Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 12


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 12

Hanapin at Markahan: 1 Corinto 6:19–20 hanggang Apocalipsis 20:12

Hands of young man holding red marking pencil, while reading and studying open scriptures on lap. (horiz)

Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang hanapin at markahan ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng mga doctrinal mastery scripture passage. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng mga pagkakataong hanapin at markahan ang 13 doctrinal mastery scripture passage na matatagpuan sa pangalawang bahagi ng Bagong Tipan.

Pagmamarka ng mga doctrinal mastery passage. Ang pagmamarka ng mga doctrinal mastery scripture passage ay makatutulong para mas madaling maalala at mahanap ng mga estudyante ang mga ito. Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan ang mga scripture passage sa paraang naiiba para madali nilang mahanap. Ang mga estudyanteng gumagamit ng Gospel Library app ay maaari ding gumawa ng tag para sa mga scripture passage na ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Ipagpalagay na nakita ka ng kaibigan mo na nag-aaral at nagmamarka ng iyong mga banal na kasulatan. Pagkatapos makita ang isang pahina na may maraming marka, tinanong ka niya kung bakit ka nagmamarka sa iyong mga banal na kasulatan.

  • Ano ang isasagot mo sa iyong kaibigan?

Maaari mong bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na magbahagi ng iba’t ibang paraan kung paano nila minamarkahan ang kanilang mga banal na kasulatan at kung bakit nila minamarkahan ang mga ito sa ganoong paraan. Ipaalala sa mga estudyante na walang tama o maling paraan sa pagmarka ng mga banal na kasulatan.

Ang pagmamarka o pagsalungguhit sa mga banal na kasulatan ay isang epektibong paraan upang matukoy ang ilang partikular na scripture passage mula sa iba, at mas madali mong mahahanap ang mga iyon sa hinaharap. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong hanapin at markahan ang 13 doctrinal mastery passage na matatagpuan sa pangalawang bahagi ng Bagong Tipan. Upang matulungan kang gawin ito, maaari mong kopyahin ang sumusunod na chart sa iyong study journal.

Ipakita ang sumusunod na chart o magbahagi sa klase ng kopya nito.

Doctrinal Mastery sa Bagong Tipan: 1 Corinto–Apocalipsis

1 Corinto 6:19–20

“Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.”

1 Corinto 11:11

“Sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.”

1 Corinto 15:20–22

“Sapagkat kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.”

1 Corinto 15:40–42

Sa Pagkabuhay na Mag-uli, may tatlong antas ng kaluwalhatian.

Efeso 1:10

“Bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo.”

Efeso 2:19–20

Ang Simbahan ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.”

2 Tesalonica 2:1–3

“Ang araw [ni Cristo] … [ay] hindi darating malibang maunang maganap ang pagtalikod.”

2 Timoteo 3:15–17

“Ang mga banal na kasulatan … [ay] makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan.”

Mga Hebreo 12:9

Ang Ama sa Langit ang “Ama ng mga espiritu.”

Santiago 1:5–6

“Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos.”

Santiago 2:17–18

“Ang pananampalataya na nag-iisa, kung ito ay walang mga gawa ay patay.”

1 Pedro 4:6

“Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay.”

Apocalipsis 20:12

“At ang mga patay ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.”

Doctrinal Mastery

Ipakita ang sumusunod na tatlong tagubilin na susundin ng mga estudyante. Sabihin sa mga estudyante na lumibot sa silid-aralan at makipagtulungan sa mga kapartner upang mahanap at, kung pipiliin nila, mamarkahan ang 13 doctrinal mastery scripture passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa nabanggit na chart. Sabihin sa mga estudyante na magpalitan ng mga kapartner pagkalipas ng ilang minuto.

Para sa unang tanong, maaari kang magbigay ng ilang tanong na pagpipilian ng mga estudyante, tulad ng “Anong uri ng mga awit ang pinakikinggan mo?” at “Anong sport ang nilalaro mo?”

1. Magtanong upang mas makilala ang isa’t isa.

2. Tulungan ang isa’t isa na hanapin ang doctrinal mastery scripture passage at, kung naaangkop, ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Maaari mong markahan ang scripture passage sa iyong mga banal na kasulatan.

3. Ibahagi kung bakit sa palagay mo ay mahalaga ang katotohanan sa mahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Kapag natapos na ang mga estudyante, hikayatin silang simulang isaulo ang mga reperensya at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Isang alternatibong aktibidad

Para sa isa pang paraan upang matulungan ang mga estudyante na makibahagi sa lesson na ito, maaaring magsulat sa mga pirasong papel ng mga tanong na mas nauugnay sa bawat doctrinal mastery passage. Maaaring magpartner-partner ang mga estudyante sa pagsagot sa mga tanong na ito. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng maaaring hitsura nito para sa ilan sa mga doctrinal mastery passage:

1 Corinto 6:19–20 Hanapin ang 1 Corinto 6:19–20 . Maaari mong markahan ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan na “Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.” Tiyaking markahan ang mahalagang pariralang ito sa iyong mga banal na kasulatan.

  • Ano ang paborito mong templo? Bakit?

  • Sa iyong palagay, bakit tulad ng isang templo ang iyong katawan?

1 Corinto 11:11 Hanapin ang 1 Corinto 11:11 . Maaari mong markahan ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan na “Sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.” Tiyaking markahan ang mahalagang pariralang ito sa iyong mga banal na kasulatan.

  • Saan ka nakakita ng mabuting halimbawa ng matibay na pagsasama ng mag-asawa?

  • Bakit sa palagay mo ay mahalaga sa Ama sa Langit ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae?