Seminary
Mga Gawa 16–21


Mga Gawa 16–21

Buod

Sa Mga Gawa 16–21, mababasa natin ang tungkol sa ikalawa at ikatlong paglalakbay ni Apostol Pablo bilang misyonero. Si Pablo at ang kanyang mga kasama ay nakaranas ng mga kamangha-manghang himala at tinulungan nila ang maraming tao na lumapit kay Cristo, tanggapin ang ordenansa ng binyag, at tanggapin ang kaloob na Espiritu Santo. Dumanas din si Pablo at ang kanyang mga kasama ng kalungkutan, pag-uusig, at pagtanggi.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson:

Mga Gawa 16

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan ang tulong na nais ibigay sa kanila ng Tagapagligtas habang pinagsisikapan nilang ibahagi ang Kanyang ebanghelyo sa iba.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mapanalanging hilingin sa Ama sa Langit na tulungan silang tumukoy ng isang taong inihanda Niya na pakikinggan ang ebanghelyo ni Jesucristo.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Pagkatapos makakuha ng mga angkop na pahintulot, anyayahan ang panauhing tagapagsalita na magturo sa pangalawang bahagi ng klase tungkol sa kung paano makapagsasagawa ang mga miyembro ng Simbahan ng gawaing misyonero. Maaari mong hilingin sa panauhing ito na talakayin ang mga alituntunin ng gawaing misyonero na ipinakita ni Pablo at ng kanyang mga kasama sa Mga Gawa 16. Ang panauhing tagapagsalita ay maaaring isang mission leader, isang misyonero na kauuwi pa lang, o kasalukuyang naglilingkod na magkompanyong misyonero. Maglaan ng oras sa katapusan ng klase upang makapagtanong ang mga estudyante. Kausapin ang lokal na coordinator ng S&I, na kailangang magbigay ng kanyang pag-apruba para sa panauhing tagapagsalita na ito.

Mga Gawa 17:1–14

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magkaroon ng mas malaking hangaring maranasan ang mga pagpapala ng araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang magbahagi ng isang makabuluhang bagay na nakita nila kamakailan sa kanilang araw-araw na pag-aaral ng banal na kasulatan.

Mga Gawa 17:16–34

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na madama ang kahalagahan ng kanilang pagkatao bilang anak ng Diyos.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng listahan ng mga salita o parirala na pinakamahusay na naglalarawan sa kanila at pagnilayan kung aling mga salita o parirala ang pinakamahalaga sa kanila.

Mga Gawa 19:1–7

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na matanggap ang mga pagpapala na nais ibigay sa kanila ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa pamamagitan ng kaloob na Espiritu Santo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga pag-uugali na nag-aanyaya sa patnubay ng Espiritu Santo at sikaping gawin nang mas madalas ang mga bagay na iyon sa kanilang buhay.

  • Larawang ipapakita: Isang larawan ni Joseph Smith na nagpapakita kay Brigham Young

  • Mapa:Ang mga Paglalakbay ni Apostol Pablo Bilang Misyonero

  • Object lesson: Tatlong baso, isang lalagyan para sa umaapaw na tubig (tulad ng isang tray), isang papel o takip, at isang matigas na bagay na sumasakop ng malaking espasyo sa loob ng isa sa mga baso (tulad ng bato)

  • .

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 15

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong magsanay na ipamuhay ang ilan sa mga doctrinal mastery passage sa iba’t ibang sitwasyon sa pagtuturo.

Paalala: Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga karanasan nila sa paggamit ng mga banal na kasulatan upang sumagot ng mga tanong o ituro ang ebanghelyo ni Jesucristo sa iba.

  • Chart: Isang chart ng mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng mga ito

  • Aktibidad ng grupo: Gumawa ng mga label para sa apat na sitwasyon sa aktibidad ng grupo. Maghanda ng paraan upang ipakita ang mga tagubilin at ang mga tanong na tatalakayin ng mga estudyante sa aktibidad ng grupo.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Upang makapagbigay ng mga pagkakataon sa mas maraming estudyante na ibahagi ang kanilang mga saloobin, maaari mong hatiin ang mga estudyante sa apat na breakout room at magtalaga sa bawat grupo ng isa sa mga sitwasyon mula sa aktibidad ng grupo.