Seminary
Mga Gawa 17:16–34


Mga Gawa 17:16–34

“Tayo’y Supling ng Diyos”

Habang hinihintay na sumama sa kanya sa Atenas ang kanyang mga kasama sa misyon, labis na nag-alala si Apostol Pablo dahil ang mga tao sa Atenas ay sumasamba sa mga diyus-diyosan at hindi nauunawaan ang tunay na katangian ng Diyos. Upang matulungan ang mga taga-Atenas na makaunawa at mas mapalapit sa Diyos, itinuro ni Pablo ang ebanghelyo ni Jesucristo sa mga sinagoga at pamilihan. Pagkatapos ay inanyayahan ng mga pilosopo si Pablo na ipaliwanag “itong bagong aral” (Mga Gawa 17:19) sa isang lugar na tinatawag na Areopago [Mars’ Hill]. Itinuro ni Pablo sa mga pilosopo ang tunay na katangian ng Diyos at nagpatotoo siya tungkol sa kanilang banal na kaugnayan sa Kanya. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na madama ang kahalagahan ng iyong pagkatao bilang anak ng Diyos.  

Pagtitiwala sa mga estudyante. Magtiwala sa kakayahan ng iyong mga estudyante na magawa ang kanilang responsibilidad habang sila ay natututo, nagtuturo, at nagpapamuhay ng doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng listahan ng mga salita o parirala na pinakamahusay na naglalarawan sa kanila at pagnilayan kung aling mga salita o parirala ang pinakamahalaga sa kanila.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ako ay anak ng Diyos

Maaari mong kantahin ang “Ako ay Anak ng Diyos”(Mga Himno, blg. 189) kasama ang mga estudyante bago simulan ang lesson.

Pakinggan ang himnong “Ako ay Anak ng Diyos”(Mga Himno, blg. 189) sa Gospel Library app o sa https://www.churchofjesuschrist.org/study/manual/hymns/i-am-a-child-of-god?lang=tgl. . Habang nakikinig o kumakanta ka, pagnilayan ang kahalagahan ng mensahe ng himnong ito.

  • Anong mga salita o parirala mula sa himnong ito ang mahalaga para sa iyo? Bakit?

2:54

Inanyayahan tayo ni Elder Donald L. Hallstrom ng Pitumpu na pagnilayan ang mensahe ng “Ako ay Anak ng Diyos”:

Official Portrait of Elder Donald L. Hallstrom. Photographed March 2017.

Ang minamahal na himnong ito ay isa sa mga pinakamadalas kantahin sa Simbahan. Ngunit ang kritikal na tanong ay, talaga bang alam natin ito? Alam ba natin ito sa ating puso at isipan at kaluluwa? Ang pagkakaroon ba natin ng mga magulang sa langit ang una at pinakamahalaga nating identidad?

(Donald L. Hallstrom, “Ako ay Anak ng Diyos,” Ensign o Liahona, Mayo 2016, 26)

Maaari mong isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong, na kinuha mula sa pahayag ni Elder Hallstrom. Bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-isipan ang mga tanong. Mag-anyaya ng mga handang estudyante na ibahagi kung paano nila nalaman na sila ay mga anak ng Diyos. Maging maingat na huwag ipahiya ang mga estudyante na maaaring nagdududa pa rin sa kanilang paniniwala at kaugnayan sa Diyos.

Ang mga sumusunod na tanong ay hango sa pahayag ni Elder Hallstrom at masasagot ng “oo” o “hindi”. Habang sinasagot mo ang mga tanong na ito, ipaliwanag kung bakit ganoon ang naging sagot mo sa bawat tanong.

  • Talaga bang alam mo na ikaw ay anak ng Diyos?

  • Alam mo ba ito sa iyong isipan, puso, at kaluluwa?

  • Nakikita mo ba ang iyong sarili bilang anak ng Diyos bago mo tukuyin ang iyong sarili bilang anupaman?

