Seminary
Mga Gawa 4–5


Mga Gawa 4–5

Pagsunod sa Diyos sa Halip na sa Tao

A priest questions Peter.

Sina Pedro at Juan ay dinakip at ibinilanggo dahil sa pagpapagaling at pagpapatotoo sa pangalan ni Jesucristo. Kalaunan ay pinalaya sila at inutusang huwag magsalita o magturo sa Kanyang pangalan. Subalit patuloy na nagpatotoo sina Pedro at Juan tungkol kay Jesucristo, at muli silang dinakip at ibinilanggo. Isang anghel ang nagligtas sa kanila mula sa bilangguan at nagsabi sa kanila na bumalik at patuloy na mangaral tungkol kay Cristo, na siyang ginawa nila. Muli silang dinakip at binugbog ng mga pinunong Judio. Inutusan sila ng mga pinuno na tumigil sa pangangaral tungkol kay Cristo, ngunit sumagot sina Pedro at Juan na dapat nilang sundin ang Diyos sa halip na ang mga tao. Nagalak sina Pedro at Juan na nakaranas sila ng pag-uusig dahil kay Jesucristo. Habang nag-aaral ka ngayon, pag-isipan kung paano mo pag-iibayuhin ang iyong hangaring sundin ang Diyos kaysa sa sinuman.

Bigyang-diin ang halimbawa ni Jesucristo. Kahit hindi tuwirang tumutukoy sa Tagapagligtas ang mga pangyayari sa mga banal na kasulatan, maitutuon mo pa rin ang iyong mga estudyante sa Kanya sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na makita kung paano Niya ipinamumuhay ang alituntuning itinuturo.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga sitwasyon kung saan maaaring mahirap sundin ang Diyos dahil sa mga pamimilit ng iba.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Manindigan sa tama

Ipakita ang mga sumusunod na tanong. Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang ginawa nilang paghahanda para sa klase at pagkatapos ay sama-samang talakayin ang mga tanong. Maaari mong ilista sa pisara ang mga sagot ng mga estudyante sa unang tanong. Maaaring makatulong na balikan ang mga sagot na ito kalaunan sa lesson.

  • Ano ang ilang sitwasyon kung saan maaaring mahirap para sa iyo o sa iba na sundin ang Diyos dahil sa mga pamimilit ng iba?

  • Bakit mahirap ang mga sitwasyong ito?

Sinabi ni Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018):

Official portrait of President Thomas S. Monson, 2008.

Sa buhay natin sa araw-araw, halos walang pagsalang susubukin ang ating pananampalataya. Maaari nating matagpuan ang ating sarili paminsan-minsan na naliligiran ng iba subalit bahagi tayo ng iilan o mag-isa tayong naninindigan sa kung ano ang katanggap-tanggap at ang hindi. May tapang ba tayong manindigan sa ating mga paniniwala, kahit sa paggawa nito ay kailanganin nating maninindigang mag-isa?

(Thomas S. Monson, “Tapang na Manindigang Mag-isa,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 60)

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Paano mo ire-rate ang kahandaan mong sundin ang Diyos sa halip na magpadaig sa mga pamimilit ng iba?

  • Ano ang ilang sitwasyon sa hinaharap kung saan maaaring kailanganin mong piliing sundin ang Diyos sa halip na ang iba?

Habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito, maghanap ng mga katotohanan at halimbawa na makatutulong sa iyo na madama na mas nag-iibayo ang hangarin mong sundin ang Diyos kaysa sa sinuman.

Sina Pedro at Juan ay dinakip dahil sa pangangaral at pagpapagaling sa pangalan ni Jesucristo

Naharap sina Pedro at Juan sa mga sitwasyon na kung saan kinailangan nilang pumili kung susundin nila ang Diyos o magpapadaig sa pamimilit ng iba. Matapos pagalingin ang lalaking lumpo sa templo at mangaral sa pangalan ni Jesucristo, sina Pedro at Juan ay dinakip, ibinilanggo, at tinanong ng mga pinunong Judio (tingnan sa Mga Gawa 3:1–11 ; 4:1–7).

Basahin ang Mga Gawa 4:8–21 , at alamin kung paano tumugon sina Pedro at Juan sa sitwasyong ito. Maaari mong markahan ang mga salita o parirala sa mga talatang ito na sa palagay mo ay mahalaga o nagbibigay-inspirasyon sa iyo na piliing sundin ang Diyos nang higit sa lahat.

2:51
  • Anong mga salita o parirala ang pinakanapansin mo mula sa mga talatang ito? Bakit?

