Seminary
1 Corinto 13


1 Corinto 13

“Ang Pag-ibig ay Walang Katapusan”

Jesus is touching the cheek of a woman who is sitting on the ground. Outtakes include the ill woman walking up to Jesus to touch his clothes and Jesus kneeling and talking to the seated woman. Jesus touching the face of a seated woman.

Nagpakita si Jesucristo ng dakilang pagmamahal sa bawat araw ng Kanyang buhay sa mundo. Sa huli, ipinakita Niya ang Kanyang ganap na pag-ibig sa pamamagitan ng kusang-loob na pagsasakripisyo ng Kanyang buhay para sa atin. Isinulat nang detalyado ni Apostol Pablo ang tungkol sa pagmamahal na tulad ng kay Cristo, o pag-ibig sa kapwa-tao, at kung bakit natin dapat gustuhing makamtan ito. Layunin ng lesson na ito na matulungan kang madama ang dalisay na pag-ibig ni Jesucristo para sa iyo at matulungan kang hangarin ang kaloob na pag-ibig sa kapwa-tao upang maipadama ang pag-ibig na ito sa iba.

Magtiwala sa bawat mag-aaral. Ang isang paraan upang magpakita ng pagmamahal sa bawat mag-aaral ay kilalanin at pagkatiwalaan ang kanilang banal na pagkatao at layunin. Ipagdasal na makita ang mga estudyante sa kung paano sila nakikita ng Panginoon.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung sinong kapamilya, kaibigan, o iba pang indibiduwal ang gusto nilang magkaroon sila ng mas magandang ugnayan. Sabihin sa mga estudyante na isipin ang epektong maaaring idulot ng pagpapakita ng mas dakilang pagmamahal sa taong ito sa ugnayan nila.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang ating mga ugnayan sa iba

Sabihin sa mga estudyante na tahimik na isipin ang paghahanda nila para sa klase at ang mga sumusunod na tanong.

Isipin ang isang taong gusto mong magkaroon ka ng mas magandang ugnayan.

  • Paano mo gustong pagandahin ang ugnayang ito?

  • Ano ang nagawa mo para makatulong na mapaganda ang ugnayang ito? Ano ang nakatulong? Ano ang hindi nakatulong?

  • Sa palagay mo, anong epekto ang maaaring idulot ng pagpapakita ng mas dakilang pagmamahal sa ugnayan ninyo?

Habang pinag-aaralan mo ang 1 Corinto 13 , maghanap ng paraan kung paano mo magagawang mahalin ang iba tulad ng pagmamahal ng Tagapagligtas. Hangarin ang inspirasyon ng Espiritu Santo upang malaman kung ano ang magagawa mo upang ipamuhay ang natututuhan mo sa sarili mong mga sitwasyon.

Ang dalisay na pag-ibig ni Jesucristo

Pagkatapos turuan ang mga miyembro sa Corinto tungkol sa mga espirituwal na kaloob, sinabi ni Apostol Pablo na ipapakita niya sa kanila ang “[isang mas mahusay na paraan]” para mamuhay ( 1 Corinto 12:31). Basahin ang 1 Corinto 13:1–3 , at alamin ang mas mahusay na paraang ito.

  • Ano ang alam mo tungkol sa pag-ibig na ito sa kapwa-tao na tumutulong sa iyong maunawaan kung bakit napakahalaga nito?

Matutulungan tayo ng Aklat ni Mormon na mas maunawaan ang kahalagahan ng pag-ibig sa kapwa-tao. Sa pagtatapos ng sinaunang talang ito, isinama ni Moroni ang ilan sa mga salita ng kanyang amang si Mormon. Inilahad ni Mormon ang mga elemento ng pag-ibig sa kapwa-tao at binigyang-kahulugan niya ito (tingnan sa Moroni 7:43–48).

Basahin ang Moroni 7:46–47 , at alamin ang matututuhan mo tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao.

