Seminary
Mga Gawa 16


Mga Gawa 16

“Kami’y Tinawag ng Diyos upang Ipangaral ang Magandang Balita”

In a vision, Peter baptizes a Gentile.

Sa Kanyang huling habilin sa Kanyang mga Apostol, iniutos ng Panginoon sa kanilang “gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo” (Mateo 28:19). Maraming pambihirang nagawa si Pablo at ang kanyang mga kasama sa pagtupad sa utos na ito. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang makilala ang tulong na nais na ibigay sa iyo ng Tagapagligtas habang pinagsisikapan mong ibahagi ang Kanyang ebanghelyo sa iba.

Pagpapamuhay ng doktrina at mga alituntunin. Dapat hikayatin ng mga titser ang mga estudyante na ipamuhay ang katotohanan. Nangyayari ang pagpapamuhay kapag ang sinasabi, iniisip, at ginagawa ng mga estudyante ay ayon sa mga alituntuning natutuhan nila. Habang ipinapamuhay ng mga estudyante ang mga alituntunin ng ebanghelyo, sila ay tatanggap ng mga ipinangakong pagpapala at magkakaroon ng mas malalim na pag-unawa at patotoo sa kung ano ang ipinamuhay nila.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mapanalanging hilingin sa Ama sa Langit na tulungan silang tumukoy ng isang taong inihanda Niya na pakikinggan ang ebanghelyo ni Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Itinatampok sa lesson na ito ang dalawang salaysay tungkol sa gawaing misyonero ni Pablo na nakatala sa Mga Gawa 16 . Bigyang-pansin ang mga pahiwatig ng Espiritu at mga pangangailangan ng mga estudyante upang malaman kung pinakamainam na ilaan ang lahat ng oras ng klase sa pagtuon sa isa sa mga salaysay na ito o sa dalawang salaysay.

Pagbabahagi ng ebanghelyo sa iba

Ipakita ang sumusunod na larawan, at sabihin sa isang estudyante na ibuod ang nalalaman niya tungkol sa ipinapakita sa larawan. Kung kinakailangan, ipabasa sa kanya ang Mateo 28:19 para makatulong.

The resurrected Jesus Christ standing with the apostles outside the city of Jerusalem. Christ is dressed in white robes and has His arms extended as He speaks to the eleven apostles. Christ is commanding the apostles to preach the gospel to all nations. The city Jerusalem is visible in the background.

Maaaring natatandaan mo na pagkatapos ng Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas, tinipon Niya ang Kanyang mga Apostol at ibinigay Niya sa kanila ang sumusunod na kautusan: “Kaya’t sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo” ( Mateo 28:19).

Ibinahagi ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga sumusunod na saloobin tungkol sa utos ng Tagapagligtas na ipangaral ang ebanghelyo. Maaari mong panoorin ang video na “Gawaing Misyonero: Pagbabahagi ng Nasa Puso Mo” mula sa time code na 2:46 hanggang 3:30 o basahin ang pahayag sa ibaba.

2:3

Gawaing Misyonero: Pagbabahagi ng Nasa Puso Mo

Nagbigay ng limang mungkahi si Elder Uchtdorf kung paano makilahok sa gawaing misyonero.

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Pinagnilayan ko nang madalas at ipinagdasal ang tungkol sa utos ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo na “dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo” [ Mateo 28:19 ].

Nahirapan akong sagutin ang tanong na “Paano natin, na mga miyembro at disipulo ni Cristo, pinakamainam na matutupad ang dakilang utos na ito sa ating buhay?”

Inaanyayahan ko kayo ngayon na pag-isipan ang tanong na ito sa inyong puso at isipan.

(Dieter F. Uchtdorf, “Gawaing Misyonero: Pagbabahagi ng Nasa Puso Mo,” Ensign o Liahona, Mayo 2019, 15–16)

Bukod pa sa tanong na hiniling ni Elder Uchtdorf na pagnilayan mo, pag-isipan ang iyong mga sagot sa mga sumusunod na tanong. Maaari mong isulat sa iyong study journal ang mga sagot mo.

  • Sa scale na 1–5, gaano kalaki ang hangarin mong ibahagi ang ebanghelyo sa iba? Bakit ganito ang sagot mo?

  • Anong mga balakid ang kinakaharap mo sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa iba?