Isipin kung anong aktibidad ang pinakamakatutulong sa mga estudyante na matutuhan ang mga katotohanan ng ebanghelyo na itinuro sa Mga Gawa 5:12–32 . Ang mga estudyante ay maaaring i-assign para basahin ang mga sinabi ng iba’t ibang tao sa salaysay na ito sa banal na kasulatan. Ang mga estudyante ay maaaring i-assign na maging tagapagsalaysay, anghel, kawal, si Pedro, at pinakapunong saserdote.

Basahin ang Mga Gawa 5:12–32 at ipagpatuloy ang pag-aaral mo ng salaysay na ito. Maaari mong markahan ang anumang doktrina, alituntunin, o parirala na mahalaga para sa iyo.

5:38
  • Ano ang nahanap mo?

  • Anong mga katotohanan ang natutuhan mo sa salaysay na ito?

Hikayatin ang mga estudyante na tukuyin ang mga alituntunin sa sarili nilang salita at isulat ang mga ito sa pisara.

Ang isa sa mga katotohanang matututuhan natin mula sa talang ito ay kung pipiliin nating sundin ang Diyos sa halip na matakot sa iba, Siya ay mapapasaatin.

Isipin ang mga sitwasyong natukoy mo sa simula ng lesson kung saan maaaring mahirap sundin ang Diyos dahil sa pamimilit ng iba.

  • Ano ang ilang pagpapala na matatanggap natin sa pagsunod sa Diyos sa halip na matakot sa iba?

  • Ano ang nalalaman mo tungkol sa Diyos na nagbibigay sa iyo ng tiwala na sundin Siya—kahit na pinipilit ka ng iba na huwag sumunod sa Kanya?

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa mga sumusunod na tanong, magbahagi ng mga halimbawa mula sa buhay ng Tagapagligtas na matatagpuan sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” gaya ng iminumungkahi sa tip sa titser. Ang iba pang halimbawa ay nasa karagdagang aktibidad sa pag-aaral na may pamagat na “Mga kuwentong nagbibigay-inspirasyon.”

  • Kailan mo nakita o ng iba ang karunungan sa pagsunod sa Diyos sa halip na matakot sa iba? (Maaari mo ring tukuyin ang mga halimbawa mula sa buhay ng Tagapagligtas.)

Isang makabagong halimbawa

6:26

Nagbahagi si Elder Thierry K. Mutombo ng Pitumpu ng halimbawa ng isang pamilya na piniling sundin ang Diyos sa halip na ang mga tao. Upang mapakinggan ang salaysay na ito, panoorin ang “Kayo’y Magiging Malaya,” na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, mula sa time code na 6:43 hanggang 8:51.

9:53
  • Ano ang pinakahinangaan mo tungkol sa kung paano tumugon ang pamilyang ito sa kanilang mga hamon?

  • Sa iyong palagay, bakit napakahalaga ng pananampalataya ng pamilya kay Jesucristo sa sitwasyong ito?

Pinakawalan sina Pedro at Juan

Pinag-usapan ng mga pinunong Judio kung ano ang gagawin kina Pedro at Juan. Hinikayat sila ng isang iginagalang na pinunong Judio na nagngangalang Gamaliel na palayain sina Pedro at Juan dahil natanto niya na kung talagang ginagawa nina Pedro at Juan ang gawain ng Diyos, hindi ito mapipigilan ng mga pinunong Judio (tingnan sa Mga Gawa 5:29–39).

Basahin ang Mga Gawa 5:40–42 , at maaari mong markahan ang mga salita o parirala na naglalarawan ng nadama nina Pedro at Juan matapos maranasan ang ginawa nila.

  • Ano ang natutuhan mo ngayon na nagbigay-inspirasyon sa iyo na sundin ang Ama sa Langit sa halip na ang mga tao?

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano kung naiiba ako dahil pinipili kong sundin ang Ama sa Langit?

Itinuro ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Final official portrait of Elder Richard G. Scott of the Quorum of the Twelve Apostles, 2004. Passed away 22 September 2015.

Kung minsan, maaari kayong malungkot at maramdaman ninyong hindi kayo nauunawaan—nadarama ko iyan—dahil naiiba kayo sa nakararami. Magpasalamat kayo na nahuhubog kayo ng inyong matwid na pamumuhay upang hindi kayo mapunta kung saan hindi kayo nabibilang. Ito ay pansamantalang panahon ng personal na pagsubok at pag-unlad. Pagdating ng panahon, mapapalitan ito ng mga tunay na kaibigan at ng mas malaking kaligayahan.