Ipamarka sa mga estudyante ang mga salita o pariralang tumutulong sa kanila na maunawaan kung ano ang pag-ibig sa kapwa-tao.

  • Anong mga katotohanan ang natutuhan mo tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao mula sa mga talatang ito?

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na isulat sa pisara ang mga katotohanang natuklasan nila mula sa pagbabasa tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao. Ang isang katotohanang maaari nilang matukoy ay ang pag-ibig sa kapwa-tao ay ang dalisay na pag-ibig ni Cristo, na nagtitiis magpakailanman. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung bakit mahalagang magkaroon ng pag-ibig sa kapwa-tao. Maaari mong gamitin ang sumusunod na pahayag at aktibidad upang matulungan ang mga estudyante na gawin ito.

Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Official Portrait of President Dallin H. Oaks taken March 2018.

Ang pag-ibig sa kapwa-tao, “ang dalisay na pag-ibig ni Cristo” [ Moroni 7:47 ], ay hindi isang kilos ngunit isang kundisyon o kalagayan. Natatamo ang pag-ibig sa kapwa-tao sa pamamagitan ng sunud-sunod na mga pagkilos na humahantong sa pagbabalik-loob. Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay isang bagay na nagiging likas sa tao.

(Dallin H. Oaks, “The Challenge to Become,” Ensign, Nob. 2000, 34) 

  • Ano ang mas ipinapaunawa sa iyo ng pahayag ni Pangulong Oaks tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao?

Gumamit si Pablo, sa Bagong Tipan, at si Mormon, sa aklat ni Mormon, ng magkakatulad na salita at parirala upang ilarawan ang pag-ibig sa kapwa-tao. Sa pag-unawa sa kanilang mga salita, malalaman natin kung ano ang gagawin at kalaunan, kung paano maging higit na katulad ni Jesucristo.

Ang sumusunod na aktibidad ay maaaring gawin bilang isang klase o ipakita sa mga estudyante upang gawin nang mag-isa. Kung gagawin ng mga estudyante ang aktibidad na ito nang mag-isa, maaari mong ipakita ang hakbang c sa pamamagitan ng pagpili sa isa sa mga paglalarawan na isusulat muli nang magkakasama bilang klase.

a. Basahin ang 1 Corinto 13:4–7 o Moroni 7:45 , at alamin kung paano inilarawan ang pag-ibig sa kapwa-tao.

Maaari mong ipabasa sa mga estudyante ang pahayag ni Elder Marvin J. Ashton na matatagpuan sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” bukod pa sa mga scripture passage.

b. Pumili ng dalawa o tatlong salita o parirala na naglalarawan sa pag-ibig sa kapwa-tao, at isulat ang mga ito sa iyong study journal.

c. Sa tabi ng bawat paglalarawan, isulat kung ano ang ibig sabihin nito sa sarili mong mga salita. Maaari kang gumamit ng anumang makatutulong sa iyong pag-aaral. Halimbawa, maaari kang gumamit ng diksyunaryo upang maghanap ng mga kahulugan para sa mga salitang tulad ng mapagtiis o kahambugan. Isulat din kung paano ka matutulungan ng katangiang ito na maging katulad ng Tagapagligtas.

  • Ano ang natututuhan mo tungkol sa Tagapagligtas mula sa iba’t ibang paglalarawang pinag-aralan mo?

Ang perpektong huwaran

Si Jesucristo ang perpektong huwaran ng lahat ng paglalarawan ng pag-ibig sa kapwa-tao. Gamit ang isinulat mo tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao sa iyong study journal, mag-isip ng mga halimbawa sa mga banal na kasulatan kung kailan ipinakita ni Jesucristo ang Kanyang dalisay na pag-ibig sa ganitong paraan. Maaaring makatulong sa iyo ang mga sumusunod na larawan na iugnay ang Tagapagligtas sa mga pariralang pinag-aralan mo.

Maaari kang magpakita ng iba’t ibang larawan ni Cristo sa buong silid-aralan. Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan kung aling mga paglalarawan ng pag-ibig sa kapwa-tao ang sa palagay nila ay tumutugma sa bawat larawan at bakit.

Depiction of Jesus and the woman taken in adultery. They are both kneeling and she is holding his hand. Outtakes include angry men bringing the woman and throwing her to the ground, the woman huddled on the ground, the savior kneeling beside her, Jesus lifting her up to her feet, and the savior standing with her.
Depiction of Jesus embracing Mary and Martha.
Jesus is riding a colt into Jerusalem through a great multitude of people holding tree branches. Outtakes include Jesus barely seen in a throng of people, images of the crowd, some small children, and Jesus walking through the crowd.
Jesus returns to the garden again to continue to pray and suffers great pain.
Jesus is on the cross between two malefactors, there is a crowd below that are watching. Outtakes include a sponge on a stick lifted up to Jesus by a Roman soldier, different views of the three me on the crosses, soldiers gambling and parting his clothes, Jesus walking wearing crown of thorns and covered in blood, and Caiaphas.
  • Paano nagpakita ang Tagapagligtas ng pag-ibig sa kapwa-tao sa bawat isa sa mga sitwasyong ito?

  • Paano mo personal na nasaksihan ang pagmamahal ng Tagapagligtas para sa iyo at sa iba?

  • Paano nakakaapekto sa mga damdamin mo para sa Tagapagligtas ang pag-iisip tungkol sa pagmamahal Niya para sa iyo?

Pamumuhay nang may pag-ibig sa kapwa-tao

Tinapos ng propetang si Mormon ang kanyang mga turo tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao nang may agarang paanyaya na kumilos. Basahin ang Moroni 7:48 , at hanapin ang paanyayang ito.

  • Anong mga salita o parirala ang tumutulong sa iyo na maunawaan kung ano ang kailangan upang matanggap ang kaloob na pag-ibig sa kapwa-tao?

Sa buong buhay Niya, ipinakita ni Jesucristo na posibleng magkaroon ng pag-ibig sa kapwa-tao sa anumang sitwasyon. Subukang ilarawan sa isipan kung anong epekto ang maidudulot sa iyong buhay kung susundin mo ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pag-ibig sa kapwa-tao sa lahat ng sitwasyon. Isipin ang partikular na ugnayang naisip mo sa simula ng lesson. Isipin kung paano higit na mapagpapala ang ugnayang iyon ng higit pang pag-ibig sa kapwa-tao.

Habang sinasagot ng mga estudyante ang mga sumusunod na tanong, hikayatin silang gawin ang mga pinili nila.

  • Ano ang magagawa mo upang lalo pang maipakita ang pag-ibig sa kapwa-tao?

  • Ano ang gagawin mo upang ipakita sa Ama sa Langit na ninanais mo na tulungan ka Niya?

Magpatotoo na nais ng Ama sa Langit na pagpalain tayo ng kaloob na pag-ibig sa kapwa-tao upang matulungan tayong maging higit na katulad Niya at ng Kanyang Anak. Tutulungan tayo ng Ama sa Langit na magkaroon ng pag-ibig sa kapwa-tao kapag bumaling tayo sa Kanya.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano tayo makapagpapakita ng pag-ibig sa kapwa-tao?

Itinuro ni Elder Marvin J. Ashton (1915–94) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Portrait of Marvin J. Ashton.

Ang pinakadakilang pag-ibig sa kapwa-tao ay kapag mabait tayo sa isa’t isa, hindi natin hinuhusgahan o binabansagan ang iba, naniniwala tayo na mabuti ang intensyon ng isa’t isa o tumatahimik na lang tayo. Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay pagtanggap ng mga pagkakaiba, kahinaan, at pagkukulang ng isang tao; pagpapasensya sa isang taong bumigo sa atin; o hindi magdamdam kapag hindi ginawa ng isang tao ang isang bagay sa paraang inaasahan natin. Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay pagtangging samantalahin ang kahinaan ng ibang tao at kahandaang magpatawad sa isang taong nakasakit ng ating damdamin. Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay paghahangad ng pinakamabuti para sa bawat isa.

