Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 13


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 13

Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

A young woman sitting at a table in her home. Books and papers are spread out in front of her. She is holding a pen.

Makatutulong sa iyo na maalala kung saan mahahanap ang mga scripture passage at kung ano ang itinuturo ng mga ito kapag nagbabahagi ka ng mga katotohanan ng ebanghelyo sa iba. Dapat makatulong sa iyo ang iyong pag-aaral ngayon na maisaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa ilan sa mga doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na magsanay sa pagsasaulo ng mahahalagang parirala ng doctrinal mastery at mga reperensyang banal na kasulatan sa paraang epektibo para sa kanila. Maaari mong ibigay ang chart na kasama sa lesson na ito, o sabihin sa mga estudyante na gamitin ang Doctrinal Mastery app kung mayroon nito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Isaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan gamit ang mga larawan

Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na rebyuhin ang mga sumusunod na doctrinal mastery scripture passage at pagnilayan kung paano makatutulong sa iyo ang mga katotohanang itinuro sa mga ito sa maraming sitwasyon. Kung hindi mo pa namarkahan ang mga scripture passage na ito at ang mahahalagang parirala sa iyong mga banal na kasulatan, maaari mo itong gawin.

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

1 Corinto 6:19–20

“Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.”

1 Corinto 11:11

“Sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.”

1 Corinto 15:20–22

“Sapagkat kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.”

1 Corinto 15:40–42

Sa Pagkabuhay na Mag-uli, may tatlong antas ng kaluwalhatian.

Ang paggamit ng maraming pandamdam at kasanayan ay makatutulong sa mga estudyante na makapagsaulo. Ang sumusunod na aktibidad ay nagpapadrowing sa mga estudyante ng mga simpleng simbolo upang matulungan sila na maalala ang mga turo ng mga doctrinal mastery passage na ito. Magpamahagi ng apat na note card o maliliit na papel na gagamitin ng bawat estudyante sa aktibidad na ito. Maging sensitibo sa mga estudyanteng maaaring nakadarama na wala silang kasanayan sa pagdrowing o hindi sila malikhain. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na gumawa nang may kapartner o sa maliliit na grupo.

Isalarawan ang mahalagang parirala

Ang mga larawan at iba pang visual cue ay makatutulong sa atin na maalala ang mahalagang impormasyon. Isipin kung paano makatutulong sa iyo ang paggamit ng mga visual sa pag-alaala ng mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala.

Para sa sumusunod na aktibidad, mangyaring pumili ng mga palatandaan o simbolo na pamilyar sa mga estudyante.

  • Ano ang kinakatawan ng mga sumusunod na simbolo?

Black temple icon.
Illustration of a stop sign.
Handicap icon

Ang sumusunod ay mga halimbawa ng mga doctrinal mastery passage na inilarawan gamit ang mga simbolo o larawan. Tingnan ang mga larawan, at tingnan kung may matutukoy kang doctrinal mastery passage at mahalagang parirala nito.

Ipakita ang mga sumusunod na larawan. Ang tamang sagot para sa unang larawan ay “ 1 Corinto 6:19–20 : ‘Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.’” Ang tamang sagot para sa pangalawa ay “ 1 Corinto 15:40–42 : Sa Pagkabuhay na Mag-uli, may tatlong antas ng kaluwalhatian.”

A person with an equal sign and a temple
Spot images representing the kingdom of the plan of salvation. Sun, Moon, Stars

Habang ginagawa ng mga estudyante ang sumusunod na aktibidad, sabihin sa kanila na ilagay ang bawat isa sa kanilang mga drowing sa hiwalay na note card. Maghanap ng pagkakataong maitampok ang pagkamalikhain ng mga estudyante sa kanilang mga drowing. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng paghiling sa ilang estudyante na ipakita sa klase ang isa sa kanilang mga card. Maaari itong maging isang magandang pagkakataon na mahikayat ang mga estudyanteng hindi gaanong nakikibahagi sa klase. Bilang alternatibo, maaari mong sabihin sa mga estudyante na idrowing ang kanilang halimbawa sa pisara, o, pagkatapos ng klase, isabit ang kanilang halimbawa sa silid-aralan.

Sa apat na magkakaibang note card o maliliit na papel, muling isulat ang bawat isa sa mga dati nang inilistang doctrinal mastery passage. Sa likod ng bawat card, gumawa ng paglalarawan upang matulungan ka na maalala ang mahahalagang parirala. Maaari kang magdrowing ng sarili mong larawan o gumamit ng mga visual tulad ng clip art, mga emoji, o mga larawan. Hindi mo kailangang maging mahusay na ilustrador sa aktibidad na ito. Ang iyong idodrowing ay dapat madaling tandaan ngunit hindi dapat kakitaan ng kawalang- pagpipitagan o kawalang-pagpapahalaga sa mga sagradong paksa.

Kapag tapos ka na, gamitin ang iyong mga idinrowing upang rebyuhin ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Kung maaari, ipaliwanag ang iyong mga idinrowing sa isang kaibigan o kapamilya. Sikaping alalahanin hangga’t maaari ang mahalagang parirala.

.

Pagsasabuhay ng mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Maaari mong gawing handout ang mga sumusunod na halimbawa o ipakita ang mga ito sa klase bilang mga halimbawa. Ang mga tamang sagot ay (1) 1 Corinto 15:20–22 ; (2) 1 Corinto 6:19–20 ; (3) 1 Corinto 11:11 ; (4) 1 Corinto 15:40–42 .

O gumawa ng iba pang mga sitwasyon na maaaring mas angkop sa buhay at sitwasyon ng mga estudyante.

Upang marebyu ang mga scripture passage na kakasanay mo lang na isaulo, sagutan ang sumusunod na quiz, tukuyin kung aling doctrinal mastery passage ang pinakamakatutulong sa bawat isa sa mga sumusunod na sitwasyon:

  1. Sinabi ng isang dalagita, “May nagsabi sa akin na dahil kay Jesucristo, mabubuhay na mag-uli ang lahat. Totoo ba iyon?”

  2. Nagtaka ang isang kaibigan kung bakit kailangan nating pangalagaan ang ating katawan kung mabubuhay naman tayong mag-uli.

  3. Sa tingin ng isang kaibigan, hindi mahalagang pagsikapan ang kasal.

  4. Pumanaw ang lolo ng isang binatilyo, at may mga tanong ang binatilyo tungkol sa kabilang-buhay.