Seminary
1 Corinto 15:32–54


1 Corinto 15:32–54

Mga Katawang Selestiyal, Terestriyal, at Telestiyal

Profile of a Young Woman in bright sunlight.

Bakit mahalagang sundin si Jesucristo kahit tila naliligayahan ang iba sa kasalanan? Ipinaliwanag ni Pablo ang isa sa mga dahilan sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga taga-Corinto tungkol sa iba’t ibang antas ng kaluwalhatian sa Pagkabuhay na Mag-uli. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na sikaping maging karapat-dapat sa selestiyal na pagkabuhay na mag-uli sa pamamagitan ni Jesucristo.

Paghikayat sa mga estudyante na magbahagi. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na mahalaga ang kanilang mga ibinabahagi sa karanasan sa pag-aaral sa klase. Subukan silang hikayatin na magbigay ng kanilang mga komento sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa kanila, pagpuri sa kanila, o pagtatanong sa iba pang estudyante kung ano ang natutuhan nila mula sa mga komento.

Paghahanda ng estudyante: Ipabasa sa mga estudyante ang Alma 40:23 upang malaman kung ano ang pagkakatulad ng lahat ng katawang nabuhay na mag-uli, pagkatapos ay basahin ang 1 Corinto 15:40–42 upang malaman ang mga pagkakaiba na tataglayin ng mga nilalang na nabuhay na mag-uli.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga pagpapalang makakamtan sa hinaharap sa plano ng Diyos

Maaari kang magbigay ng munting regalo sa lahat ng estudyanteng nakasuot ng isang partikular na kulay. Itanong sa mga estudyanteng hindi nakasuot ng kulay na iyon kung gusto ba nilang malaman ang gantimpalang ito at kung paano ito makakamtan bago sila pumasok sa klase.

  • Kung alam mo na gagantimpalaan ng iyong titser ang lahat ng nakasuot ng isang partikular na kulay ngayon, makakaapekto ba iyon sa pipiliin mong damit?

  • Sasama ba ang loob mo kung huli mo na itong nalaman? Bakit oo o bakit hindi?

Dahil mahal tayo ng Ama sa Langit, sinabi Niya sa atin kung ano ang mangyayari pagkatapos ng buhay na ito at kung aling mga pagpapasiya ang hahantong sa kaligayahan o pagsisisi. Sa pag-aaral mo ng mga banal na kasulatang ito, hanapin ang mga katotohanan na makahihikayat sa iyong gumawa ng mga pagpapasiyang humahantong sa kaligayahang walang hanggan.

Magdrowing ng simpleng larawan o diagram ng nalalaman mo na tungkol sa plano ng kaligtasan ng Diyos. Isama kung nasaan tayo bago ang pagsilang, ang buhay sa lupa, at kung ano ang mangyayari pagkatapos ng kamatayan. Habang nagdodrowing ka, tiyaking pagnilayan ang ginagampanan ni Jesucristo sa buong plano ng ating Ama.

Maaari kang mag-anyaya ng kahit dalawang estudyante na idrowing sa pisara ang kanilang mga paglalarawan. Kapag nalaman mo ang kasalukuyang nauunawaan ng mga estudyante tungkol sa kabilang buhay, maaari itong makapagbigay ng ideya kung paano mo iaakma ang lesson upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

  • Paano nakakaapekto sa mga pagpapasiyang ginagawa mo sa mortalidad ang pag-unawa sa plano ng Ama sa Langit para sa atin pagkatapos ng kamatayan?

  • Paano naging pinakamahalagang bahagi ng plano si Jesucristo?

Sa 1 Corinto 15:1–29 , iwinasto ni Apostol Pablo ang maling paniniwala na “walang pagkabuhay na muli ng mga patay” ( 1 Corinto 15:13). Pagkatapos ay binalaan niya ang mga taga-Corinto na huwag magpalinlang sa pag-uugali ng mga taong nagsasabing, “Tayo ay kumain at uminom, sapagkat bukas tayo’y mamamatay” ( 1 Corinto 15:32), na nagpapahayag ng maling paniniwala na walang buhay pagkatapos ng kamatayan at, samakatuwid, hindi mahalaga ang ginagawa natin sa buhay na ito.

