Seminary
Mga Gawa 8:1–3; 9:1–20


Mga Gawa 8:1–3; 9:1–20

“Ano ang Nais Ninyong Ipagawa sa Akin?”

Saul on the road to Damascus having a vision.

Sa panahon ng “malawakang pag-uusig laban sa iglesya” (Mga Gawa 8:1), pinasok ni Saulo ang bahay-bahay, at dinakip at ibinilanggo niya ang mga naniniwala kay Jesucristo (tingnan sa Mga Gawa 8:3). Habang naglalakbay si Saulo patungong Damasco upang patuloy na ligaligin ang mga Banal, ipinakita ni Jesucristo ang Kanyang sarili kay Saulo (tingnan sa Mga Gawa 9:3–5). Labis na namangha, itinanong ni Saulo sa Panginoon, “[Ano ang nais ninyong ipagawa sa akin?]” (Mga Gawa 9:6). Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang pagnilayan kung ano ang ginagawa ng Panginoon upang matulungan kang magbago at hangaring malaman kung ano ang nais Niyang ipagawa sa iyo.

Paggamit ng maraming salaysay sa banal na kasulatan. Kung minsan, naglalaman ang mga banal na kasulatan ng maraming salaysay tungkol sa iisang pangyayari. Maghanap ng mga pagkakataon upang anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang bawat salaysay at tukuyin ang mga karagdagang katotohanan na matututuhan sa paggawa nito. Hikayatin silang maghanap ng mga pagkakataon na magawa ito sa personal nilang pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na makipag-usap sa isang kapamilya o kaibigan tungkol sa mga paraan kung paano tayo inaanyayahan at tinutulungan ni Jesucristo na magbago.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagbabago ng direksyon

Back of young woman on soccer field, with soccer ball in hand, contemplating goal. (horiz)

Sabihin sa mga estudyante na magpagulong ng holen o bola sa patag na lugar at panoorin ito na nagbabago ng direksyon kapag may tinamaan ito.

  • Ano ang kailangan upang magbago ng direksyon ang holen o bola?

  • Kung ikukumpara ang gumugulong na bagay sa isang tao, ano ang ilang dahilan kung bakit pagbubutihin ng isang tao ang kanyang sarili at iibahin ang direksyon ng kanyang buhay? Ano ang ilang dahilan kung bakit maaaring hindi niya gawin ang mga ito?

Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong suriin ang sarili nilang buhay. Ang sumusunod na talata ay nagbibigay ng isang paraan para magawa ito. Maaaring sagutin ng mga estudyante ang ilan sa mga tanong na ito sa kanilang study journal.

Pag-isipan ang direksyon ng sarili mong buhay. Sa anong mga paraan mo nadarama ang pagmamahal at suporta ng Panginoon? Mayroon bang anumang pagbabago sa direksyon ng iyong buhay na maaaring inaanyayahan ka ng Panginoon na gawin? Hangarin ang paghahayag sa mga tanong na ito habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito.

“Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?”

Tinulungan ng Panginoon ang isang lalaking nagngangalang Saulo na baguhin ang kanyang buhay. Noong una, si Saulo ay isang Fariseo na “winawasak ang iglesya” ( Mga Gawa 8:3). Sumang-ayon siya sa pagpatay sa disipulong si Esteban (tingnan sa Mga Gawa 7:58 ; 8:1 ; 22:20) at “sa bawat sinagoga ay ibinilanggo at hinampas [niya] ang mga nanampalataya sa [Panginoon]” ( Mga Gawa 22:19).

Hatiin ang isang pahina sa iyong journal, at pamagatan ang isang bahagi ng “Paano tinulungan ng Panginoon si Saulo na magbago.” Pamagatan ang kabilang bahagi ng “Tugon ni Saulo sa Panginoon.”Basahin ang isa o higit pa sa mga salaysay tungkol sa karanasan ni Saulo sa daan patungong Damasco, at punan ang chart batay sa malalaman mo.

Maaaring hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo kung saan magpapabasa sa bawat estudyante ng ibang salaysay. Maaari silang magtulungan sa paglilista ng malalaman nila batay sa bawat salaysay ng karanasan ni Saulo. Kapag hahatiin ang klase sa maliliit na grupo, isaalang-alang ang mga pangangailangan at kakayahan ng mga estudyante. Pagsama-samahin ang mga estudyante sa mga grupo na makapagpapaganda ng karanasan sa pag-aaral para sa lahat.

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong upang maunawaan ang pariralang “[sumikad sa mga tinik]” ( Mga Gawa 9:5), gamitin ang paliwanag na matatagpuan sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” ng lesson.

