Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 20


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 20

Unawain at Ipaliwanag

Young Men reading scriptures

Ang isang layunin ng doctrinal mastery ay matulungan kang mas maunawaan ang mga turo ng Tagapagligtas at maipaliwanag ang mga ito sa sarili mong mga salita. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong palalimin ang iyong pag-unawa at magsanay na ipaliwanag ang mga katotohanan mula sa iba’t ibang doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan at pumili ng isang doctrinal mastery passage na gusto nilang mas maunawaan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Ano ang alam mo tungkol kay Jesucristo?

Maaari mong ipakita ang sumusunod na larawan at anyayahan ang mga estudyante na talakayin sa kapartner kung ano ang itinuturo ng ipinakitang pangyayari tungkol kay Jesucristo.

Ilarawan ang nalalaman mo tungkol kay Jesucristo gamit lamang ang bahagi ng Kanyang buhay na kinakatawan ng sumusunod na larawan:

Christ hanging on a cross at Calvary. Two thieves, also hanging on crosses are at the left and right of Christ. Numerous observers, including Mary, the mother of Christ, Mary Magdalene, other mourners and Roman soldiers are gathered around the crosses. Thunder clouds are gathering in the sky.

Pagkatapos, ipakita ang sumusunod na tatlong larawan (o iba’t ibang larawan ng Tagapagligtas), at anyayahan ang mga estudyante na talakayin ang mga sumusunod na tanong.

Ngayon, tingnan ang mga larawang ito at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Christ hanging on a cross at Calvary. Two thieves, also hanging on crosses are at the left and right of Christ. Numerous observers, including Mary, the mother of Christ, Mary Magdalene, other mourners and Roman soldiers are gathered around the crosses. Thunder clouds are gathering in the sky.
Jesus Christ standing and placing His hands on the eyes of a blind man who kneels before him. A group of men, women and children are gathered around Christ. The people are witnessing Christ heal the man of blindness. Stone arches are in the background.
Jesus Christ standing and placing His hands on the eyes of a blind man who kneels before him. A group of men, women and children are gathered around Christ. The people are witnessing Christ heal the man of blindness. Stone arches are in the background.
  • Anong mga pangyayari ang inilarawan sa bawat isa sa tatlong larawang ito?

  • Ano ang mas ipinapaunawa sa iyo ng bawat isa sa mga pangyayaring ito tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang misyon?

Upang talagang malaman kung sino ang Tagapagligtas at kung bakit Siya mahalaga sa iyo, makatutulong na pag-aralan ang maraming salaysay tungkol sa Kanyang buhay at ang mga isinulat ng mahigit sa isang propeta.

Gayundin, ang pag-aaral at paghahambing ng mga katotohanang matatagpuan sa maraming doctrinal mastery passage ay makatutulong sa iyong maunawaan ang doktrina ng Tagapagligtas nang mas lubusan kaysa umasa sa anumang nag-iisang doctrinal mastery passage.

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na talakayin ang sumusunod na aktibidad sa kapartner. Maaari silang magkaroon ng ibang kapartner para sa bawat paghahambing.

Basahin at pag-isipan kung ano ang itinuturo sa atin ng Mga Hebreo 12:9 , Santiago 1:5–6 , at Santiago 2:17–18 tungkol sa ating Ama sa Langit at sa kaugnayan natin sa Kanya.

  • Paano nakatutulong sa iyo ang pag-aaral ng tatlong doctrinal mastery passage na ito na mas maunawaan ang ating kaugnayan sa Diyos?

Basahin at pag-isipan kung ano ang itinuturo sa atin ng 1 Pedro 4:6 at Apocalipsis 20:12 tungkol sa Huling Paghuhukom sa plano ng Ama sa Langit.

  • Paano nakatutulong sa iyo ang pag-aaral ng dalawang doctrinal mastery passage na ito na mas maunawaan ang Huling Paghuhukom?

Maaari mong i-cross-reference o iugnay ang anumang doctrinal mastery passage na nais mong pag-aralan muli nang magkakasama sa hinaharap.

Pag-uugnay ng mga doctrinal mastery passage

Kung mas makabubuting kumpletuhin ng mga estudyante ang sumusunod na aktibidad bilang isang klase, sabihin sa klase na piliin kung aling doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan ang gusto pa nilang matutuhan. Isulat sa pisara ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na gumawa sa maliliit na grupo para maghanap ng kahit ilang nauugnay na doctrinal mastery passage sa loob ng itinakdang oras. Kung mahihirapan ang mga estudyante na hanapin ang lahat ng 96 na doctrinal mastery passage, maaari mong ipahanap lamang sa kanila ang mga doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon (o maaari kang gumamit ng ibang pamamaraan na mapakonti ang kanilang mga opsiyon sa paghahanap). Maaaring ilista ng mga estudyante sa pisara ang mga doctrinal mastery passage na mahahanap nila.

Sa huli, sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag kung paano nila mas naunawaan ang piniling doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan dahil sa mga karagdagang passage na nahanap nila.

a. Pumili ng isa sa mga doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan na gusto mo pang matutuhan, at isulat ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa iyong study journal.b. Hanapin at basahin ang buong doctrinal mastery passage, at isulat kung ano ang nauunawaan mo tungkol sa doktrinang itinuturo nito.

c. Hanapin ang kumpletong listahan ng mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na matatagpuan sa katapusan ng Doctrinal Mastery Core Document (2022).

d. Maghanap at magbasa ng kahit dalawang doctrinal mastery passage mula sa iba pang mga scripture course na nauugnay sa doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan na pinili mo.

e. Isulat sa iyong study journal kung paano mo mas naunawaan ang doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan dahil sa mga karagdagang doctrinal mastery passage na ito.

Kung ginawa ng mga estudyante ang naunang aktibidad nang mag-isa, sabihin sa kanila na ibahagi sa katabi nilang mga estudyante ang doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan na pinili nila at ipaliwanag ang natutuhan nila mula sa mga karagdagang doctrinal mastery passage.

Kung may oras pa, maaari mong ulitin ang aktibidad gamit ang isa pang doctrinal mastery passage. O gumawa ng katulad na aktibidad sa pamamagitan ng pagpapasulat sa mga estudyante ng isang tanong o alalahanin sa kanilang study journal at pagpapahanap sa kanila ng mga partikular na doctrinal mastery passage na makatutulong na masagot ang kanilang tanong o alalahanin.

Sabihin sa mga estudyante na talakayin kung paano nila maipamumuhay ang aktibidad sa pag-aaral nila ng mga banal na kasulatan sa tahanan at kung paano sila mapagpapala ng paggawa nito habang pinag-aaralan nila ang ebanghelyo.