay na Mag-uli ay magpapatuloy sa pagbangon ng iba pang mabubuting Banal, na ‘mga kay Cristo sa kanyang pagdating’ ( 1 Corinto 15:23). Sa paghahayag sa mga huling araw, nalaman natin na ang mga taong ito ang magmamana ng kahariang selestiyal [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76:50–70 ; 88:97–98 ]. Pagkatapos ay darating ang pagkabuhay na mag-uli ng mga tatanggap ng terestiyal na kaluwalhatian [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76:71–79 ; 88:99 ]. Sila ay susundan sa pagtatapos ng Milenyo ng mga taong magmamana ng kaluwalhatiang telestiyal [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76:81–86 ; 88:100–101 ]. Sa huli, ang Pagkabuhay na Mag-uli ay matatapos sa pagbangon ng … ‘mga anak na lalaki ng kapahamakan’ na walang tatanggaping antas ng kaluwalhatian sa halip ay ‘magbabalik muli sa kanilang sariling lugar, upang tamasahin yaong kanilang handang tanggapin, dahil hindi sila handang tamasahin yaong kanila sanang tatanggapin’ [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76:31–39, 43–44 ; 88:28–32, 35, 101–2 ]” (New Testament Student Manual [2014], 385).

Ang mga espiritung naghimagsik sa premortal na buhay at hindi nakatanggap ng mortal na katawan ay hindi magiging kabilang sa mga mabubuhay na mag-uli (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76:32–39).

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Aktibidad sa pag-aaral sa 1 Corinto 15:20–22

Maaari mong ipabasa sa mga estudyante ang “Taludtod sa Taludtod: 1 Mga Taga Corinto 15:20–22” sa pahina 12 ng Liahona para sa Disyembre 2012. Maaaring gamitin ng mga estudyante ang mga resource na nakalista sa artikulong ito habang pinupunan nila ang kanilang chart sa oras ng lesson.