Seminary
2 Corinto 11–12


2 Corinto 11–12

Pagtitiis sa mga Pagsubok nang may Pananampalataya kay Cristo

A young woman sitting down. A woman (possibly her mother) has her hand on the girl’s shoulder. The girl has a sad expression on her face.

Maging ang pinakamatatapat na disipulo ni Jesucristo ay nagtitiis sa paghihirap sa kanilang buhay. Ibinahagi ni Pablo ang ilan sa mga pagdurusang tiniis niya at kung paano siya nakadama ng kagalakan sa mga karanasang iyon sa pamamagitan ng tulong ng Tagapagligtas. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyong umasa sa Panginoon habang nagsisikap kang tapat na tiisin ang mga pagsubok sa sarili mong buhay.

Pagdarasal para sa mga estudyante na binabanggit ang pangalan ng bawat isa. Humingi ng tulong sa Ama sa Langit na maunawaan ang mga pangangailangan ng bawat estudyante at kung paano matutugunan ang mga pangangailangang iyon. Pagkatapos ay pakinggan ang mga pahiwatig ng Espiritu na maaaring dumating sa oras ng lesson o habang naghahanda ng lesson bilang sagot sa mga panalanging iyon.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang ibahagi kung bakit sa palagay nila ay hindi totoo ang sumusunod na pahayag: “Kung mananalangin tayo nang may sapat na pananampalataya kay Jesucristo, aalisin ng Ama sa Langit ang anumang pagsubok na pinagdaraanan natin.”

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga pagsubok sa buhay

Kung maaari, magdala sa klase o magpakita ng larawan ng isang rosas na may tinik.

Spring rose bush thorns.
  • Ano sa palagay ninyo ang silbi ng mga tinik sa tangkay ng rosas?

Sa buhay, marami tayong magagandang karanasan na maihahambing sa isang rosas. Gayunpaman, nahaharap din tayo sa mga pagsubok at hamon na maihahambing sa mga tinik.

  • Ano ang ilang pagsubok at hamon na maaaring maranasan ng mga tao sa buhay?

Pakinggang mabuti ang mga sagot ng mga estudyante sa sumusunod na tanong. Ang kanilang mga sagot ay makatutulong na matukoy ang pinakamahahalagang katotohanan na pagtutuunan sa buong lesson.

  • Anong mga saloobin at tanong ang maaaring itanong ng mga tao tungkol sa Diyos habang dumaranas sila ng mga pagsubok? Ano kaya ang maiisip nila tungkol sa kanilang sarili?

Sa pag-aaral ninyo ngayon, alamin ang mga katotohanang makatutulong sa inyo na matapat na matiis ang mga pagsubok na pinipili ng Diyos nang may pagmamahal at karunungan, na huwag alisin sa inyo. Pagnilayan kung bakit ninyo kailangan ang tulong ng Diyos habang tinitiis ninyo ang mga ito.

Mga pagsubok ni Pablo

Basahin ang 2 Corinto 11:24–28 , at alamin ang ilan sa mga pagsubok na tiniis ni Pablo sa kanyang ministeryo.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang lalim ng pagdurusang naranasan ni Pablo, maaari mong ipabahagi sa kanila kung alin sa mga pagsubok ni Pablo ang sa palagay nila ay pinakamahirap tiisin.

  • Ano pang halimbawa ang maiisip ninyo mula sa mga banal na kasulatan o sa kasaysayan ng Simbahan na nagpapakita na kahit ang mabubuti ay dumaranas ng mga paghihirap? Paano naging katibayan nito ang buhay ng Tagapagligtas?

  • Sa inyong palagay, bakit hinahayaan ng Ama sa Langit na magtiis nang labis ang matatapat na disipulo ni Jesucristo?

Bagama’t pinagkalooban ng Diyos si Pablo ng magagandang paghahayag, kabilang ang isang pangitain tungkol sa kahariang selestiyal (tingnan sa 2 Corinto 12:1–4), kinailangan pa ring tiisin ni Pablo ang mga pagsubok sa kanyang pananampalataya. Basahin ang 2 Corinto 12:7 upang malaman kung ano ang inihambing ni Pablo sa isa sa mga pagsubok na patuloy niyang nararanasan.

  • Paano magiging magandang paglalarawan sa ilang personal na pagsubok ang “isang tinik sa laman”?

Sa halip na itanong lamang ang sumusunod, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na iguhit sa kanilang study journal o sa pisara kung ano ang maaari nilang ihambing sa isa sa kanilang mga personal na pagsubok.

  • Anong paghahambing ang maaari ninyong gamitin upang ilarawan ang isang partikular na pagsubok na tiniis ninyo o ng inyong mga mahal sa buhay? Bakit?

