Seminary
2 Corinto 5


2 Corinto 5

“Ang Ministeryo ng Pakikipagkasundo”

Jesus embraces the man who was born blind when the man finds him again after Jesus healed him.

Nadama mo na ba minsan na malayo ka sa Diyos? Minsan na rin bang nadama iyon ng ibang taong kakilala mo? Ipinaalala ni Pablo sa mga Banal sa Corinto ang awa na ipinakita sa kanila ni Jesucristo. Itinuro ni Pablo sa mga tao na sila ay nahiwalay sa Diyos dahil sa kasalanan. Sa kabutihang-palad, sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Cristo, maaari silang muling magkaroon ng magandang ugnayan sa Diyos at maaari nilang matanggap ang kabutihan ni Cristo (tingnan sa 2 Corinto 5:16–21). Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyong mas mapalapit sa Diyos at maging ang indibiduwal na ninanais Niyang maging ikaw.

Paghikayat sa mga estudyante na maghanda para sa klase. Kapag pumasok ang mga estudyante sa klase nang handa, inaanyayahan nila ang Espiritu Santo na turuan sila, at mas matutulungan nila ang iba pang estudyante.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga pagkakataon na naramdaman nilang malapit sila sa Diyos at ang mga pagkakataon na nadama nilang malayo sila sa Kanya, at pumasok sa klase na handang ibahagi ang nadama nila sa mga karanasang ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang iyong ugnayan sa Diyos

Rebyuhin ang mga sumusunod na sitwasyon. Pag-isipan kung paano natutulad o naiiba ang iyong personal na sitwasyon sa mga sitwasyong ito.

Ipakita ang mga sumusunod na sitwasyon o sabihin sa mga estudyante na gumawa ng mga sarili nilang sitwasyon na may kinalaman sa mga sitwasyon kung saan maaaring madama ng isang kabataan na malayo siya sa Diyos.

Bilang alternatibo, simulan ang lesson gamit ang aktibidad na “Pagtanggap ng kabutihan ni Cristo” sa bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral” sa katapusan ng lesson. Kabilang sa aktibidad na ito ang kuwento ni Jean Valjean mula sa Les Miserables na nakipagkasundo sa Diyos.

  1. Si Jamilah ay isang masigasig na disipulo ni Jesucristo. Itinuturing siyang huwaran ng maraming kaibigan. Gayunpaman, kapag nagkakamali siya, pinanghihinaan siya ng loob at nag-aalala siya kung makababalik siya sa Ama sa Langit balang-araw.

  2. May ilang gawi si Andre na alam niyang hindi mabuti, at nahihirapan siyang malaman kung paano siya mapapatawad at magbabago. Iniisip niya kung mapapalapit pa siya sa Diyos, at hindi siya sigurado kung mahalaga itong pagsikapan. Ayaw niyang kausapin ang kanyang mga magulang o bishop tungkol sa kanyang mga problema.

Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang inihanda nila para sa klase habang ginagawa nila ang sumusunod na aktibidad.

Pag-isipan ang sarili mong ugnayan sa Ama sa Langit. Sa iyong study journal, ilarawan ang sarili mong sitwasyon sa buhay at ang iyong ugnayan sa Kanya. Maaari mong isama kung kailan mo nadarama na malapit ka sa Kanya at kung kailan mo nadarama na malayo ka, pati na rin ang iyong mga hangarin para sa iyong ugnayan sa Kanya sa hinaharap.

Sa iyong pag-aaral, alamin ang mga katotohanan na makatutulong sa iyong maunawaan ang mga pagpapala ng paglapit sa Diyos at kung paano ka mapapalapit sa Kanya.

Pakikipagkasundo

Sa 2 Corinto 5, isinulat ni Pablo na habang nabubuhay tayo sa lupa, tayo ay “dumaraing” at “nabibigatan,” at inaasam nating makabalik sa ating Ama sa Langit (tingnan sa 2 Corinto 5:1–5). Isipin ang mga pagkakataon sa iyong buhay na nadama mo rin ang inilarawan ni Pablo.

Basahin ang 2 Corinto 5:17–20 , at alamin ang mga katotohanang maipamumuhay mo kapag nadarama mong malayo ka sa Diyos. Pansinin na sa mga talatang ito, ang ibig sabihin ng makipagkasundo at pakikipagkasundo ay maibalik sa pagkakaisa at pagsang-ayon ng Diyos matapos mawalay sa Kanya.

Ipakita ang mga sumusunod na tanong upang makita ng mga estudyante habang nag-aaral sila.

  • Anong mga salita at parirala sa mga talatang ito ( 2 Corinto 5:17–20) ang pinakamahusay na naglalarawan sa ginawa ng Tagapagligtas para sa iyo?

  • Ano ang ginagampanan ng Ama sa Langit sa pagtulong sa iyong makabalik sa Kanya? (Tingnan sa 2 Corinto 5:18-19 .)

