Seminary
Mga Gawa 6–9


Mga Gawa 6–9

Buod

Gumawa si Esteban ng malalaking himala sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, ngunit pinagbabato siya ng mga Judio dahil sa kanyang patotoo tungkol kay Jesucristo. Tinuruan ni Felipe ang isang lalaking taga-Etiopia tungkol kay Jesus sa paraang naghikayat sa kanya na maniwala at magpabinyag. Habang naglalakbay si Saulo patungong Damasco upang ipagpatuloy ang pag-uusig sa mga Banal, inihayag ni Jesus ang Kanyang sarili kay Saulo (tingnan sa Mga Gawa 9:3–5). Pagkatapos, tinulungan ni Jesus si Ananias na tingnan si Saulo kung paano Niya ito tiningnan.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Mga Gawa 6–7

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na pagnilayan ang mga paraan kung paano nila mapagpapala ang iba sa pamamagitan ng pagsisikap na sundin ang Ama sa Langit at si Jesucristo, maging katulad Nila, at magpatotoo tungkol sa Kanila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang kanilang mga mithiin para sa programang Mga Bata at Kabataan at isipin kung paano sila nagiging higit na katulad ng Tagapagligtas.

  • Larawan: Larawan ni Esteban

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kapag sinabi sa mga estudyante na isadula ang pagpupulong sa isang ward council, makabubuting pamahalaan ng isa o dalawang estudyante ang council at sabihin sa kanila na tiyaking makikibahagi ang lahat. Kung mas epektibong magkaroon ng higit sa isang council, maaaring ilagay ang bawat council sa breakout room.

Mga Gawa 8

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na pagnilayan kung paano nila magagamit ang mga banal na kasulatan upang matulungan ang iba na maniwala at lumapit kay Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga espirituwal na kasangkapan o kasanayan na nakatulong sa kanila na mas mapaunlad ang kanilang kaalaman sa ebanghelyo. Magkakaroon sila ng pagkakataong ibahagi ang kanilang mga ideya sa oras ng lesson.

  • Mga Item: Isang martilyo at mga pako, isang screwdriver at mga turnilyo, o iba pang kasangkapan

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Matapos pag-aralan ng mga estudyante ang Isaias 53:39 at sagutin ang dalawang tanong tungkol sa scripture passage na iyon, sabihin sa klase na magdudula-dulaan kayo. Gumanap bilang eunuko, at sabihin sa klase na ipaunawa sa iyo ang mga talatang ito. Hikayatin ang ilang estudyante na ibahagi ang kanilang mga naisip.

Mga Gawa 8:1–3; 9:1–20

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglaalyong tulungan ang mga estudyante na pagnilayan kung ano ang ginagawa ng Panginoon upang matulungan silang magbago at magsikap na malaman kung ano ang gusto Niyang ipagawa sa kanila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na kausapin ang isang kapamilya o kaibigan tungkol sa mga paraan kung paano tayo inaanyayahan at tinutulungan ni Jesucristo na magbago.

  • Item: Isang holen o bola

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sabihin sa isang estudyante na pumasok sa klase na may dalang holen. Upang masimulan ang lesson, sabihin sa estudyante na pagulungin ang holen na nakikita ng klase. Pagkatapos ay itanong ang unang dalawang tanong sa lesson.

Mga Gawa 9:10–31

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na makita ang potensyal na nakikita ng Panginoon sa iba sa kabila ng kanilang mga kahinaan at pagkakamali noon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang tanong na ito: “Paano maaaring magbago ang mga ugnayan ko sa pamilya o mga kaibigan kung nakita ko sila sa paraan kung paano sila nakikita ng Tagapagligtas?”

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sa pagtatapos ng lesson, may tatlong tanong, ang una rito ay “Ano ang magagawa mo upang mas makita ang mga tao tulad sa paraan na nakikita sila ng Ama sa Langit at ni Jesucristo?” Maaari mong ipakita ang lahat ng tatlong tanong na ito at sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa at pagnilayan ang kanilang sagot. Pagkatapos ay sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang kanilang mga tanong at mga sagot.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 13

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa ilan sa mga doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na magsanay sa pagsasaulo ng mahahalagang parirala ng doctrinal mastery at mga reperensyang banal na kasulatan sa paraang epektibo para sa kanila. Maaari mong ibigay ang chart mula sa lesson na ito, o sabihin sa kanila na gamitin ang Doctrinal Mastery app kung mayroon nito.

  • Chart: Ang chart ng doctrinal mastery na ipapakita sa pisara o ipamamahagi

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaaring sabihin sa mga estudyante na maghanap ng mga larawan sa halip na magdrowing ng mga larawan. Pagkatapos ay maaaring sabihin sa kanila na i-share ang kanilang mga screen upang maipakita ang nahanap nila. Maaaring hulaan ng magkakaklase ang mahahalagang parirala at scripture passage ng doctrinal mastery na akma sa mga larawan.