Si Apostol Pablo ay isang epektibong misyonero na naglapit ng maraming kaluluwa kay Jesucristo sa pamamagitan ng kanyang pangangaral. Sa linggong ito, malalaman mo ang tungkol sa ilan sa mga pangyayaring naganap sa ikalawa at ikatlong paglalakbay ni Pablo bilang misyonero (tingnan sa Mga Gawa 15:36–18:22 at Mga Gawa 18:23–21:15).Inilalarawan sa sumusunod na mapa ang mga paglilibot ni Pablo sa mga paglalakbay na ito:

Habang pinag-aaralan mo ang ilan sa mga karanasan ni Pablo mula sa kanyang ikalawang misyon sa lesson na ito, makakakita ka ng mga halimbawa ng sumusunod na katotohanan: aakayin tayo ng Panginoon sa mga taong inihanda Niya na tanggapin ang Kanyang ebanghelyo. Bigyang-pansin ang mga pahiwatig ng Espiritu na makatutulong sa mga pagsisikap mo na ibahagi ang ebanghelyo sa iba.

Nangaral si Pablo at ang kanyang mga kasama sa Macedonia

Depicton of Lydia, “a seller of purple” in the New Testament.

Basahin ang Mga Gawa 16:6–15 , at alamin ang naranasan ni Pablo at ng kanyang mga kasama sa unang bahagi ng ikalawang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero.

  • Ano ang matututuhan mo tungkol sa Ama sa Langit mula sa salaysay na ito na makatutulong sa iyo sa mga pagsisikap mo na mahanap ang mga taong inihanda ng Panginoon na tanggapin ang Kanyang ebanghelyo?

  • Paano mo nakitang inihanda ng Panginoon ang iba na tanggapin ang Kanyang ebanghelyo? Paano Siya naghanda o paano ka Niya maihahandang maghanap ng mga indibiduwal na naghahanap sa Kanya?

.

Depicton of Lydia, “a seller of purple” in the New Testament.

Maaari kang magbahagi ng personal na karanasan na may kaugnayan sa pagbabahagi ng ebanghelyo.

Sina Pablo at Silas ay ibinilanggo at patuloy na nangaral

Paul and Silas are whipped and put in prison. - ch.61-4

Pagkatapos turuan at binyagan ni Pablo at ng kanyang mga kasama si Lydia, itinaboy ni Pablo ang masamang espiritu mula sa isang batang babaeng alipin (tingnan sa Mga Gawa 16:16–18). Siya at ang kanyang kasamang si Silas ay hinagupit at ibinilanggo (tingnan sa Mga Gawa 16:19–24). Ang pagkakabilanggo dahil sa pangangaral ng ebanghelyo ay tila katanggap-tanggap na dahilan upang sumuko. Ngunit para kina Pablo at Silas, naging pagkakataon ito upang tulungan ang iba na lumapit kay Cristo.

Basahin ang Mga Gawa 16:25–36 upang malaman kung paano ginamit ng Panginoon ang pagkakabilanggo nina Pablo at Silas upang maging isang oportunidad na maipangaral ang ebanghelyo.

  • Anong mga katangiang tulad ng kay Cristo ang ipinakita nina Pablo at Silas sa salaysay na ito?

  • Paano sila natulungan ng mga katangiang ito na maibahagi ang ebanghelyo nang mas epektibo?

  • Ano ang natutuhan mo mula sa salaysay na ito na makatutulong sa iyong mga pagsisikap na mahanap ang mga taong inihanda ng Panginoon na tanggapin ang Kanyang ebanghelyo?

Pagpapamuhay ng natutuhan mo

Pagkatapos pag-aralan ang mga salaysay mula sa Mga Gawa 16 , maaari mong talakayin sandali ang mga paraan kung paano tayo maaaring maging mas epektibo sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa iba. Bilang bahagi ng talakayang ito, maaaring anyayahan ang mga estudyante na magbahagi ng mga karanasan nila sa pagbabahagi ng ebanghelyo.

Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, humingi ng inspirasyon mula sa Ama sa Langit upang malaman ang isang bagay na magagawa mo upang maibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa iba. Pumili ng isa sa mga sumusunod na paanyaya na sa palagay mo ay magiging lubos na kapaki-pakinabang sa iyo:

  • Ipanalangin araw-araw na akayin ka ng Panginoon sa isang taong inihanda Niya na tanggapin ang ebanghelyo.

  • Maaari kang maglista ng dalawang pangalan ng mga kaibigan o kaklase sa paaralan na maaaring handang makinig sa ebanghelyo ni Jesucristo. Pagkatapos ay hilingin sa Ama sa Langit na tulungan kang malaman kung paano ka maaaring maging kasangkapan sa Kanyang mga kamay upang dalhin sila sa Tagapagligtas.

  • Nang may wastong pahintulot mula sa iyong mga magulang at lider, magbahagi ng ebanghelyo kasama ang mga misyonero nang ilang oras. Ibahagi sa klase ang iyong karanasan kalaunan.

  • Mag-isip ng sarili mong ideya tungkol sa isang bagay na magagawa mo upang maibahagi ang ebanghelyo sa iba.