Mga Gawa 9:3–20 (Isinulat ni Lucas ang tungkol sa pagbabalik-loob ni Saulo)

Mga Gawa 22:6–16 (Ikinuwento ni Saulo sa iba ang kanyang pagbabalik-loob)

Mga Gawa 26:12–20 (Ikinuwento ni Saulo kay Haring Agripa ang kanyang pagbabalik-loob)

Back of young woman on soccer field, with soccer ball in hand, contemplating goal. (horiz)

Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang nalaman nila. Maaari kang magtanong ng mga karagdagang tanong na tulad ng mga sumusunod: Ano ang alam ng Panginoon tungkol kay Saulo at sa kung ano ang maaari niyang kahinatnan? Paano napakumbaba ng Panginoon si Saulo? Sino ang isinugo ng Panginoon upang tulungan si Saulo? Bakit?

Batay sa isinulat mo sa iyong journal, isipin kung anong mga katotohanan o mga aral ang natutuhan mo mula sa salaysay na ito.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang ilan sa mga katotohanang nalaman nila. Ang isang katotohanan na maaaring mas pagtuunan ay matutulungan tayo ni Jesucristo na magbago at maabot ang potensyal na nakikita Niya sa atin.

Nais ng Panginoon na magbago tayo

Pag-isipan sandali ang isang taong kakilala mo na nagbago dahil sa impluwensya ni Jesucristo sa kanyang buhay.

Maaari kang magbahagi ng personal na karanasan tungkol sa pagbabalik-loob sa Panginoong Jesucristo. Maaari ding sabihin sa mga estudyante na mag-ulat tungkol sa inihanda nila para sa klase.

  • Sa iyong palagay, paano naimpluwensyahan ni Jesucristo ang taong ito na magbago?

Back of young woman on soccer field, with soccer ball in hand, contemplating goal. (horiz)

Para kay Saulo, na kilala rin sa kanyang pangalang Latin na Pablo (tingnan sa Mga Gawa 13:9), ang pagsunod sa mga tagubilin ng Panginoon ay lubos na nagpabago sa kanyang buhay. Tumigil si Pablo sa pag-uusig sa mga Kristiyano at sa halip ay naging isang dakilang disipulo ni Jesucristo. Naglakbay si Pablo sa maraming bansa bilang missionary at sumulat siya ng mga sulat na nakahihikayat at nagtuturo ng kaalaman sa mga Banal. Kasama ang labing-apat sa mga sulat na ito sa Bagong Tipan (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “ Pablo ,” SimbahanniJesucristo.org). Napakaraming tao ang patuloy na pinagpapala ngayon dahil sa pasya ni Pablo na sundin si Jesucristo.

Maaari mong ipakita ang infographic ng buhay ni Pablo at iparebyu ito sa mga estudyante. Maaaring makatulong na sumangguni sa infographic na ito paminsan-minsan habang pinag-aaralan ng mga estudyante ang buhay at mga isinulat ni Pablo.

New Testament Seminary Teacher Manaul - 2023

Kilala rin tayo ng Panginoon at inaanyayahan Niya tayong gumawa ng mga pagbabago sa ating buhay. Maaaring malalaking pagbabago ang mga ito, ngunit maaari din itong maliliit na pagbabago.

Sa iyong journal, hatiin ang isa pang pahina at pamagatan ang isang panig ng “Paano ako inaanyayahan ng Panginoon na magbago” at ang kabilang panig ng “Ang aking tugon sa Panginoon.” Pag-isipang mabuti ang mga sumusunod na tanong upang matulungan kang makasulat ng sagot sa iyong study journal sa ilalim ng “Paano ako inaanyayahan ng Panginoon na magbago.”

  • Bagama’t malamang na hindi pa nagpapakita sa iyo ang Panginoon sa pangitain, ano ang nagawa Niya, o ginagawa Niya, upang tulungan kang gumawa ng mabubuting pagbabago sa iyong buhay?

  • Sino ang isinugo Niya upang tulungan kang magbago?

Sa ilalim ng “Ang aking tugon sa Panginoon,” isulat kung paano mo gustong tumugon sa mga pagsisikap ng Panginoon na tulungan kang magbago.

Maaaring makatulong na sabihin sa mga estudyante na sa isang lesson sa hinaharap ay magkakaroon sila ng pagkakataong pagnilayan ang kanilang mga pagsisikap na tumugon sa Panginoon at suriin ang kanilang personal na pag-unlad.

Magpatotoo sa mga estudyante na tutulungan tayo ng Panginoon na magbago at maabot ang potensyal na nakikita Niya sa atin kung mapagpakumbaba tayong tutugon sa Kanyang mga paanyaya.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Mga Gawa 9:5 . Ano ang ibig sabihin ng “[sumikad sa mga tinik]”?