(Marvin J. Ashton, “The Tongue Can Be a Sharp Sword,” Ensign, Mayo 1992, 19)

Nagturo si Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018) tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao sa kanyang mensahe sa pangkalahatang kumperensya na “Ang Pag-ibig sa Kapwa-Tao Kailanman ay Hindi Nagkukulang” (Liahona, Nob. 2010, 122–25). Maaari mong panoorin ang video ng mensaheng ito, na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, mula sa time code na 15:05 hanggang 17:22.

2:3

Bakit hindi kailanman mabibigo ang pag-ibig sa kapwa-tao, na dalisay na pag-ibig ni Jesucristo?

Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland. Photographed January 2018.

Ang tunay na pag-ibig sa kapwa-tao … ay naipakita nang perpekto at dalisay sa hindi nagmamaliw, tiyak, at nagbabayad-salang pagmamahal ni Cristo sa ating lahat. … Ito ay pag-ibig sa kapwa-tao—ang kanyang dalisay na pag-ibig para sa atin—na kung wala ito ay wala tayong kabuluhan, walang pag-asa, kahabag-habag sa lahat ng kalalakihan at kababaihan. Tunay ngang ang mga taong matatagpuang may taglay ng mga pagpapala ng kanyang pagmamahal sa huling araw—ang Pagbabayad-sala, Pagkabuhay na Mag-uli, buhay na walang hanggan, walang-hanggang pangako—ay tiyak na makabubuti sa kanila. …

Ang buhay ay may mga pangamba at kabiguan. Kung minsan nangyayari ang mga bagay-bagay na iba sa ating inaasahan. Kung minsan ay binibigo tayo ng mga tao, o nawawalan tayo ng kabuhayan o negosyo o nagkukulang sa atin ang gobyerno. Ngunit isang bagay sa buhay na ito o sa kawalang-hanggan ang hindi bibigo sa atin—ang dalisay na pag-ibig ni Cristo.

(Jeffrey R. Holland, Christ and the New Covenant [1997], 336–37)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Ano ang humihikayat sa akin para gawin ang isang bagay?

Bilang alternatibong paraan upang simulan ang lesson, maaari kang mag-anyaya ng ilang estudyante na magsadula ng mga sitwasyon kung saan maaaring magkaroon ng iba’t ibang motibo ang taong gumaganap. Anyayahan ang klase na hulaan ang aksiyong ginawa at magbigay ng mga dahilan kung bakit maaaring piliing gawin ito ng isang tao. Maaaring kabilang ang mga ito sa mga posibleng sitwasyon:

  • Nagbigay ang isang dalaga ng tithing envelope sa bishop.

  • Nagbigay ang isang binata ng pagkain sa pamilyang walang tirahan.

Pagkatapos ay maaaring talakayin ng mga estudyante kung bakit mahalaga ang mga motibo sa mga ginagawa natin.

2:3

2:3

Pag-iwan sa mga bagay ng pagkabata

Anyayahan ang mga estudyante na pag-usapan ang iba’t ibang aktibidad na nagustuhan nila noong bata pa sila ngunit hindi na sila interesadong gawin ngayon. Gamitin ang mga salita ni Pablo sa 1 Corinto 13:11 upang matulungan ang mga estudyante na makita na habang tayo ay “luma[la]ki sa Panginoon” ( Helaman 3:21), mapapalitan natin ang mga dating gawi ng mga pagpiling naimpluwensyahan ng pag-ibig sa kapwa-tao, ang dalisay na pag-ibig ni Cristo (tingnan sa Moroni 7:47).

Ang mga makatutulong na pahayag tungkol sa paksang ito ay matatagpuan sa mensahe ni Sister Anne C. Pingree na “Lumaki sa Panginoon” (Liahona, Mayo 2006, 74–76).