Sa lesson na ito, isipin ang mga sagot mo sa mga naunang tanong at kung ano ang ipinahihiwatig ng mga sagot mo tungkol sa nadarama mo sa Ama sa Langit. Humingi ng inspirasyon mula sa iyong Ama sa Langit, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, na tulungan kang mas maunawaan ang iyong banal na pagkatao bilang anak ng Diyos at madama ang matinding pagmamahal Niya para sa iyo.

Nangaral si Pablo sa Atenas

Nangaral si Apostol Pablo sa Atenas sa kanyang ikalawang paglalakbay bilang misyonero. Ang mga tao sa Atenas ay may iba’t ibang opinyon, pilosopiya, at paniniwala. Nakita ni Pablo na ang mga tao ay “puno ng mga diyus-diyosan” ( Mga Gawa 17:16), na ang ibig sabihin ay sumasamba sila sa mga bagay maliban sa Diyos. Kaya araw-araw na nangaral si Pablo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli. Pagkatapos ay dinala si Pablo sa Areopago [Mars’ Hill], kung saan inanyayahan siyang mangaral sa harap ng isang grupo ng mga pilosopo (tingnan sa Mga Gawa 17:17–21).

Basahin ang Mga Gawa 17:22–23 , at alamin kung paano sinimulan ni Pablo ang kanyang mensahe. .

4:26
  • Ano ang maaaring ipahiwatig ng nakasulat sa dambana na tinukoy ni Pablo tungkol sa paniniwala ng mga taga-Atenas tungkol sa Diyos?

  • Paano maihahambing ang nakasulat na ito sa itinuturo ng mga banal na kasulatan tungkol sa Diyos?

Ang mga sinaunang taga-Atenas ay naniwala sa maraming diyus-diyosan at nagtayo sila ng mga estatwa at templo upang parangalan ang mga ito. Ang dambanang itinayo para “sa isang di-kilalang diyos” ( Mga Gawa 17:23) ay maaaring pagtatangka ng mga taga-Atenas na bigyang-lugod ang isang diyos na hindi kilala o sinumang diyos na hindi kilala sa pangalan.

Maaari mong ipakita sa mga estudyante ang larawan (kasama kalaunan sa lesson) ng isang klase sa seminary sa Mars’ Hill. Ang mga guho sa paligid ay isang halimbawa ng mga templong itinayo upang parangalan ang mga Griyegong diyos.

  • Ano ang ilang karaniwang maling pagkakaunawa na napansin mo sa mundo ngayon tungkol sa Diyos at sa ating kaugnayan sa Kanya?

  • Kung may pagkakataon kang turuan ang isang taong hindi gaanong alam ang tungkol sa Ama sa Langit, ano ang gusto mong malaman niya tungkol sa Kanya?

Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante upang magawa nila ang sumusunod na aktibidad nang mag-isa, nang magkakapartner, o sa maliliit na grupo. Habang nag-aaral ang mga estudyante, maaari mong isulat ang mga numero ng talata na 24–31 sa pisara. Sabihin sa mga estudyante na lumapit sa pisara at isulat sa tabi ng bawat numero ng talata ang isa o mahigit pang katotohanang natuklasan nila sa bawat talata. Maaaring anyayahan ang mga estudyante na ibahagi kung aling mga katotohanan ang pinakamakabuluhan sa kanila at bakit.

Basahin ang Mga Gawa 17:24–31 at gumawa ng listahan ng mga katotohanang itinuro ni Apostol Pablo tungkol sa tunay na katangian ng Diyos at sa kaugnayan mo sa Kanya. Maaari mong pangalanan ang iyong listahan ng “Ang Tunay at Buhay na Diyos at ang Aking Kaugnayan sa Kanya.” Tandaan na may Joseph Smith Translation para sa talata 27 (tingnan sa Acts 17:27 ). Pagkatapos gawin ang iyong listahan, sagutin ang sumusunod na tanong:

  • Anong katotohanan mula sa iyong listahan ang pinakamakabuluhan sa iyo, at bakit?