Upang matulungan ang mga estudyante na mailarawan sa isip ang maling paniniwalang ito, maaari mong burahin ang lahat pagkatapos ng buhay sa lupa mula sa isa sa mga idinrowing ng mga estudyante sa pisara.

Ang isa pang maling paniniwala ay ipagkakaloob ng Diyos sa lahat ang mga pagpapala ng buhay na walang hanggan, anuman ang ating pinili (tingnan sa 2 Nephi 28:8 ; Alma 1:4).

Maaari mong baguhin ang idinrowing ng isa pang estudyante sa pisara sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang arrow mula sa lupa na direktang patungo sa kahariang selestiyal at pagbubura ng mga kahariang terestriyal at telestiyal.

  • Paano makakaapekto sa ating mga pagpapasiya at pag-uugali ang mga maling paniniwala na walang buhay pagkatapos ng kamatayan o na ipagkakaloob ng Diyos sa lahat ang mga pagpapala ng buhay na walang hanggan? Bakit?

Basahin ang 1 Corinto 15:40–42 , at alamin ang mga turo ni Pablo tungkol sa pagkabuhay na mag-uli sa plano ng Ama sa Langit. Makatutulong na malaman na ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng 1 Corinto 15:40 ay tumutukoy rin sa mga katawang telestiyal.

Kung ginawa ng mga estudyante ang aktibidad sa paghahanda ng estudyante, maaari mo silang anyayahang ibahagi kung ano ang pagkakatulad ng lahat ng katawang nabuhay na mag-uli, at ang mga magiging pagkakaiba ng mga ito.

  • Bakit mahalagang malaman ang katotohanan na sa plano ng Ama sa Langit, may iba’t ibang antas ng kaluwalhatian para sa mga katawang nabuhay na mag-uli?

Mga antas ng kaluwalhatian

Illustration of the three degrees of glory. A sun, moon and stars are pictured. Stick figures underneath show varying degrees of shining rays.

Para sa sumusunod na aktibidad, maaari mong ipakita ang tatlong tanong na nakalista pagkatapos ng pahayag ni Pangulong Monson upang magamit ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Maaari ding patingnan sa mga estudyante ang Mga Paksa ng Ebanghelyo, “Mga Kaharian ng Kaluwalhatian,” (https://www.churchofjesuschrist.org/study/manual/gospel-topics/kingdoms-of-glory?lang=tgl.org) upang matuto pa tungkol sa mga antas ng kaluwalhatian at kung ano ang kinakailangan upang matanggap ang kaluwalhatiang selestiyal.

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga sagot at anumang tanong na mayroon sila.

Ang paghahayag sa pamamagitan ng mga makabagong propeta ay nagbibigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga turo ni Pablo. Pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 76:50–52, 62–64, 69–70, 71–76, 81–85 ; 88:21–24 at basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018). Hanapin ang mga sagot sa tatlong tanong na kasunod ng pahayag.

Official portrait of President Thomas S. Monson, 2008.

Dahil nadaig ni Cristo ang kamatayan, lahat tayo ay mabubuhay na mag-uli. Ito ang katubusan ng kaluluwa. Isinulat ni Pablo: “Mayroon[g] … mga katawang ukol sa langit, at mga katawang ukol sa lupa: datapuwa’t iba ang kaluwalhatian ng ukol sa langit, at iba ang ukol sa lupa” ( 1 Corinto 15:40).

Selestiyal na kaluwalhatian ang hangad natin. Sa piling ng Diyos natin nais manirahan. Nais nating mapabilang sa pamilyang walang hanggan. Ang mga pagpapalang iyan ay makakamtan sa pamamagitan ng habambuhay na pagsisikap, pagsusumigasig, pagsisisi, at sa huli ay pagtatagumpay.

