Seminary
1 Corinto 8–13


1 Corinto 8–13

Buod

Habang ipinagpapatuloy ni Pablo ang kanyang liham sa mga taga Corinto, itinuro niya na dapat nating ilayo ang ating sarili sa tukso. Ipinaliwanag niya na ang mga lalaki at mga babae ay dapat magtulungan at suportahan ang isa’t isa habang sinusunod nila ang Panginoon. Itinuro niya na kung matutukoy at magagamit ng lahat ng miyembro ang mga espirituwal na kaloob na natanggap nila mula sa Panginoon, maaari silang maging katulad ng iba’t ibang bahagi ng katawan na gumagawa nang nagkakaisa. Isinulat din niya nang detalyado ang tungkol sa pagmamahal na tulad ng kay Cristo, o pag-ibig sa kapwa-tao, at kung bakit natin dapat gustuhing makamtan ito.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

1 Corinto 10

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na umasa kay Jesucristo upang mapaglabanan ang tukso.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang “1 Corinto 10:1–13: Ang Diyos ay Naglalaan ng Paraan ng Pag-iwas sa Tukso” sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2023. Habang nag-aaral sila, maaari nilang pag-isipan ang tanong na ito: “Anong mga uri ng pag-iwas sa tukso ang ibinigay ng Ama sa Langit para sa iyo?”

1 Corinto 11

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na mas maunawaan kung bakit kailangan ng mga lalaki at mga babae ang isa’t isa upang matamo ang mga pinakadakilang pagpapala sa plano ng Ama sa Langit.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na alalahanin kung kailan sila nakakita ng mga lalaki at mga babae na nagtutulungan at sumusuporta sa isa’t isa. Hikayatin silang pag-isipan kung paano nagdudulot ng magandang impluwensya ang magkakaibang pananaw, kakayahan, at lakas ng mga lalaki at mga babae sa kasal, pamilya, komunidad, at mga ugnayan sa Simbahan.

Doctrinal Mastery: 1 Corinto 11:11

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa 1 Corinto 11:11 habang sila ay nagsasaulo ng reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan, nagpapaliwanag ng doktrina, at nagsasabuhay ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa tunay na buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Ipabasa sa mga estudyante ang bahagi 3 sa artikulong “Kalalakihan at Kababaihan sa Gawain ng Panginoon,” ni Pangulong M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol (Liahona, Abr. 2014, 2–5), at alamin ang mga katotohanan na kailangan nating maunawaan tungkol sa doktrina ng Diyos tungkol sa mga lalaki at mga babae.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong iangkop ang pagsasanay para sa pagsasabuhay alinsunod sa mga maling pagkaunawa o sitwasyong ilalahad ng mga estudyante na may kaugnayan sa mga tungkulin ng mga babae at mga lalaki sa plano ng Ama sa Langit. Kung magbabanggit ang mga estudyante ng iba’t ibang maling pagkaunawa o sitwasyon, maaaring hatiin ang mga estudyante sa mga breakout room upang talakayin ang mga ito.

1 Corinto 12

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga espirituwal na kaloob na ibinigay sa kanila ng Panginoon upang mapagpala ang iba at mapalakas ang Kanyang Simbahan.

  • Paghahanda ng estudyante: Ipatukoy sa mga estudyante ang isa o dalawang espirituwal na kaloob na naibigay sa kanila. Maaari silang magpatulong sa mga kapamilya o iba pang pinagkakatiwalaang mahal sa buhay para magawa ito. Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang kanilang mga kaloob at kung paano nila ginagamit ang mga ito upang pagpalain ang iba. 

  • Object lesson: Isang nakabalot na regalo

  • Content na ipapakita: Ang pahayag ni Elder Marvin J. Ashton tungkol sa mga hindi gaanong kilalang espirituwal na kaloob

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magtanong sa chat tungkol sa mga espirituwal na kaloob. Iangkop ang lesson kung kinakailangan para masagot ang mga tanong nila.

1 Corinto 13

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na matulungan ang mga estudyante na madama ang dalisay na pag-ibig ni Jesucristo para sa kanila at matulungan sila na hangarin ang kaloob na pag-ibig sa kapwa-tao upang maipadama ang pag-ibig na iyon para sa iba.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin kung sinong kapamilya, kaibigan, o iba pang indibiduwal ang gusto nilang magkaroon sila ng mas magandang ugnayan. Sabihin sa mga estudyante na isipin ang epektong maaaring idulot ng pagpapakita ng mas dakilang pagmamahal sa taong ito sa ugnayan nila.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang gumamit ng mga breakout room para magkaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na talakayin ang mga aspeto ng pag-ibig sa kapwa-tao at kung paano ipinakita ng Tagapagligtas ang mga ito.