Ang isang matalas na sibat o patpat ay kadalasang ginagamit para sundutin ang mga hayop upang palakarin sila. Ang mga hayop na sisipa sa halip na lumakad ay maaaring mas lalong masaktan. Sa paggamit ng analohiyang ito, tinulungan ng Panginoon si Saulo na makita na ang paglaban sa Kanya ay magdudulot lamang sa kanya ng sakit.

Anong mga pagbabago ang maaaring ipagawa sa akin ng Panginoon?

Itinuro ni Sister Becky Craven, Pangalawang Tagapayo sa Young Women General Presidency:

Sister Rebecca L. Craven, second counselor, Young Women general presidency. Official Portrait as of October 2018.

Maaaring ito ay pagbabago ng pag-iisip, pagbabago ng gawi, o pagbabago ng direksyon kung saan tayo tutungo. Bilang sukli sa Kanyang hindi matutumbasang kabayaran para sa bawat isa sa atin, hinihiling ng Panginoon sa atin ang pagbabago ng puso. Ang hinihiling Niyang pagbabago mula sa atin ay hindi para sa Kanyang kapakanan, kundi para sa atin.

(Becky Craven, “Panatilihin ang Pagbabago,” Ensign o Liahona, Nob. 2020, 58)

Ano ang dapat kong maunawaan tungkol sa mga pinipili ko at sa direksyon ng buhay ko?

Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland. Photographed January 2018.

Hindi tinitingnan ng Diyos kung ano ang nakaraan ninyo kundi kung saan na kayo ngayon, at sa tulong Niya, kung saan kayo handang pumunta.

(Jeffrey R. Holland, “Ang Pinakamaganda ay Darating Pa,” Liahona, Ene. 2010, 27)

Itinuro ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Nais ni Satanas na isipin natin na kapag nagkasala tayo ay lampas na tayo sa “hangganang wala nang balikan”—na huli na ang lahat para magbago ng landas. …

Naparito si Cristo para iligtas tayo. Kung namali tayo ng landas, mabibigyan tayo ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo ng katiyakan na … ang ligtas na pagbalik ay posible kung susundin natin ang plano ng Diyos para sa ating kaligtasan. …

Ang kaloob na Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay nagbibigay sa atin sa lahat ng panahon at sa lahat ng lugar ng mga pagpapala ng pagsisisi at kapatawaran. Dahil sa kaloob na ito, tayong lahat ay may pagkakataong makabalik nang ligtas mula sa mapanganib na landas ng kasalanan.

(Dieter F. Uchtdorf, “Hangganan ng Ligtas na Pagbalik,” Ensign o Liahona, Mayo 2007, 99, 101)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Mga renobasyon at paanyaya ng Panginoon na magbago

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang pangangailangang gumawa ng mga pagbabago sa ating buhay sa tulong ng Panginoon, maaari kang gumamit ng analohiya. Ang isang ideya ay basahin ang ilang bahagi o ang buong mensahe ni Pangulong Nelson na “Mensahe ng Pagbati,” kung saan inihahambing niya ang mga renobasyon sa paligid ng Salt Lake Temple sa paanyaya ng Tagapagligtas sa atin na “patuloy na magbago, lumago, at maging mas dalisay” (tingnan sa Liahona, Mayo 2021, 6–7). Ang mga sumusunod na tanong ay maaaring makatulong sa mga estudyante na pag-isipan kung paano sila gumagawa ng mga pagbabago o kung paano sila makagagawa ng mga pagbabago:

Paano ka na napagpala ng Panginoon sa paggawa ng maliliit na pagbabago para makasunod sa Kanya?

Ano ang sinabi ni Pangulong Nelson na tumutulong sa iyo na makita kung paano gumawa ng mga pagbabago sa iyong buhay?

Mga halimbawa ng pagbabago sa pamamagitan ni Jesucristo

Ang sumusunod ay mga karagdagang halimbawa ng mga taong nagbago sa pamamagitan ng pagtanggap sa paanyayang sumunod kay Jesucristo.

Isang binatilyo ang bininyagan at, sa nakitang pagbabago niya, tinanggap ng iba pa niyang kapamilya ang paanyayang sumunod din kay Jesucristo (tingnan sa Sam Lofgran at Annelise Gardiner, “His Example for Change,” New Era, Ago. 2020).

Nakadama si Juan Mendoza ng kahungkagan sa kanyang puso kaya sinikap niyang sundin ang mga pahiwatig ng Espiritu. Nakatulong ito kay Juan na makilala ang Panginoon at magkaroon ng hangaring maglingkod sa Kanya.

3:52

Nadama ni Dominic Still ang impluwensya ng Panginoon na tulungan siyang baguhin ang kanyang buhay. Tandaan na kasama sa halimbawang ito ang sensitibong paksa ng pagpapakamatay.

4:35