Basahin ang 2 Corinto 12:8–10 upang makita ang karanasan ni Pablo habang nagdarasal na maalis ang kanyang “tinik sa laman.” Habang nagbabasa kayo, tandaan na ang ibig sabihin ng salitang biyaya ay “dakilang tulong o lakas … [na] ibinibigay sa pamamagitan ng awa at pag-ibig ng Diyos” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “ Biyaya ,” https://www.churchofjesuschrist.org/study/scriptures/gs/grace?lang=tgl; tingnan din sa Eter 12:27).

Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa karanasan ni Pablo ay maaaring hindi palaging alisin ng Panginoon ang ating mga pagsubok, ngunit mapalalakas tayo ng Kanyang biyaya kapag tapat nating tinitiis ang mga ito.

  • Paano ninyo nakikita ang katotohanang ito sa buhay ng Tagapagligtas? (tingnan sa Lucas 22:41–44).

Para sa sumusunod na aktibidad, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na makipagtulungan sa isang kapartner at magpabasa sa bawat estudyante ng ibang scripture passage at ipabahagi sa isa’t isa ang natutuhan nila.

Maghanap at magbasa ng kahit isang salaysay sa banal na kasulatan na nagpapakita kung paano mapagpapala ng Panginoon ang mga nagtitiis ng mga pagsubok nang may pananampalataya sa Kanya. (Ang mga sumusunod ay mga iminumungkahing salaysay na maaari ninyong piliin.)

Doktrina at mga Tipan 121:1–8; 122:7–9 . (Nanalangin si Joseph Smith habang nagdurusa siya sa Liberty Jail.)

Mosias 24:8–15 . (Ang mga tao ni Alma ay mga bihag ng mga Lamanita at pinamunuan ng masamang saserdoteng si Amulon.)

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa Panginoon at sa mga ipinagkakaloob Niya sa mga taong tapat na nagtitiis sa mga pagsubok?

  • Alin sa Kanyang mga pagpapala ang pinakakailangan mo habang tinitiis mo ang iyong mga pagsubok? Bakit?

  • Sino ang personal mong kakilala na matapat na nagtiis sa hamon sa kanyang buhay? Ano ang ginawa niya upang magtiis nang tapat? Paano siya tinulungan ng biyaya ng Panginoon?

  • Ano sa palagay mo ang nais ng Tagapagligtas na gawin mo upang matapat na matiis ang iyong mga pagsubok?

5:5
  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa pagtitiis sa mga pagsubok nang may pananampalataya kay Jesucristo?

Batay sa natutuhan at nadama mo habang pinag-aaralan mo ang 2 Corinto 12 ngayon, magdagdag o isulat muli ang sumusunod na pahayag upang gawin itong mas tumpak.

Maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod na pahayag at sabihin sa mga estudyante na talakayin sa maliliit na grupo kung paano nila ito babaguhin. Pagkatapos ay anyayahan ang ilang estudyante na pumunta sa pisara at muling isulat ang pahayag batay sa talakayan ng kanilang grupo. Sabihin sa mga estudyanteng ito na ipaliwanag sa klase kung bakit ganito ang ginawang pagbabago ng kanilang grupo.

“Kung mananalangin tayo nang may sapat na pananampalataya kay Jesucristo, aalisin ng Ama sa Langit ang anumang pagsubok na pinagdaraanan natin.”

Patotohanan ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at ang biyayang ibinibigay Nila kapag tinitiis natin ang mga pagsubok nang may pananampalataya sa Kanila. Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga karanasan kung paano sila napagpala ng Diyos, gayundin ang natutuhan nila, sa pagtitiis nila sa mga pagsubok.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano naging halimbawa ang Tagapagligtas ng mga katotohanang itinuro sa lesson na ito?

Ibinahagi ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan ang sumusunod tungkol sa Lucas 22:41–44 :

Official Portrait of President Dallin H. Oaks taken March 2018.

Dito natin nakikita ang lubos na pananampalataya at tiwala ng Tagapagligtas sa Ama. “Gayunma’y,” Sabi niya, “huwag ang kalooban ko ang mangyari kundi ang sa iyo.” Ang tugon ng Ama ay tanggihan ang pagsamo ng kanyang Bugtong na Anak. Ang Pagbabayad-sala ay kinakailangang isagawa ng korderong iyon na walang anumang kapintasan. Bagama’t hindi napagbigyan ang kahilingan ng Anak, nasagot ang kanyang panalangin. Nakatala sa banal na kasulatan: “[At] nagpakita sa kanya ang isang anghel na mula sa langit na nagpalakas sa kanya” (JST, Luke 22:43).

