Seminary
2 Corinto 13


2 Corinto 13

“Siyasatin Ninyo ang Inyong mga Sarili Kung Kayo’y nasa Pananampalataya”

A woman is standing looking at her refection in the widow of a building. You can see a city street in the background.

Ang mga lider sa kaharian ng Diyos ay kadalasang pinupuntirya ng mga pambabatikos. Noong panahon ng Bagong Tipan, binatikos si Pablo ng ilan sa mga miyembro ng Simbahan sa Corinto. Tumugon siya sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanila na suriin ang sarili nilang ugnayan kay Cristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na madaig ang tuksong batikusin ang iba, kabilang ang mga lider ng Simbahan, sa pamamagitan ng pagsusuri sa iyong katapatan sa Panginoon.

Paghikayat sa pag-aaral ng banal na kasulatan araw-araw. Hikayatin ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan araw-araw sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga estudyante ng mga regular na pagkakataong ibahagi ang natutuhan at nadama nila sa kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na bigyang-kahulugan ang pagkakaiba ng pagkakaroon ng matatapat na tanong o alalahanin tungkol sa isang bagay na itinuro o sinabi ng isang lider ng Simbahan at ng pagbatikos sa taong iyon.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Matatapat na tanong o pambabatikos?

Talakayin sa klase ang mga sumusunod na tanong. Kung ginamit ang paghahanda ng estudyante, maaari mong sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga saloobin.

  • Ano ang ilang halimbawa kung paano maaaring batikusin ng mga tao ngayon ang mga lider ng Simbahan?

  • Ano ang pagkakaiba ng pagkakaroon ng matatapat na tanong o alalahanin tungkol sa isang bagay na itinuro o sinabi ng isang lider ng Simbahan at ng pambabatikos sa taong iyon?

Tulungan ang mga estudyanteng maunawaan ang pagkakaibang ito. Maaaring makatulong ang sumusunod.

Karaniwan, ang ibig sabihin ng batikusin ang isang tao ay husgahan sila sa hindi mabuting paraan na pinupuna ang kanilang mga pagkakamali. Sa mga banal na kasulatan, ang pagbatikos ay maaaring ituring na paninirang-puri o pagbulung-bulong laban sa isang tao.

Posibleng tukuyin ang mga kamalian o kahinaan ng iba nang hindi nambabatikos. Nambabatikos tayo kapag nagsasalita o nagsusulat tayo tungkol sa iba sa mapanghusga o hindi mabuting paraan.

  • Bakit mahalagang mapaglabanan ang tuksong batikusin ang iba, kabilang ang mga lider ng Simbahan?

Sa pag-aaral mo ng 2 Corinto 13 , alamin kung paano natin maiiwasang mambatikos, lalo na sa mga tinawag ng Panginoon na mamuno sa Kanyang Simbahan.

Pambabatikos, paninirang-puri, at pagbulung-bulong

Tila ang ilan sa mga Banal sa Corinto ay hayagang bumabatikos kay Pablo (tingnan sa 2 Corinto 10:10 ; 12:10–15). Sa 2 Corinto 13:1–2 , sinabihan sila ni Pablo na magsisi at nagbabala siya sa kanila.

Basahin ang 2 Corinto 13:3 , at alamin kung ano ang hinihinging patunay ng ilang miyembro ng Simbahan sa Corinto mula kay Pablo. Ang hinihingi ng mga taong ito na makakita ng katibayan na talagang nagsasalita si Pablo para kay Cristo ay maaaring maging karagdagang katibayan na hayagang binabatikos siya ng mga tao. Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan, at alamin kung paano makakaapekto sa atin ang pagbatikos sa ating mga lider.

Official Portrait of President Henry B. Eyring taken March 2018.

Ibinigay ni Pangulong George Q. Cannon ang isang babala na ipapasa ko sa inyo bilang akin. Naniniwala ako na katotohanan ang sinabi niya: “… Walang tao … ang makapagsasalita ng masama tungkol sa pinili ng Panginoon at maghahanap ng kamalian sa awtoridad ng Diyos sa mundo nang hindi nakatatanggap ng Kanyang galit. Inilalayo ng Espiritu Santo ang kanyang sarili mula sa ganitong tao, at masasadlak siya sa kadiliman. Dahil dito, nakikita ba ninyo kung gaano kahalaga na mag-ingat tayo?”

(Henry B. Eyring, “Ang Kapangyarihan ng Pananampalataya sa Pagsang-ayon,” Liahona, Mayo 2019, 59)

Isaalang-alang ang mga sumusunod na salaysay sa banal na kasulatan at ang pagkakaiba ng pananampalataya at pambabatikos na inilalarawan ng mga ito:

Juan 6:60, 66–69 . Ihambing ang tugon ni Pedro sa mga turo ng Tagapagligtas sa reaksyon ng maraming iba pang disipulo.

Mga Bilang 14:2, 6–9, 35–38 . Ihambing ang mga salita at ginawa nina Josue at Caleb sa mga salita at ginawa ng mga tao na naging dahilan ng pagbulung-bulong ng mga Israelita laban kay Moises at sa Panginoon.