Pagkatapos bigyan ng oras ang mga estudyante na gumawa ng plano, sabihin sa kanila na mag-isip ng mga balakid na maaaring makaharap nila na maaaring magpahirap na gawin ang kanilang mga plano. Hikayatin sila na mag-isip ng mga paraan para madaig nila ang mga balakid na ito sa tulong ng Panginoon. Hikayatin at suportahan sila, at patotohanan ang mga katotohanang tinalakay.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano makatutulong sa akin ang social media na ibahagi ang ebanghelyo?

Paul and Silas are whipped and put in prison. - ch.61-4

Paano kung tatanggihan ng mga tao ang paanyaya kong matuto pa sa panahong ito?

Itinuro ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Hindi “ipinabebenta” ng Diyos sa inyo ang ipinanumbalik na ebanghelyo o ang Simbahan ni Jesucristo. Inaasahan lamang Niya na hindi ninyo ito itatago sa ilalim ng takalan. At kung magpasiya ang mga tao na ang Simbahan ay hindi para sa kanila, desisyon nila iyon. Hindi ito nangangahulugan na kayo ay nabigo. Patuloy kayong maging mabait sa kanila. Hindi rin ito nangangahulugan na hindi na ninyo sila aanyayahang muli. Ang pagkakaiba ng kaswal na pakikipagkapwa sa mahabagin at matapang na pagkadisipulo ay—ang pag-anyaya!

(Dieter F. Uchtdorf, “Ang Malaking Pakikipagsapalaran Ninyo,” Ensign o Liahona, Nob. 2019, 88)

Sinabi ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Bagama’t matindi ang pagnanais ninyo na ibahagi ang ebanghelyo, maaaring hindi kayo gaanong masaya sa resulta ng pagsisikap ninyo noon. Maaaring katulad ka ng isang kaibigan na nagsabing, “Nakausap ko na ang pamilya ko at mga kaibigan tungkol sa Simbahan, pero kaunti lang ang nagpakita ng interes, at sa tuwing tatanggi sila, lalo akong nag-aalangan. Alam ko na kailangang may gawin pa ako, pero hindi ko ginawa, kaya nakokonsensiya talaga ako.” …

Ang payo ko ay huwag na kayong gaanong makonsensiya kung sa palagay ninyo ay hindi ninyo nagawang lubos ang pagbabahagi ng ebanghelyo. Sa halip, ipagdasal na mabigyan kayo ng mga oportunidad, tulad ng itinuro ni Alma, na “tumayo bilang [isang] saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar … nang [ang iba] ay matubos ng Diyos, at mapabilang sa kanila sa unang pagkabuhay na mag-uli, [at] magkaroon ng buhay na walang hanggan” [Mosias 18:9]. Mas matinding motibasyon ito kaysa sa makonsensiya.

(Neil L. Andersen, “Isang Saksi ng Diyos,” Ensign o Liahona, Nob. 2016, 36–37)

Paano ako makahahanap ng mga taong tuturuan?

Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Kailangan nating humingi ng tulong at patnubay sa Panginoon upang maging kasangkapan tayo sa Kanyang mga kamay para sa taong handa na—isang tao na gusto Niyang tulungan natin ngayon. Pagkatapos, kailangan nating maging alisto para marinig at masunod natin ang mga pahiwatig ng Kanyang Espiritu tungkol sa kung paano tayo magpapatuloy.

Ang mga pahiwatig na iyon ay darating. Batid natin mula sa di-mabilang na mga personal na patotoo na naghahanda ang Panginoon ng mga taong tatanggap sa Kanyang ebanghelyo sa sarili Niyang paraan at panahon. Ang mga taong ito ay naghahanap, at kapag hinahangad nating matukoy sila, sasagutin ng Panginoon ang kanilang mga panalangin sa pamamagitan ng pagsagot sa ating mga panalangin. Hihikayatin at gagabayan Niya ang mga nagnanais at taimtim na naghahangad ng patnubay kung paano, saan, kailan, at kanino ibabahagi ang Kanyang ebanghelyo.

(Dallin H. Oaks, “Sharing the Gospel,” Ensign, Nob. 2001, 8)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Isang alternatibong paraan upang simulan ang lesson

3:49

Sharing the Gospel

What we call “member missionary work” is not a program but an attitude of love and outreach to help those around us.

Mag-anyaya ng panauhing tagapagsalita sa klase

Mag-anyaya ng panauhing tagapagsalita na magbabahagi sa ikalawang bahagi ng klase ng mga paraan kung paano makapagsasagawa ang mga miyembro ng Simbahan ng gawaing misyonero. Tandaan na humingi ng pahintulot mula sa lokal na coordinator ng S&I gayundin sa lokal na priesthood leader ng tagapagsalita bago siya anyayahan.

Maaari mong hilingin sa panauhing ito na isama ang mga alituntunin ng gawaing misyonero na ipinakita ni Pablo at ng kanyang mga kasama sa Mga Gawa 16.