Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 15
Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage
Isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ang tulungan kang matutuhan kung paano ipamuhay ang mga doctrinal mastery passage sa naaangkop na paraan habang itinuturo mo ang ebanghelyo ni Jesucristo sa iba. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng mga pagkakataong magsanay na ipamuhay ang ilan sa mga doctrinal mastery passage sa iba’t ibang sitwasyon sa pagtuturo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Naglalaman ang mga pamantayang aklat ng maraming kuwento ng mga taong ginagamit ang mga banal na kasulatan upang turuan ang iba. Kabilang sa ilang halimbawa ang pagtuturo ni Jesucristo sa dalawa sa Kanyang mga disipulo sa daan patungong Emaus ( Lucas 24:27), panghihikayat ni Nephi sa kanyang mga kapatid na kunin ang mga laminang tanso (tingnan sa 1 Nephi 4:2), at pagtatagubilin ni Moroni sa batang Joseph Smith ( Joseph Smith—Kasaysayan 1:36–41).
-
Kailan mo ginamit o kailan ginamit ng isang taong kakilala mo ang mga banal na kasulatan upang turuan ang iba?
-
Sa iyong palagay, bakit mahalagang gamitin ang mga banal na kasulatan bukod pa sa sarili nating mga paliwanag kapag nagtuturo tayo sa iba?
Rebyuhin ang sumusunod na listahan ng mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Mag-isip ng iba’t ibang sitwasyon na maaari mong maranasan kung saan maaari mong gamitin ang mga scripture passage na ito upang turuan ang isang tao.
Doctrinal Mastery sa Bagong Tipan: 1 Corinto–Apocalipsis
“Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.” | |
“Sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.” | |
“Sapagkat kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.” | |
Sa Pagkabuhay na Mag-uli, may tatlong antas ng kaluwalhatian. | |
“Bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo.” | |
Ang Simbahan ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.” | |
“Ang araw ng Panginoon … [ay] hindi darating malibang maunang maganap ang pagtalikod.” | |
“Ang mga banal na kasulatan … [ay] makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan.” | |
Ang Ama sa Langit ang “Ama ng mga espiritu.” | |
“Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos.” | |
“Ang pananampalataya … kung ito ay walang mga gawa ay patay.” | |
“Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay.” | |
“At ang mga patay ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.” |
Libing
Ipagpalagay na hiniling sa iyo na magsalita ka sa burol ng isang mahal sa buhay.
-
Ano ang tatlong doctrinal mastery passage na maibabahagi mo?
-
Sa iyong palagay, paano makatutulong ang mga doctrinal mastery passage na ito?
Pumili ng isa sa mga banal na kasulatan na pinili mo para sa sitwasyong ito, at basahin ang buong scripture passage.
-
Bukod pa sa mahalagang parirala ng banal na kasulatan, ano pa ang natutuhan mo?
Misyon
Ipagpalagay na nagtuturo ka at ang iyong kompanyon sa misyon sa isang taong nag-iisip kung bakit kailangan natin ng ipinanumbalik na simbahan.
-
Ano ang tatlong doctrinal mastery passage na maibabahagi mo?
-
Sa iyong palagay, paano makatutulong ang mga doctrinal mastery passage na ito?
Pumili ng isa sa mga banal na kasulatan na pinili mo para sa sitwasyong ito, at basahin ang buong scripture passage.
-
Bukod pa sa mahalagang parirala ng banal na kasulatan, ano pa ang natutuhan mo?
Debosyonal para sa mga Kabataan
Ipagpalagay na bahagi ka ng isang komite ng kabataan na inatasang pumili ng mga paksa para sa darating na debosyonal para sa mga kabataan sa iyong stake o distrito.
-
Ano ang tatlong doctrinal mastery passage na maibabahagi mo?
-
Sa iyong palagay, paano makatutulong ang mga doctrinal mastery passage na ito?
Pumili ng isa sa mga banal na kasulatan na pinili mo para sa sitwasyong ito, at basahin ang buong scripture passage.
-
Bukod pa sa mahalagang parirala ng banal na kasulatan, ano pa ang natutuhan mo?
Kaibigan
Ipagpalagay na may kaibigan kang nahihirapang mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Hiningi niya ang payo mo.