  • Anong mga pagpapala ang natatanggap natin kapag nagsisikap tayong mamuhay “kay Cristo”? ( 2 Corinto 5:17)

Ang isang katotohanang itinuro sa 2 Corinto 5:17–20 ay maaari tayong makipagkasundo sa Diyos at maging mga bagong nilalang sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

Itinuro din ni Pablo kung bakit tayo nagiging mga bagong nilalang at kung ano ang ibig sabihin nito.

Basahin ang 2 Corinto 5:21 , at alamin ang mga pagtukoy sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa iyo.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila. Kung kinakailangan, ipaliwanag na ang “niya” sa talata 21 ay tumutukoy sa Ama sa Langit, samantalang ang “kanya” ay tumutukoy kay Jesucristo.

  • Ano ang natutuhan mo mula sa talatang ito?

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang talatang ito. Maaari mong rebyuhin kasama ng mga estudyante ang sumusunod na talata, at pag-isipan kung paano matutulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konseptong ito. Maghandang ibahagi ang mga ideyang ito sa mga sarili mong salita.

Itinuro ni Pablo sa 2 Corinto 5:21 na bagama’t hindi kailanman nagkasala si Jesus, sa Halamanan ng Getsemani at sa krus ng Kalbaryo, inako Niya ang pasanin, ang bigat, at ang mga ibinunga ng ating mga kasalanan. Kapag masigasig nating hinangad na mapatawad at maging “bagong nilalang,” tinatanggap natin ang alok ni Jesucristo na kung mananampalataya tayo sa Kanya at magsisisi tayo sa ating mga kasalanan, aalisin Niya ang ating mga kasalanan at matatanggap natin ang Kanyang kabutihan. Sa ganitong paraan, tayo ay gagawing dalisay, tulad Niya na dalisay (tingnan din sa Colosas 2:13–14 ; 1 Pedro 2:24).

Tiyaking tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang proseso ng pagiging dalisay na katulad ni Jesucristo ay nangangailangan ng habambuhay na pagsisikap.

  • Paano nakatutulong sa iyo ang mga turo sa 2 Corinto 5:21 na mas maunawaan kung bakit tayo nagiging mga bagong nilalang kay Cristo at ano ang tunay na kahulugan nito?

  • Anong mga ideya at damdamin ang maaaring naranasan ng walang kasalanang Anak ng Diyos nang kusang-loob Niyang akuin ang iyong mga kasalanan upang makipagkasundo ka sa Diyos at makapagbago ka? (Maaari mong basahin ang Isaias 49:16 at Doktrina at mga Tipan 19:18 bago sagutin ang tanong na ito.)

Bigyan ang mga estudyante ng napapanahong halimbawa ng kung paano tayo maaaring makipagkasundo sa Diyos. Maaari kang magbahagi ng sarili mong karanasan.

6:24

Pag-isipan kung paano mo naranasan, o paano naranasan ng isang kakilala mo, ang pagpapagaling at pakikipagkasundo na ibinibigay ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala.

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng anumang saloobin o damdamin nila (ipaalala sa kanila na huwag magbahagi ng anumang napakapersonal o napakapribadong bagay). Kung magbabahagi sila ng karanasan, sundan ito ng tanong na tulad ng “Ano ang itinuturo sa iyo ng karanasang ito tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala?” o “Ano ang mga ginawa ng taong ito para makipagkasundo siya sa Diyos? Sa palagay mo, bakit nakapagdulot ng pagbabago ang mga pagkilos na iyon?”

Ang pagninilay sa mga alituntunin ng ebanghelyo ay makatutulong sa ating mas maunawaan at madama ang kahalagahan ng mga ito. Muling basahin ang paglalarawan ng kasalukuyan mong sitwasyon sa buhay at ugnayan sa Diyos na isinulat mo sa simula ng lesson. Maglaan ng ilang minuto upang pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

Ipakita ang mga sumusunod na ideya upang mapag-isipan ng mga estudyante. Maaari kang magdagdag ng mga personal na ideya o anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga saloobin tungkol sa mga bagay na maaari nilang pagnilayan batay sa natutuhan nila sa lesson na ito.

  • Ano kaya ang kahihinatnan at pakiramdam kapag nakipagkasundo sa Diyos magpakailanman?

  • Sa anong mga paraan mo gustong maging bago sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo?

  • Ano ang mga naranasan mo sa iyong buhay na nagpapakita kung gaano kahanda si Jesucristo na tulungan kang magbago?

  • Paano nakatulong ang pagninilay?

  • Ano ang natutuhan mo sa lesson na ito tungkol sa mga damdamin at hangarin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa iyo?

Matuto, makadama, at gumawa

Sa iyong study journal, isulat ang natutuhan at nadama mo ngayon na pinakamakabuluhan sa iyo at kung bakit ito ang pinakamakabuluhan sa iyo. Isulat kung ano ang nahihikayat kang gawin na makatutulong sa iyong makipagkasundo sa Diyos at maging “bagong nilalang” kay Cristo. Anong mga pagbabago ang inaasahan mong makita sa iyong sarili (sa loob ng isang taon, dalawang taon, o limang taon) bilang isang taong tunay na nabago kay Cristo?