(Richard G. Scott, “The Power of Righteousness,” Ensign, Nob. 1998, 68)

Paano ko dapat ipagtanggol ang aking mga paniniwala?

Ipinaliwanag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland. Photographed January 2018.

Maging matatag. Tapat na ipamuhay ang ebanghelyo kahit hindi ito ginagawa ng ibang nasa paligid ninyo. Ipagtanggol ang inyong mga paniniwala nang may paggalang at habag, ngunit ipagtanggol pa rin ito.

(Jeffrey R. Holland, “Ang Halaga—at mga Pagpapala—ng Pagkadisipulo,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 9)

Paano ipinakita ng Tagapagligtas na sinunod Niya ang Ama sa Langit kaysa sa mga tao?

2:57
2:23
3:21

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Pagiging katulad ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa batas ng paglalaan

Sa Mga Gawa 4:31–5:11 , nalaman natin na ipinamuhay ng mga Banal noong panahong iyon ang batas ng paglalaan. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang “ Paglalaan, Batas ng Paglalaan ” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan (scriptures.ChurchofJesusChrist.org) o ang artikulong “Paglalaan at Pangangasiwa” sa Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan (https://www.churchofjesuschrist.org/study/history/topics/consecration-and-stewardship?lang=tgl) upang mas maunawaan kung ano ang batas ng paglalaan. Pagkatapos ay maaari nilang ihambing ang mga paliwanag na ito sa mga salaysay sa Mga Gawa 2:41–47 ; Mga Gawa 4:31–37 ; at Mga Gawa 5:1–11 . Maaari din nilang rebyuhin ang Moises 7:18 at 4 Nephi 1:1–18 . Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nakatutulong sa atin ang pagpapamuhay ng batas na ito na maging katulad ng Tagapagligtas at maipakita ang Kanyang pagmamahal sa iba.

Katapatan at pagtupad sa ating mga tipan

Maaaring makatulong sa mga estudyante na pag-aralan ang salaysay nina Ananias at Safira sa Mga Gawa 5:1–11 , na naglalarawan ng kahalagahan ng katapatan at pagtupad sa ating mga tipan sa Diyos. Ipinamuhay ng mga miyembro ng Simbahan sa panahong iyon ang batas ng paglalaan (tingnan ang naunang aktibidad).

Bagama’t hindi natin nauunawaan kung bakit napakatindi ng kabayaran sa pagsuway nito, alam natin na mabigat na kasalanan ang hindi tuparin ang mga tipan natin sa Diyos (tingnan sa Roma 6:16, 23 ; Doktrina at mga Tipan 78:11–12). Maaari ding pag-aralan ng mga estudyante ang ilang bahagi o ang buong mensahe ni Elder Ronald A. Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol na may pamagat na “Pagtupad sa Ating mga Pangako at Tipan” (Ensign o Liahona, Nob. 2019, 53–56). Maaari mong itanong sa kanila ang tulad nito: “Paano nakatutulong sa atin ang pagiging matapat at pagtupad ng mga tipan para maging katulad ng Diyos?” at “Ano ang nagagawang kaibhan sa mga pamilya at komunidad kapag tinutupad natin ang ating mga tipan?”

Pagkatakot sa Diyos nang higit sa tao

Maaaring makatulong sa mga estudyante ang paghahambing ng halimbawa ng mga sinaunang Apostol sa Mga Gawa 4:8–12, 18–21 at 5:17–32 at ng salaysay tungkol kay Propetang Joseph Smith na pumayag sa hangarin ni Martin Harris na ipakita sa iba ang 116 na pahina ng manuskrito ng Aklat ni Mormon. Maaaring pag-aralan ng mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 3:1–11 upang mabasa ang payo at mga babala ng Panginoon, gayundin ang Kanyang awa sa talata 10 . Ang salaysay na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan na kahit nagkakamali sila, tutulungan, susuportahan, at patatawarin sila ng Panginoon kung handa silang magsisi.

Mga kuwentong nagbibigay-inspirasyon

Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng listahan ng mga kuwento na makahihikayat sa mga tao na sundin ang Diyos anuman ang sitwasyon. Maaari nilang isama ang kuwento mula sa lesson na ito, mga karanasan mula sa sarili nilang buhay, o mga salaysay mula sa mga banal na kasulatan. Maaaring makatulong ang mga source sa ibaba:

Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto upang ibahagi ang kanilang mga listahan sa isa’t isa o sa klase. Maaari ka ring magbahagi ng mga personal na halimbawa na magbibigay-inspirasyon sa kanila.