1 Nephi 2:12–13, 16, 19–21 . Ihambing ang mga ginawa ni Nephi sa ginawa nina Laman at Lemuel.

Bukod pa sa pinag-aaralan ng mga estudyante sa 2 Corinto, maaari din nilang pag-aralan ang isa o mahigit pa sa mga salaysay na ito. Pagkatapos ay maaari nilang ibahagi ang natutuhan nila tungkol sa mga ibubunga ng pambabatikos sa Panginoon o sa Kanyang mga tagapaglingkod. Sa paghahandang ituro ang lesson na ito, maglaan ng oras na pag-aralan ang konteksto ng mga salaysay na ito upang maging handa sa pagsagot sa mga tanong ng mga estudyante.

Maaaring talakayin ng mga estudyante ang mga sumusunod na tanong nang magkakapartner o sa maliliit na grupo.

  • Ano ang itinuturo ng salaysay na ito tungkol sa pagkakaiba ng pambabatikos at pananampalataya at tungkol sa mga ibubunga ng bawat isa sa mga ito?

  • Sa iyong palagay, bakit lumalayo ang Espiritu kapag ang mga tao ay “nagsasalita ng masama” o “naghahanap ng kamalian” sa mga tinawag ng Panginoon na mamuno sa Kanyang Simbahan?

  • Ano ang ilang paraan kung paano tayo maaaring kumilos nang may pananampalataya kung may mga tanong tayo tungkol sa itinuro ng isang lider ng Simbahan o kung hindi tayo sumasang-ayon sa isang bagay na itinuro ng isang lider ng Simbahan?

Pag-iwas sa pambabatikos

Basahin ang 2 Corinto 13:5–6 , at alamin ang ipinayo ni Pablo sa mga Banal sa Corinto na nagduda kung nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan niya. Maaaring makatulong na malaman na ang isang nabigo ay isang taong hindi karapat-dapat o hindi nalampasan ang pagsubok.

Batay sa itinuro ni Pablo, tapusin ang sumusunod na pahayag: Sa halip na batikusin ang mga lider ng Simbahan, dapat nating …

Hayaang gamitin ng mga estudyante ang sarili nilang mga salita upang tumuklas ng katotohanang katulad ng sumusunod:

Sa halip na batikusin ang mga lider ng Simbahan, dapat nating suriin ang ating katapatan sa Panginoon.

Ipinahayag ni Pangulong Eyring ang sumusunod tungkol sa ating pag-uugali sa mga taong tinawag ng Panginoon na maglingkod. Alamin kung paano pinagtitibay ng kanyang mga salita ang itinuro ni Pablo sa 2 Corinto 13:3, 5 :

2:3
Official Portrait of President Henry B. Eyring taken March 2018.

Kailangan ang pananampalataya upang maniwala na kilala nang lubos [ni Jesucristo] ang mga taong tinatawag Niya, kapwa ang kanilang kakayahan at kanilang potensyal, at hindi nagkakamali sa Kanyang mga pagtawag.

Maaaring dahil diyan ay mapangiti o mapailing ang ilan sa inyo sa kongregasyong ito—kapwa sa mga nag-iisip na maaaring may pagkakamali sa pagtawag sa kanila na maglingkod, at sa mga may naiisip na kakilala nila na tila hindi akmang manungkulan sa kaharian ng Panginoon. Ang payo ko sa parehong grupong ito ay ipagpaliban ang ganitong mga panghuhusga upang mas makita ninyo kung ano ang nakikita ng Panginoon. Sa halip ang kailangan ninyong isipin ay may kakayahan kayo na tumanggap ng paghahayag at kumilos ayon dito nang walang takot.

(Henry B. Eyring, “Pinamumunuan ng Panginoon ang Kanyang Simbahan,” Liahona, Nob. 2017, 82)

  • Paano makatutulong sa atin ang payo ni Pangulong Eyring kung natutukso tayong husgahan o batikusin ang mga piniling lider ng Panginoon?

  • Paano nakatutulong sa atin ang pagsusuri sa ating katapatan kay Jesucristo upang hindi tayo magsalita ng masama o manghusga sa iba?

Suriin ang iyong sarili

Kapag iinterbyuhin tayo para sa temple recommend, itatanong sa atin kung sinasang-ayunan natin ang mga lider ng Simbahan. Nagmungkahi si Pangulong Eyring ng ilang tanong na makatutulong sa ating maghandang sagutin ito. Hangarin ang inspirasyon ng Espiritu Santo habang pinagninilayan mo ang mga tanong na ito.

Maaari mong ipakita ang sumusunod na pahayag at sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang kanilang mga sagot o isulat ang mga ito sa kanilang study journal.

Official Portrait of President Henry B. Eyring taken March 2018.

