Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 14


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 14

Unawain at Ipaliwanag

Jesus Christ is standing on a hill over looking a river

Isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ang matulungan kang maunawaan ang mga turo ng Tagapagligtas na nakapaloob sa mga doctrinal mastery passage at maipaliwanag ang mga ito sa sarili mong mga salita. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong palalimin ang iyong pag-unawa at magpaliwanag ng mga katotohanan tungkol sa isa o mahigit pa sa mga doctrinal mastery passage mula sa Bagong Tipan.  

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage na pag-aaralan sa lesson na ito at maghandang talakayin ang mga ito. Maaaring gamitin ng mga estudyante ang Doctrinal Mastery Core Document (2022) o ang Doctrinal Mastery app upang matulungan silang magrebyu.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary. Kung kinakailangan, palitan ang alinman sa mga doctrinal mastery passage na narebyu sa lesson na ito ng iba pang doctrinal mastery passage na maaaring kailangang pagtuunan ng mga estudyante.

Pagrerebyu

Bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage ng lesson na ito at ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na nauugnay sa mga ito. Maaari mong gamitin ang sumusunod na aktibidad na pagtugmain o iba pang aktibidad. (Ang mga tamang sagot para sa aktibidad na ito ay 1-b, 2-d, 3-a, 4-c.)

  1. 1 Corinto 6:19–20

  2. 1 Corinto 11:11

  3. 1 Corinto 15:20–22

  4. 1 Corinto 15:40–42

a. Ang ilan sa mga miyembro ng iyong pamilya ay labis na nalulungkot dahil pumanaw ang isang mahal sa buhay kamakailan at nadarama nilang hindi na sila magkikitang muli kailanman.

b. Naniniwala ang ilang tao na ang kanilang katawan ay pagmamay-ari nila at magagawa nila ang gusto nila sa mga ito. Hindi nila nauunawaan na ang Tagapagligtas ang nagdusa upang tubusin tayo, na literal na nangangahulugang “bilhin tayong muli.” Dahil dito, hindi natin pagmamay-ari ang mga sarili natin, kundi may utang tayo sa Tagapagligtas.

c. Maraming tao ang naniniwala sa langit at impiyerno ngunit mali ang pagkakaunawa nila sa mga katotohanan tungkol sa kabilang buhay at mga katawang nabuhay na mag-uli.

d. Tinanong ka ng isang kaibigan kung bakit mo uunahin ang matibay na pagsasama ng mag-asawa at mga ugnayan ng pamilya kaysa sa tagumpay sa trabaho at pera.

Unawain at ipaliwanag

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson kung paano tayo maiuugnay ng mga banal na kasulatan kay Jesucristo. Basahin ang sumusunod na pahayag.

0:59
Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Nagtuturo [ang mga banal na kasulatan] sa atin tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo, ang kalawakan ng Kanyang Pagbabayad-sala, at ang dakilang plano ng kaligayahan at kaligtasan ng ating Ama. Ang araw-araw na masigasig na pag-aaral ng salita ng Diyos ay mahalaga para sa espirituwal na kaligtasan lalo na sa tumitinding ligalig sa panahong ito. Kapag nagpapakabusog tayo sa mga salita ni Cristo araw-araw, ang mga salita ni Cristo ay magsasabi sa atin kung paano tumugon sa mga paghihirap na hindi natin inakalang dadanasin natin.

(Russell M. Nelson, “Pakinggan Siya,” Ensign o Liahona, Mayo 2020, 89)

Tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang doktrina sa mga doctrinal mastery passage. Ang sumusunod na aktibidad ay isang paraan para magawa ito. Maaaring tumuon ang mga estudyante sa mga doctrinal mastery passage na nirebyu sa itaas o sa alinman sa mga doctrinal mastery passage para sa Bagong Tipan.

Kung gagamitin ang sumusunod na aktibidad, maging handang tulungan ang mga estudyante na maghanap ng mga makabuluhang kaugnayan kay Jesucristo sa kanilang mga piniling doctrinal mastery passage. Maaaring makatulong na ilagay ang mga estudyante sa maliliit na grupo at anyayahan silang ibahagi sa kanilang mga kagrupo ang kanilang mga sagot sa mga tanong.

Ipagpalagay na, upang simulan ang isang aktibidad ng mga kabataan, hiniling sa iyong magbahagi ng banal na kasulatan na nakatulong sa iyo na matuto o makadama ng isang bagay tungkol kay Jesucristo. Pumili ng isa sa mga doctrinal mastery passage mula sa lesson na ito o ng iba mula sa Bagong Tipan. Anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kang tumukoy ng mga katotohanan tungkol sa Tagapagligtas na magpapalalim ng iyong nauunawaan tungkol sa Kanya, sa Kanyang ebanghelyo, sa Kanyang Pagbabayad-sala, o sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit.

  • Aling doctrinal mastery passage ang pinili mo?

  • Anong katotohanan o doktrina ang natukoy mo mula sa doctrinal mastery passage na ito?

  • Paano maaaring maiba ang buhay ng isang tao kung hindi niya alam ang katotohanang natukoy mo?

  • Paano makatutulong sa iyo ang pag-unawa sa katotohanang ito na mas mapalapit sa Tagapagligtas?

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Pagrerebyu gamit ang Doctrinal Mastery app

Mag-isip ng mga paraan upang magamit ang Doctrinal Mastery app upang matulungan ang mga estudyante na magrebyu o magsaulo ng mga doctrinal mastery passage.

Mga alternatibong paraan upang matulungan ang mga estudyante na makaunawa at magpaliwanag

Unawain—Maaaring hanapin ng mga estudyante ang kahulugan ng mga salita sa kanilang mga piniling doctrinal mastery passage at iulat ang mga karagdagang kaalaman na natamo nila. Maaaring gamitin ng mga estudyante ang isang diksyunaryo o ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan upang hanapin ang kahulugan ng mga salita.

Unawain—Maaaring isulat muli ng mga estudyante ang mga doctrinal mastery passage na pinili nila gamit ang sarili nilang mga salita.

Ipaliwanag—Upang matulungan ang mga estudyante na maipaliwanag ang mga katotohanan sa mga doctrinal mastery passage, maaari kang magdala ng iba’t ibang maliliit na bagay sa klase at maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pumili ng isang bagay na sa palagay nila ay naglalarawan ng katotohanan sa kanilang piniling doctrinal mastery passage. Pagkatapos ay magagamit nila ang bagay na pinili nila upang makatulong sa pagpapaliwanag ng katotohanan.