(Thomas S. Monson, “Ang Takbo ng Buhay,” Liahona, Mayo 2012, 93)

  • Ano ang ginagampanan ng Tagapagligtas sa ating paglalakbay tungo sa kaluwalhatiang selestiyal?

  • Ano ang kailangan nating gawin upang matanggap ang kaluwalhatiang selestiyal?

  • Bakit mahalagang pagsikapan ang pagtanggap ng kaluwalhatiang selestiyal sa halip na terestiyal o telestiyal na kaluwalhatian?

Pagnilayan kung saan mo nakikita ang iyong sarili sa landas patungo sa kahariang selestiyal. Nagtitiwala ka ba na tutulungan ka ng Tagapagligtas na mamuhay sa paraan na matatanggap mo ang mga pagpapalang ito?

Makakamtan ba talaga natin ang kaluwalhatiang selestiyal?

Pinanghihinaan ng loob ang ilang tao kapag natatanto nila kung gaano sila kalayo mula sa pagkakaroon ng buhay na selestiyal sa lupa. Basahin ang itinuro ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa ating walang-hanggang pag-unlad, o panoorin ang video na “Kasama Natin ang Diyos,” mula sa time code na 5:01 hanggang 6:58, na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.

Illustration of the three degrees of glory. A sun, moon and stars are pictured. Stick figures underneath show varying degrees of shining rays.
Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Nag-uumapaw ang pasasalamat sa puso ko para sa aking Ama sa Langit. Natatanto ko na hindi Niya isinumpa ang Kanyang mga anak upang maghirap sa mortalidad nang walang pag-asa para sa isang maningning at walang-hanggang kinabukasan. Nagbigay Siya ng mga tagubilin na naghahayag ng landas pabalik sa Kanya. At sa gitna ng lahat ng ito ay ang Kanyang Pinakamamahal na Anak na si Jesucristo, at ang Kanyang sakripisyo para sa atin. …

Lahat tayo ay mga sanggol kumpara sa maluwalhati at kagila-gilalas na mga nilalang na dapat nating kahinatnan. Walang mortal na nilalang ang sumusulong mula paggapang hanggang paglakad hanggang pagtakbo nang hindi madalas na natutumba, nauuntog, at nagagalusan. Diyan tayo natututo.

(Dieter F. Uchtdorf, “Kasama Natin ang Diyos,” Liahona, Mayo 2021, 8–9)

  • Ano ang ipinaunawa sa iyo ng pahayag ni Elder Uchtdorf tungkol sa Ama sa Langit?

  • Paano iyon nakakaimpluwensya sa mga damdamin mo sa Kanya at sa iyong ugnayan sa Kanya?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na tahimik na pag-isipan ang sumusunod na tanong.

  • Ano ang nadarama mong dapat mong gawin dahil sa natutuhan mo ngayon?

Magpatotoo na mahalagang magsikap na maghandang tumanggap ng katawang selestiyal sa pamamagitan ni Jesucristo. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila sa mga mahal sa buhay na nangangailangan ng mga katotohanang ito.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano kung magsisikap tayong mamuhay nang tapat sa buhay na ito ngunit hindi pa rin tayo perpekto kapag namatay tayo?

Ipinaliwanag ni Propetang Joseph Smith (1805–44):

Half-length frontal portrait of the Prophet Joseph Smith, Jr. Joseph’s head is turned to the side in a three-quarter view, right hand on hip and his left hand holds sheets of papers. He is depicted wearing a dark brown suit and a white shirt and tie.

Kapag kayo ay aakyat ng hagdan, kailangan kayong magsimula sa ibaba, at umakyat nang paisa-isang baitang, hanggang sa kayo ay makarating sa itaas; gayundin sa mga alituntunin ng Ebanghelyo—kailangan kayong magsimula sa una, at magpatuloy hanggang sa matutuhan ninyo ang lahat ng alituntunin ng kadakilaan. Subalit matagal pang panahon matapos na kayo ay magdaan sa tabing bago ninyo matutuhan ang mga ito. Hindi lahat ay mauunawaan sa daigdig na ito; magiging malaking gawain ang matutuhan ang ating kaligtasan at kadakilaan maging sa kabilang buhay.

(Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 312)

Ano ang ibig sabihin ng “Itinanim na may pagkasira; binubuhay na muli na walang pagkasira” ( 1 Corinto 15:42)?

Inihambing ni Pablo ang katawang mortal sa isang binhi na hindi perpekto, o sira (tingnan sa 1 Corinto 15:37–38, 42). Kapag tayo ay namatay at inilibing (ipinunla o itinanim), balang-araw ay babangon tayo mula sa libingan na parang halamang tumutubo mula sa lupa. Ang ating mga nabuhay na mag-uling katawan ay hindi na masisira, kundi magiging perpekto sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.

Sino ang makatatanggap ng kaluwalhatiang selestiyal?

Ang kahariang selestiyal ang lugar na inihanda para sa mga yaong “tumanggap ng patotoo ni Jesus” at naging “ganap sa pamamagitan ni Jesus, ang tagapamagitan ng bagong tipan, na nagsakatuparan ng ganap na pagbabayad-salang ito sa pamamagitan ng pagbubuhos ng kanyang sariling dugo” ( Doktrina at mga Tipan 76:51, 69). Upang mamana ang kaloob na ito, dapat nating tanggapin ang mga ordenansa ng kaligtasan, sundin ang mga kautusan, at pagsisihan ang ating mga kasalanan. Para sa detalyadong paliwanag tungkol sa mga magmamana ng kaluwalhatiang selestiyal, tingnan ang Doktrina at mga Tipan 76:50–70 ; 76:92–96 .

(Mga Paksa ng Ebanghelyo, “Mga Kaharian ng Kaluwalhatian,” https://www.churchofjesuschrist.org/study/manual/gospel-topics/kingdoms-of-glory?lang=tgl)

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Paghahambing ng ating mortal na katawan sa ating nabuhay na mag-uling katawan

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng sarili nilang mga object lesson na magagamit nila upang tulungan ang isang tao na maunawaan ang Pagkabuhay na Mag-uli. Maaari mo silang bigyan ng halimbawa tulad ng paghahambing ng isang higad sa isang paruparo, o paghahambing ng demolisyon ng isang mas lumang gusali sa pagtatayo ng isang bagong gusali kapalit nito.

Ipaliwanag sa mga estudyante na ginamit ni Pablo ang halimbawa ng pagtatanim ng isang binhi upang tulungan ang mga taga-Corinto na maunawaan ang Pagkabuhay na Mag-uli (tingnan sa 1 Corinto 15:35–38). Ang ating mortal na katawan ay maihahambing sa isang binhi. Ang ating kamatayan at libing ay maihahambing sa binhing itinanim (ipinunla). Ang ating nabuhay na mag-uling katawan ay maihahambing sa halamang tutubo.

Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang 1 Corinto 15:43–54 , at markahan ang mga salitang ginamit ni Pablo upang ilarawan ang ating mortal na katawan, at markahan (sa ibang paraan) ang mga salitang ginamit ni Pablo upang ilarawan ang ating nabuhay na mag-uling katawan.

Sabihin sa mga estudyante na magsulat sa pisara ng pisikal na kapansanang taglay ng isang mahal sa buhay. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang sakit, malabong paningin, mahinang likod, o mga problema sa kasukasuan. Sabihin sa mga estudyante na ipikit ang kanilang mga mata at ilarawan sa isipan ang kanilang mga mahal sa buhay sa isang nabuhay na mag-uling katawan, na pinagaling ng kapangyarihan ng Diyos mula sa lahat ng kapansanang iyon. Burahin sa pisara ang bawat isa sa mga pisikal na kapansanan, at patotohanan ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo, na ginawang pansamantala ang mga paghihirap na iyon, at magbibigay sa bawat isa sa atin ng nabuhay na mag-uling katawan para sa kawalang-hanggan.