Tayo’y supling ng Diyos

photo of seminary on Mars Hill

Ang isa sa mga katotohanang maaaring natukoy mo mula sa mga turo ni Pablo ay na “tayo’y supling ng Diyos” ( talata29).

  • Sa iyong opinyon, paano naiiba ang pagiging anak ng Diyos sa pagiging isa lamang sa Kanyang mga nilikha?

Pinatotohanan ni Pangulong M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol ang kahalagahan ng katotohanan na “tayo’y supling ng Diyos.”

Official portrait of President M. Russell Ballard of the Quorum of the Twelve Apostles, 2004.

Ang saligang katotohanan ng pagkakaroon ng mga magulang sa langit ay hindi lamang opinyon ko o opinyon ninyo. Ito ay walang-hanggang katotohanan. Ito ay isinulat sa makakapal at malalaking titik. Ang pag-unawa sa katotohanang ito—talagang pag-unawa rito at pagtanggap dito—ay nagpapabago ng buhay. Binibigyan kayo nito ng pambihirang identidad na hindi maiaalis ng sinuman sa inyo. Ngunit higit pa riyan, nagbibigay ito sa inyo ng matinding pakiramdam na napakahalaga ninyo at walang-hanggang kahalagahan ninyo. Sa huli, nagbibigay ito sa inyo ng banal, marangal, at karapat-dapat na layunin sa buhay.

(M. Russell Ballard, “Children of Heavenly Father” [debosyonal sa Brigham Young University, Mar. 3, 2020], 2, speeches.byu.edu)

  • Ano ang mag-iiba sa iyong buhay at sa mga pasiyang ginagawa mo kapag nalaman mong literal kang “supling ng Diyos”?

  • Ano ang mga karanasan mo na nakatulong sa iyong mas maunawaan ang iyong banal na pagkatao bilang anak ng Diyos?

Upang makakita ng halimbawa ng kung paano nakaapekto sa isang babae ang pag-unawa sa kanyang banal na pagkatao, panoorin ang video na “Ako Ba ay Anak ng Diyos” (10:24), na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, mula sa time code na 3:24 hanggang 5:23.

2:3

Pagkatapos mabigyan ng oras ang mga estudyante na pag-isipan at sagutin ang mga sumusunod na tanong, ipabahagi sa mga handang estudyante ang kanilang mga sagot sa klase. Maaari kang magpatotoo tungkol sa mga katotohanang itinuro.

  • Ano ang natutuhan o nadama mo ngayon tungkol sa iyong banal na pagkatao na gusto mong alalahanin?

  • Anong mga aksiyon ang nadama mong dapat mong gawin batay sa natutuhan mo?

  • Ano ang magagawa mo upang makahanap ng mga sagot sa mga tanong na mayroon ka pa tungkol sa iyong kaugnayan sa Diyos?

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano mapapatibay ng Aklat ni Mormon ang aking kaugnayan sa Diyos?

Ipinahayag ni Pangulong Russell M. Nelson:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

May makapangyarihang nangyayari kapag hangad ng isang anak ng Diyos na malaman pa ang tungkol sa Kanya at sa Kanyang Pinakamamahal na Anak. Walang ibang lugar na itinuro ito nang mas malinaw at makapangyarihan kaysa sa Aklat ni Mormon.

(Russell M. Nelson, “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?,” Ensign o Liahona, Nob. 2017, 61)

Bakit napakahalagang maunawaan ang tunay kong pagkatao bilang anak ng Diyos?

Itinuro ni Elder Brian K. Taylor ng Pitumpu ang sumusunod:

Official Portrait of Elder Brian K. Taylor. Photographed in March 2017.