(Dallin H. Oaks, “Faith in the Lord Jesus Christ,” Ensign, Mayo 1994, 100)

Ano ang ipinagkakaloob sa atin ng Tagapagligtas sa panahong sinusubok tayo?

Ibinahagi ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Official Portrait of President Dallin H. Oaks taken March 2018.

Ang nagpapagaling na kapangyarihan ng Panginoong Jesucristo—inaalis man nito ang ating mga pasanin o pinalalakas tayo para magtiis at mamuhay sa kabila ng mga iyon tulad ni Apostol Pablo—ay magagamit sa lahat ng paghihirap sa buhay na ito.

(Dallin H. Oaks, “Pinapagaling Niya ang Nangabibigatang Lubha,” Liahona, Nob. 2006, 8)

Paano tayo matutulungan ng ating mga paghihirap na pagpalain ang mga nasa paligid natin?

Itinuro ni Sister Reyna I. Aburto, Pangalawang Tagapayo sa Relief Society General Presidency:

Official Portrait of Sister Reyna Aburto. Photographed in 2017.

Hindi ang inyong mga pasakit ang magtatakda kung ano ang magiging kayo, ngunit maaari kayong dalisayin ng mga ito. Dahil sa “tinik sa laman,” maaari kayong magkaroon ng damdaming mas mahabag sa iba.

(Reyna I. Aburto, “Sa Dilim at Liwanag, Aking Panginoon, Manatili!,” Liahona, Nob. 2019, 59)

Mapapagaling ba ng mga may hawak ng priesthood ang lahat ng may pananampalatayang gumaling?

Ipinaliwanag ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

2:3
Official Portrait of Sister Reyna Aburto. Photographed in 2017.

Bagama’t magagawang pagalingin ng Tagapagligtas ang lahat ng gusto Niyang pagalingin, hindi ito magagawa ng mga mayhawak ng awtoridad ng Kanyang priesthood. Ang paggamit ng mga tao sa awtoridad na iyon ay limitado ayon sa kalooban Niya na may-ari ng priesthood na iyon. Kaya nga, sinabi sa atin na ang ilang binasbasan ng mga elder ay hindi gumagaling dahil sila ay “itinakda sa kamatayan” [ Doktrina at mga Tipan 42:48 ]. Gayundin, nang hangarin ni Apostol Pablo na mapagaling mula sa “tinik sa laman” na tumampal sa kanya ( 2 Corinto 12:7), tumanggi ang Panginoon na pagalingin siya.

(Dallin H. Oaks, “Pinapagaling Niya ang Nangabibigatang Lubha,” Liahona, Nob. 2006, 7)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Ang mga pagsubok ay makapagpapadalisay at magpapakinis sa atin

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na larawan o maaari kang magdala ng isang magaspang na bato at isang makinis na bato sa klase. Ipatalakay sa mga estudyante kung ano ang kailangan upang maging makintab at makinis ang isang bato at kung paano ito naaangkop sa pagpapakinis na kailangan natin sa ating buhay. Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung bakit kung minsan ay hinahayaan tayo ng Panginoon na patuloy na dumanas ng mahihirap na pagsubok kahit sapat ang ating pananampalataya sa Kanya upang mapagaling.

A heart shaped rounded edge rock.
Stones laid out on a white background.

Pananampalatayang hindi gumaling

Maaari mong gamitin ang salaysay na ito at ang mga kasunod na tanong na ito upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang pananampalataya kay Jesucristo na kinakailangan upang matanggap ang Kanyang kalooban kapag naiiba ito sa ating kalooban.

Isinalaysay ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang tunay na kuwento ng isang matapat na binata na nahihirapan dahil sa kanser at ang aral na natutuhan niya at ng iba pa tungkol sa pagkakaroon ng pananampalatayang hindi gumaling. Ang kuwentong ito ay matatagpuan sa artikulong “Pagtanggap sa Kalooban at Takdang Panahon ng Panginoon,” Liahona, Agosto 2016, 29–35.

Ano ang ibig sabihin sa inyo ng tanong na “May pananampalataya ka bang hindi gumaling?”

Paano maiuugnay ang tanong na ito sa sitwasyong inilarawan ni Pablo sa 2 Corinto 12:7–10 ?

Mayroon bang anumang sitwasyon sa inyong buhay kung saan maaaring kailanganin ninyong manampalataya kay Jesucristo kahit maaaring hindi kayo tumanggap ng pagpapala sa paraan o sa panahong inaasam ninyo?

Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa Ama sa Langit na makatutulong sa inyong magtiwala sa Kanya sa mga sitwasyong iyon?