Mga Gawa 10–15
Buod
Pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, iniutos ni Jesucristo sa Kanyang mga Apostol na turuan at binyagan ang mga tao sa lahat ng bansa (tingnan sa Mateo 28:19). Nagsimulang matupad ang kautusang ito nang tumanggap ng mga paghahayag ang isang mabuting Gentil na nagngangalang Cornelio at si Apostol Pedro at pinatnubayan sila ng langit sa isa’t isa. Bininyagan ni Pedro si Cornelio, at mula roon ay lumaganap ang ebanghelyo sa mga Gentil. Ngunit sinalungat pa rin ng ilan ang gawain ng mga Apostol, na nangyari nang pinaslang si Apostol Santiago dahil sa kanyang paniniwala at ibinilanggo si Pedro. Pagkatapos ng maraming panalangin ng mabubuti, si Pedro ay pinalaya mula sa bilangguan ng isang anghel. Sa hangaring tumulong sa pagtupad sa utos na magturo sa lahat ng bansa, umalis sina Apostol Pablo at Bernabe upang magmisyon. Naharap din sila sa maraming pagsalungat ngunit biniyayaan sila ng malaking tagumpay; tinanggap ng marami sa mga Gentil na tinuruan nila ang ebanghelyo ni Cristo. Nagkaroon ng maraming tanong tungkol sa pangangailangang tuliin ang mga nagbalik-loob na Gentil at sumunod sa batas ni Moises. Ipinabatid ang tanong kay Pedro at sa iba pang mga lider ng Simbahan, na magkakasamang nagsanggunian at tumanggap ng paghahayag tungkol sa bagay na iyon.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Mga Gawa 10, Bahagi 1
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas makita ang ibang tao sa paraan kung paano sila nakikita ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na bigyang-pansin kung paano nila nakikita at pinakikitunguhan ang mga tao sa paligid nila at kung bakit ganito ang ginagawa nila. Hilingin sa kanila na maghandang magbahagi ng ilang nalaman nila mula sa kanilang mga obserbasyon.
-
Mga larawan: Larawan ng mga ulap
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Mga materyal tulad ng papel at mga colored pencil upang makadrowing ang mga estudyante ng mga larawan
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kung inanyayahan ang mga estudyante na idrowing ang pangitain ni Pedro, sabihin sa kanila na isaayos ang kanilang view ng mga kalahok upang makita sa buong screen ang larawan ng bawat tao kapag nagbahagi at nagpaliwanag sila. Sa paggawa nito, magiging mas madaling makita ng lahat ng estudyante ang mga drowing ng isa’t isa.
Mga Gawa 10, Bahagi 2
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan kung paano maihahayag ng Ama sa Langit ang Kanyang kalooban sa kanila.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na tukuyin ang mga pangangailangan o alalahanin sa kanilang buhay kung saan nila gustong makatanggap ng paghahayag.
-
Video: “Hayaang Patnubayan ng Espiritu Santo” (15:45; manood mula sa time code na 14:41 hanggang 15:18)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Habang nirerebyu ng mga estudyante ang mga pangyayari sa Mga Gawa 10:1–28, 44–48 , maaari mong ipakita ang teksto ng mga talatang ito at hayaan ang mga estudyante na i-highlight o markahan ang mga talatang gusto nila bilang isang klase gamit ang function na “Annotate”.
Mga Gawa 11, 15
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong na mapalalim ng mga estudyante ang kanilang pag-unawa sa kung paano pinapatnubayan ng Tagapagligtas ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng paghahayag sa Kanyang propeta at mga apostol.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Paghahayag,” SimbahanniJesucristo.org, at maghandang ibahagi ang naunawaan nila tungkol sa kung paano inihahayag ng Panginoon ang Kanyang kalooban sa Kanyang mga propeta.
-
Handout: Maghanda ng sapat na kopya ng handout.
-
Video: “Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay” (20:27; manood mula sa time code na 10:46 hanggang 12:14)
Mga Gawa 12:1–19
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magkaroon ng mas malaking tiwala sa Ama sa Langit at sa Kanyang mga sagot sa panalangin.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang magbahagi ng isang karanasan kung saan sinagot ang mga panalangin sa paraang inasahan nila o ng iba, at ng isang karanasan kung saan tila hindi nasagot ang mga panalangin o nasagot ang mga ito sa paraang naiiba sa inaasahan.
-
Video: “Subalit Maging Handa Kayo sa Bawat Panahon, na Nananalangin” (15:01; manood mula sa time code na 12:17 hanggang 13:07)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong anyayahan ang isang lokal na lider ng Simbahan na kilala ng mga estudyante na makibahagi at magbahagi ng mga karanasan tungkol sa mga panalanging nasagot sa mga paraang inasahan niya at sa mga paraang hindi niya inasahan. Bilang alternatibo, anyayahan ang isang estudyante na hilingin sa isang kapamilya na ibahagi sa klase ang mga karanasan nito sa panalangin. Tiyaking humingi ng mga angkop na pahintulot mula sa mga lokal na lider ng Simbahan at lokal na coordinator ng Seminaries and Institutes bago anyayahan ang mga bisita na magsalita sa iyong klase.
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 14
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong palalimin ang kanilang pag-unawa at magpaliwanag ng mga katotohanan tungkol sa isa o mahigit pa sa mga doctrinal mastery passage mula sa Bagong Tipan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage na pag-aaralan sa lesson na ito at maghandang talakayin ang mga ito. Maaaring gamitin ng mga estudyante ang Doctrinal Mastery Core Document (2022) o ang Doctrinal Mastery app upang matulungan silang magrebyu.
Paalala: Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson na ito sa pagrerebyu. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.
-
Content na ipapakita: Aktibidad na pagtugmain
-
 
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaaring hatiin ang mga estudyante sa mga breakout room upang talakayin ang mga tanong sa katapusan ng lesson.