Nalaman ni Moises ang kanyang banal na pamana nang makausap niya ang Panginoon nang harapan. Kasunod ng karanasang iyon, “dumating si Satanas na [nanunukso],” na may banayad ngunit masamang layunin na pasamain ang pagkatao ni Moises, na “nagsasabing: Moises, anak ng tao, sambahin mo ako. At … tumingin si Moises kay Satanas at nagsabi: Sino ka? Sapagkat masdan, ako ay anak ng Diyos” [Moises 1:12–13; idinagdag ang pagbibigay-diin].

Ang malaking digmaang ito tungkol sa banal na pagkatao ay patuloy na pinagtatalunan habang patuloy na dinaragdagan ni Satanas ang kanyang mga pamamaraan para sirain ang ating pananalig at kaalaman tungkol sa ating kaugnayan sa Diyos. Salamat na lang at nabiyayaan tayo ng malinaw na pagkaunawa sa ating tunay na pagkatao sa simula pa lang …

Nagbabago ang lahat kapag nakilala natin ang ating Ama, lalo na ang ating puso, habang tinitiyak ng Kanyang magiliw na Espiritu ang ating tunay na pagkatao at malaking kahalagahan sa Kanyang paningin. Kasama natin ang Diyos sa pagtahak sa landas ng tipan habang hinahanap natin Siya sa ating mga pagsamo sa panalangin, pagsasaliksik sa banal na kasulatan, at mga pagsisikap na sumunod.

(Brian K. Taylor, “Ako ba ay Anak ng Diyos?,” Ensign o Liahona, Mayo 2018, 12, 14)

&#160 &#160&#160

NaN:NaN

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Hanapin ang Panginoon

Maaari kang magtago ng isang bagay sa silid-aralan na masisiyahan ang mga estudyante na hanapin, tulad ng isang piraso ng kendi. Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang nakatagong sorpresa hanggang sa matagpuan ito. Talakayin ang pagsisikap ng mga estudyante sa paghahanap ng bagay at kung bakit kailangan ng pagsisikap upang matamo ang isang bagay na makabuluhan. Hikayatin ang mga estudyante na pag-aralang mabuti ang Mga Gawa 17:27 . Ipaliwanag na nagpatotoo si Pablo sa mga taga-Atenas na malapit ang Diyos sa Kanyang mga anak at hangad Niyang hanapin Siya ng lahat. Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang alituntuning katulad ng sumusunod: Kung handa tayong hanapin ang Diyos, malalaman natin na hindi Siya malayo sa atin. Maaari mong itanong ang mga sumusunod.

  • Sa anong mga paraan natin makikilala ang Diyos at sa anong mga paraan tayo mas mapapalapit sa Kanya?

  • Kailan mo nadama na malapit sa iyo ang Ama sa Langit?

&#160

3:59

Pagtulad sa halimbawa ni Jesucristo sa pagsamba sa Ama

Tulad ng itinuro ni Apostol Pablo tungkol sa tunay na katangian ng Diyos, pinayuhan din niya ang mga taga-Atenas laban sa hindi wastong pagsamba sa Ama sa Langit (tingnan sa Mga Gawa 17:23–30). Si Jesucristo ang perpektong halimbawa ng kung paano sambahin ang Diyos. Maaari mong ipaalala sa mga estudyante kung paano palaging kinikilala at pinapupurihan ng Tagapagligtas ang Ama sa Langit at kung paano Niya isinuko pati ang Kanyang kalooban sa kalooban ng Ama. Hatiin ang mga sumusunod na scripture passage sa mga estudyante at sabihin sa kanila na tukuyin ang natutuhan nila mula kay Jesucristo tungkol sa pagsamba sa Ama sa Langit. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natuklasan nila at pagkatapos ay talakayin ang iba’t ibang paraan na maaari tayong sumamba at magpatotoo tungkol sa Ama sa Langit sa ating buhay sa araw-araw.

Ang kapangyarihang natatamo kapag alam natin na tayo ay mga anak ng Diyos

.

17:34