Pagkatapos ay anyayahan ang mga estudyante na gustong magbahagi ng kanilang mga saloobin at damdamin. Maaari ka ring magbahagi ng mga personal mong damdamin.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano ako matutulungan nito na ipamuhay ang ebanghelyo ni Cristo at maging “bagong nilalang” sa Kanya?

Ipinaliwanag ni Elder Ulisses Soares ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder Ulisses Soares, Quorum of the Twelve Apostles official portrait.

Ang pagpapaibayong iyon ng pananampalataya at pagbabalik-loob ay tutulungan tayong gumawa at tumupad ng mga tipan sa Diyos, sa gayo’y lalakas ang ating hangaring tularan si Jesus at magkaroon ng tunay na espirituwal na pagbabago sa atin—sa madaling salita, ginagawa tayong panibagong nilalang, tulad ng itinuro ni Apostol Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Corinto ( 2 Corinto 5:17). Ang pagbabagong ito ay magbibigay sa atin ng mas masaya, mabunga, at malusog na buhay at tutulungan tayong magpanatili ng walang-hanggang pananaw.

(Ulisses Soares, “Paano Ako Makauunawa?Ensign o Liahona, Mayo 2019, 6)

2 Corinto 5:17–21 . Paano ko mas mauunawaan ang itinuro ni Pablo sa mga talatang ito?

Ang sumusunod na paliwanag ay maaaring makatulong sa iyong maunawaan ang ilang salita at parirala sa mga talatang ito:

Ang ibig sabihin ng pagiging “bagong nilalang” ay “ang ating puso, mukha, at likas na pagkatao ay magiging mas katulad ng Tagapagligtas” (Benjamin M. Z. Tai, “Ang Bisa ng Aklat ni Mormon sa Pagbabalik-loob,” Ensign o Liahona, Mayo 2020, 47).

Ang ibig sabihin ng “hindi ibinibilang [ni Cristo] sa kanila ang kanilang mga kasalanan” ay dahil sa ginawa ni Cristo para sa atin, kapag tayo ay nakipagkasundo sa Diyos, hindi tayo papanagutin para sa ating mga kasalanan.

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

2 Corinto 5:14–21 . Ang pagpapalit ng ating mga kasalanan para sa kabutihan ni Cristo

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong para maunawaan ang mga turo ni Pablo sa 2 Corinto 5:14–21 , maaaring panoorin ang “Mabuting Pastol, Kordero ng Diyos” (15:18) mula sa time code na 10:30 hanggang 12:10 na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org. Sabihin sa mga estudyante na tumukoy ng mga pagkakatulad sa kuwentong ito at sa 2 Corinto 5:14–21 . Ang mga salaysay na ito ay makatutulong sa kanilang makita kung paano inako ni Jesucristo ang ating mga kasalanan para magkaroon tayo ng pagkakataong matanggap ang Kanyang kabutihan.

2:3
2:3

2 Corinto 5:14–21 . Pagtanggap ng kabutihan ni Cristo

Maaari mong panoorin ang “Pagtubos” (15:21) mula sa time code na 6:48 hanggang 8:43, na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, kung saan inilarawan ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol ang isang kuwento mula sa aklat na Les Miserables. Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga paraan kung paanong si Bishop Bienvenu, na nagligtas kay Jean Valjean upang siya ay maging mas mabuti, ay katulad ng Tagapagligtas at ng mga paraan kung paanong katulad tayo ni Jean Valjean. Sabihin sa kanila na pag-aralan ang 2 Corinto 5:14–21 at tingnan kung paano natutulad ang kuwento ni Elder Christofferson sa itinuro ni Pablo tungkol sa pagiging mga bagong nilalang kay Cristo at sa pagtanggap sa Kanyang kabutihan.

2:3

2 Corinto 5:1–5 . Ang kaloob na “Espiritu bilang paunang bayad”

Maaaring makinabang ang mga estudyante sa pagtalakay ng kaloob na Espiritu Santo. Ipabasa sa kanila ang 2 Corinto 5:1–5 . %#160

Pagkatapos ay maaari nilang pag-aralan ang 2 Corinto 1:19–22 ; 5:5 ; Efeso 1:13–14 ; at ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan:

Official Portrait of President Henry B. Eyring taken March 2018.

Kung nadarama ninyo ang impluwensya ng Espiritu Santo ngayon, maituturing ninyong katibayan ito na nagkakaroon ng epekto ang Pagbabayad-sala sa inyong buhay.

(Henry B. Eyring, “Gifts of the Spirit for Hard Times,” Ensign, Hunyo 2007, 23)

Sabihin sa mga estudyante na sagutin ang mga tanong na tulad ng “Paano naiimpluwensyahan ng Espiritu Santo ang iyong tiwala sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas at sa pangako ng buhay na walang hanggan?” at “Paanong ang mga karanasan ngayon sa Espiritu Santo ay nagbibigay sa atin ng ideya tungkol sa kung ano ang mangyayari sa buhay na walang hanggan sa piling ng Ama sa Langit?”