Maaaring itinanong na sa inyo, o itatanong sa inyo, kung sinasang-ayunan ninyo ang inyong bishop, stake president, ang mga General Authority, at ang mga Pangkalahatang Opisyal ng Simbahan. …

… Makapaghahanda kayo sa pamamagitan ng pagtatanong sa inyong mga sarili ng mga tanong na katulad ng sumusunod:

1. Naisip o naikuwento ko na ba ang tungkol sa kahinaan ng mga taong ipinangako kong sasang-ayunan?

2. Naghanap na ba ako ng ebidensyang pinapatnubayan sila ng Panginoon?

3. Matiyaga at tapat ko bang sinusunod ang kanilang pamumuno?

4. Nasabi ko na ba ang tungkol sa ebidensyang nakita ko na mga tagapaglingkod sila ng Diyos?

5. Regular ko ba silang ipinagdarasal gamit ang kanilang pangalan at nang may pagmamahal?

Ang mga tanong na ito, para sa karamihan sa atin, ay magdudulot ng kaunting pagkabalisa at ng pangangailangang magsisi.

(Henry B. Eyring, “Ang Kapangyarihan ng Pananampalataya sa Pagsang-ayon,” Liahona, Mayo 2019, 59)

Kung ang mga tanong na ito ay “magdudulot ng kaunting pagkabalisa,” ipanalangin at isulat kung ano ang magagawa mo upang magsisi at magbago.

Magpatotoo tungkol sa Tagapagligtas, sa Kanyang mga piniling lider, at sa espirituwal na kaligtasan na nagmumula sa pagsusuri sa ating mga sarili sa halip na batikusin ang iba.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Ano ang panganib ng pambabatikos sa mga tinatawag ng Panginoon?

Itinuro ni Propetang Joseph Smith (1805–44):

Half-length frontal portrait of the Prophet Joseph Smith, Jr. Joseph’s head is turned to the side in a three-quarter view, right hand on hip and his left hand holds sheets of papers. He is depicted wearing a dark brown suit and a white shirt and tie.

[Kung ang isang tao ay] tatayo upang hatulan ang iba, na hinahanapan ng mali ang Simbahan, na nagsasabing naliligaw sila ng landas, samantalang siya mismo ay nagmamagaling, sinisiguro ko sa inyo, na ang taong iyon ay patungo sa apostasiya; at kung hindi siya magsisisi, ay mag-aapostasiya nga siya, dahil ang Diyos ay buhay.

(Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 372)

Ayos lang bang magkaroon ng mga tanong?

Itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay kabilang sa Unang Panguluhan:

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Ayos lang bang magtanong tungkol sa Simbahan o sa doktrina nito? Mahal kong mga kaibigang kabataan, tayo ay mga taong mahilig magtanong … dahil alam natin na ang pagtatanong ay humahantong sa katotohanan. …

… Maaaring nahihiya ang ilan o nadarama nilang hindi sila karapat-dapat dahil mayroon silang seryosong mga tanong tungkol sa ebanghelyo, ngunit hindi dapat ganito ang madama nila. Ang pagtatanong ay hindi tanda ng kahinaan; simula ito ng pag-unlad. …

Huwag matakot; magtanong. Mag-usisa, pero huwag magduda! Laging higpitan ang kapit sa pananampalataya at liwanag na natanggap na ninyo. Dahil hindi perpekto ang pag-unawa natin sa buhay na ito. Hindi lahat ng bagay ay may kabuluhan ngayon.

(Dieter F. Uchtdorf, “The Reflection in the Water” [Church Educational System devotional para sa mga young adult, Nob. 1, 2009], broadcasts.ChurchofJesusChrist.org)

Palagi bang tama ang mga propeta?

Sinabi ni Sheri Dew, dating tagapayo sa Relief Society General Presidency:

Portrait of Sheri L. Dew, 2001.

May mga taong nababahala sa tanong na: Hindi ba nagkakamali ang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag? Maling tanong iyan. Ang mas mabuting tanong ay, Sino talaga ang mga propeta? Sila ang mga inordenang humawak ng mga susi ng priesthood na awtorisadong magkaloob ng kapangyarihan ng Panginoon sa buong mundo. Maaaring hindi sila perpekto. Ngunit sila ang mga pinakaperpektong inspiradong lider sa mundo, at ang tanging layunin nila ay lubos na dalisay—ang tulungan tayong matagpuan ang daan pabalik sa pamamagitan ng pagtuturo sa atin kay Jesucristo.

(Sheri Dew, “Prophets” [BYU–Pathway Worldwide devotional, Hulyo 13, 2021], 2, byupathway.org/speeches)

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

2 Corinto 13:5 . “Siyasatin ninyo ang inyong mga sarili kung kayo’y nasa pananampalataya”

Maaari mong gamitin ito sa ilalim ng heading na “Pag-iwas sa pambabatikos” sa lesson.

Sina Ezra Booth at Edward Partridge ay kabilang sa mga elder na naglakbay patungong Missouri kasama si Propetang Joseph Smith noong tag-init ng 1831. Ipabasa sa mga estudyante ang “Facing Disappointment—We Always Have a Choice” ni Matthew C. Godfrey, na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org. Sabihin sa mga estudyante na ikumpara ang mga reaksyon nina Ezra at Edward nang mabigo sila.

Tulungan ang mga estudyante na matukoy kung paano sinuri at pinagbuti ni Edward ang kanyang sarili, at nagsisi, samantalang si Ezra ay patuloy na binatikos ang Propeta at nawalan ng pananampalataya.